Homepage/Luna of Section Beast/
Chapter 50
Critical
Chapter 50
Critical
Liam's POV
Pagkadating nung Timothy ay agad kaming nag-alisan sa school.Hindi ko alam kung sino ang maglilinis ng mga kalat dito pero hindi na iyon ang inisip ko.Nag-aalala ako kay Mandy at sigurado akong ganun din ang iba sa amin.
Sumakay ang mga babae sa sasakyang dala ni Timorhy habang kami ay nahati sa tatlong grupo.Sunod sunod kaming nagsakayan sa sasakyan at agad na umalis.
"Alam kong nagmamadali ka Kier pero dahan dahan naman baka sa pagmamadali natin ay mauna pa tayo kay Mandy." sabi ni Ethan habang nakakapit ng mahigpit sa tabi ko.Ambilis kasing magpatakbo.
Sa pagtagal namin sa byahe ay syang pagiging pamilyar ng daan sa akin.Lahat kami nagkatinginan ng maunawaan kung saan kami pupunta.
"Dito lang pala sa hospital nyo kambal dadalhin si Mandy,akala ko naman kung saan na" naiiling na sabi ni Ethan habang naglalakad papasok.
Lahat ng tao sa hospital ay napapatingin sa amin Sink ba naman kasi ang hindi mapapatingin,puro nakasando na lang kaming puti tapos may bakas pa kami ng dugo.
"Saan kayo dyan pupunta?" tanong ni Timothy sa amin.
"Sa information desk?" patanong na sagot ni Thea.
"Nasa ER pa sya ngayon kaya bilisan nyo" sabi nito sa amin.
Lahat kami ay nagsimulang tumakbo.Kahit yung kasamahan nila Mandy sa pagpeperform andito din.
Napatigil kami sa pagtakbo ng harangin kami ng nga guard sa pintuan.Mga naka formal attire ang mga ito.Nang silipin ko ang sunod na pinto ay mas maraming bantay.Ano ba naman?!
"Padaanin mo na kami sir, please!" nagmamakaawang sabi ni Xyrill.
"Oo nga po,kaibigan at mga kaklase naman kami ni Mandy" pagsakay ni Via.
Lahat kami nakiusap pero hindi natinang ang mga bantay.Si Timothy lang ang nakapasok sa amin,even Kier,Tristan,and Xerox ay hindi rin nakapasok.
Napaupo na lang kami sa sahig habang sila Mia ay patuloy sa pagpipilit aa guard.Kahit kasi sabihin ni Timothy na kilala kami ni Mansy ay ayaw parin kaming patuluyin.
Nagulat ako sa sigaw nila Thea ng suntukin ni Kier ang pader at mabilis na kwelyuhan ang guard.
"Hindi mo pa rin ba ako papasukin ha?!" gakit na tanong nito."Kailangan kami ni Mandy!"
"Pasensya na kayo.Iyon ang utos sa amin,huwag magpapapasok ng mga kaklase nya sa loob." sagot nung guard.
"And why? Kilala kami ng lolo nya." inis na tanong ni Xerox.
"Hindi ko po alam.Sinusunod ko lang ang utos ng Chairman"
Lahat kami napatingin sa loob ng matanaw namin sila Ariane at Cassie kasama si Arkanghel at ang nanay nito.Kasunod nila si Ryan at Dennis.
"What's happening?" tanong ni Tristan.
Walang sumagot sa kanya sa halip ay nagsalita ang isa oang doktor na kasama nila.
"Lumabas na ang result Mr.Anderson and sadly walang nagmatch sa inyo.Ang tanging possible na lang na makamatch nya ng dugo ay ang parents nya." malungkot na sabi ng doktor.
Kita ko naman ang mga kasama ko na natigilan dahil sa kanilang narinig.
"A-anong mangyayari kung ganon? Ano ba kasi ang kalagayan ni Mandy?" tanong ni Cassie.
"Hindi pa stable ang pasyente...." sabi nito.
Napaiyak naman sila Mia sa narinig ng doktor.
".....Natahi na ni Doctor Joyce ang mga sugat nya kung saan nagtamo sya ng tatlong saksak isang 5cm,3cm,at 2cm.May bakas din ng pagkakasakal sa leeg nya bukod pa dun ay unstable pa rin ang paghinga nya dahil sa pagkakasakal sa kanya at sa maraming dugo na nawala sa kanya.May isang bag kami na isinalin sa kanya pero hindi iyon sapat para mapalitan ang mga dugong nawala." mahabang paliwanag nung doktor na lalaki.
"K-kung ganun.....hindi pa sya ligtas?"
"Yes....kaya kailangan natin humanap ng blood donor as soon as possible."
"Pero hindi rin maaari si mama...."
Agad akong napatingin sa sinabi ni Cassie.
".......B+ ang blood type nya.Parehas kami kaya alam ko."
"Wala ang tatay nya,nasa malayong lugar." sabat naman ni Dennis.
Lahat kami ay napatingin kay Mrs.Madrigal,ang nanay ni Arkanghel nang magsalita ito."May isa pa akong kapatid.Baka pwede syang kuhaan ng sample"
"Pero ma!" suway ni Arkanghel.
"Pwede ba natin syang kuhaan ng sample?" magalang at medyo mabagal na tanong ng lolo ni Mandy.
Tumango lang ito bilang sagot.
"Hindi sya pwedeng kuhaan." pagpigil ni Arkanghel.
"Bakit?" tanong ni Cassie.
"Naka coma sya ngayon......silang dalawa ng asawa nya."
"Then we need to find immediately ng blood donor na ka match nya." huling sabi ng doktor bago uto tuluyang umalis.
Napahawak naman sa ulo si Kier dahil sa narinig nya.Hanggang ngayon hindi mo pa rin makikita ang emosyon nya.
Tahimik kami habang nasa labas ng okyupadong lugar ni Mandy.Nalaman namin na restricted ang parte ng hospital na ito,medyo tago din ito sa mga tao.Kahit ang kambal hindi ito alam.
Lumipas na ang dalawang oras,wala si Kier dito pero andito pa rin kami,kahit si sir andito na din.Lahat kami ay naalarma ng lumabas ang isang nurse habang tumatakbo.
"Anong nangyayari?!" tanong ni Joyce dun sa nurse.
"Doc ang pasyente humihina ang pulse rate!" sabi nito.
Mabilis naman pumasok si Joyce dala ang lab coat.Maraming doktor na din ang lumabas pasok ganun din ang mga nurse.
"Kailangan na natin humanap ng blood donor,unti unti ng bumibigay ang pasyente" bungad ng doktor kina Mr.Anderson.
Papasok na sana ito sa loob ng may magsalita."AB negative ako,pwede ba ako magdonate?"
"Vixen!"
"Sigurado ka?"
"Salamat!"
Sari saring bulong na narinig ko.
"Let's go para ma test ka kung pwede ka magdonate" tawag sa kanya ng doctor bago tuluyang pumasok.
***Kier's POV**
I'm mad at myself right now.I can't do anything to help her to lessen the pain she feel.And now knowing she's in critical condition makes me frustrated.
I stopped thinking when Tristan tapped my shoulder. "She will be fine,Vixen was there to donate blood"
"So?" he's questioning me while smirking.
"So?" I asked him with confusion.
"....You are already inlove with her,right?" he asked me.
I didn't answer him.Every time I see her nagiging panatag ako.May mga araw na pumapasok ako sa school na mainit ang ulo at beast mode pero kapag nakita ko na sya nawawala na agad ang galit ko.
"Sa tingin mo sino ang may gawa nito sa kanya?" I asked him while looking inside the hospital.
"Hindi ko alam,malabong kaaway mo ang may gawa nito dahil hindi sila papasok sa teritoryo mo ng basta basta." sagot nito sa akin.
"There's another person I suspected." wika nito.Napatingkin ako sa kanya.
"Who?"
"I heard na malaya pa ang mastermind sa pagkakakidnapped sa kanila a year ago.I think sya kasi wala naman ibang magbabanta ng ganun kay Mandy lalo na at nasa teritoryo mo ito." paliwanag nito sa akin.
Napatango ako sa sinabi nya at agad napaisip.Kung ganun kailangan pa rin niyang mag-ingat ganun din yung dalawa.
***Someone's POV**
Kunot noo akong pumasok sa bahay ng kapatid ko.Hindi ko gusto ang ginawa nya sa kaibigan ko.
"Oh! Sissy,what are you doing here?" malawak na ngiti nyang tanong sa akin.
"Bakit mo ginawa yun?! Kaibigan ko yun......ano bang ginawa nyang masama sa'yo ha?!" galit na sigaw ko sa kanya.
Natigilan ako ng bigla itong tumawa ng malakas,tawang nakakatakot.
"She deserved that.Kulang pa iyon dahil hindi pa ako tapos,may dalawa pang natitira na malapit lang sa akin." wika nya bago ako ngisian.
Hinawakan ko ang braso nya nang makalagpas ito sa akin dahilan para manlaglag ang mansanas na hiniwa nito.
"Dahil sa ginawa mo nasa peligro ang buhay nya! Bakit ka ba nagkakaganyan ha?!" frustrated na sigaw ko sa kanya.
Tumingin sya sa akin bago tanggalin ang kamay kong nakahawak sa braso nya."Marami.......marami silang ginawa sa akin.Sinira nila ang pangarap ko! Silang magkakagrupo......nag-uumpisa pa lang ako at sisiguraduhin kong magsasama-sama sila.Nagawa ko na iyon dati at magagawa ko ulit iyon ngayon." desididong sabi nya sa akin.
Nakakunot akong napatingin sa kanya.Naguguluhan ako sa mga sinabi nya.
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Dahil sa kanilang magkapatid nakulong at namatay ang tatay ko! Si Ariane!......inagaw ang atensyon ng kaisa isang bestfriend ko!.....at yung tatlo.....kinuha nila ang dapat ay akin!"
Huminga ito ng malalim bago muling magsalita.
"Sila.......silang lima sinira ang mga pangarap ko.Alam mo ba kung bakit ako sumali sa survival show na iyon?" tanong nito sa akin.
Umiling lang ako bilang sagot.
"Sumali ako sa survival show na iyon dahil sa pangarap.Nag invest ako ng kalahating taon sa pagt-traing pero ano? Naeliminate kaagad ako sa umpisa ng survival show at niloko ako ni Gino....." pag-uumpisa nya habang nakatingin sa malayo.
Nabigla ako sa sinabi nya.Naging sila?
Magsasalita sana ako ng muli itong magsalita.
"....kaya ngayon sabihin mo sa akin mali pa rin ba ang ginagawa ko kung sa una pa lang ako na ang kawawa ha? Kulang pa ang ginawa ko dahil nag-uumpisa pa lang ako"
Hindi ako nakaimik sa mga sinabi nya.Napaupo ako sa sahig nang makaalis ito sa harap ko Nanghihina ako,hindi ko alam kung kanino ako papanig.Sa biktimang si Mandy ba na kaibigan ko o sa kapatid ko na mali ang ginagawa.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (17)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Sana may part ll pa nakaka excited po nang subra
23/05
0Maganda yung storyyyyy
13/03
0ganda
15/05/2025
0Tingnan Lahat