Homepage/Luna of Section Beast/
Chapter 103
Accident
Chapter 103
Accident
Mandy's POV
Pagkatapos pumunta nila Mama sa templo ay umalis na din ng tuluyan sila Tita Cassandra at si Cassie, nagpaalam silang dalawa kay Mama at kay Tita Nelia.
Nang gabing iyon ay hindi kaagad umuwi si Tita Nelia sa Pilipinas, sinamahan nya kaming dalawa sa mansion habang inaantay si Papa.
"Ingatan at alagaan mo ang sarili mo ha? Wala kami dito para bantayan ka, pakatatag ka lang......lagi ka naming tatawagan." Paalala ni Tita Nelia sa akin.
"Please take care my baby, I'm sorry if Mommy can't stay on your side right now.....but I promise......after I finish my therapist I'm gonna stay on your side together with your Daddy." Malungkot na saad ni Mama
Pupunta silang dalawa ni Papa sa America para doon ipagpatuloy ang therapist ni Mama dahil hanggang ngayon hindi pa sya ganun ka ayos.
Hindi na ako sumama sa airport dahil sa mga media na nagkalat sa labas,madadagdagan lang nila ang stress ko.
Nung araw din na iyon ay nagpahinga ako ng bonggang bongga dahil alam ko sa oras na bumalik ako sa kompanya ay wala ng tigilan, kung meron man ay saglit lamang.
Sa kalagitnaan ng panonood ko ng KDrama ay tumunog ang selpon ko,si Vixen tumatawag.
"Anong gagawin ko? Nalaman na nung lalaki at ng pamilya nya na nagkaanak kami, ayaw kong kunin nila si Calyx sa akin......alam kong pagod ka na pero sana matulungan mo ako........nagbanta pa sila na pababagsakin ang C&M kung hindi ko ibibigay si Calyx sa kanila." Nag-aalalang usal nito.
Saglit akong napatigil at taimtim na nag-isip.
"Ang pamilya ba na tinutukoy mo ay ang pamilya ng lalaking tinutukoy mo o pamilya ito ng asawa nya?" Paninigurado ko
"Pamilya mismo ng lalaki,"
"Then wala kang dapat ipag-alala......baka gusto lang nila makita ang kanilang apo.....diba base sa kwento mo ay wala pang anak yung nakabuntis sa'yo......baka kaya gusto nilang makita si Calyx."
"Pero pa'no kapag nalaman iyon ng pamilya ng asawa nya? Natatakot ako sa kalagayan ni Calyx....alam mo Mandy saktan na ako huwag lang ang anak ko."
"Tutulungan kita......huwag kang mag-alala." Pagpapagaan ko sa loob nya.
Matapos ang tawag ay sinimulan ko ng tuparin ang pangako ko kay Vixen, inasikaso ko iyon habang nasa bahay ako.
"Amber, make sure that no one knew about this aside from you, Vixen, that guy ang Me.....understand?" Saad ko bago patayin ang tawag.
KINABUKASAN
"Ma'am the meeting is already set, the family will be in Korea at 10am." Saad ni Amber ss akin
Tumango lang ako habang nagtitipa sa laptop.
Hindi ko akalain na ang Mandy na palaaway noon ay uupo at mag-uustos sa mga tao habang nagtitipa sa laptop.Hindi ko ito inaasahan dahil kahit kailan ay hindi ito nasagi sa isip ko.
Bumalik ako sa kompanya upang umpisahan ang mga trabahong naantala dahil sa mga issue na kumalat.Wala pa rin pagbabago sa kalagayan ni Harabeoji at wala na rin akong balita kay Tita Cassandra at kay Cassie.
Saktong alas nueve ay tumayo at umalis na ako sa opisina, dinaanan ko si Vixen at ang anak nito sa kwarto nya dito sa kompanya.
"Ako ang bahala kaya huwag ka ng kabahan, hindi ko hahayaang basta na lang nilang makuha si Calyx mula sa'yo." Pagpapagaan ko sa loob niya.
Tahimik kaming dalawa sa loob ng sasakyan, nasa unahan si Amber kasama ang driver habang kaming tatlo nila Calyx ay nasa likudan.
"Mommy.....makikita na po natin si Daddy ko?" Excited na wika ni Calyx
"Opo, makikita na natin ang Daddy mo kaya behave ka lang ha?" pagpapa-alala ko sa bata.
Ako ang pumili ng lugar.Isang exclusive restaurant ang pinili ko upang makaiwas sa mga reporter.Pagdating namin sa lugar ay dire-diretso kaming tatlo nilw Vixen sa paglalakad, nasa tabi ko si Vixen haban karga ang anak nya.
"Do you have any reservation , Ma'am?" Nakangiting tanong sa akin
"Yes,a reservation for Amanda Anderson please." Nakangiti kong saad
I used my real name so no one can notice me.Kahit nai-release sa internet ang buo kong pangalan ay iilan pa rin ang nakakaalala nito, mas kilala nila ako sa pangalang Mandy.
"Please come with me, Ma'am."
Sumunod kaming tatlo, pagdating sa loob ay nabungadan namin ang tatlong lamesa.This room is for a VIP only, malayo ito sa pinaka main ng restaurant kaya kakaunti lang ang tao sa lugar na ito.
"Umupo na kayo dyan, iintayin na lang natin sila.Kumalma ka Vixen, you're still the mother and you have the full custody when it comes to Calyx." Paalala ko
Hindi nagtagal ay dumating na ang inaantay namin.A handsome and tall guy are walking like a model with his poker face,his hands are both inside his pocket.
Nasa likod nya ang dalawang may katandaan na babae at lalaki, siguro magulang nya.
"Sorry we're late, " bungad ng ginang kay Vixen.
Mula sa kinauupuan ko ay tumayo ako dahilan para mapatingin silang tatlo sa akin.
Nakaka-intimidate naman ang tingin nila!
"I am Dawn Zeus Orsini, "
"And I am Celeste Orsini and this is my husband Drake Caleb Orsini." Magiliw na pagpapakilala ng mag-asawa sa amin.
"I am Vivian Lexin Montecer, also known as Vixen and......t-this is my son Calyx James Montecer." Pagpapakilala nya
Kita ko ang tipid na pagtango ng lalaki.Napatingin sa akin si Mr.Orsini na syang ikinagulat ko.
"Who are you?" Seryoso nitong tanong sa akin.Napatingin sa akin ang lahat.
"Hmm...I am Amanda Ysabelle Shin-Anderson, sir." Magalang kong sagot
Tumango lang ito bago magmuwestra ng pag-upo.Nasa tabi ako ng mag-ina habang sa tapat namin ang pamilya ng lalaki.
"So....both of you....what's your plan?" Tanong ng matandang Orsini.
"I want to change his surname into mine and have the rights with my child.....if it is okay with her." Sagot ni lalaki.
Lahat kami ay napatingin kay Vixen upang mag-antay ng sagot.
"I can let my child use his surname." Maiking sagot ni Vixen.
Tumango ang mag-anak, kita mo ang saya sa mata ng Ginang habang nakatingin kay Calyx.
"Why did you hide him from public, are you not proud to have a child?....And about you, i heard the company is one of the reason why she still hiding her child.Why did you do that?" Out of nowhere na tanong ng lalaki.
Napatingin sa akin si Vixen bago sumagot.Bubuka na sana ang bibig nya ng magsalita ako." Sorry for what we've done but I know we did the right thing.Vixen is still young that time, a teenager rather and we heard that your son's wife want to kill your grandchild.Her family blackmailed her that she will lost her career if she didn't abort the child but all of them are so stupid, they think that they already win over her because they didn't see any evidence that she have a child.In behalf of the company, I didn't regret to hide Calyx into public."
Bullseye!
Biglang nagbago ang kanilang reaksyon ng mabanggit ko ang asawa ng anak nila.
"We're sorry about that, we already punished them.My son is already divorced with her and I think this is the right time to face our obligation with her and our grandchild." Seryosong paghingi ng paumanhin ni Mr.Orsini.
Halata sa mukhs nya na sincere sya sa sinabi nya.Napatingin ako kay Dawn, titig na titig ito kay Vixen at kay Calyx.
"Let's leave them so they can talk privately about their situation." Suhestyon ko.
Sinang-ayunan naman ako ng mag-asawa.Nginitian ko si Vixen at si Calyx bago umalis sa tabil nila, ganun din ang ginawa ng mag-asawa sa harapan namin.
Inilapag ko sa isang couch ang bag ko at naglakad sa may tabi ng salamin.Mula sa pwesto ko ay tanaw ko ang mga taong nasa loob ng restaurant.
"You are so good to be a CEO.You are so kind and tough enough to handle a single situation." Saad ni Mrs.Orsini sa tabi ko.
"Thank you for the complement I hope your son didn't hurt our Vixen, she already suffered a lot and I hope she find a piece and a man who will love and accept her all flaws." Sagot ko.
Hindi nakasagot ang ginang ko sa halip ay nanatili itong tahimik.
"By the way I like you're new set of jewelries." Saad ko
May-ari sila ng isang kilalang brand ng jewelries sa Italy.Sikat din sila sa iba't ibang bansa, maraming sikat na model na ang nagtrabaho para sa kanila.
"Thank you." Sincere na tugon nito.
HAPON na nang matapos mag-usap si Vixen at si Dawn, tulog na si Calyx sa tabi ni Vixen.
"Thank you for giving me a chance to meet him and to be a father for him.I'll promise I will do my best for him." Rinig kong saad ni Dawn habang nakatingin ay Vixen.
Shet! Bakit kinikilig ako?!
"You're welcome,you're still his father and I want Calyx to meet his father." Sagot naman ni Vixen.
Hinalkan ni Dawn si Calyx sa noo bago buhatin, nakipagbeso naman kaming dalawa ni Vixen kay Mrs.Orsini habang simpleng tango lang ang kay Mr.Orsini.
Inihatid nila kami sa sasakyan, magkatulong nilang inayos sa pagkakahiga si Calyx bago tuluyang magpaalam.
"Goodbye and take care." Saad ni Dawn bago kami tuluyang umalis.
"So.....what's your plan right now?" Nakangiti kong tanong kay Vixen.
"I don't know either, I still have this fear na baka ilayo nila si Calyx sa akin.Kilala silang tao at madali lang para sa kanilang gawin ang bagay na iyon." Malungkot nitong sa akin.
"Eh....marami ka namang pera ah.Saka kaya mo ng buhayin si Calyx, kahit nga mag-anak ka pa ng lima kaya mong buhayin eh.Marami ka ng pera, hanggang sa mga apo kaya mo ng buhayin kaya bakit ka natatakot?"
"Oo, marami na akong pera pero one-fourth lang 'yun ng pera nila kung ipagkukumpara ang pera nila sa akin."
Tiningnan ko sya ng matalim bago magsalita."Aish! Huwag ka ngang nega, tandaan mo lagi akong nasa likod nyo ng mga artist namin para tulungan kayo.Para saan pa at naging apo ako ng mga mayayamang tao, saka magkaibigan tayo at ang magkakaibigan ay nagtutulungan."
Napatitig lang sa akin si Vixen bago mag thank you.
Hayst! Buhay nga naman.....
ILANG linggo na ang lumipas buhat ng makausap at makilala ni Vixen si Dawn at ang mga magulang nito.
Matapos ng araw na iyon ay balik sa trabaho ang lahat, nagpe-prepare para sa bagong promotion ang NONAGON GIRLS kaya nasa puder ni Dawn si Calyx kasama ang kababata ni Vixen na si Cheena.
Naninigurado lang si Vixen,
Balik na din ako sa trabaho, sa loob ng ilang linggo ay ilang investor na ang nakausap ko.Pinagpaplanuhan na din ng kompanya ang mga parating na offer para sa mga artist namin.
Ilang araw na lang din ay kaarawan ko na,.Nakailang tawag na si Mama sa akin dahil gusto nyang gumastos para sa eighteenth birthday ko.
"Maam, someone emailed you an hour ago.The sender said that it is about your upcoming graduation." Bungad ni Amber sa akin pagpasok ko sa opisina.
Saglit akong napatigil at agad napatingin sa calendar app sa selpon ko.Tumango lang ako bago umupo sa aking upuan, bumalik din naman sa upuan nya si Amber.
Binuksan ko ang email na tinutukoy nya.
"Good day Miss Anderson, we want to inform you that the graduation will be held on March 05, 20XX at the AIS gymnasium at 8:00 A.M. We appreciate your presence on that day.Thank you!"
Kaagad kong binuksan ang calendar sa aking selpon at tinignan ang araw ng graduation.
Mabilis akong tumingin kay Amber." Amber...." Pagtawag ko sa kanya. "Don't accept any invitation and don't set up a meeting on March 05.Book me a flight to Philippines on March 04 and pack your things on that day, you will come with me." Utos ko dito.
Tumango tango ito habang nagsusulat ng notes sa kanyang notebook.
LUMIPAS ang araw at heto ako ngayon sa NAIA kasama si Amber na nag-aantay kay Kuya.Alas singko na ng madaling araw at mamaya na ang graduation, wala akong magiging pahinga.hayst.
"Get it." Utos ni Kuya ng makalapit sa amin.
Quarter to seven na kami dumating sa bahay nila Tita, tuwang tuwa ito ng makita kami.
"Bakit hindi pa kayo kahapon nag book ng flight ng sa ganun nakapagpahinga ka hindi 'yang kumahog ka sa pag-aayos." Sermon ni Kuya sa akin habang nag-aayos ng kanyang polo.
"Tama na 'yan, ngayon na nga lang umuwi ang pinsan mo sinesermunan mo pa." Saway naman ni Tita.
Napangiti naman ako kaso nawala din dahil sa sama ng tingin ni Kuya.
Pagkadating namin ay kumain kaagad kami at nag-ayos.Suot ko ang type B uniform ng AIS habang nakaharap sa malaking salamin.
Parang kailan lang noong una kong araw sa AIS tapos ngayon ga-graduate na ako.
Nakakulot ang dulo ng buhok ko, si Rakki ang nagkulot nun.Inayusan naman ako ni Amber pagkatapos.
Sama-sama kaming sumakay sa kotse ni Kuya, nasa likod kaming tatlo nila Tita habang nasa passengers seat si Rakki hawak ang anak.
Pagdating sa school ay andaming tao at sasakyan.Lahat ng tao ay napatingin sa gawi ko ng bumaba na ako sa sasakyan.
Hindi ko sila masisisi kung makakita sila ng tulad ko.
Dumiretso kami sa paggaganapan ng graduation,nasa tabi ko si Kuya na syang nagsisilbing parents ko.
Ilang beses kami kinuhaan ng litrato bago tuluyang makapasok sa mismong loob ng gymnasium.
Inabot ng mahigit isang oras ang opening ng graduation.Matapos nun ay nag-umpisa ng magtawag ng pangalan ng mga gagraduate.
"Anderson, Amanda Ysablle Shin, " rinig kong pagtawag sa pangalan ko
Magkasunod kami ni Kier na kumuha ng certificate dahil sya ang last sa lalaki habang ako ang una sa list ng mga babae sa section namin.
"Congratulation!" Saad ng Principal sa akin.
"Thank you po!" Nakangiti kong saa bago makipag kamaybat kuhanin ang diploma.
Pagkatapos kumuha ng diploma ang mga esyudyante ay nagbigay na ng award sa mga outstanding students.Magkatabi kami ni Kier at 'yun ang kinaka-kaba ko.Iniiwasan ko ang mapatingin sa direksyon nya pero hindi ko maiwasan dahil hinahanap ko si sir Ivan.
Tatawagin ko na sana si Sir Ivan ng maramdaman kong magvibrate ang selpon ko.Mabilis ko itong kinuha, nagtext si Kuya.
From: Kuya😇😈
I already talked to Ivan and the Principal.I will wait you outside.
Matapos kong mabasa 'yun ay tumayo na ako dahilan para mapatingin sa akin ang tao.Tipid lang akong ngumiti at agad na kinuha ang mga gamit ko.
"Pasaan ka?" Takang tanong ni Xyrill pagdaan ko sa tapat nito.
"Uuwi na, kailangan na ako sa Korea." Sagot ko, tinapik ko ang kanyang balikat bago tuluyang lumayo.
Dire-diretso ako sa pintuan not minding all the stares that I got.Nakuha ko pa ata ang atensyon nila.
Pagkalabas ko ay dumiretso kami sa restaurant, kasama pa rin namin si Amber.
"What's your next plan?" Tanong ni Kuya habang sinusubuan si Rakki na busy sa pagpapatulog sa anak.
"Titigil muna ako for the mean time, walang maiiwan sa kompanya kung papasok ako.Sisiguraduhin ko munang matibay ang kompanya bago ako mag-aral ulit." Sagot ko.
Pinipigilan ko ang panginginig ng tuhod ko dahil sa kaba sa magiging reaksyon ni Kuya.
"Fine....just tell me kung kailangan mo ng tulong.I am free to ask anytime." Suhestyon nito.
Nung araw din na iyon ay umuwi kami ni Amber sa Korea.Nakasabay namin sa eroplano ang kambal na sila Luke at Lucas pero nagkahiwalay din kami dahil sa media.
Lumipas ang ilang araw, naging abala ako sa trabaho.
"Happy Birthday Ma'am!" Bati ni Amber sa akin at ng ilang employee na naiwan sa kompanya.
Nagpost na sila ng picture ko kung saan inedit nila ito para sa birthday ko.
"Goodbye and take care Ma'am, " bati nung guard sa akin.
Ala-una na ng madaling araw pero ngayon pa lang ako uuwi dahil sobra akong natambakan ng trabaho.
Pinagbuksan ako ng driver ko bago kami tuluyang umalis.Sa kalagitnaan ng byahe ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng aking selpon.Si Mama tumatawag,
"Hello Ma, "
"Nasaan ka na, hindi ka pa daw umuuwi sabi ng tao sa bahay."
"Pauwi pa lang ako, natambakan ako ng mga papeles eh kaya nag over time ako, don't worry hindi na mauulit ito."
"Happy birthday darling, mag-iingat ha, saka na ang regalo ni Mommy pag-uwi namin dyan.I love you!"
"Sige po, kayo din dyan mag-iingat Mahal ko kayo ni Papa, "
Nakangiti akong pinatay ang tawag ngunit isang nakasisilaw na liwanag ang nakapagpagulat sa akin.
Babanggain kami!
Huli na para iiwas ang sinasakyan ko, masyadong mabilis ang takbo ng bumangga sa aming sasakyan.
Ramdam ko ang pag-ikot ng sasakyan namin, naumpog ako ng huminto ito sa paggalaw ngunit mas nagulat ako ng makita ang ilalim ng sasakyan.
Nakasabit sa nasirang harang ang dalawang gulong sa likudan ng sasakyan, konting galaw ko lang ay babagsak ako kasama ng kotse sa tubig sa ibaba.
"Sir......sir......." Pagtawag ko sa driver.
"Shit!" Bulalas ko
Patay na ang driver ko, nakasubsob ito sa manibela habang nalamulat at duguan ang mukha.
Mas naalarma ako ng makita ko sa harapan ng likuran ang babaeng nais akong patayin.
Nakangiti ito na parang demonyo, parehas na parehas ang hitsura nya noong nasa rooftop kami ng school.
"Please......huwag!" Sigaw ko habang nagmamakaawa sa kanya.
Hindi ito tumigil sa paglakad papalapit sa sasakyan.Napakapit ako ng maramdaman ko ang paghawak nito sa sasakyan.
Please.....wag naman sana.
Huli na ang lahat dahil naramdaman ko ang pagtulak nito sa sasakyan dahilan para tuluyang malaglag ito sa tubig sa ibaba.
Muli akong nauntog ng tuluyang bumagsak ang kotse sa tubig.Kaagad napuno ng tubig ang loob ng sasakyan dahil sa basag na salamin.Hindi ako basta basta makaalis dahil hindi ko matanggal ang pagkaka kabit ng seatbelt sa akin mula sa upuan.
Pinipilit kong matanggal iyon ngunit mas lalo akong nauubusan ng hangin sa tuwinh pinipilit ko.Saglit akong tumigil at nagpaubaya sa tubig sa loob.
Siguro hanggang dito na lang talaga ang buhay ko.Nawa'y maging ligtas ang mga taong mahal ko.
Hanggang sa muli Mama.... Papa.....Tita......Cassie.....Ariane......Jillian......Gail......C&M........Nonagon Girls.......Nonagon Boys......Kuya.......Section Beast......at panghuli......Kier.......mahal na mahal ko kayo........
~~~~~~~~~~~~~THE END~~~~~~~~~~~~~I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (17)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Sana may part ll pa nakaka excited po nang subra
23/05
0Maganda yung storyyyyy
13/03
0ganda
15/05/2025
0Tingnan Lahat