Homepage/Luna of Section Beast/
Chapter 63
Back to School
Chapter 63
Back to School
Mandy's POV
Mula ng makabalik ako sa bahay nila Kuya ay tahimik ako.Sa tuwing lalapit ako sa kanya ay agad syang lumalayo.Nalaman ko din na wala dun sila Tita dahil nakalipat na ito sa bahay na pinagawa nila ng boyfriend nya.Sinabi sa akin ni Tita na naghahanda naman ang nanay ni Cassie sa kasal nila ng boyfriend nya.
"Buti pumayag si Cassie" saad ko bago pumunta sa lababo.
"Hindi ko alam.Pero sa totoo lang pamangkin hindi ako boto sa Carlos na yun hinahayaan ko lang ang Tita mo dahil pansin ko dun sya masaya." sabi ni Tita sa akin.
Kami lang dalawa ang nasa bahay dahil bumalik na sa condo nya si Cassie habang si Kuya ay maagang pumasok sa trabaho.
Gumayak na ako sa pagpasok.Napangiti ako ng wala sa oras dahil sa nangyari nung weekends Halos dito na matulog ang buong section namin dahil madaling araw pa lang andito na sa amin tapos hatinggabi na umuwi.Dito nagsleepover ang mga babae,umuwi lang sila kaninang madaling araw.
Nalaman kong ayos na si Ariane at Mia na syang ikinatuwa ko ng palihim.Hindi ko kayang harapin si Ariane dahil sa inasal ko nung isang araw.
Nadaan lang nila ako sa pagkain na dala nila na syang ikinangiti ko.Napatingin naman ako sa hairpin na bigay sa akin.Kinuha ko iyon at isinuot.Tumingin ako sa salamin upang tignan kung maayos ang pagkakalagay.
"Ang ganda mo talaga!" sabi ko sa aking sarili
Saktong baba ko sa hagdan ay nakasalubong ko si Kuya.Halatang badtrip ito,may tinatawagan ito sa kanyang selpon pero hindi nya makontak.
"Tangna!" Inis nyang wika bago mabilis nyang binato ang kanyang selpon sa sahig bago ilagay sa ulo ang mga kamay.Dumiretso sya sa kusina na hindi ako napapansin.
Linapitan ko ang kanyang selpon at tinignan iyon.Nagulat ako sa nakita ko.Kailan pa nagkaroon ng asawa si Kuya?!
Ibabalik ko na sana sa pagkakalagay sa sahig ng bigla itong tumunog.May nagmessage! Ayaw ko man buksan pero aksidente ko iyon nabuksan.
Yung babaeng nakita ko sa picture ay nakidnap!
Bigla akong nataranta ng marinig ang mga yabag ni Kuya.Dali dali akong lumabas ng bahay at tumakbo papuntang shortcut.
Hindi ko na alam kung paano ako nakarating sa school dahil sa nakita ko kanina.Bakit ba lagi na lang akong may iniisip?
Pagkarating ko sa building namin ay nagulat ako ng may magpatak sa akin ng upos ng sigarilyo.Umatras ako ng kaunti at tumingala para tignan kung sino ang talimpadas na nagtapon nun.
Halos umusok ang ilong ko ng makitang si Damunyo ang may gawa.Nakangisi pa ito bago muling magsindi ng sigarilyo.
Sa halip na makipagtitigan ay dumiretso na ako sa hagdan.Pagdating ko sa third floor ay napatigil ako,nakakapanibago.Halos walang tao sa hallway,pasimple kong sinilip ang bawat classroom pero puro babae ang nandun.Nasaan ang mga lalaki?
Magpapatuloy pa sana ako ng tumunog ang bell senyales na umpisa na ng klase.Muli akong umakyat papuntang floor namin.Pagdating ko sa upuan ko ay puno ito ng mga pagkain....at bulaklak?
Itatanong ko pa sana kay Liam kung kanino iyon galing pero pumasok na ang teacher kasunod nya si Kier.
Wala na akong nagawa kundi umupo sa aking upuan.Agaw pansin ang mga ito kaya pati ang kasunod naming subject teacher ay napapatingin.
Kasabay nang pagring ng bell ay tumayo ako at dinala palabas ang mga bulaklak na nasa lamesa ko.Dumiretso ako sa likod ng building namin at agad naghanap ng pagtataniman ng mga bulaklak.
Gamit ang matitilus na kahoy ay naghukay ako ng lupa na sasapat para sa isang bulaklak.Halos sampung butas ang ginawa ko at agad kong itinanim ang mga bulaklak.Kumuha ako ng tubig mula sa cr ng first floor para ipandilig sa mga halaman.
"Kaysa itapon kita,aalagaan na lang kita." nakangiti kong wika bago umalis.
"Saan ka galing?" takang tanong ni Ethan kasama nya si ....Tiffany?
"Dyan lang sa tabi." sagot ko bago dumiretso sa upuan ko.
Nagbukas ako ng isang balot ng tinapay at mabilis na kinain yun.Habang kumakain ako ay rinig ko ang mahihina nilang parinig.
Kumuha ako ng ilang balot mula sa ibabaw ng laesa ko at mabilis na tumayo."Paghati-hatian nyo na yan." sabi ko.
Mabilis naman silang nagtakbuhan palapit sa lamesa ko.Buti na lang dala ko ang bag ko.Ganung eksena ang naabutan nila Kier at Tristan.
"What's happening?" kunot noong tanong ni Kier.
Walang sumagot sa mga lalaki.Pasimple nilang tinago ang mga pagkaing kinuha nila mula sa lamesa ko.
"Binigay ko sa kanila yung mga pagkain na nasa ibabaw ng lamesa ko.Sayang kasi baka hindi ko maubos."sagot ko sa kanya.
"I buy that for you.Why did you give it?" sita nito sa akin.
Nagulat ako sa sinabi nya.Bakit nya ako binilhan ng mga pagkain? Ganun na ba ako katakaw?
"Bakit anong masama? Sinabi ko bang bilhan mo ako ng pagkain? FYI may pambili ako kaya di ko kailangan ng libre mula sayo.Saka sharing is caring." sagot ko sa kanya.
"Go Mandy!"
"Ipaglaban mo kami kay kamatayan!"
"Salamat!"
"Mamuhay ka ng masaya!"
Dinig kong sabat nila.Mahihina iyon pero sapat na para marinig ko.
"Tch." tanging sagot ni Kier bago ako higitin palabas.
"Hoy! Saan tayo pupunta?" takang tanong ko sa kanya.Nakasalubong pa namin si Ariane kasama sila Ava.
Hindi sya sumagot.Nagpatuloy pa sya sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa rooftop.Bigla akong kinabahan dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko at mahirapan sa paghinga.Naalala ko,dito nangyari yun.Muntik na akong mamatay sa lugar na ito.
Takang napatingin si Kier sa akin.Naguguluhan ang hitsura nya."Hey,are you okay?" nag-aalalang tanong nya.
Namamawis ng malamig ang mga palad ko.Napatingin sya dun dahilan para mas lalong mapakunot ang kanyang noo.
"A-a....yaw k-ko di...t-to.." nahihirapang sambit ko.
Mukhang naintindihan nya dahil inakay na nya ako palabas ng rooftop.Ilang minuto pa bago bumalik sa normal ang tibok ng puso ko at ang paghinga.
"Here." saad nya bago iabot sa akin ang isang bottled water.
"Why are acting like that?" tanong nya matapos kong uminom.
Sinamaan ko sya ng tingin.Akala ba nya umaarte lang ako."Hindi ako umaarte!"
Bigla naman akong napaisip.Hindi ba nya alam ang nangyari sa akin? Pero ang natatandaan ko nagpunta silang lahat sa hospital para dumalaw nung panahong nasa ICU pa ako.
"I won't asked you if I know the reason." masungit nyang sagot sa akin.
Kahit maguguluhan ay ikinuwento ko pa rin sa kanya ang lahat ng nangyari.Kasama na dun ang naging gulo sa pagitan namin at ng section Beast.
"And Tristan didn't do anything?" galit nitong tanong.
Bakit naman kailangan si Tristan pa ang makipag-ayos eh hindi naman sya ang may gawa.
"Ewan ko sa'yo!" inis na sambit ko bago tumayo.
"Hey!" sigaw nya sa akin.
Hindi ko sya pinakinggan,Nagdire-diretso ako sa paglalakad hanggang sa hawakan nya ang braso ko.
"I want to asked something." bungad nya.
Ano naman kaya yun?
"Ayusin mo ha?!" singhal ko sa kanya.
"Yes Ma'am!" sagot nya.
"Anong itatanong mo?" tanong ko sa kanya.
Nakatingin sya sa ulo ko bago magtanong"Where did you get that hairpin"?
Bigla naman akong napahawak sa ulo ko,kinapa-kapa ko ang hairpin na nakakabit doon.
"Ahh ito? Bigay lang sa akin nung batang mayaman nung bata pa ako." sagot ko sa kanya
Napatingin ako sa kanya.Nakangiti sya."Bakit ka nakangiti?" takang tanong ko.
"Nothing I'm just happy." sagot nya.
Gulo nya!I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (17)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Sana may part ll pa nakaka excited po nang subra
23/05
0Maganda yung storyyyyy
13/03
0ganda
15/05/2025
0Tingnan Lahat