logo text

Chapter 67 Sponsors

Sponsors
Mandy's POV
Apat na araw....apat na araw na mula nung nangyari ang insidenteng iyon.Alam kong napapansin nila na may kakaiba sa akin pero hindi sila nagtatanong na syang ipinagpasalamat ko.Wala ng iba pang makakaintindi sa akin ngayon kundi si Cassie at sila Xerox na nakasaksi sa nangyari.
Ganun pa din si Xerox at Tristan pagdating sa school na animo'y walang nangyaring barilan nung Sabado.Si Kier naman ay hindi pa rin pumapasok mula noon.
Nasa gymnasium kami ngayon.Dito kami magpapractice dahil last day na ngayon.Bukas ng gabi malalaman kung may maeeliminate na.
Sa kalagitnaan ng pagpapractice namin ay biglang sumulpot si Vixen.
"Everyone!" pagtawag nito sa amin.
Natigil kami sa pagsasayaw at agad na lumapit sa kanya."Bakit?" bungad ko.
"The school and the sponsors told me to say to all of you na you don't need to worry about the props,costumes,outfits and other stuffs that you need in your performance. They say na sayang ang performance nyo kung hindi pabobonggahin ang inyong bawat performance. Here's the place and persons that you need to contact if ever na kailanganin nyo ang tulong nila specially para sa mga outfits."
Nanlalaki at gulat na gulat sila sa binalita ni Vixen.Kinuha ko yung mga calling cards na iniabot nya sa akin.
"You can try it.May time pa naman kayo para makapagpractice." sabi nya bago umalis.
Nagtatalon naman sila Nicole sa sinabi ni Vixen.Sayang saya ang mga bruha!
Pansin ko ang kakaibang saya at energy nila ngayon.Pagsapit ng lunch ay inaya ko na sila sa mall kung saan nakatayo ang mga store ng mga taong nasa calling card.
Akala ko nung una hindi kami papapasukin ng guard buti na lang alam na nila na darating kami anytime.
"Good morning mga Ma'am!" masiglang bati sa amin ng mga sales lady ng isang boutique.
"Good morning din po." bati namin.
"Nasaan po si Miss Opelia?" tanong ko sabay abot nunh isang card.
"Nasa office po,sige wait lang tatawagin ko," paalam nya.
Naglibot-libot ang iba habang iniintay si Miss Opelia.
"Andito na pala kayo mga dear!" masiglang bati sa amin ni Miss Opelia pagkalabas nya sa kanyang opisina.
Katulad kanina ay bumati din kami pabalik.Pinakita nya sa amin ang mga kulay at design na sarili nyang likha.Nakabase din pala ang mga iyon sa theme ng performance namin.
Dahil ako daw ang leader kuno nila ay ako ang nag explain ng theme ng aming performance. Sinabi ko din ang mga idea ko sa mga outfits namin.Sa huli napagkasunduan na silver at white ang aming outfits sa pangalawang kanta habang kanya-kanya na kaming pili ng aming outfits para sa unang kanta
Sunod namin pinuntahan ang isang salon kung saan mag-aasikaso sa amin sa pag-aayos sa aming buong mukha at buhok.
Inabot na kami ng gabi sa kakausap at kakapili ng aming mga gagamitin.Hindi na kami pumunta sa isang store para sa mga props dahil wala naman kaming gagamiting props sa aming performance.
Dumiretso kami sa isang fastfood.Kaagad umorder sila Nicole at Ava habang kami ay naiwan.Nakapwesto ako sa tabi ng bintana.
"Nga pala Mandy,hindi ka binabanas sa suot mo?" takang tanong ni Rachelle sa akin.
Nagkatinginan kaminh dalawa ni Cassie dahil sa tanong nya.Winawari kung anong isasagot ko.
"Hindi naman.Trip ko lang 'to." palusot ko.
Buti na lanh dumating na yung dalawa kaya nalibang na sila.Kanya-kanya kaming kain walang nagsasalita.Ilang araw na kaming busy sa pagpapractice to the point na wala na halos gumamit sa amin ng selpon.
Dahil nga napagod kami sa pag-aasikaso ng mga gagamitin napagdesisyunan na namin umuwi.Hinintay ko kuna bago makasakay si Cassie ng jeep papuntang condo nya bago ako mag-antay ng sasakyang jeep pauwi sa amin.
Sa kalagitnaan ng paghihintay ko ay may tumigil na isang motor sa harapan ko.Saka ko lang sya nakilala nang tanggalin nya ang kanyang suot na helmet.
"Let's go," aya nya sa akin bago iabot ang isang helmet.
Kahit naguguluhan ay tinanggap ko ang helmet.Sasabay na ako,magiging praktikal na muna ako dahil mahirap bumyahe kapag gabi.
Halos lumipad ang motor sa tulin nyang magpatakbo.Alam kong may paggkasiga ako minsan pero may kinatatakutan pa rin naman ako.Halos yumapos na ako sa kanya dahik sa bikis ng aming takbo.Ramdam ko din ang pananakit ng aking brasong nadaplisan ng bala.
Lutang pa ang utak ko ng makababa ako sa motor.Sya na ang nagtanggal ng suot kong helmet.Saka ko lang narealize na nasa bahay kami kung saan sila nagtagpo-tagpo kahapon.
"Anong ginagawa natin dito? Uuwi na ako baka pagalitan ako sa bahay," pursigido kong saad sa kanya.
"No I already told Arkanghel thay you will sleep here." sagot nya na syang ikinalaki ng aking mga mata.
Gusto kong magreklamo pero walang lumalabas sa bibig ko.Sa huli sumunod na lang ako sa kanya.Napakunot ang noo nya nang mapatingin sya sa brask ko na nagdudugo.
Dumugo pala?
"Sit there and wait for me," utos nya.
Ako namang si masunurin ay umupo sa sofa na itinuro nya.Pagbalik nya may dala na syang first aid kit.
"Hubad," seryoso nyang utos.Hindi mo sya mahahalataan ng ilang.
Nagets naman nya ang itsura ko kaya pina-akyat nya ako sa taas para magpalit ng sandong binigay nya.Saka ko lang napagtanto na kanya pala ang suot kong sando.Jersey pala nya iyon,mah nakasulat pang Zavierre sa likod.
"Bagay sa 'yo lalo na ang apelyido ko." nakangiti nyang sambit.
Bigla naman akong nakaramdam ng init dahil sa sinabi nya.Pakiramdam ko nangangamatis na ang buo kong mukha.
Nakangiti syang ginamot ang daplis ko.Pinalitan din nya ng benda.Malalim din pala ang tinamo kong daplis kaya pala ganun na lang kung dumugo ito.
Dinala nya ako sa kwarto nya sa bahay na ito.Ngayon ko lang nalaman na may kanya kanya silang kwarto dito kahit si Kuya.
Naiwan ako sa kwarto nya.Hindi nagtagal ay bumalik sya may dala syang pagkain.
"Let's eat," pag-aalok nya sa akin.
Tumango lang ako.Sinabayan nya ako sa pagkain,walang nag-iimikan.Marami akong gustong itanong sa kanya pero hindi ko magawa.
Pagkatapos naming kumain ay inihatid nya ako sa kanyang kwarto.Sya na daw ang maghuhugas ng aming pinagkainan.
Lumipas ang ilang oras pero hindi pa sya bumabalik na syang ipinagtataka ko.Inintay ko sya hanggang sa makatulog ako.Naalimpungatan ako dahil biglang may yumapos sa akin.
May nakapasok?!
Nawala ang kaba ko ng makita ko kung sino ang katabi ko.Si Kier nakayakap habang natutulog.Pinagmasdan ko ang hitsura nya maramjng hikaw sa tenga,may hikaw sa kilay at naka messy hair.
"Are you inlove with me now?" bigla nyang tanong kaya napaipod ako ngunit hinigit nya ako pabalik sa kanya.
"Bitaw! Yari ka kay Kuya!" singhal ko sa kanya.Sa halip na matakot ay tinawanan nya lang ako.
"Bakit andito ka?" muli kong tanong
"Because this is my room.",
Hindi ako nakaimik sa sinagot nya.Tama naman sya kwarto nga nya ito.
" Kier....." tawag ko sa kanya.Bigla syang tumingin sa akin ng nakangiti."......may gusto lang akong itanong.Bakit ganyan ka? Nakakaanibago ka kasi malayong malayo ka sa nakilala kong Kier nung una kong pasok sa school."
Sa wakas naitanong ko din.
Napansin ko ang pagbabago sa kanyang itsura.Bigla syang naging seryoso tulad noong nagkasagutan kami sa school.
"You don't like me right?" tanong nya
Hindi agad ako nakasagot sa kanya.Bakit kasi ganun ang tanong?
Bigla syang tumayo at naglakad palabas nang hindi tumitingin sa akin.May nagawa ba ako? May nasabi?

Komento sa Aklat (17)

  • avatar
    Skyler Jane Cortez Tecson

    Sana may part ll pa nakaka excited po nang subra

    23/05

      0
  • avatar
    Alexis Mae Villegas Vargas

    Maganda yung storyyyyy

    13/03

      0
  • avatar
    Cely Bautista Andres

    ganda

    15/05/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata