Homepage/Luna of Section Beast/
Special Chapter
Their side 2.0
Miggy's POV
"Galingan mo Liam!"
"Go Liam!"
"I love you Liam!"
Iyan ang ingay na nadatnan namin pagpasok namin sa court.
Gaya noong mga nakaraang araw ay wala na namang pumasok sa amin sa mga klase, maliban sa amin ni Macoy.Ito ang unang beses na sumama ako sa kanila buhat ng mangyari ang suntukan sa amin.
I'm aiming for the certificate kaya kailangan kong pumasok.
Kaagad namin nakuha ang atensyon ng mga naglalaronat manonood sa lugar.Nandito kami sa SJU kung saan naghahanda sila Liam para National game.
Nanalo ang AIS mula sa district hanggang Regional at ngayon nga ay maglalaro na sila sa National.
Kasama na ngayon sa team sila Ryan, ang pinsan ni Mandy at ilang ace player ng ibang school.
Kumpleto kaming mga lalaki ngayon maliban sa kambal, nasa South Korea pa ang mga ito dahil ganap na trainee ang mga ito doon.
"Buti sumama na kayo ni Miggy." Bungad ni Liam sa amin pagdating namin.
"Natapos na namij ang mga written activities na pinagawa sa akin, pati 'yung inyo ginawa na namin." Sagot ko dito.
Hindi ako kunsintidor na kaibigan ngunit naaawa ako sa kanila.Napagkasunduan namin ni Macoy na gawan ang mga kaibigan namin ng mga written outputs para kahit papaano may mga grades sila.
"Magkasama pala kayo ni Ryan?" Saad ko habang nakatingin sa lalaki.Nakatitig ito kay Kier ng masama habang si Kier naman ay walang pakialam.
"Oo nga eh, naaasar nga ako dahil pinili 'yun ni coach." Asar na sagot nito.
"Ang sabihin mo naiinis ka sa presenya nya saka nasasapawan ka sa mga babae hahahaha" pang-aasar ni Macoy sa kanya.
"Manahimik ka nga, mas gwapo pa rin ako kahit saan tingnan, saka lamang lang 'yun ng isang tabong paligo sa akin." Sagot nito bago bumalik sa court dahit tinawag na ito ng kanilang coach.
Kinabukasan ay umalis sila Liam kasama ang buong varsity team ng school, sa isang araw na mag-uumpisa ang laro para sa National tournament.
Nagpatuloy ang araw namin hanggang sa banggitin na ni Sir ang tungkol sa graduation namin.
"March 05 ang graduation nyo, complete school uniform ang attire.Bawat student dapat kasama ang magulang or guardian pero huwag muna kayo papakasiguro na makukuha nyo ang diploma nyo, madaming bagsak sa inyo at hindi ko alam kung paano hihigitin pataas ang grades nyo." Sabi ni sir.
Dahil sa sinabi ni sir ay nagkanda kumahog ang mga kaklase ko sa pagkumpleto ng kanilang mga activities kinabukasan.
Dumating ang araw na pinaka-hihintay namin.Sobrang saya namin ng banggitin ni sir na lahat kami ay makaka-graduate.
Buong seremonya ay nasa likod ko nakaupo si Mandy, katabi nya si Kier ngayon.
"Anderson Amanda Ysabelle Shin, "
Buong lakas kaming pumalakpak ng banggitin ang pangalan nya.Nakangiti sya sa stage habang kinukuhaan ng litrato sa gitna.
Anlaki ng pinagbago nya mula noong umalis sya ng bansa.
Napatingin ako sa likod ng maramdaman ko ang pagkilos doon.Tumayo si Mandy, dala ang mga gamit nya.Dire diretso itong naglakad, hindi 'manlang lumingon sa amin.
"May balita ka kay Mandy?" Tanong ni Macoy sa akin.
Nandito kami sa store ko, nagtatarbaho sya sa akin, taga-ayos ng mga product nag-aasikaso ng paglilinis habang ako ang namamahala sa counter.
"Wala nga eh, kahit 'yung kambal wala din daw alam eh, lagi daw silang busy ngayon." Sagot ko.
Buhat noong grumaduate kami ay lalo kaming nawalan ng balita kay Mandy.Dati kasi tinatakot nila Ethan ang mga estudyanteng alam nilang fans ni Mandy.
"Malapit na din ang birthday nun diba?" Saad ni Macoy.
"Oo, sa isang araw." Sagot ko na lamang.
Liam's POV
"Salo pre!"
Kaagad kong sinalo ang bola na ipinasa sa akin ni Ryan.Ito ang unang beses na nagkasundo kami sa laro.
Pagkasalo ay idrinibble ko ito at itinira sa three points spot ng court.
3
2
1
Beeeeeepppppp!!!!!!!
"Nanalo tayo!.....Panalo tayo!!!!!"
Namalayan ko na lang buhat ako ng buong team, hindi ko naramdaman ang paglapit nila sa pagkabigla.Nanalo kami!
Hindi ko aakalain na mananalo kami dahil hindi magkakasundo ang mga players dahil unang una magkakaiba kami ng grupo.
"Makinig kayo......binago ang usapan tungkol sa grupo. Ginawa nilang lugar na pinagmulan sa halip na pangalan ng nagchampion na school ang dadalhin."
'Yun ang huling saad ni Coach sa amin bago sumabak sa laro.
"Binabati ko kayo!" Masiglang bungad sa amin ni Coach.
Hindi mawala ang ngiti sa aming labi ng bumalik kami sa hotel na tinutuluyan namin.
"Bukas....may celebration tayo! Huwag kayong mawawala!" Sigaw ni Dio, kamyembro namin.
"Sige!" Sagot namin.
Natulog ako ng may ngiti sa labi ng gabing iyon.Nawala bigla ang lahat ng pagod ko dahil sa pagkapanalo namin.Tinanghal na MVP sa laro si Ryan na mayroong 97 points habang ako ay nakapuntos ng 87.
KINABUKASAN dumalo kami ni Dion sa celebration ng team.Halos kami na lang tatlo nila Dion at Ryan ang kulang sa lugar.
Tinawagan ko pa sila Miggy para balitaan sa nangyaring laro.Tuwang-tuwa sila sa binalita ko kaya pagbalik ko daw ay may pakain si Kier para ipagdiwang ang pagkapanalo namin.Sinabi din nila sa akin na binati daw nila si Mandy ng Happy Birthday sa IG at sa messenger pero hindi daw nagrereply o nagsi-seen 'man lang.
"Wala pa ang MVP?" Tanong ni Luiz
"Wala pa eh... may kausap sya kanina pinsan nya ata." Sagot ng karoom ni Ryan.
Sa kalagitnaan ng pagsasaya ay dumating si Ryan, dala ang kanyang mga gamit.
"Uuwi ka na?" Salubong ni Luiz.
"Bakit, may nangyari ba?" Tanong naman ng isa.
"Yes,naaksidente ang pinsan ko kaninang madaling araw at hanggang ngayon nawawala pa ito.Hindi ko makita si Coach, pasabi na lang na umalis ako, mamaya na ang flight namin nila Lolo." Sagot nito habang nakatingin sa akin.
"Nasa ibang bansa?" Tanong ni Luiz
Simpleng tango ang ginawa nito habang hindi inaalis ang tingin sa akin.
Problema na naman nito?
Nailang naman ako sa ginawa nya kaya uminom ako ng alak na hawak ko.
"Sino ba ang pinsan na tinutukoy mo? Yung nasa Korea ba? Sya lang ang alam kong pinsan mo na nasa ibang bansa eh." Singit ni Luiz.
"Si Mandy." Maiksing sagot nito bago kami iwan.
Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi nya.Para akong binato ng bomba dahil sa narinig ko.
"Pre.....ayos ka lang?" Tanong ng katabi ko sa akin.
Hindi ko sya pinansin sa halip ay mabilis akong sumunod kay Ryan pero huli na, nakalayo na ito.
Mabilis kong kinuha ang selpon ko at agad na tinawagan si Kier pero walang sumasagot.
Bumalik ako sa kwarto ko at agad inayos ang gamit ko.Saktong labas ko ay nakasalubong ko si Dion.
"Aalis ka din?" Takang tanong nito.
"Oo, naaksidente ang kaibigan ko at hanggang ngayon nawawala pa rin sya." Malungkot kong saad.
"Yung pinsan ba ni Ryan ang tinutukoy mo?" Paninigurado nito.
Tumango lang ako.
"Sasama ako pauwi, hintayin mo lang ako." Saad nito bago nagsimulang mag-impake.
Hindi ko na namalayan ang pagsakay sa sasakyan ni Dion dahil sa bilis ng kilos ko.Tila nawawala ako sa aking paligid dahil sa nabalitaan.
Sinubukan ko ulit tawagan si Kier pero hindi pa rin nito sinasagot ang tawag ko.
Ano bang ginagawa ng isang 'yun?!
"Nga pala bakit ka nagmamadaling umuwi?" Tanong ko kay Dion.
"My sister is laboring righ now." Sagot nito habang nandidilim ang mukha.
I heard about what happened to her sister and hindi ko sya masisisi kung makakagawa ito ng kasalanan.
"Salamat pre!" Saad ko bago bumaba.
Dire-diretso ako sa loob ng bahay namin at mabilis na itinapon ang gamit ko sa sala.
"Paayos na lang ako nyan, may pupuntahan ako." Bilin ko sa katulong namin bago tuluyang lumabas ng bahay.
"Oh ang aga mo naman!" Sigaw ni Xerox ng makita ako.
Hindi ko ito pinansin at agad na nagdiretso kay Kier na naka-akbay kay Yvette.
"Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?!" Galit na bungad ko sa kanya.
Tumingin lang ito sa akin bago nagkibit-balikat na tuimingin kay Yvette.
Kita ko ang selpon ni Kier sa kanya.Hawak hawak ito ni Yvette na ngayon ay hindi maipinta ang mukha.
What a bitch.
"Bakit ka ba nanggagalaiti?" Singit ni Xerox.
Andito na pala silang lahat kasama ang mga babae.
"Mandy got into accident kaninang madaling araw at hanggang ngayon nawawala pa rin ito.Ayun ang dahilan kung bakit hindi sya sumasagot sa mga message nyo!" Inis na saad ko.
"Don't ruin the moment, Liam.Baka fake news lang ang nabalitaan mo,remember matagal mamatay ang masamang damo." Nakangiting saad ni Yvette.
"Ow, so kailan ka mamatay? Mabait ka diba?" Sarkastik na tanong ni Ariane.
"Enough." Pagpigill ni Kier.Magsasalita pa sana si Yvette ng mapansin nito ang aura ni Kier.
Buti nga sa'yo!
"Puntahan nyo kung gusto nyo, i don't have any care for her." Saad nito bago kami iwan.
Isang matagumpay na ngiti ang iniwan sa amin ni Yvette bago ito sumunod kay Kier.
"Makakalbo ko ang babaeng iyon!" Reklamo ni Xyrill.
Sana mapanindigan mo Kier ang sinabi mo.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (17)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Sana may part ll pa nakaka excited po nang subra
23/05
0Maganda yung storyyyyy
13/03
0ganda
15/05/2025
0Tingnan Lahat