Chapter 35 Moment

Chapter 35
Moment
"Lunch na~~......" sabi ko habang inaayos ang mga gamit ko sa lamesa.Naalala ko kanina,ako nga pala ang cook.
"Hindi na ikaw ang tagaluto namin,si Via na"sabi sa akin ni Ethan.Magkasabay kasi kaming naglalakad.
" Ahh ganun?"patanong na sagot ko.
"Oo,nagreklamo kasi si Xyrill.Sabi niya wala daw magiging tagaluto dahil magiging busy ka kaya pinalitan ka namin.Bakit selos ka?" pang-aasar nya sa akin.
"Bakit naman? Pabor sa akin yun,alam mo na? Taga kain lang ang ambag ko" sabi ko sa kanya dahilan para mapatawa sya.
Napatingin sa amin ang iba ng pumasok kami sa loob ng kinakainan namin.
"Patay....." rinig kong bulong ni Ethan bago mabilis lumayo sa akin.
Mabaho ba ako?
Past lunch na dahil nagover time si sir.Kaya pandalas na sa pagluluto si Via ng makapasok ako.
Nagdire-diretso ako papunta kina Xyrill.Pinapanood nila si Via na magluto ng tanghalian namin.Yung iba naman ay kanya-kanyang grupo habang nakaupo sa upuan.
Wala 'man lang tumutulong.
"Sama ka sa amin sa Sabado?" tanong sa akin ni Thea ng makalapit ako.
"Saan?"tanong ko.
" Mall,mamimili you know para magpa stress free"sabi sa akin ni Mia.
Naku po! Iyan ang ayaw ko,panigurado walang katapusang lakad iyan.Lalo na magsasama-sama si Mia,Xyrill,at Ariane.
"Hindi ako makakasama,may lakad kami ni lolo" pagtanggi ko sa alok nila.
Napatingin naman sa akin si Ariane,tingin na hindi makapaniwala.
"Weh?.....Sigurado ka,kailan ka pa sumama sa lakad ng lolo mo?" hindi makapaniwalang tanong nya.
"Ngayon lang.......kasama ko sila Ryan saka Joyce." sabi ko.
"Ako din......may event kasi kami sa bahay and kailangan naming pumunta" pagtanggi din ni Xyrill.
"Importante?" takang tanong ni Mia.
"Oo......importante" sabi niya habang seryoso ang mukha.
Mukhang may mali sa kanya.
"Ikaw Via sama ka?" tanong ni Ariane.
"Pass muna......may pupuntahan din kami......I mean ako" sabi niya.Napatingin kami sa kanya ng nagtataka.Sino kaya ang kasama nya?
Gustuhin ko man magtanong pa ay hindi ko na ginawa dahil alam kong ayaw nyang sabihin iyon sa amin,kung ano man iyon.
"Mandy,tawag ka ni Kier" sabi sa akin ni Macoy.
"Bakit daw?" tanong ko.
"Hindi ko alam.Andun sya sa room natin" sabi niya pa bago pumunta kIna Miggy.
Nagkibit balikat na lang ako ng humarapa ako kina Via.Ano nanaman ba ang kailangan ng isang iyon?
Lumabas ako ng kwartong iyon at agad ba naglakad papuntang room kung saan nagkaklase kami.
"Bakit mo ako hinahanap?" tanong ko kaagad sa kanya ng makalapit ako.
"Let's eat here"sabi nya sa akin bago ako abutan ng kutsara at tinidor.
" Wala nang ibang plato?"tanong ko sa kanya.
"Wala na." sagot nya.
Binigay nya sa akin ito.Teka ako lang ang kakain?
"Ikaw? Kumain kana?" tanong ko sa kanya.Matakaw ako pero hindi ko naman kayang kumain mag-isa lalo na at may kaharap ako na hindi kumakain.
"Hindi pa,mamaya na ako" sagot nya sa akin.
"Eh bakit ka pa bumili nito? Sinayang mo lang yung pera mong pinambili dito,dapat inaantay mo na lang yung luto ni Via" sabi ko sa kanya
"No,I didn't buy that.....I-I cook that last night" sabi niya sa akin.May hiya pa pala ang isang ito
"Ehh? Baka naman pinaluto mo sa maid nyo tapos ininit mo lang" pangungulit ko sa kanya.
"No,just eat now or else itatapon ko iyan" pambabanta nya sa akin.
Mabilis ko na naman inilayo ang pagkain sa kanya.Aba,ayaw ko sa lahat ay yung nasasayang ang pagkain.
"Ikaw? Hindi ka kakain?" tanong ko sa kanya habang nakaturo ang kutsara.
Kinuha nya yung ginamit ko'ng kutsara at agad nyang ikinuha ng pagkain at mabilis nyang isinubo.Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.
"Aba! Hoy! Hindi mo man lang hinugasan yung kutsara." sita ko sa kanya
"Why?" inosenteng tanong nya.
"Pabakit bakit ka pa,malamang may laway ko na iyan."sagot ko habang nanlalaki parin ang mga mata ko.Hindi naman ako LC pero iba eh,lalaki sga tapos babae ako.
" Nagkiss na naman tayo ah,mas malala pa nga iyon sa ginawa ko ngayon"pagdadahilan nya sa akin para mas lalong manlaki ang mga mata ko
Ipaalala ba naman daw.
"Hoy!" singhal ko sa kanya.Tumawa lang sya dahilan para mas lalo akong mainis.
Hindi ko na sya kinausap pagkatapos nun,itinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagkain ko.Inaabutan naman nya ako paminsan-minsan ng tubig na agad ko namang tinatanggap.
"Tangna! May nagdedate oh!" malakas na sigaw ni Davon kaya napatingin ako sa kanya.Paktay!
"Sino?!"malakas na sigaw nung mga bagong paparating.Bago pa sila makapasok ay mabilis akong lumayo kay Kier at agad na umupo sa upuan ko.
" Wala naman ah! Niloloko mo lang ata kami eh"reklamo sa kanya ni Macoy.
"Ito oh!'pasigaw din nyang sabi bago ilabas ang kanyang selpon.
Nagtipon-tipon naman silang lahat,kasama sila Ariane.Kita ko ang panlalaki ng kanilang mga mata habang nanonood.Ano ba yun?
" Hoy ano yan?!"malakas na sigaw ko sa kanila.Mabilis naman umiwas sa akin si Davon at agad tumakbo na sya namang hinabol ko.
"Hoy patingin kasi!" naiinis na sigaw ko sa kanya.
"Bleh! Oh Kier hahahaha" pang-aasar nya sa akin.Agad naman kinuha ni damunyo ang selpon na iniaabot sa kanya sabay ngisi sa akin.
Hindi ko na naagaw pa kay Kier yung selpon dahil pumasok na yung subject teacher namin.Nagdiscuss lang siya ng kaunti bago magpasulat.
Hindi ako nakapagsulat dahil sa pang-aasar sa akin ni Xerox,siguro kay Ariane muna ako gagaya.
"Ariane pahiram nung notes mo" sabi ko sa kanya pagkalabas ng teacher namin.
"Hindi naman ako nagsulat eh" sabi niya sa akin habang nakangiwi.Aba't!
"Weh?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Oo nga kulit.....inabot ako ng tamad eh" sabi niya sa akin.
Umalis kaagad ako sa harap nya at mabilis nagtungo kay Via.Sa mga babae ko'ng kaklase sya lang ang matured mag-isip,puro kasi kalokohan sila Xyrill.
"Via pahiram nung notes mo" nguso ko'ng sabi sa kanya.
"Oh.....ibalik mo na lang bukas" sabi niya sa akin habang kinukuha ang notebook sa bag niya.
"Sige....salamat!" masayang sabi ko sa kanya.
Bumalik kaagad ako sa upuan ko at agad binuklat ang notebook nya.
"Wow...." manghang sabi ko ng makita ko ang penmanship nya.Ang ganda,babaeng-babae samantalang yung akin parang nabagyo ng signal number 2.
"Nahiya yung sulat ko" nguso ko'ng sabi na syang ikinatawa nila.Napalakas pala ang boses ko
"Bakit,ano ba ang sulat mo? Sulat alien o sulat doktor?" mapang-asar na tanong sa akin ni Xerox.
"All of the above" sakay ko sa pang-aasar nya sa akin.Napatawa naman sila Ethan na nakikinig din pala.

Komento sa Aklat (17)

  • avatar
    Skyler Jane Cortez Tecson

    Sana may part ll pa nakaka excited po nang subra

    23/05

      0
  • avatar
    Alexis Mae Villegas Vargas

    Maganda yung storyyyyy

    13/03

      0
  • avatar
    Cely Bautista Andres

    ganda

    15/05/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata