logo text

Chapter 71 Feelings

Chapter 71
Feelings
Mandy's POV
Bagong araw panibagong katamaran na naman.Gaya nung isang araw maaga ulit ako pumasok.Medyo nasasanay na silang maglinis tuwing umaga at bago mag-uwian.Lagi ko kasi silang binabantayan.
"Hays maaga na naman po ang bantay," pagpaparinig sa akin ni Macoy
"Masasanay na din kayo," sagot ko
Pagkababa ko ng bag ko ay naglakad ulit ako palabas.Bigla akong pinigilan ni Liam dahilan para tignan ko sya.
"Saan ka pupunta? Sama ako!" sigaw nya sa harap ko.
"Sa canteen! Bakit ka ba sumisigaw ha?;" sigaw ko din sa kanya.
"Sama kami!"
"Libre nyo ko!"
"Ako din!" 
Dahil sa narinig ko ay mabilis kong tinanggal ang pagkakagawak sa akin ni Liam at mabilis na tumakbo palayo sa kanila.
Nagkanya-kanya sila ng habol sa akin kaya mas binilisan ko ang takbo ko.Sa paghahabulan namin ay nakalabas kami ng school.
"Why are running?" 
Bigla akong nagulat sa tanong ni Kier sa akin.Bakit hindi ko sya napansin?
"Answer me," utos nya
Sasagot pa lang ako ng marinig ko sila Liam sa likudan ko."Ayun!" sigaw nya
Agad akong nagtago sa likod ni Kier para makatago.Kala nyo ha!
Bigla silang napahinto at agad nag kanya kanya ng tingin sa ibang direksyon.
"Bakit nyo sya hinahabol?" tanong nya sa kanila
"Wala naman hehehehe,naglalaro lang kami diba Mandy?" pekeng ngiting tanong sa akin ni Macoy
"Huh? Mga sinungaling! Hinabol nyo ako kasi gusto nyo ilibre ko ka'yo!" 
Dahil sa sinabi ko ay nag kanya-kanya silang iwas ng tingin.
Humarap sya sa akin kaya napatingala ako sa kanya Ang tangkad kasi!
"Let's go," wika nya bago hawakan ang kamay ko.
Sabay kaming naglakad habang nakawak sa aking kamay.Ito na ba ang sinasabi nilang HHWW?
May napapatingin sa amin pero hindi namin sila tinitignan.Sobrang bilis ng tibok ng puso ko,parang may nagkakarera sa loob.
Pag-akyat namin sa hagdan ay nakita pa namin si Cassie kasama si Tiffany na nagwawalis sa hallway.Gumawa pa ng hugis puso ang dalawa bago kumaway sa amin.Wala namang imik si Kier sa tabi ko.
Lahat sila ay gulat na gulat matapos naming pumasok.Unang beses kasi nila kaming nakitang magkasabay pumasok tapos magkahawak pa ng kamay.
Pagkaupo ko ay agad akong tinabihan ni Xerox at Xyrill.
"Kayo na?" tanong nilang dalawa 
"Kami na ba?" patanong kong sagot sa kanila.
"Aminin mo na kasi! Tayo tayo lang naman makakaalam eh," pabulong na imik sa akin ni Xerox.
Bigla akong napaisip.Hindi naman sya nanliligaw,puro paramdam kasi sya.Ayaw ko mang maging assuming pero minsan iniisip ko na may gusto din sya sa akin katulad ko.
Nitong nakaraang araw ko lang nakompirma na may nararamdaman nga ako para sa kanya.
Hindi ko sila sinagot hanggang sa dumating na ang teacher namin.Music pala kami ngayon.
Hindi na ako nakinig sa music teacher namin dahil napag-aralan na naman namin iyon dati niong trainee pa kami.
"Umamin ka na bago ka pa mahuli," biglang bulong ni Xerox sa akin.
Napakunot ang noo ko sa sinabi nya.Anong ibig nyang sabihin sa mahuli?
Lumipas ang oras na lutang ako.Gawa kasi ni Xerox!
Gaya ng nakagawian ay nagluto muli si Via.Dahil andito naman ako ay tumulong na ako sa pagluluto.Kanya kanya sila ng ginagawa habang nagluluto kami pero naagaw ni Kier st Tristan ang atensyon ko.Nag-uusap sila na para bang importanteng importante dahil lumayo sila ng kaunti sa karamihan.
Ano kaya ang nasa isip nila?
"Fix your problem first before ask her," seryosong sabi ni Tristan kay Kier.
Sabay silang napatingin sa akin,mukhang naramdaman nila ang presensya ko na kadadating lang.
"Kakain na tayo," pag-aya ko sa kanilang dalawa.
Sabay silang tumango bago sumunod sa akin.Masagana kaming nakipag-video call pa kami sa kambal na ngayon ay nasa South Korea na para umattend ng short training.
"Susunod kami dyan,wag kayong mag-alala," saad ni Ariane bago tumabi sa akin.
"Kumain ka ng marami.Nawala lang ako saglit namayat ka na" natatawa nyang saad sa akin
"Kapal mo naman!" sagot ko sa kanya.
"Namayat na 'yan?" natatawang tanong ni Ethan dahilan para samaan ko sya ng tingin.
"Manahimik ka dyan!" 
Kinahapunan ay kinausap ng kaniya-kaniyang coach sila Liam at Via.Simula daw bukas magtetraining na ulit sila.Malapit na kasi ang finals.
Hinarap kami ni Sir Ivan habang may dala itong papel."May gaganaping field trip on November 19,iniadvance para makasama ang ibang student na busy sa club lalo na ang MAPEH club which is ang club na kinabibilangan nila Mandy.Before that,on November 15 and 16 is your examination day.I give it to you para makausap nyo na ang inyong mga parents or guardian." pagpapaliwanag nya sa amin.
Si Ariane ang namigay ng mga papel.
Payagan kaya ako ni Kuya?
Kulang na lang lagyan ko ng posporo ang mga mata ko para huwag itong pumikit.Antok na antok na ako tapos idagdag mo pa ang teacher na walang bukang bibig kundi ang kanyang naging buhay dati.
"Class dismissed."
Dalawang salita na syang nakapagpabuhay sa dugo ko.Uwian na!
Kanya kanya silang unahan sa paglabas ng classroom.Lalabas na sana ako ng may humawak sa braso ko.
"Bakit?" takang tanong ko kay Kier.
"Sabay na tayo,may sasabihin din ako sa'yo."
Natigilan ako dahil sa sanabi nya.Tumango lang ako kahit naguguluhan,ano kayang sasabihin nya?
Sabay kaming naglakad.Napapatingin sa amin ang ibang estudyante.Ngayon lang ba sila nakakita ng dalawang basag ulo?
Tumigil kami sa tapat ng kanyang sasakyan.Nakatingin ako sa kanya,nag-aabang ng kanyang sasabihin.
"Look...." pag-uumpisa nya.
Hindi ko mawari kung anong emosyon ang nakikita ko.Namumula ang kanyang mga tenga tapos hindi makatingin ng diretso sa akin.Anong meron?
"....I want to say something but before that please hear my story first.I'm sorry for what I did when we first met at Miggy's Store.I just did that for a dare and to shut up Xerox.But after that kissed i felt something towards you to the point that I want to own you.I taught I never experience this kind of emotion again,the last time was with Cassie."
Kahit naguguluhan sa sinasabi nya ay tumatango ako.Pakiramdam ko pa dudugo na ang ilong ko dahil sa mga sinasabi nya.
".....I'm sorry for being ashhole and bastard.I'm nervous because of you....I'm afraid to show you the real me because I know I'm a demon I did a lot of bad things in the past and I'm already regretting.I hope you accept me.......the real me if one day I show you my true personality."
Halata sa hitsura nya na hindi sya nagbibiro.Seryoso sya at mapapansin mong takot nga sya.
Hinawakan nya ang mga kamay ko.Seryoso sya at halatang may sasabihin pa.Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan sa kung anumang sasabihin nya.
"I.....love....Yvette?"
Nawala ang tinatago kong ngiti dahil sa sinabi nya.Binitawan nya ang mga kamay ko at agad akong nilagpasan.
Sinundan ko ang pinuntahan nya.Isang babaeng sa tingin ko ay ilang taon ang tanda sa amin.Naiyak sya habang kausap si Kier.Napatingin pa sya sa gawi ko pero mabilis din ibinalik kay Kier.Bigla itong nagalit base sa nakikita ko.
Mabilis na bumalik si Kier sa pwesto ko akala ko kakausapin ako yun pala ay sasakay sya.Sumunod sa kanya yung babaeng kausap nya.Mabilis na umalis sa harapan ko ang sasakyan ni Kier,hindi na nya ako napansin dahil nagmamadali sya.
"Matapos nyang magdrama sa harapan ko tapos aalis lang ng walang paalam tch!" 
Umuwi akong mag-isa.Naabutan ko si Tita Nelia na nagliligpit sa sala.
"Andito na po ako!" masigla kong wika.
Napatingin naman sya sa akin."Oh....andito ka na pala.Magpalit ka na doon sa taas at magmiryenda ka na muna."
Tumango lang ako.Agad akong nagpalit ng damit sa kwarto ko bago lumabas.Inihagis ko kung saan ang dala kong bag bago tuluyang makalabas.
"Tita... nakauwi na po ba si Kuya?" tanong ko sa kanya.Nakaupo ako sa sofa habang nilalaro ang unan.
"Hindi pa nga eh.Ansabi sa akin noong tumawag kanina ay may inaasikaso lang daw sya,personal daw." Sabi nya.
Tanging tango lang ang sinagot ko sa kanya.Ibig sabihin hindi pa alam ni Tita ang tungkol sa asawa nya?

Komento sa Aklat (17)

  • avatar
    Skyler Jane Cortez Tecson

    Sana may part ll pa nakaka excited po nang subra

    23/05

      0
  • avatar
    Alexis Mae Villegas Vargas

    Maganda yung storyyyyy

    13/03

      0
  • avatar
    Cely Bautista Andres

    ganda

    15/05/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata