Chapter 48 Danger

Chapter 48
Danger
Mandy's POV
Halos dalawang linggo na ang nakalipas mula nang magsimula kaming magpractice.Sa loob ng dalawang linggo ay tahimik ang buhay ko,walang mga magugulong kaklase.
Malamit ng mag-awasan,quarter to four na kasi.Naisipan nung dalawang magbreak muna kami sandali.Nagreklamo kasi yung dalawa,pagod na daw sila.Wala nga kami masyadong ginagawa at hindi rin pagod ang katawan namin pero kung makapagreklamo yung dalawa akala mo hindi ko sila pinagpapahinga.
Tahimik lang akong nakaupo sa nakahiga sa sahig.Nakatulala sa kisame ng practice room.
Naalala ko na naman ang nangyari nung Friday bago ako pumasok.Katakot takot na sermon ang inabot ko kay Kuya dahil nakalimutan kong sabihin kay Sir yung bilin nya.Dahil dun isang linggo hindi nakapasok si Sir.
Ano kayang nangyari sa kanya?
Napalingon ako sa may pintuan ng may makita akong anino.Kadadaan lang nito kaya nagmadali akong bumangon para silipin.Kaagad kong sinilip ang hallway at putcha! Walang tao!
"Tanghaling tapat minumulto ako" wika ko sa aking sarili.
Dahil dinalaw ako ng takot ay lumabas na ako ng tuluyan.Sinilip ko ang dalawang practice room pagdaan ko gaya namin ay mga nagpapahinga din ang mga ito.
"Saan kaya magandang tumambay?" tanong ko sa aking sarili.
Kalahating oras kasi ang break namin kaya medyo matagal tagal.Ayoko naman pumunta sa canteen dahil tiyak mauubos ang pera.Kailangan kong magtipid para may pera kami ni Ariane,hanggang ngayon kasi nasa condo parin nya kami.
Saktong labas ko ng basement nang maramdaman ko ang pagvibrate ng selpon ko.
***"Meet me at your building's rooftop "*
Napabuntong hininga ako ng mabasa ko ang text niya.Ano kayang kailangan nya? Bakit doon pa?
Pagkabasa ko sa text ay dumiretso ako sa building namin.Lakad pagong ang ginawa ko dahil medyo kinakabahan ako.
Nang marating ko ang third floor ay naalala ko yung mga nangursunada sa akin.Yari kayo sa sa akin kapag nakita ko kayo.
Matapos kong sumilip sa hallway ng third floor ay dumiretso na ako paakyat ng rooftop.Hahakbang na sana ako paakyat ng roopftop nang mahagip ng mata ko si Kyle.Agad akong umiwas sa tingin nya at dumiretso sa taas.
" Ang arte naman ng isang iyon.Dito pa talaga nya kami gustong mag-usap" pagkausap ko sa aking sarili.
Pinihit ko ang pintuan na kumokonekta sa rooftop.Pagbukas ko ay tahimik at walang mababakas na tao.
Dumiretso ako at naglakad-lakad papunta sa gitnang bahagi nito.Medyo nakakaramdam na ako ng kakaiba pero iwinaksi ko ito aa isip ko.
"Wala naman ata yun dito.Yun talaga niloloko lang ako" wika ko sa aking sarili bago kunin sa bulsa ang selpon.
Idadial ko na sana ang number nya ng maramdaman kong may tumama sa likudan ko.Napasubsob ako sa pagkahampas sa akin.
"S-sino ka? Papaano ka nakapasok dito sa school....... at saka bakit nasa iyo ang selpon ni Timothy ha?!" sigaw ko dun sa babaeng may hawak na kahoy.
Buti na lang nagsala sya ng hampas sa akin kung hindi baka nawalan na ako ng malay.
Hindi sya umimik at agad akong kinatitigan.Nahihirapan akong makalayo sa kanya dahil nakasalampak ako sa sahig at nakirot ang likod ko.Kagagaling-galing lang ng likod ko nung isang araw pero heto at nahampas na naman.
Palapit sya nang palapit sa akin habang ako ay paatras nang paatras."Sino ka nga sabi eh?!" sigaw ko dun sa babae.
Sa totoo lang hindi ko sya kilala at ngayon ko lang sya nakita pero ang ipinagtataka ko ay bakit pakiramdam ko ay kilalang kilala nya ako.
The way she looked at me parang gusto nya akong saktan at patayin.Yung tingin nya na parang desidido sya sa gagawin nya.
Hindi ako tumitigil sa pag-atras kahit hirap na hirap na ako sa posisyon ko.Nalasalampak ako sa sahig habang nakatuon ang dalawa kong kamay sa gilid,hawak ko parin ang selpon ko
Nabigla ako nang duruin nya ako."You! You,your sister and your friends. Kayo ang panira sa pangarap ko!......Dahil sa inyo nasisira ang pangarap kong love story para sa kapatid ko!"
Tumingin sya sa akin bago ngumiti,ngiting nakakatakot.
"And now,pagkakataon ko na para alisin sa landas namin ang isa sa inyo.Matagal ko na dapat kayong naligpit kaso hindi ako makalapit dahil sa pesteng pinsan at mga kaklase nyo.Pero ngayon......magagawa ko na ang mga gusto ko.....iisa-isahin ko kayo!"
Dahil sa pagsasalita nya hindi nya agad napansin na nakatayo na ako."Magagawa mo lang ang mga plano mo kung mapapatay mo ako ngayon dito"
Nagulat sya sa nakita nya.Kinuha ko ang pagkakataong iyon para sipain sya sa sikmura na ikinangisi ko.Hindi ako masasabihan nila Vernon ng tomboy at siga kung hindi ako marunong makipag-away.
Sa pagsipa kong iyon ay natumba sya kaya agad akong humakbang palayo sa kanya at mabilis na pumunta sa direksyon ng pintuan.Malapit na ako sa pintuan nang sumigaw ito dahilan kaya napatingin ako sa kanya na dapat ay hindi ko ginawa.Binato nya ako at ramdam ko na may tumama sa ulo ko.
Napaupo ako sa sakit ng maramdaman ko ito.Agad kong hinawakan ang ulo ko at tinignan ang kamay ko na may mga dugo.Kahit nanginginig ay tumayo ako at mabilis na lumapit sa pintuan.
Pero bago ko pa mahawakan ang door knob ay may humigit sa buhok ko."Arghhhhh!!!!!!!"
Napasigaw ako sa sakit dahil sa ginawa nya."Akala mo makakatalas ka sa akin?"

Tanong nya sa akin habang patuloy sa paghigit sa akin.
"Bitawan mo ako!" sigaw ko sa kanya habang pilit na tinatanggal ang kamay nya sa buhok ko.
Sa halip na tanggalin ay itinulak nya ako papunta sa gilid ng rooftop at agad na sinakal sa leeg.Abot langit ang kaba ko ng tumama ang likod ko sa sementong nagsisilbing harang sa gilid dito sa rooftop.
Hanggang bewang ko lang ang harang at halos dalawang dangkal lang ang lapad nito.
Katapusan ko na ba?
Nasa ganun kaming sitwasyon ng magring ang hawak kong selpon.Hanggang ngayon ay hindi ko ito binibitawan.Napatingin sya doon kaya mabilis ko itong inilayo sa kanya,itinaas ko ang kamay ko para hindi nya maabot.
"B-bi-.......bita-.....w-wan mo a-ako" hirap na hirap kong pakiusap sa kanya.Ramdam ko,malapit na akong malagutan ng hininga.
Hindi nya ako pinakinggan sa halip ay mas diniinan at hinigpitan nya ang pagkakasakal sa akin.Kita ko sa mga mata nya desidido syang patayin ako.Mas lalo akong nataranta ng may ipulupot sya na tali sa leeg ko.
Biglang kumabog ng malalas ang dibdib ko nang maalala at mapagtanto na sya at yung babaeng kidnapper namin ay iisa.Dahil sa hirap sa paghinga nabitawan ko ang selpon ko ng walang kamalay-malay.
Mas lalo akong nakaramdam ng kaba nang maramdaman ko ang pagtusok ng kung anong bagay sa katawan ko.Hindi ko ito makita dahil sakal sakal parin nya ako gamit ang isa nyang kamay kahit na nakatali na ang leeg ko.Hindi ko na kayang manlaban dahil nanghihina na ako.
"See this? Ito ang tatapos sa iyo.Walang makakakita sayo dito hanggang sa maubusan ka ng dugo!" parang baliw na sigaw nito sa akin habang nakangiti.
Iniangat nya ang kamay nya na puro dugo,dugo ko.Dalawang beses nya pa ako sinaksak ng hawak nyang talim bago nya ako tuluyang bitawan at iwan.
"One is out and there's two left to kill"
Huling salita na narinig ko sa kanya bago ito tuluyang umalis.Sinubukan kong tumayo para hindi ako tuluyang mabigti pero sa tuwing gumagalaw ako ay bumubulwak ang dugo na nanggagaling sa sugat ko.
Sana may tumulong sa akin.
***Ariane's POV**
Natapos na ang break namin kaya naman ay bumalik na kami sa practice room.Hindi pa kami nakakapasok ng tuluyan nang higitin ni Stacey at Tiffany ang braso ko dahilan para mapatingin aa amin ang kagrupo ko at ang bagong dating na sila Cassie.
"Bakit?" nagtatakang tanong ko
"Did you see Mandy? Kanina pa namin sya hinahanap.Sabi nya 30 minutes lang ang break pero kanina pang tapos ang 30 minutes" tanong sa akin ni Tiffany.
"Baka naman nakain pa sa canteen?" singit ni Scarlet.
"Wala si Mandy sa canteen,kakaalis lang namin dun" sagot sa kanga ni Nicole.
"Eh nasaan?" nagtatakang tanong ni Rachelle.
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba at takot.Isinawalang bahala ko lang ito dahil alam ko hindi sya lalabas ng school
"Baka naman nagpapahinga? Tinignan nyo na ba sa practice room at locker?" tanong ni Ava.
Napatingin ako sa kanya kaya napaiwas sya nang tingin sa akin.Mula nung nagkagulo sa room namin ay iniiwasan na nya kami.
"Hindi nagpapahinga si Mandy kapag may practice.Hindi sya naalis ng practice room kung magpapahinga lang din dahil natutulog ito sa sahig ng practice room" paliwanag ni Cassie.
"Baka may pinuntahan?" pagsingit ni Scarlet.
Napatingin ako kay Cassie.Nakatanggap din kaya sya ng text?
"Nakatanggap ka ng text kay Timothy?" biglang tanong nya sa akin.
"Oo" sagot ko sa kanya.Agad nagbulungan ang mga kasama namin.
"Tara" aya nya sa akin.
"Hoy saan kayo pupunta?! Sama kami!" sigaw ni Nicole.
Wala ng masyadong estudyante dahil nag-awasan na kaya mabilis kaming nakalabas ng school.Nagtataka ang mga nakakita sa amin dahil nagmamadali kami.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ni Rachelle.
"Sa isang internet café.Baka nandun si Mandy dahil tinext kami ni Timothy na makipagkita kami sa kanua pagka-awas" sagot ko.
Nanahimik sila dahil sa sinabi ko.Mukhang nagbibigay ang mga ito ng meaning sa sinabi ko.
"Sakay" utos ni Cassie nang makapara sya ng taxi.
Mabilis kaming nagsakayan.Nagkalong kalong kami dahil hindi kami kasya,napailing na lang ang driver sa amin.
"Saan ba kayo mga ineng?" tanong nito.
Mabilis namin pinakita ni Cassie ang address at tama nga ako,parehas kami ng lugar.
Halos ilang minuto ang tinagal namin sa byahe hanggang sa tumigil na ang taxi sa isang abandonadong building.
"Kuya mali po ata tayo ng pinuntahan." nagtatakang saad ni Nicole.
"Hindi dito yung lugar na pinakita nyo sa akin.Ayan oh" wika nya habang tinuturo yung ways sa sasakyan nya.
Agad nagbayad si Cassie bago bumaba."Sure ba talagq kayong dito yun?"
Nagkibit balikat lang si Cassie bago umpisahang maglibot."Tawagan nyo kaya sya?" suhestyon ni Tiffany.
"Kanina ko pa sya tinatawagan kaso wala" sagot ni Cassie. Nag-aalala na ito sa kanyang kapatid.
"Hey guys!" sigaw ni Stacey.
Lahat kami napalingon sa kanya.Papalapit sya sa amin at halatang kinakabahan.
"Bakit?
" I see the internet café that your talking about" wika nito
"Saan?" mabilis kong sagot.
Hindi sya sumagot sa halip ay nagsenyas na sundan namin sya.Medyo malapit lang ito sa binabaan namin.
"Dito nga yun.Pero bakit walang tao?" takang tanong ko.
"Ay tanga,obvious naman diba? I think its just a prank or bait" sabi nito.
"Balik na tayo sa school baka andun na si Mandy." suhestyon ni Cassie
Nang makalabas na kami dun sa abandonadong building at agad na pumara si Cassie,gaya kanina nagsiksikan ulit kami.
Walamg umiimik sa amin habang nasa byahe.Saktong baba namin ay natanaw namin si Vixen,nakaabang ito sa gate.
"Lagot tayo"
"Bakit kasi hinanap pa natin si Mandy?"
"FYI lang ikaw ang nagtanong about sa kanya kanina kaya hinanap natin sya"
Natigil sa bangayan si Scarlet at Stacey ng magsalita si Vixen."Saan kayo galing?"
"Hinahanap namin si Mandy.I think tumakas na naman yun" sagot ni Stacey
Umiling si Vixen sa sinabi nya."Hindi yun naalis basta basta lalo na at nag-umpisa na ang practice nyo" sagot nito
"Tawagan nyo ulit" utos nito bago kami talikuran.
"Ako na ang tatawag" wika ko kay Cassie bago ilabas ang selpon.
Habang inaantay na sagutin ni Mandy ang tawag ko ay nakatingala ako sa buwan na malaki.Kahit kalulubog lang ng araw ay makikita mo agad ang malaking buwan."Bloody moon ba ngayon?"
"Oo kaya nga nakakatakot eh" sagot ni Rachelle sa akin
"Hello? Mandy nasaan ka?" lahat sila napatingin sa akin even Vixen.
"Sino ito?"
Napakunot ang noo ko dahil lalaki ang sumagot.
"Bakit nasa iyo ang selpon ng kaibigan ko?" inis na tanong ko.
"Ariane?"
Tanong nito sa kabilang linya.Paano nya ako nakilala?
"I loudspeaker mo" utos ni Vixen.
Tumango ako bago I loudspeaker ang selpon.
"Ethan?" sabay sabay naming wika ni Cassie,Tiffany,Ava,at ako ng mapamilyar ang boses sa kabilang linya.
"Bakit nasa iyo ang selpon ni Mandy?"

Komento sa Aklat (17)

  • avatar
    Skyler Jane Cortez Tecson

    Sana may part ll pa nakaka excited po nang subra

    23/05

      0
  • avatar
    Alexis Mae Villegas Vargas

    Maganda yung storyyyyy

    13/03

      0
  • avatar
    Cely Bautista Andres

    ganda

    15/05/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata