Homepage/Luna of Section Beast/
Chapter 59
Bad Memories
Mandy's POV
Lunes na at tanghali na ako bumangon,nagbabaka sakaling wala na sila Kuya at Mama sa bahay.Panay tunog naman ang selpon ko,tawag nang tawag si Ryan mula kagabi para mambwiset.
Matapos ang event nung Biyernes ay agad na akong sinundo ni Kuya Ruel,hindi na ako nakasama kina Ariane para magcelebrate.
Kinausap ako ni Lolo kagabi,gusto na nya akong ibalik kina Kuya na syang ikinatutol ko.Wala akong nagawa,saka lang daw nila ako ulit kukunin kapag magka-ayos na kami ng kinilala kong ina.
Kung dati mas gusto ko sa bahay nila Kuya kaysa kina Lolo pero ngayon baliktad na.Ayaw ko na sa bahay nila Kuya dahil puro kasinungalingan lang ang naranasan ko dun.
Dahan dahan akong gumayak para walang makaalam na aalis ako.Naligo at nagsuot na agad ako ng uniform para makasibat na ako.
Para akong magnanakaw sa inaasta ko dito sa bahay nila Kuya.Lalabas na sana ako sa bahay nila ng may tumawag sa akin.
"Sumabay ka na sa amin." utos sa akin ni Kuya.
Himala tirik na ang araw andito pa sya.
"Oo nga anak sumabay ka na sa amin,sabay na rin kayo ni Cassie pumasok ngayon." suhestyon naman ng TITA ko.Mama ni Cassie
Akala ko ba may sarili silang bahay? Bakit andito ang mag-inang 'to?
Hindi ako kumibo.Tinignan ko lang sila habang mga nakaupo sa kanilang mga pwesto.Wala na pala dito si Ava.
Hindi na sana ako lalapit sa kanila ng lumabas si Tita Nelia mula sa kusina."Mandy...anak sumabay ka na sa amin ng agahan."
Wala na akong nagawa kundi lumapit sa kanila.Hindi ko kayang tanggihan si Tita Nelia dahil sya ang nagbigay nang pagmamahal na parang isang tunay na ina.
Inilapag ko sa tabi ko ang bag ko at agad na nagsandok.Kakain na ako para makaalis na ako.
"Nga pala ang galing mo nung Biyernes,nanood kami nila Ate kasama ang Tito Carlo mo." masigla nitong saad sa akin.Tumayo sya sa kanyang upuan at kumuha ng ulam at gayak na ilalagay sa aking plato pero iniwas ko kaya natapon sa lamesa.
"Mandy." seryosong suway ni Kuya sa akin
Hindi ko sya pinansin sa halip ay nagpatuloy ako sa pagkain.Hindi ko sila pinapakinggan.
"Nga pala ana-..."
"Huwag mo akong tawaging anak dahil hindi naman kita tunay na ina." pagputol ko sa sasabihin nya.
Kita ko naman ang pagkagulat ni Cassie at ang sama ng tingin ni Kuya sa akin.
Mabilis akong tumayo at agad na kinuha ang aking bag.Hindi pa ako nakakalayo ng maramdaman ko ang hawak nya sa aking kamay.
"Bitaw..." madiin kong utos.
"....bumitaw ka bago ko tuluyang kalimutan na minsang kitang naging nanay."
Ramdam ko ang pagluwag sa aking kamay kaya dumiretso na ako palabas.
Hindi pa ako tuluyang nakakalabas ng gate nang may humawak ulit sa akin.
"Sinabi na kasing bumitaw ka eh!" sigaw ko.
Napatigil naman ako dahil si Kuya pala ang nasigawan ko.Kung normal na araw lang ito ay makakaramdam agad ako ng takot dahil sa tingin nya pero hindi eh galit ang nararamdaman ko sa kanila dahil sa sinekreto nila.
"Don't raise your voice on me.Bakit ka ba nagkakaganyan ha?" sita nya sa akin
Sarkastik naman akong tumawa." Bakit hindi nyo pa ba alam ang dahilan? Oh baka naman nakalimutan nyo na nagsinungaling kayong lahat sa akin?" tanong ko.
Tinignan ko ang nanay ni Cassie."Kaya ba ayaw na ayaw mo akong maging idol dahil ayaw mong nasasapawan ang anak mo? Hindi ba?! Kaya ba against ka sa mga pinaggaga-gawa ko dahil hindi mo matiim na mas magaling ako kay Cassie sa lahat ng bagay?! Pero hindi nyo alam.....hindi nyo alam na mas maswerte si Cassie kaysa sa akin dahil kahit wala syang kinikilalang tatay may nanay naman syang nagmamahal sa kanya,kahit hindi sya ganun kagaling sa lahat ng bagay may mga sumusuporta at may nagmamahal naman sa kanya sa lahat ng lugar na ginagalawan nya.Hindi nyo ba alam na ilang beses na ako napahamak dahil sa kanya....ako ang tinuturo ni Kier na girlfriend nya kahit hindi totoo dahil ayaw nyang masaktan si Cassie! Ako lagi ang sumasalo ng mga nang-aaway sa kanya noon dahil hindi ko matiim na sinasaktan sya ng iba dahil akala ko kapatid ko talaga sya!.....Habang ako heto.....walang nanay na nag-aalaga walang tatay na pumoprotekta.Pati lolo ko dinamay nyo sa kasinungalingan nyo kaya pala ayaw nyo akong makita ang tatay ko dahil naka higa pala sya sa hospital! Ngayon sabihin nyo kung bakit ako nagkakaganito....buong buhay ko puro kasinungalingan!...Paano nyo nagawa yun?"
Habol ang hininga ko ng matapos ako sa panunumbat sa kanila ng aking sama ng loob at mga hinanakit.Naiyak si Cassie ganun din ang nanay nya at si Tita Nelia habang si Kuya ay seryosong nakatingin sa akin.Wala akong makitang emosyon sa kanya.
Kinuha ko ang oportunidad na iyon para makaalis ako.Pinupunasan ko ang mga luha ko habang naglalakad papuntang school.Iyak parin ako ng iyak habang naglalakad.
"Nasaan na ba ako?" tanong ko sa aking sarili habang patuloy parin sa pag-iyak.
Lilinga linga ako nagbabakasakaling makakita ng kakilala.Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa mapadpad ako sa lugar kung saan kami nakipag-away ni Ariane bago ako masaksak.
Sa halip na dumiretso sa school ay sumakay ako ng jeep papunta sa dati naming bahay.Dalawang bayan ang layo nito sa bahay nila Kuya kaya medyo malayo ito.
Nakatulala lang ako buong byahe.Pagkababa ko ng jeep ay agad din akong nakasakay papunta sa mismong bayan na tinirhan namin dati.
"Para po." pagpara ko sa driver.
Pagkababa ko ay napapatingin ang iba sa akin.Sino ba naman hindi mapapatingin sa akin eh naka uniform ako tapos class hours pa.
Napagpasyahan kong lakadin na lang kaysa sumakay,wala na rin kong pera.Napahawak ako sa bag ko ng marating ko ang bahay namin dati.Dito ko naranasan ang mga karahasan ng kinilala kong ina.
~~~FLASHBACK
"Makinig kayong dalawa sa akin ha? Lalo ka na Mandy,huwag na huwag mong hahayaan na magalusan ang Ate mo.Yari ka sa akin kapag nagkataon" banta ni Mama.
"Opo" sagot ko bago ko ayain si Ate.
Pagdating namin sa school naabutan namin sila Gino at Miko sa may gate.
"Late na naman tayo,ambagal nyo kasi." bungad sa amin ni Gino.
Agad ko syang inambahan ng kutos pero nakailag.Nahati kami sa dalawang grupo,kasama ko si Gino dahil magkaklase kami habang sila Ate at Kuya Miko ay magkaklase din.
"Good Morning Grade 3 Mabini!" masiglang bati sa amin ni Ma'am.
"Good Morning Mrs.Lat" sagot naman namin.
Nagtuloy-tuloy ang klase.Kita ko pa ang pasimpleng pagtulog ni Gino sa upuan nya.
"Anong baon mo?" tanong agad ni Gino sa akin ng makalapit ito.Tanghalian na kasi namin.Dito lang kami sa room namin kumakain.
Alinlangan akong napangiti sa kanya.Nagluto ako ng itlog kaso sunog pa,nakalimutan kasi ni Mama akong ipagluto."Itlog na pinirito."
Napatawa naman sya ng makita ang ulam ko kaya bigla akong napahiya.Tinakluban ko ang baunan ko at mabilis na tumakbo palabas ng room namin.
Napadpad ako sa tambayan ko.Likudang bahagi ito ng school namin at tanaw dito ang labas ng school.
"Grabe amibilis mo naman tumakbo para kang si flash."
Nagulat ako dahil nasundan ako ni Gino.Dala nya din ang pagkain nya.Umupo sya sa tabi ko at agad kinuha ang panyo ko bago ilatag sa damuhan.Inilagay nya naman doon ang mga pagkain nya ganun din ang pagkain ko.
"Wag ka ng iyakin lalo kang pumapangit.Heto oh hati na lang tayo ulit sa baon ko." wika nya bago ako ayain kumain.
Sabay kaming kumain.May mga oras na inaasar nya ako pero hinahayaan ko.
"Paglaki ko papakasalan kita."
Bigla akong napatakip sa bibig ko dahil sa sinabi ko.Nanlalaki naman ang kanyang mata,halatang nagulat.
"Ikaw ha....may gusto ka pala sa akin." nakangising asar nya sa akin.
"Hindi no!" dipensa ko na syang ikinatawa nya.
===
"Hala Ate napano ka?" tanong ko kay Ate.
"Wala 'to.Huwag kang maingay baka makita pa 'to ni mama lalo tayong lagot." paalala nya sa akin bago pumasok sa aming bahay.
Napatigil ako sa pagkukulay kulay ng marinig ko ang boses ni mama.Tinatawag nya ako.
"Mandy!!!!!" pagtawag nito sa akin.
Mabilis naman akong tumakbo sa kanila.Malawak ang ngiti ko ng makita ko si Mama,may dalang pasalubong.
"Mama!!" masaya kong salubong sa kanya pero agad din yun nawala ng haklitin nya ang braso ko at hilahin ako palabas ng bahay namin.
"Diba sabi ko sa'yo wag na wag mong hahayaang masugatan ang Ate mo? Bakit hindi mo sya ipinagtanggol ha?!" galit nitong tanong sa akin habang hawak ang panga ko.
"H-hindi ko po alam na nasugatan sya." natatakot kong sagot sa kanya
"Aba't sumasagot ka pa ha?!" sigaw nito sa akin.
Mabilis nyang tinanggal ang kanyang suot na sintron at agad nya iyon ipinalo sa akin.
"Ma tama na po!" pasigaw kong pagmamakaawa habang umiiyak
"Hindi ako titigil hangga't hindi ka nagtatanda!" wika nya.
Ilang beses nya akong pinalo hanggang sa magsawa sya.Ramdam ko ang hapdi sa balat ko.Pumasok sya sa bahay at mabilis na isinarado ang pinto ng bahay namin.
Patakbo akong lumapit sa pintuan at pinagkakatok ko ang pintuan.Nakailang katok ako pero walang nagbubukas hanggang sa sumilip si Cassie sa bintana.
"Ate papasukin mo 'ko." naiyak kong pakiusap.
Tumango sya bago umalis sa may bintana.Bumalik naman kaagad ako sa may pintuan hanggang sa magbukas ito.Kita ko si Cassie na binubuksan ang pintuan namin,nakatingkayad sya dahil mataas ang door knob isabay mo pa na mabigat ang pintuan namin.
Gayak na papasok ako pero nahuli kami ni Mama.Mabilis nyang isinarado ang pintuan dahil sa kagustuhan kong makapasok ay iniharang ko ang kaliwa kong kamay kaya naipit ito.
"Ahhh!!!!!"
Hawak hawak ko ang aking kaliwang kamay na naipit,dumudugo ito habang naglalakad palayo sa bahay namin.Pupunta ako kina Tita Nelia.
Natigil ako sa paglalakad ng may humarang sa akin,batang lalaki.Mukha syang mayaman base sa suot at sa mga kasamay nya.
May iniabot ito sa akin.Isang parisukat na box."Ipinabibigay ni Damon,'wag ka na daw umiyak."sabi nito sa akin.
"Young Master tara na po,may theraphy pa po kayo." sabi nung isang lalaki.
Bakit ang galang nya?
Dahil hindi kumibo yung bata ay napatingin yung magalang na lalaki dun sa sasakyan.Bumaba doon ang isang magandang babae,kasing edad lang nya siguro si Mama.
Lumapit ito sa pwesto namin,napatingin naman sya doon sa box na binigay nung bata.Lumuhod ito para pumantay sa bata.
"Hijo....anak let's go na.Malapit na tayong malate." malambing na sabi nito.Mama nya?
Nagulat naman ako ng bigla itong sumigaw at tumakbo papuntang sasakyan.May sinasabi ito pero hindi ko naintindihan dahil english.
"Someday you will understand hija." sabi nito sa akin bago tuluyang umalis.
Napatingin naman ako sa hawak ko.Sino yung bata?
~~~END OF FLASHBACK
Mabilis kong tinuyo ang mga luha ko.Napatingin ako sa kaliwa kong kamay at dahan-dahan kong tinanggal ang band aid doon.
Andun pa rin ang peklat nung sugat dahil sa pagkakaipit sa pintuan namin.Hindi ko noon napansin ang sugat buti na lang may nagmagandang loob na dalhin ako sa pagamutan.Sinabi ko din noon na naaksidente ako sa pagbabike dahil nakita nila yung bakas ng paglalahataw ni Mama ng sintron sa akin.
"Bakit ko nga pala inaalala yun?" natatawa kong tanong sa aking sarili.
Bigla kong naalala yung batang nagbigay ng kahon sa akin.Natatandaan ko nang makauwi ako sa amin ay itinago ko iyon mula kay Mama,alam ni Cassie kung kanino galing yun.Tinulungan nya pa akong hanapin kung sino yung batang nagbigay at kung sino si Damon pero hindi namin nahanap.
"Nawala ko yung hairpin.Magkikita pa kaya kami nung bata,ni Damon?" tanong ko sa aking sarili.
Saka ko lang narealize na maraming Damon sa mundo at isa na doon ang kinaiinisan kong Damunyo.
***
Hindi na ako nakapasok kahapon dahil gabi na ako nakauwi.Walang nakakita sa akin sa bahay nung umuwi ako.
Kung kahapon tanghali na ako ngayon ay sakto lang.Hindi na ako nagpaalam sa kanila.Lahat sila nakatingin sa akin mula sa kusina.
Muli akong dumaan sa eskinitang dinaanan namin ni Michael dati.Bigla kong naalala ang kambal sa lugar na 'to.
Napapatingin naman sa akin ang mga estudyanteng naglalakad.Ngayon lang sila nakakita ng dyosa na naglalakad sa school?
Dumiretso ako sa room namin dahil naiilang na ako sa mga tingin nila.Pagkarating ko sa room ay dumiretso ako sa upuan ko at agad nagsalpak ng earphone sa tenga ko.Buti na lang nakapagdownload ako ng mga kanta.
Nakataklob sa mukha ko ang panyo ko habang nakatingala sa kisame.Gising ako at ramdam ko ang tao sa paligid ko.Pasimple kong hininaan ang volume ng kanta.
Bigla akong napamulat ng may magtanggal ng panyo sa mukha ko.Si Cassie ang nagtanggal.
Sinamaan ko sya ng tingin."Ano na naman ang kailangan mo?"
"Gusto ko lang na malaman kung saan ka nagpunta kagabi." mahina nyang tanong.
"Anong pake mo kung saan ako nagpunta kagabi? Hindi naman kita KAPATID at wala na kayong pake ng NANAY MO kung saan ako pupunta o kung anong oras ako uuwi dahil KAMAG-ANAK ko lang kayo!" dire diretso kong sagot sa kanya.
Kita ko sa mga mata nya ang lungkot at ang mga luha na anumang oras ay papatak na.
"Mandy...." umpisa nya.
Bigla syang lumapit at hinawakan ako habang umiiyak.Mabilis ko naman iniwasiwas ang kamay ko dahilan para matumba sya.
"What's happening here?" nagtatakang tanong ng bagong pasok na si Kier.Kasama nya si Xerox at Tristan.
Napatingin sya kay Cassie na nasa sahig.Bigla akong nakaramdam ng takot.Hindi ko alam kung saan nagmumula iyon,nilibot ko ang tingin ko sa paligid at taka ako sa mga reaksyon nila lalo na ng mga lalaki.
Napakunot lalo ang noo ko ng makita ang hitsura nya.Kailan pa sya nagsuot ng hikaw sa tenga at sa kilay? Ibang ibang aura nya ngayon kaysa sa huli naming pagkikita.
Mas lalo akong naguluhan sa tinanong nito sa akin."What happen to you Cassie?......What did you do?.....And who are you?"I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (17)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Sana may part ll pa nakaka excited po nang subra
23/05
0Maganda yung storyyyyy
13/03
0ganda
15/05/2025
0Tingnan Lahat