Homepage/Luna of Section Beast/
Chapter 40
Dance with Him
Chapter 40
Dance with him
Mandy's POV
"Anong tinatango-tango mo dyan?"
Napatingin ako sa nagsalitang iyon.Kunot-noo ko syang tinignan."Wala......wala ka na dun"
"Ladies and Gentlemen let's do our tradition,all ladies in white please proceed on the dance floor with your partner."
Kita ko sa malayo ang pagngibit ni Ryan sa sinabi nung mc.Yari ka!
Nang nakalapit si Ryan sa pwesto ko ay mabilis ko'ng nilagpasan si Kier na nasa gilid ko.Kita ko ang isang malaking ngisi nya nang makalagpas ako sa harapan nya.Baliw!
"Sinasabi ko sa'yo Mandy,maawa ka naman sa paa ko.Naiisip ko pa lang na maapakan mo ako ay naiiyak na ako." Emosyonal na wika nya sa akin dahilan ng pagtawa ko.
Kaagad nagsimula ang music na agad namin sinabayan ng waltz.Nakakalito!
Mga mayayaman nga naman.
"Tignan mo si lolo,tuwang tuwa sa apo ni Mr.Vera at kay Joyce na magkatabi" Saad nya sa akin.Agad ko'ng nilingos ang pwesto nila at tama nga sya mukhang proud na proud si lolo.
"Bakit nga pala ayaw ni Dennis na ma-engaged si Joyce dati?"
"Dahil masama si Ion?"
Napakunot ako sa sinabi nya,anung ibig sabihin nya?
"P-papaano?" Kunot noong tanong ko.
Napatingin sya sa akin bago tignan ang nasa likod ko na agad ko'ng sinundan,si Kier ang tinitignan nya! Pero bakit?
"Sa magkakaibigan hindi mo maaalis ang matigas at pariwara sa buhay.Sa mga kabarkada ni lolo.....dalawa sa kanila ang may ginagawang illegal.Isa na dun si Mr.Vera,pero kahit ganun hindi nila naimpluwensyahan si lolo.' Mahabang paliwanag nya sa akin.
" Yung isa ba sa sinasabi mo ay ang lolo ni Kier?" Seryosong tanong ko.
"Oo,sya nga.Kaya siguro ayaw din ni Kuya Arkanghel na mapalapit ka sa kanila,lalo na kay Kier."
Natuod ako sa mga sinabi nya.Alam ko naman na mukhang hindi sila okay ni Kuya pero yung sinasabi nyang illegal,hindi ko maintindihan.
"Can I have this dance?"
Nabalik ako sa wisyo ko nang may magsalita sa harap ko,si Kier!
"Ahmm....ano...sige" wala sa sarili ko'ng sagot.
Tapos na pala yung waltz,kaya pala umalis na sa harap ko si Ryan.Bigla ko'ng naalala si Cassie at si Miko.
"Anong iniisip mo?" Tanong nya sa akin dahilan para mapatingin ako sa kanya.Paano nga kaya?
Ang gwapo nya.
"Iniisip ko lang kung sakaling hindi mo ginulo ang relasyon ng kapatid at kaibigan ko......sa tingin mo,sila parin hanggang ngayon?"
Natahimik sya sa sinabi ko.Dahil sa sinabi ni Ryan kanina biglang pumasok sa isip ko si Cassie,may alam din kaya sya tungkol kay Kier at sa lolo nito?
"Yes,actually nalaman ko na hindi sila naghiwalay nung naging kami.....kaya ayun nagalit ako." Sagot nya sa akin.
Muli akong napatingin sa kanya.Kaya ba sya nagwala at nakapangrape dahil dun?
"Ikaw....if ever na manligaw si Gino sa'yo sasagutin mo ba sya?"
Napatitig ako sa kanya ng matagal dahil sa tinanong nya.
"Oo naman.Mabait sya,maaalahanin,talented,at bonus na yung gwapo nyang mukha.Nanligaw na sya sa akin dati,muntik ko na nga syang sagutin eh.....kaso may nangyari lang kaya hindi natuloy."
Sa sinagot ko sa kanya ay biglang nag-iba ang awra n'ya pero hindi ko na iyon pinansin.
Nakailang palit ng kanta pero hindi parin kami naghihiwalay,napapatingin na nga ang iba sa amin.Nakakahiya.
" Nga pala....pwede ba tayong mag set nang date para sa atin.....sa ating buong section beast?"
Napatingin sya dahil sa sinabi ko.Isang simpleng ngiti ang sumilay sa kanyang mapupulang labi.
Bakit ang bilis magpalit ng kanyang mood?
"Payag ka?" paninigurado ko sa kanya.Isang tango lang ang binigay nya sa akin.
Napangiti ako ng malaki dahil pumayag sya.Mission Accomplished!
Pagkatapos nung huling kanta ay bumalik na kami sa aming kanya-kanyang table.Inihatid pa nya ako.
"Hmm....mukhang may susunod na sa nakagawian natin ah"
Natatawang komento nung matandang lalaki habang pabalik ako sa table namin.Nagsitawanan naman ang mga tao sa paligid.
"Kinikilig na 'yan." Pang-aasar sa akin ni Ryan nang makalapit ako sa kanilang pwesto.
"Tse!....Pasalamat ka nga at hindi kita tinapakan kanina." Saad ko sa kanya dahilan para matawa si Joyce.
Muli ko'ng naalala ang sinabi ni Ryan kanina,masama ang pamilyang pinanggalingan nung Ion na fiancé ni Joyce.
"Boyfriend mo ba si Kier?" seryosong tanong ni Dennis sa akin dahilan para matigil si Ryan sa pang-aasar sa akin.
"H-hindi..." sagot ko sa kanya.Kita ko naman ang pasimple nyang paghinga nang maluwag.
"Bakit?....Bakit mukhang ayaw mo kay Kier?" Nagtatakang tanong ko.
Tumingin sya sa akin ng seryoso bago tignan si Joyce."Dahil masama sila....masamang magalit"
Hindi na ako umimik pagkatapos nyang magsalita.Alam ko naman na laging galit si Kier pero parang may hindi pa rin pala ako alam tungkol sa kanya.
Kahit okupado ng mga sinabi ni Dennis at mga nalaman ko kanina mula kay Ryan ay nagawa ko parin icongratulate si Xyrill at ang fiancé nya.
"Grabe! Hindi pa rin talaga ako makapaniwala Mandy!" tuwang-tuwang wika n'ya sa akin.
Pinanood n'ya daw kaming sumayaw ni Kier kanina.Kilig na kilig ang mare n'yo!
"Sure ka ba talaga wala ka'ng nararamdaman sa kanya,kahit kaunti?" Pangungulit nya
Sabihin ko kaya sa kanya?
"Ahm.....ano...may gus-"
" Mandy!!!!"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil may tumawag sa akin,si Ryan.
"Bakit?"
" 'Wag ka daw masyadong lumayo dito,maya-maya ay uuwi na tayo." Bilin n'ya sa akin.
Pagkalayo ni Ryan ay agad ko'ng hinarap si Xyrill para magpaalam na pero naunahan nya ako.
"Una na muna ano ha? You know,hinahanap na ako nung fiancé kuno ko." Nakangiwing wika n'ya sa akin.
"Sige."
Pagkaalis nya ay napabuntong hininga ako dahil sa mga nangyari ngayong araw.Ngayon ko lang nalaman na may pa ganito ganyan pala sila lolo.
"What are you doing here? Kanina pa kita hinahanap akala ko napano kana" Nag-aalalang saad sa akin ni Kier bago ako yakapin ng mahigpit.Kasama pala nya yung dalawa,si Xerox at Tristan.
" 'Wag masyadong OA pre," pang-aasar ni Xerox kay Kier.Nakatanggap naman sya nang mahinang batok kay Tristan.
Binalik ko ang tingin ko kay Kier." Tumambay lang.Kasama ko kanina dito si Xyrill kaso pumunta sa fiancé nya."
"Mandy,tara na!" sigaw ni Ryan sa akin.
"Pa'no? Una na ako.Kitakits na lang sa school." Pamamaalam ko sa kanilang tatlo.Tumango lang yung dalawa habang si Kier ay nilapit ako sa kanya at hinalikan ang noo ko na syang nakapagpatigil sa akin
"Take care.....Luna"
Kahit naguguluhan ako sa sinabi nya ay hindi ko na ito inintindi dahil mayayari ako kay Ryan.Anong ibig sabihin nya sa Luna? Hindi naman Luna ang pangalan ko.
"Tara na lo! Andito na yung paimportante!" pagpaparinig ni Ryan sa akin nang makalapit ako.Sumilip lang si lolo sa sasakyang sinasakyan nilang tatlo bago inutusan ang driver na magmaneho.
"Bakit ang tagal mo? Nakipag heart to heart ka pa kay Kier no? Naku! Mandy,sinasabi ko sa'yo iwas iwasan mo iyang si Kier,kahit apo pa iyan ng kaibigan ni lolo panigurado hindi rin boto si lolo kay Kier para sa'yo.Mahirap na ma-agrabyado ,ayaw pa naman nun sa kabit."
Hindi na ako umimik habang daldal nang daldal si Ryan sa tabi ko.May gumugulo sa isip ko.Ano ba yung pinagsasabi nyang kabit?
Pagkauwi namin sa mansyon ay nagkanya-kanya na kaming apat ng direksyon.Mabilis akong nagbihis at nagtanggal ng make-up bago magpalit ng pantulog,baba pa kasi ako para kumain.Hindi ako nabusog sa kinain ko kanina dahil bukod sa kakaunti andaming nakatingin sa akin,nakakailang.
"Miss Mandy pinapatawag po kayo ng lolo mo sa office nya,ngayon na daw po."
Rinig ko'ng sabi nung isang katulong sa labas ng pintuan.Bakit naman kaya akp pinapatawag ni lolo?
Kahit walang ideya ay kaagad akong nagtungo sa office nya at nagulat ako sa nadatnan ko.Anong ginagawa nya dito?!
"Pinatawag nyo daw po ako?" Magalang na wika ko habang dahan dahang naglalakad palapit sa kanila.
"Oo,maupo ka muna bago kita kausapin" Utos nya.
Nang makaupo ako ay nagsimula na akong makaramdaman ng panlalamig at kaba.
"I didn't expect na magkakilala kayo nang apo ko." Nakangiting wika sa akin ni Mr.Zavierre,lolo
ni Kier.
Ponatitigan ko lang ang ekspresyon ng kanyang mukha,hindi sincere ang ngiti nya dahil mukhang nang-aasar sya base sa ngiti nya.
"Kung may gusto ka po'ng sabihin ay sabihin nyo na" Seryoso at diretsonh saad ko sa kanya dahilan para sawayin ako ni lolo.
"Now I know kung anong nakita nang apo ko sa iyo,you are such a brave girl.No one dare to speak like that infront of me unlike you."
"Mandy."
Hindi ko pinakinggan si lolo sa halip ay nakipagtitigan ako sa lolo ni Kier.Akala mo matatakot ako sa iyo!
"Bakit sumunod ka pa? Hindi mo na lang itinawag o sinabi kanina?" Tanong ni lolo dahilan para mapunta sa kanya ang atensyon ni Mr.Zavierre.
"Actually,hindi naman talaga ikaw ang ipinunta ko dito.Nagpunta ako dito dahil gusto ko lang makita sa malapitan at makausap ng personal ang apo mo'ng ito." wika nya bago ako tignan.
"I came here to warning your grand daughter.Ayoko lang kasing masaktan sya sa huli dahil sa apo ko.You still don't know the real and whole Damon Kier Zavierre.Sya yung tipong nakukuha ang gusto,spoiled kasi.Gusto ko lang sabihin sa iyo hija na mag-iingat ka,wag ka'ng papaapekto sa mga salita at kilos nun.Laging nakadisguise ang isang iyon and may isa syang bagay opps.....dalawa pala,dalawang bagay na itinatago nya....nila sa iyo."
Nabigla ako sa mga pinagsasabi nya,paano nya nagagawang siraan ang sarili nyang apo?
"Mauna na ako my dear friend." Nakangit nyang paalam kay lolo.Pagkalabas nya ay agad akong kinausap ni lolo.
Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan ko nang makalabas ako sa opisina ni lolo.Hindi ko kaya ang pinapagawa nya,lalo na at alam ko'ng talo na ako kung laro man ito.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (17)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Sana may part ll pa nakaka excited po nang subra
23/05
0Maganda yung storyyyyy
13/03
0ganda
15/05/2025
0Tingnan Lahat