Homepage/Luna of Section Beast/
chapter 51
Restricted
Chapter 51
Restricted
Ariane's POV
Isang araw na ang nakakalipas pero hanggang ngayon tulog pa rin si Mandy.Andito kami ngayon ng kagrupo ko sa practice room,walang nagsasalita sa amin.
Gustuhin ko man na dumalaw ay hindi na pwede,pinagbawalan kami ng lolo nya na dumalaw.Alam ko naman na bawal pumunta sa lugar na iyon hanggat hindi naililipat ang pasyente sa kwarto ng hospital,restricted ang lugar na iyon dahil private property iyon ng pamilya nila Mandy.Originally sa pamilya nila Luke ang hospital na iyon pero ngayon ko lang nalaman na nagshare ang mga Anderson sa hospital na iyon para patayuan ng gayung lugar,kahapon ko lang nalaman ang tungkol sa bagay na iyon.Kahapon ko din nalaman na dun kami naglagi ni Mandy a year ago.
"Ariane" tawag sa akin ni Scarlet habang nakahawak sa balikat ko.
"Huh? May sinasabi ka?" tanong ko sa kanya.
"Okay ka lang ba? Kanina ka pang ganyan.'Wag ka nang mag-alala alam naman natin namalakas yun si Mandy,magigising din sya" sabi nya sa akin bago ako ngitian.
"Okay ako.Ano nga yung tinatanong mo?" pag-uulit ko.
"Sabi ko sino ang naghahandle dun sa dalawa,kay Stacey at Tiffany" tanong nya.
"Si Dani....hindi kasi pwede si Vixen dahil nagdonate sya ng dugo kay Mandy" sagot ko.
Tumango lang sya bago kami bumalik sa pagpapractice.Hanggang ngayon mailap pa rin sa akin si Ava.
Nang matapos ang dalawang beses na practice namin ay tinawag ko si Ava.
"May problema ba? Bakit umuiwas ka sa akin?" tanong ko sa kanya.Kita ko naman ang gulat sa mukha nya.
"Wala......walang problema.Nahihiya lang ako sa inyo.....dahil sa inasta ng mga kaklase natin.Nakokonsenya din ako dahil hindi ko man lang kayo naipagtanggol nun kay Kyle at sa iba." mahabang paliwanag nya.
Hinawakan ko sya sa balikat at nginitian sya "Ano ka ba? Labas ka na dun"
Tumango at ngumiti lang sya sa akin.Biglang umaliwalas ang mukha nya,parang nabunutan sya ng tinik.
"Tara balik na tayo sa practice"
Cassie's POV
"Cassie,talaga bang hindi tayo pwedeng pumunta kay Mandy ngayon?" tanong ni Rachelle sa akin.
Tumango ako."Oo,restricted kasi ang lugar na yun.Kahit sila Kuya at ang lolo nya ay bawal dun,mga pinagkakatiwalaang Doktor lang ang pwede dun.Buti nga nakatagal tayo dun kahapon eh" paliwanag ko sa kanila.
"Ay ganun,kung ganun kailan tayo pwedeng dumalaw?" tanong ni Nicole sa akin.
"Baka kapag nagising na sya,ililipat kasi sya ng normal na kwatro kapag nagising na sya." muli kong sagot.
Matapos nun ay pinatugtog ko na ulit ang kanta ng ipeperform namin.Ilang practice pa ang ginawa namin bago tuluyang magpahinga.Alas kwatro na ng hapon kaya paniguradong awasan na.
"Maya maya na tayo pumuntang canteer,marami pang tao dun panigurado." suhestyon ni Nicole.
Sumang-ayon naman kaming dalawa.
"Tara kina Stacey" pag-aya sa amin ni Nicole.
"Anla ayoko,tatarayan lang tayo ng isang yun" sabi nya bago naupo sa sahig.
"Tara na,titingnan lang natin kung nakapag practice sila ng ayos ngayon" pamimilit ko sa kanya.
Wala na syang nagawa ng ako na ang nag-aya.Pagkalabas namin ay agad naming tinahak ang practice room nila Tiffany.
Pagtapat namin ay hindi ko agad binuksan ang pinto.Sinilip ko muna ito at tama nga ako hanggang ngayon nagpapractice pa rin sila kasama si Dani.
Humarap ako sa kanila at nag-aya."Tara na,busy pa sila.Nagpapractice pa sila kasama si Dani"
"Akala ko si Vixen ang kasama nila ngayon" nagtatakang tanong ni Nicole.
"Hindi pwede si Vixen.Ang alam ko kasi ay kinukuhaan pa sya ng dugo para maisalin kay Mandy." sabi ko.
Nanlaki naman ang kanilang mata.
"Talaga? Buti naman may nahanap na donor ng dugo si Mandy." masayang saad ni Nicole
Wala na kasi sila nung lumabas ang result kung pwedeng magdonate si Vixen.Buti na nga lang may nahanap kaagad kami.
"Kapatid ba ni Mandy si Vixen?" biglang tanong ni Rachelle sa akin.
Taka naman napatingin si Nicole sa akin.
"Oo nga.Akala ko ako lang nakakapansin,kayo din pala" hindi makapaniwalang sabi nya.
Hindi na ako nagulat sa tanong nila dahil sanay na ako.Kahit nung nasa South Korea pa kami maraming nagtatanong kung related ba silang dalawa sa isa't isa pero ang tanging sagot nila ay hindi.
Halos lahat ng kilos at expression nila ay magkaparehas.The way they dance and perform on stage ay parehas.
"Hindi ko alam.Pero kung magkapatid man sila edi maganda,may ate na kami" nakangiting sabi ko sa kanila.
Tumango lang sila bago nagpaalam na pupunta kina Ariane.Pagkalabas nila ay agaf nawala ang ngiti ko.
Marami nang nagtatanong tungkol sa kanilang dalawa pero hindi ko masabi ang totoo.Hindi pwedeng sabihin ang totoo dahil iyon ang bilin nila Kuya sa akin.
11 years ago ay naaksidente sila mama kasama si tita at ang asawa nito dahil sa Sasaeng fan ni tita at dun ko din nalaman ang totoo.Pauwi na sana sila nun ng South Korea dahil galing silang bakasyon ng mangyari ang insidenteng iyon.Simula din nun ay nagbago si mama kay Mandy.
Ang alam ko walang matandaan si Mandy sa nangyari sa kanila nun.Bukod sa masyado pa syang bata nun ay natrauma sya kaya nalimutan nya ang pangyayaring iyon.
Nabalik ako sa wisyo ng marinig ko ang selpon ko.Si Ariane tumatawag.
Hindi ko na iyon sinagot at agad nagpunta sa practice room nila.Nakaupo silang lahat sa sahig ng pumasok ako.
"Kanina pa kitang tinatawagan ayaw mong sagutin,tapos pinatayan mo pa ako" bungad nya sa akin.
Ngumiti lang ako bago magdahilan."May ginagawa kasi ako"
"Bakit ka nga pala natawag?" pag-iiba ko sa usapan.
"Nagpadala ng mga guards si Mommy ganun din ang lolo ni Mandy para sa ating dalawa.Kaya expect na malalaman nila ang mga gala at ginagawa natin" sabi nito sa akin.
Napatango ako sa sinabi nya.Mukhang pinababantayan na nila kaming dalawa.Matapos nun ay dumiretso na kami sa canteen para kumain.Sa iisang lamesa na kami nagsama-sama.
Nang makaupo ako sa upuan ay pansin ko kaagad ang maaliwalas na mukha ni Ava,nakikipag-usap na rin sya kay Ariane.
"Sasabay sa atin si Dani" pag-uumpisa ni Ariane.
Mabilis naman nagtanguan ang iba,lalo na si Nicole. Parang kinikilig ito ng malaman nya na kasabay namin si Dani.
"Ayan na pala sya" sabi ko sa kanila ng makita ko itong papalapit sa amin.
Agad tinaboy ni Nicole si Rachelle para makaupo si Dani sa tabi nya.Hindi sya nabigo dahil doon umupo si Dani.
"Hindi ka nagda diet?" tanong ni Tiffany sa kalagitnaan ng pagkain namin.
Tumingin sa kanya si Dani habang nakaturo sa kanyang sarili.Tumango lang si Tiffany.
"Hindi,hindi naman kasi uso yun sa amin nila Vixen" sagot nito bago magpatuloy sa pagkain.
"Hindi kayo pinagbabawalan ng company nyo? Diba karamihan kasi sa idol strikto pagdating sa diet" tanong naman ni Scarlet.
"Ikaw pala" nakangiting tugon nito kay Scarlet.
"Actually pinagbabawalan kami kaso wala silang magawa.Every time na nakain kami ng marami ay agad kaming tinitimbang ng fitness instructor namin pero normal pa rin ang timbang namin.Namemaintain din namin ang timbang namin dahil sa mga ginagawa namin like dancing." paliwanag nito
"Nga pala kamusta si Mandy?" tanong naman nito sa amin.
"Wala pa.....hindi kasi kami pwedeng pumunta doon.Nag-aabang pa kami ng balita sa mga pinsan nya." sagot sa kanya ni Ariane bagk tumayo.Tapos na pala sya.
"Ay sya mag-iingay kayo.Lalo na kayong dalawa.Kayo din mag-iingat din kayo" paalala nito sa amin.
Sabay sabay na din kaming lumabas ng canteen. Pero natigil din kami ng tawagin kami ni Dani."Nga pala muntik ko ng makalimutan.Wala ang mga judges sa first elimination round kaya inadjust na ito.Sa October 8 na gaganapin ang first elimination kaya take your time" nakangiti nyang wika.
"Bakit saan sila pupunta?" takang tanong ko.
"May concert ata na magaganap at kasama ata ang Pilipinas.Hindi ko alam kung sila Vernon or kami ang magkoconcert.Wala pang final statement about dun kaya isecret nyo muna.Mag-aayos sila ng sched at mga lugar na pupuntahan." paliwanag nito bago tuluyang magpaalam.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (17)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Sana may part ll pa nakaka excited po nang subra
23/05
0Maganda yung storyyyyy
13/03
0ganda
15/05/2025
0Tingnan Lahat