logo text

Chapter 33 Interview

Chapter 33
Interview
Mandy's POV
Halos hindi ako nakatulog kagabi ng ayos.Alam nyo kung bakit?
Dahil lamg naman kay Damunyong Kier!
Gigigil nya ako!
Nasaktan ako sa sinabi niya kagabi about sa pagtira ni Cassie sa kanya.Isa lang ang ibig sabihin nun.......sila na ulit! Kawawa naman kami ni Miko
Bukod dun ay pumunta si kuya kagabi kay lolo at nagrequest na ibalik na ako sa kanila.Nakitsismis lang ako kagabi dahil napadaan ako sa opisina niya kung saan kitang-kita ko ang lungkot na bumakas sa kanyang mukha nung sabihin ni kuya na wala syang karapatan sa akin dahil hindi naman daw sya ang legal guardian ko.
At heto ako ngayon,lumalamon mag-isa sa hapag-kainan.Sa sabado pa daw pala ang uwi ni Joyce at Ryan habang si Dennis ay umuwi kaagad kagabi.
"Young lady,nasa kwarto nyo na po ang uniform nyo" sabi nang isang maid sa akin.
Tumango lang ako bago magpatuloy sa pagkain.Maganda at malaki ang bahay ni lolo kaso para namang walang nakatira.Sobrang tahimik at walang kabuhay-buhay.
Umakyat ako sa kwarto ko at pisti! Nagugutom ulit ako!
Pagpasok ko ay nakita ko ang uniform ko.Yung set B!
Naalala ko first day pala ngayon ng September kaya pala nagpalit na ng uniform.Naligo akong mabilis at agad na nagpalit.Nagpicture pa ako sa harap ng salamin bago ko ipost sa instagram at lagyan ng caption na "#new uniform?"
Ngayon na lang ulit ako nakapagbukas ng instagram ko dahil tinatamad ako,fifteen years old palang ako nung huli ko itong buksan.
Lumabas din kaagad ako ng kwarto ko at bumaba sa sala kung saan naabutan ko siJoyce na nakain mag-isa.Mukhang bagong gising lang sya.
Lumapit ako sa pwesto nya at agad na kumuha ng tinapay na pinalamanan nya.Nanlaki ang mata nya sa ginawa ko,bawal kasi gawin ying ginawa ko.
"Wag ka'ng maingay!"suway ko sa kanya.Mas matanda sya sa akin pero parang ako ang matanda.
Naggawa pa sya ng tinapay na may pinalaman,peanut butter yung niagay nyang palaman.
" Salamat!"masigla ko'ng sabi sa kanya.
Buti na lang may kausap yung butler at busy ang mga katulong.
"Tara na po kuya Ruel" pagyayaya ko sa kanya.
Wala nng nagsalita sa amin nang makalayo kami sa bahay.Heto na naman po tayo,matagal na naman ako nitong makakalabas ng property ni lolo.
Nagtext sa akin si Ariane kagabi at sinabing every last two weeks daw ang elimination sa amin para daw hindi kami mahuli sa klase.Sayang binago pa kasi eh! Dapat nasa basement kami ngayon kung hindi binago.
Every month ay bibigyan kami ng one week or two weeks na pag-attend sa klase.
"Hija,andito na tayo" sabi sa akin ni kuya Ruel.Sinabihan ko sya nung isang araw na 'wag na akong tawaging young lady keneme na iyan dahil naiilang ako
"Sige po.Salamat po......ingat po kayo pag-uwi!" saad ko bago tuluyang makababa ng sasakyan.
Nng makababa ako ay madaminv estudyante ang napapatingin sa akin.May lumapit pa na isa.
"Ate papicture po" masayang salubong sa akin nung isang estudyante na sa tingin ko ay nasa first year palang.
"Hs?.....S-sige" gulat na sagot ko bago lumapit sa kanila.Pagkatapos nun ay mabilis na akong naglakad papunta sa room namin to the point na lakad takbo na ang ginagawa ko
"Bakit ka tumatakbo?" nagtatakang tanong ni Liam sa akin ng makasalubong ko sya sa hagdanan paakyat ng second floor.
"W-wala" sagot ko bago tumingin sa likudan ko.Rinig na rinig ko na ang yapak ng kanilang mga paa na tila ba tumatakbo ang mga ito.Mabilis akong lumingon kay Liam bago magpaalam.
"Diyan ka na ha?!" pamamaalam ko bago tuluyang umakyat ng hagdan.
"Whoo!......Nakakapagod!" sabi ko sa sarili ko nang makarating ako sa floor namin.Nagpunas ako ng pawis ko sa noo at inayos ang nagusot na uniform dahil sa pagtakbo kanina.
Tunaw na ang kinain ko kanina!
Dumiretso ako sa room na kinakainan namin ay kumuha ng tubig na nasa mini ref.Halos iistraight ko'ng inumin ang tubig na kinuha ko dahil sa pagod.
Napatingin ako sa selpon ko ng maramdaman ko'ng nagvibrate ito.
from Ariane;
Hoy! Nasaan ka na?! Late ka na!!!!
"Siraulong 'to.Akala mo late na late na ako" sabi ko sa sarili ko nang mabasa ko ang text nya.
Saktong labas ko sa room na iyon ay nakarinig ako ng boses na tila ba marami sila.
"Huy! Dito ba talaga iyon?"
"Baka naman naloko lang tayo?"
"Hindi yan!"
"Ayun!" turo ng isa sa akin bago tumakbo.
Kailan ba nila ako titigilan?!
Mabilis pa sa alas kwatro akong tumakbo papuntang room namin.Baka sanay 'to sa takbuhan.
"Padaan!"sigaw ko kina Davon.Nakatambay kasi sila sa may pintuan.
" Hoy! Aba!.."sita nya sa akin.Napatingin naman sa amin ang iba.
"Bakit ka tumatakbo?" takang tanong sa akin ni Miggy nang makaupo ako sa lamesa ko.
Sasagot pa sana ako nang marinig ko ang boses nung mga babaemg humahabol sa akin.
"Andyan ba si Amanda?"rinig ko'ng tanong nung isa.
" Sino ba kayo? Bakit nyo sya hinahabol?"tanong sa kanila ni Davon.
"Fans nya kami......gusto lang sana namin magpapicture at mainterview sya kailangan kasi namin sa journalism,kaso tinakbuhan nya kami"sagot sa kanya nung isa.
Mabilis lumingon sa pwesto ko si Davon habang nakasilip yung mga babae.Umiling ako kay Davon pero huli na dahil may humawak sa braso ko at agad na kinaladkad papuntang harap.
" Harapin mo sila,hindi yung tago ka nang tago dyan"sabi niya sa akin.
"Bitawan mo ako...." bulong ko sa kanya ng may diin hababg pilit na inaagaw ang braso ko pero wala eh,masyadong mahigpit.
Hindi na ako nakaiwas pa nang makalapit kami sa pintuan.Mabilis namang kumuha nang picture ang kasama nung babae.Apat sila na magkakasama,dalawang babaeng,yung isa may hawak na papel habang yung isa ay may hawak na laptop,isang babae at lalaking may hawak naman na camera.
"Pwede mamaya na lang? May klase pa kasi kami eh" saad ko sa kanila.Ayaw ko'ng magpainterview!
"Ganun ba? Sayang mukhang babagsak ata tayo ngayon sa major natin" malungkot na sabi nung isang babaeng may hawak na camera.
"Huy! Maawa ka naman sila oh.....mukhang graduating na ata ang mga iyan" bulong sa akin ni Xerox.Wala na akong nagawa dahil mukhang seryoso sila dahil kita ko sa id nila na nasa fourth year na sila sa college.
"S-sige.....basta mabilis lang" sabi ko dahilan para mabuhayan sila.
"Saan ba tayo?" tanong ko.
"Dito na lang kayo sa loob,wala kaming klase ngayong first period" alok sa kanila ni Liam.Mukhang nagpapagwapo ito sa isang babae ah.
Pumasok silang apat habang kami ni Kier ay nasa hulihan.Naguumpisa nang manlamig ang palad ko dahil sa kaba.
"Uhmmm......so start na tayo?" nag-aalinlangang sabi ko sa kanila.
Matapos nilang sumagot ay saktong dating ni Ariane kasama si Ava.Late sila!
"Anong meron?" nagtatakang tanong ni Ava.
"Shh!...Nagiinterview sila" suway sa kanya ni Davon.Sumeryoso naman si Ariane.
Nabalik ang atensyon ko sa mga college students ng magsalita ang isa sa kanila.
"We only have ten questions that you need to answer.We're hoping that you answer it so that we can finish our thesis.So Mandy right?......Here's our first question anong name mo at ginagamit mo'ng stage name before?" tanong nya.
"Uhmmm.......Amanda Ysabelle Shin Anderson ang ginagamit ko'ng name at Mandy or Belle ang stage name ko before." sagot ko habang nakangiti ng tipid.
"Ilang taon ka nung sumali ka as a trainee?"tanong nung babaeng nakabangs
"I was only fourteen nung mag audition at matanggap ako as a trainee."sagot ko.Ako ang pinakabata noon na napasama sa search na iyon.
"Did you dreamed as an idol?"tanong nung lalaki dahilan para mapatigil ako.
"I never dreamed to be an idol before not until nung naging trianee na ako,wala pa nga akong idea noon eh." muli ko'ng sagot.
Totoo iyon,nung mga unang linggo ko noon sa pag-t-trainee ay lagi akong naiyak at nag-aayang umuwi.Kaso nakapirma na ako nun sa kontrata kaya hindi ko magawang makaalis ng basta basta.Wala pa akong pera noon.
"How did you auditioned before?" tanong nung isa.
Andami nilang tanong!
"Para saan ba ito?" pag-iiba ko.
"For our documentary,we need to interview an idol,former idol,trainee,former trainee or an artist.Basta about sa isang Pilipino or Pilipina na nagpeperform sa foreign country" sagot nung lalaki.
"Bakit hindi na lang sila Vixen,andito pa ang mga iyon" pangangatwiran ko.
"Just answer their questions" singit ni Kier.
Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya.Tahimik lang sila Davon sa paligid namin.
"Nag audition ako nun online bago pa ako ayain ni Ariane papuntang Korea para mag audition.Hindi ko alam na halos isang buwan na pala nila akong kinokontak."mahabang sagot ko.
" How did you enter C&M entertainment? Did you failed dun sa online audition?"
"Dalawang question na ba iyan or isa?" taka ko'ng tanong.
"Isa lang" sagot nila dahilan para mapanguso ako.
Andaya! Wala naman silang sinabi na magpafollow up question sila.
"No,actually kasama ko nun si mama papunta sa audition para sa mga character ng isang drama sa Korea kaso nakita ako nung talent manager na naghahanap at kumokontak sa akin kaya naharang nya kami.And dun na ako nagumpisang makapasok as a trainee"
Ayaw na ayaw ni mama na ako ay mag aaudition para sa isang performer dahil gusto nyang maging artista ako.Ang hindi nya alam ay nakapag online audition ako nun sa tulong ng nakakalat na laptop ni kuya dati.Nagulat na lang sya noon sa sinabi nung talent manager,siguro iyon ang dahilan kung bakit nagagalit sya sa akin.
"Okay,for our sixth question.Did you and Gibo date before?" tanong nila.Mas lalong tumahimik ang paligid sa tanong na iyon.Nakaramdam naman ako ng pamamasa ng kamay.
"Hindi.....pero nanligaw sya kaso hindi ko sya sinagot" sagot ko.
"Wew!"
"Buti na lang"
"Grabe! Tirador ng magkapatid!"
Nakatanggao naman ng batok si Macoy galing kay Xerox habang masama ang tingin ni Kier sa kanya.
"What's the real reason kung bakit ka hindi nagdebut sa Nonagon,maraming fans ang hindi naniniwala sa naging statement nyo noon" napatigil ako sa tanong na iyon.
"Sorry pero that's the only reason at wala nang iba pa" seryoso ko'ng sagot.
"Next,are you still virgin? Maraming nagsasabing hindi ka na daw virgin dahil nagamit ka na" tanong nung isa dahilan para manginig ang kamay ko.
Hindi pa ba sila kuntento sa statement na iyon?
"Sa tingin ko wala na itong patutunguhan pa,siguro naman sapat na ang mga iyon.Kayo na ang bahalang pagandahin ang thesis nyo" sabi sa kanila ni Ariane.
Malaki ang pasasalamat ko sa kanga dahil sya lagi ang gumagawa ng paraan para iiwas ako o kami sa mga ganitong sitwasyon.
"Pwede na ba iyon?" tanong sa kanila ni Kier.
"Hindi pa sapat pero ayos na ito atleast may mailalagay na kami sa documentary namin kahit papaano" sagot nung lalaki.
Nagpaalam din kaagad sila bago umalis.Hinarap ko kaagad si Kier nang tuluyan ng makalabas yung mga naginterview.
"Bakit ka ba nangingialam sa desisyon ko ha?!" galit na tanong ko sa kanya.
"Anong problema sa ginawa ko? It's just an interview" pangangatwiran nya sa akin.
"Anong problema? Malaki........malaki ang problema! Para sa iyo o sa inyo simpleng interview lang iyon pero para sa amin malaki iyon........hindi nyo alam ang mga pinagdaanan ko noon kaya sana naman 'wag na kayong dumagdag at makialam sa naranasan mga naranasan ko.......dahil.......dahil ayaw ko nang pa ang mga pangyayaring iyon" maluha-luhang sabi ko sa kanila.
Nilapitan naman kaagad ako ni Ariane at ni Ava hanggang sa lumapit na rin sila Xyrill,Mia at iba pang kaklase naming babae bago ako yakapin.
"Shhhh.......andito ako......hindi ko sila hahayaang ipaalala pa sa iyo ang mga naranasan mo.....natin" pag-aalo nya sa akin.

Komento sa Aklat (17)

  • avatar
    Skyler Jane Cortez Tecson

    Sana may part ll pa nakaka excited po nang subra

    23/05

      0
  • avatar
    Alexis Mae Villegas Vargas

    Maganda yung storyyyyy

    13/03

      0
  • avatar
    Cely Bautista Andres

    ganda

    15/05/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata