Chapter 49 Found

Chapter 49 "Found"
Kyle's POV
"Amboring naman dito,wala si insan" reklamo ni Xerox.Halatang pinariringgan ako ng isang ito.
"Kaya nga,bakit kasi pinalayas?" pagsakay sa kanya ni Macoy
"Manahimik nga kayo!" suway ko sa kanila.
Bakit,may mali ba sa mga sinabi ko?
Totoo naman ang mga sinabi ko sa kanila.Dahil sa kanya nagiging malambot ulit si Kier,natatakot lang ako na maulit ang nangyari dati.Masyadong malalim at masakit ang ginawa ni Cassie sa kanya at ayoko na ulit makita ang dating Kier na iyon.
Natigil sa pagdadaldalan yung dalawa ng pumasok si Sir.Isang linggo syang hindi nakapasok na syang ikinapagtaka ko.
"I heard what happened between this section last week.Can someone explain what really happen?" tanong agad nito sa amin.
Tumaas si Xerox ng kamay ay agad ikinuwento ang mga nangyari.Nakakunot noo lang si sir habang tumatango.
"Isusumbong nyo ba kami Sir sa pinsan ni Mandy?" tanong ni Xyrill.
"Of course, may karapatan syang malaman sa nangyayari sa pinsan nya.Sya ang guardian kaya may karapatan,besides I know na hindi sya makikialam unless may ginawa kayong alam nyang mali.Hindi sya kunsintidor na pinsan kay Mandy." mahabang saad nito sa amin.
Matapos nun ay bumalik na kaming lahat sa klase.Maghapon na busy kami sa klase dahil puro discuss ang ginagawa ng mga teacher.Ilan lang sa amin ang nakikinig dahil ang iba ay tulog.
Lumipas ang lunch na wala kaming gana.Sino ba naman kasi ang makikinig sa guro na nagkukwento lang ng mga past nya.Tulad ng mga pinasok nyang trabaho bago sya magteacher at kung ano ano pa,inuubos lang nya ang oras sa istorya ng buhay nya.
Pagkalabas ng teacher ay agad akong tumayo at naglakad palabas ng pigilan ako ni Ethan.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Ethan sa akin.
"Kahit saan" sagot ko
Agad akong lumabas.Dumiretso ako sa lugar na bawal dahil busy ang mga taong nandito at exclusive lang ito sa music club.
Malapit na mag-awasan sa loob ng dalawang linggo lagi ko itong ginagawa.Pinupuntahan ko sila bago mag-awasan pero this time napaaga ako.
Pagpasok ko sa loob ay dahan dahan akong naglakad.Mabilis akong napatago sa isang gilid ng makita kong lumabas sa isang silid sila Cassie.
Muntik na!
"Ang aga naman ata natin magbreak?" tanong nung isang babae kay Cassie.
"Ayaw nyo? Sige balik tayo" natatawang sagot nito sa kasama nya.
Nagtatawanan sila hanggang sa makalagpas sa pwesto ko.Hindi pa ako tuluyang nakakalabas ng sumunod namang lumabas sila Ariane kasama si Ava.
"Nauna na sila Cassie magbreak.Di ko lang alam sila Mandy,tutok kasi yun sa practice" pagkwento ni Ariane habang nagpupuyod.
"Seryoso talaga si Mandy sa pagpeperform no?" tanong nung isa nyang kasama.
"Oo dahil nasa dugo na nila ang magperform.Mga sikat ang mga Shin sa South Korea,kilala sila hindi lang sa pagiging mayaman kundi dahil sa angking mga talento nila." Nakangiting sabi ni Ariane aa dalawa.
"Diba artista ang mama nila ni Cassie?" tanong nung isa.
Hindi masyadong naimik sa Ava.Mukhang apektado parin ito sa nangyari.
"Oo dati.Kasabayan sya ng mama ko noon kaso natigil sila nung nagkaroon sila ng anak at asawa.Gusto kasi nila focus sila sa pamilya.Then nagkakilala lang kami ni Mandy nung first year kami."
"Eh bakit ganun? Ansama ng mama ni Mandy sa kanya?" tanong ulit nung isa.
"Hindi ko alam kung bakit" muling sagot ni Ariane bago sila tuluyang makalayo.
Nang masiguradong wala ng tao na lalabas ay dumiretso na ako sa practice room nila Mandy.Dahan dahan akong sumilip sa ibabang bahagi ng pinto,iyon lang kasi ang way para makita ang nasa loob.
Pagsilip kp ay natagpuan ko si Mandy,nakahiga sya sa sahig habang nakatakip sa kanyang mga mata ang isang braso.Dahan dahan kong binuksan ang pinto dahil may sasabihin ako sa kanya pero nataranta ako kaya mabilis ko itong isinara at agad na tumakbo palabas.
Sigurado akong nakita nya ako pero sana naman ay hindi nya ako nakilala.Habol hininga ako ng makaakyat ako sa floor namin ng biglang may magsalita.
"Saan ka galing?" seryosong tanong ni Kier sa akin.
"May pinuntahan lang" sagot ko sa kanya.Tumango lang ito bago pumasok sa room namin.
Sa loob ng dalawang linggo ay parating mainit at nakakunot ang noo nito.Isa na dun ay ang nabalitaan naming hinarang na naman si Mandy at Ariane nung mga kaaway namin sa labas kung saan nalaman din namin na napuruhan si Mandy.Kaya pala nung nagmamop sila ay balot na balot sya.
Maglalakad na sana ako ng marinig ko ang mabilis na yapak sa likudan ko.Si Mandy!
Saglit syang tumingin sa akin bago tuluyang umakyat sa taas.Anong gagawin nya doon? Sa hitsura nya mukha syang may kikitain.
Susundan ko na sana sya ng tawagin ako ni Tristan. Paakyat na din pala si Sir.
Dumiretso ako sa upuan ko at agad na dumukdok sa lamesa.
"Ano na namang klaseng room ito?! Ang dumi dumi puro basura! Nawala lang yung tatlong babae nagkalat na naman kayo!" sigaw nito sa amin.
"Hindi ako magtuturo hangga't hindi kayo naglilinis!" muling sigaw nito sa amin bago lumabas.
"Hay sa wakas! Walang magtuturo ngayon,makakapagpahinga din ang utak at tenga ko" wika ni Macoy bago tumayo at lumabas.
Tumayo naman yung tatlo,si Mia,Xyrill,at Thea.Kumuha sila ng mga panlinis,tinulungan naman sila ni Miggy at Ethan.
"Dun muna kayo sa labas" sabi ni Miggy sa amin habang tinataboy kami.
"Ay grabe parang pinapalayas mo na kami ah" reklaml ni Xerox.
"Wala naman kasi kayong maitutulong dito,manggugulo ka lang" singit ni Xyrill habang nagpupulot ng mga basura.
Pwede naman kasing walisin na lang.Tsk
Lumipas ang oras natapos na sila sa paglilinis kaya pumasok na kami.Saktong pasok ko ay tinanggal ni Tristan ang sigarilyong hinihithit ni Kier.
"Nasaan si Ethan at Miggy?" tanong ni Thea
"Nasa baba nagtatapon ng basura.Bakit?" tanong ko.
"May naiwan pa kasi dito" sabi nya bago ituro yung basurahan na maliit.
Hindi na ako umimik at agad na kinuha ito.Sumunod ako sa dalawa sa baba.
"Naiwan nyo" wika ko dun sa dalawa
"Ay may nai-...." napatigil sya sa sinabi nya ng may malaglag sa pagitan namin."Ano yun?" sabay sabay naming tanong.
Mabilis na lumapit si Ethan sa nalaglag."Selpon lang pala"saad nito.
"Kanino naman yan? Bakit nalaglag?" sunod sunod na tanong ni Miggy.
Kibit balikat lang ang tinugon ko sa kanya."Galing sa taas" sabi ni Ethan.
"Saang taas?" naguguluhang tanong ni Miggy.
"Hindi ko alam pero mukhang mataas ito.Tignan nyo basag basag ang screen at.......may bahid ng dugo?" saad nya.
Naagaw ang atensyon ko sa huli nyang sinabi.Tumingala ako na agad nilang ginaya."Sa tingin nyo aling floor dyan?"
"Sa tingin ko third floor" sagot ni Miggy
"Bakit naman magkakadugo?" tanong ni Ethan
"Tignan nyo na lang kung kanino yan para makabalik na tayo at makauwi na" utos ko sa kanila bago itapon ang basura.
Babalik na sana ako ng matanaw ko sa gate si Vixen at ang papalapit na sila Cassie.Napakunot ang noo ko."Saan sila galing?"
Hindi ko na iyon pinansin at agad na bumalik kung saan ko iniwan sila Miggy.
"Bakit?" naguguluhang tanong ko
"Ayaw magbukas,kailangan ng fingerprint. May missed call na pero di ko makita kung sino ang caller dahil nakalock ito" paliwanag ni Ethan.
"Tara sa taas baka kayang buksan ni Kenzo" suhestyon ni Miggy.
Mabilis kaming umakyat sa taas at agad na hinanap si Kenzo.Mabilis syang lumapit sa amin,ganun din ang iba.
"Anong meron?" tanong ni Tristan
"May nalimot kaming selpon sa baba.Kaso may lock kaya di namin mabuksan." wika ni Miggy.
"Bakit may dugo?" tanong ni Macoy habang naka-akbay kay Kenzo.
"Hindi rin namin alam" sagot ko.
"Anong meron?" tanong ni Xyrill na bagong dating.Kasama nya si Mia at Thea.
"May nalimot kaming sel-"
"Pamilyar sa akon ito.Parang nakita ko na ito dati" pagputol ni Thea sa sasabihin ni Ethan
"Nakita ko na rin yan.Hindi ko lang matandaan kung sinong may-ari nyan" sabat naman ni Xyrill.
Even Kier ay nakatitig lang sa selpon na nasa lamesa.Natigil ang lahat ng tumunog ito.Lumabas sa screen ang picture ni.....Ariane?
"Sagutin mo bilis!" utos ni Miggy kay Ethan.
***"Hello? Mandy nasaan ka?**" tanong nito.Halatang nag-aalala sya.
Hindi ba sila magkasama?
**"Hello?**" sagot ni Ethan.
***"Sino to?**" tanong ni Ariane.
"Bakit nasa iyo ang selpon ng kaibigan ko?"
"Ariane?" patanong ni Ethan.
Sabay sabay kaming napabuga ng hangij dahil sa sinabi ni Ethan.
"Obvious naman si Ariane yun,tatanungin pa" naiiling na bulong ni Kenzo.
"Ethan?" rinig namin.Marami silang nagsalita.
"Bakit nasa iyo ang selpon ni Mandy?" muli nitong tanong.
Sasagot na sana si Ethan ng mamatay ang tawag.Sinubukan buksan ni Kenzo pero ayaw talaga.Fingerprint ang kailangan.
"Tabi!" malakas na sigaw ni Ariane.
Lumapit sya sa amin.Mabilis na kinuha ang selpon kay Ethan at agad nilapat ang kanyang daliri sa scanner ng fingerprint.
Taka kaming napatingin aa kanya.Kahit si Ethan at Tristan napatingin din.
"Nakasave ang fingerprint namin sa selpon ng isa't isa." sagot no Cassie bago tumingin sa ginagawa ni Ariane.
"Cassie......nasa panganib si Mandy." naiiyak na sabi ni Ariane bago ipakita sa amin ang message.
***"Meet me at your building's rooftop "*
Sabay sabay naming basa sa text na natanggap ni Mandy mula kay Timothy.
" Mapapatay ko ang lalaking iyon!" galit na sabi ni Xerox.
"Hindi yan number ni Timothy.Kakabili lang namin ng selpon nya last month,bago ang sim nya." sabi ni Mia.
"Yeah....luma na ito.Ito pa yung ginagamit nya na pantawag nya sa akin dati" wika ni Ariane.
Bigla kong napagtanto nang maalala ko na umakyat si Mandy sa rooftop.
"Nasa rooftop sya ng building na'to! Nakita ko sya kanina paakyat." wika ko.
Mabilis na lumabas sila Ariane na agad naming sinundan.
"Mandy!!!!!" natigil kami sa paghakbang ng marinig namin ang sigaw ni Cassie at Ariane.
"Bilisan nyo na!" sigaw sa amin ni Tristan.
Nabigla ako sa nakita ko.Napakuhod naman sila Mia at ibang babae.Si Kier natulala na lang din.
"Mandy........wag kang bibigay.Malakas ka diba?!" naiyak na wika ni Cassie habang tinatanggal ang tali sa leeg.
Nakasandal si Mandy sa semento habang nakahawak sa sugat nya na patuloy parin sa pag-agos ang dugo.Nagkalat ang dugo sa sahig,namumutla na rin sya.
Nabalik ako sa wisyo ng marinig ang hagulhulan nila.Lalo na ni Cassie at Ariane. Nakahiga na si Mandy sa sahig habang nakapatong ang kamay ni Ariane sa sugat nito,pinipigalan nyang bumulwak ang dugo.
"Tumawag kayo ng doktor!" sigaw ni Xerox.
"What's happening he-.....jusko! Mandy!" napatingin ako kay Sir na nakasilip sa may pintuan.
May tinawagan ito,mukhang si Arkanghel.
Maraming nakabalot sa sugat ni Mandy,puno na ito ng dugo kaya hinubad nila Xerox ang kanilang polo at inilagay sa sugat nito.Puro nakasando na lang ang mga kaklase naming lalaki dahil na kay Mandy na ito.
Naagaw ng atensyon ko si Kier,titig na titig ito kay Mandy.Wala kang mababakas na emosyon sa mga mata nito.Bigla akong nangilabot sa hitsura nya,ganyan na ganyan sya nung iniwan sya ni Cassie pero sa tingin ko mas nakakatakot sya ngayon.
"Ano ba?! Tumawag na kayo ng ambulansya!" sigaw ni Ariane habang tinatawag ang pangalan ni Mandy.
Kinakausap nya itl para hindi makatulog.
"Mandy 'wag kang matutulog........isusumbong kita kay Vixen at Mr.Lee.....isusumbong ko yung mga ginawa mo sa locker natin dati sa basement nung nasa Korea pa tayo......please Mandy wag ka munang matulog." naiyak na wika ni Ariane.
"Ga.......go k-ka.....ba?......E-edi....m-ma.....b-bubu.....k-king ka d-din?" natatawang wika nito.Halatang nahihirapan na ito.
"......'W-wag na.....kayong.....u-umiyak....w-wala pa ako sa kabaong p-para i-iyakan nyo ko." natatawang saad nito.
"Mandy!!" sabay sabay nilang sigaw ng mapaubo na ito ng dugo.
Nasaan na ba kasi ang ambulansya?
Natigil ako sa pag-iisip ng may marinig akong papalapit na helicopter sa pwesto namin.Hindi nagtagal ay natanaw ko na bumaba ito sa mas mataas na bahagi ng rooftop kung saan inilalapag ang mga helicopter sa school na ito.
Unang bumaba sa helicopter ay si Arkanghel,wala ka rin mababakas na emosyon sa mga mata nya.Sunod ay si Joyce,nakalab coat pa ito habang may nakasabit na stethoscope sa leeg nito.
May mga kasama silang nurses na may dalang stretcher.Mabilis nilanh isinakay doon at agad dinala sa helicopter. Sumunod sa kanila si Ariane at Cassie bago tuluyan kaming iwan.
"Arkanghel bilisan mo! Kailangan nya ng madala sa hospital!" sigaw ni Joyce.
Kinakausap ni Arkanghel si Sir Ivan kaya napatingin silang dalawa sa helicopter. Tinapik pa ni Sir ang balikat nito bago mabilis na tumakbo papunta sa helicopter.
Lahat kami nakatanaw ng lumipad na ito.Nakatanaw pa rin kami hanggang sa mawala na ito sa paningin namin.
"Umuwi na kayo" utos ni sir sa amin.
"Hindi po kami uuwi hanggat hindi namin nalalaman ang kondisyon ni Mandy" diretsong sabi nila Ava.
Desidido sila dahil halata sa hitsura nila.Ngayon ko lang napansin na andito rin pala ang mga kagrupo nila sa club.
Napakamot si Sir sa kilay nya bago tumingin sa amin."I know nag-aalala kayo pero hindi ito ang oras para pumunta kayo doon."
"Kung ganun kelan ang tamang oras? Kapag patay na sya?" inis na tanong ni Xerox kay Sir.
"Mr.Quinn! Where's your manners? I'm still your teacher!" suway ni Sir kay Xerox.
"Magsiuwi na kayo" huli ntong sinabi sa amin bago tuluyang umalis
"Anong gagawin natin?" tanong ni Mia.
"May nakakaalam ba kung saan sila pupunta?" tanong ni Via.
Lahat umuling ganun din ako,even Kier."Masyadong masikreto ang mga Anderson when it comes sa mga ganyan.Ayaw nilang may nakakaalam sa mga seryosong nangyayari sa kanilang pamilya." sabi ni Tristan.
"Unless may kakilala tayong malapit sa kanila" dugtong ni Kier.
Lahat kami ay napatingin kay Mia dahil sa sinabi ni Kier.
"B-bakit?" takang tanong nito.
"Call your boyfriend,ask him kung saan dinala si Mandy.Alam kong alam na nya ang nangyari dahil kasama nila Ariane si Vixen kanina"
Tumango ito bago mag dial sa kanyang selpon.Habang nag-uusap sila ay naghihintay lang kami ng lugar kung saan dinala si Mandy.
"Dinala daw si Mandy sa private hospital ng mga Anderson" sabi sa amin ni Mia pagkatapos ibaba ang tawag.
"Saan yun?" naguguluhang tanong ni Liam.
"Ako alam ko" sabi ng kung sino.
Lahat kami ay napatingin sa kanya.....kay Timothy.
Alam kong hangang ngayon may koneksyon parin sya kay Ariane.

Komento sa Aklat (17)

  • avatar
    Skyler Jane Cortez Tecson

    Sana may part ll pa nakaka excited po nang subra

    23/05

      0
  • avatar
    Alexis Mae Villegas Vargas

    Maganda yung storyyyyy

    13/03

      0
  • avatar
    Cely Bautista Andres

    ganda

    15/05/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata