logo text

Chapter 99 Collaboration

Chapter 99
Collaboration
Mandy's POV
Mas relax ako ngayon habang inaayusan hindi katulad kanina.Magpeperform ngayon si Ava kasama ang Nonagon Girls na sina Sam, Tine at Jorie, it's a collaboration.
Naka dress si Ava habang may flower crown sa ulo, fairy ang theme nila.
"Goodluck!!!" Pagpapalakas namin sa kanyang loob.
May mga batang nagpeperform sa stage, after nun ay saka sila Ava magpeperform.
Nagpalit na din ako ng outfit para sa performance namin nila Vixen, maraming collaboration na magaganap ngayong gabi!
Kinuha ko ang selpon ni Ariane sa ibabaw ng lamesa at saka nilaro sa Pou.
"Tingnan mo itong si Ariane, magda-download ng ganitong laro tapos hindi naman lalaruin, " naiiling na saad ko sa aking sarili.
Pinakain at pinaliguan ko si Pou saka ako naglaro.Sky Jump ang nilaro ko kaya pokus na pokus ako sa laro, gusto kong makalagpas sa outer space.
Lumipas ang oras, nakailang beses akong naglaro ng Sky Jump hanggang sa tawagin na kami ng staff.
"Tapos na kayo?" Tanong ko kay Ava habang nakatingin pa rin sa selpon.
"Oo, kanina pa.Ilan na nga ang nakapagperform eh, " sagot nito bago umupo sa tabi ko.
Muli kaming tinawag kaya binitawan ko na ang selpon ni Ariane."Pakainin mo nha ulit 'yan Ava," saad ko bago tuluyang lumabas ng dressing room.
Tinulungan ako ng mga staff makarating sa stage.Nakadim ang ilaw sa kinatatayuan naming apat, nandito na kasi si Vixen, kasama si Pauline, at Dani.
Naka standby kaming apat ng i-play sa bigscreen ang mukha nila Vixen kasama ang pangalan ng grupo nila hanggang sa mukha ko na ang nasa screen kasama ang pangalang 'New Girl Group' dahilan para lalong umingay ang paligid.
[Now performing BOSS by NCT U]
Bigla akong na-pressure nang mag-umpisa na ang performance. Imagine, performing with one of the most successful Korean girl group, kung hindi ka pa naman mapressure.
Kahit kinakabahan ay idinaan ko na lang sa mga cool movements ang performance.
Bigla kong naalala ang sinabi ni Vixen sa akin kanina.
"Huwag kang mapressure, kami lang ito.Para namang hindi tayo nagkasama dati sa training ah."
"Iba na kasi estado nyo, ganito tayo oh." Saad ko habang nakataas ang kanang kamay, nasa baba naman ang kaliwang kamay ko." Bigatin na kayo, ako nagsisimula pa lang, " natatawang biro.
"Luh, ewan ko sa'yo hahahaha."
Pagdating ng rap parts ay tinanggal ko na ang hiya sa katawan.Ni-rap ko ang rap parts habang nakatingin sa camera sa harapan namin.
Isa-isang ipinokus sa amin ang camera pagkatapos ng performance, nung una naconcious ako pero kinapalan ko na ang mukha ko.
Mabilis kaming umexit, pagdating sa backstage ay tinapik ni Vixen ang balikat ko."Job well done, "
Next performance ay collaboration again where Nonagon Girls Sam, Tin, Kim, and Icy together with Ariane, Cassie, Nicole and Ava then Soloist Scarlet.
Hindi ko inexpect na nakapag debut na kaagad si Scarlet, ang alam naming lahat ay magde-debut sya sa isang girl group but it ended naging Soloist sya.
Pinanood namin sila habang nagpeperform.All of them wearing white skirt and different color of croptop.
Napapasabay ako sa sayaw nila habang kumakain.After nilang magperform ay nagpalaro ang MC kasama si Vernon at ang kagrupo nito dahilan para magtilian ang mga manonood.
Natapos ang palaro ng MC,tuwang-tuwa ang manonood lalo na yung nanalo sa laro.
Magpeperform kaming tatlo nila Ariane, magduduet kami ni Cassie habang solo syang kakanta.
[Now Performing Don't Know You by Heize]
Nasa kabilang dulo si Ariane habang kumakanta, wearing dress in a high heels.
Naka standby kam ni Cassie sa kabilang dulo ng stage, nakaupo ako may hawak na gitara.
Ilang beses ipinakita mula sa bigscreen sila Timothy, Gino at Miko habang nagpeperform si Ariane.
Performer din si Timothy, hindi ko alam kung paano pero hindi na iyon mahalaga.We will take it as a small concert ng magkakasama.
After magperform ni Ariane ay nalipat sa amin ni Cassie ang spotlight, senyales iyon para mag-strum ng gitara.
[Now Performing SOME by BOLBBALGAN4]
Nakadisplay sa Bigscreen ang mga picture namin ni Cassie mula baby hanggang present, andun din yung mga picture namin during trainee days at NONAGON SEARCH era namin kasama sila Vixen.
Ipinokus kay Miko ang camera habang nakanta si Cassie dahilan para magsigawan ang mga tao, mga shippers siguro nila.
Pakembot-kembot lang si habang nakanta, nakaupo naman ako habang naggigitara.
Mabilis na ipinaling kay Kier ang camera nang kumanta na ako, nagulat ako sa ginawa nilang iyon.
Kaagad namang ibinaling kay Gino ang camera nang mapansin siguro ang ginawa nya.Dahil sa aksyon na iyon ay nagkanya-kanyang reaksyon ang mga tao.
Napahigpit ako ng hawak sa gitara habang kumakanta pero hindi ko inaalis ang ngiti ko sa akingmga labi.
Biglang akong natakot sa ginawang iyon n cameraman, alam kong hindi iyon sinasadya but still natatakot ako.Natatakot ako kay Lolo, hindi sa mga tao.
"You have 10 minutes to prepare, " bungad sa akin ni Mirae pagpasok ko sa dressing room.
Tinanguan ko ito at kaagad kinuha sa stylist ang next outfit na susuotin ko.All black ang outfit ko for the next performance.
Another collaboration with Vixen and Vernon.
Mabilis naglapitan ang mga taga make-up sa akin, konting retouch lang at lagay ng red lipstick sa labi then kaunting ayos ng earmic at earpiece ready to perform na ulit.
Kailangan kong kumain ng marami after nito!
Sinenyasan ako ng isang staff na magpunta na sa pwesto ko, sabay lang namin ni Vixen nadating ang pwesto namin.She's wearing red from head to toe.
Naupo ako sa upuan na props, kasama iyon sa performance.
Pinapanood ko ang mga shareholders ng AIS na kumakaway sa camera dahil isa-isa silang pinapakilala.Ipinakilala din ang Chairman ng school ganu din ang ilang kilalang tao mula sa C&M.Nagulat ako ng ipubliko ng MC ang Founder ng C&M, which is si Harabeoji.
Nag-video greeting si Harabeoji sa mga manonood, nagkatinginan kaming dalawa ni Vixen at sabay nagkibit-balikat.
"And tonight.....we will witnessed once in a life time collaboration between C&M Aces! Let's give an applause for C&M Aces!!!!"
[Now Performing Heroine by Sunmi]
Una akong kumanta, isinasabay ko sa beat ang galaw ko habang pasimpleng natingin kay Vixen.
Sa totoo lang pikit-mata itong pagpeperform ko, halos wala akong alam sa lahat ng choreo tapos may mga collaboration pa akong ginawa, buti na lang andyan si Cassie para ituro lahat ng choreo at tulungan ako sa loob lang ng halos apat na ora bago ang performance.
Nagtuloy-tuloy ang performance hanggang sa magtilian ang mga tao, napatingin ako saglit sa bigscreen.Lumabas si Vernon mula kung saan kaya nagsigawan ang mga tao.
Nagpunta kaming dalawa ni Vixen sa gilid habang nagpeperform si Vernon sa gitna kasama ang mga babaeng back-up dancer.
Muli kaming bumalik sa gitna habang kinakanta ko ang chorus ng kanta.
Naglakad palikod si Vixen habang kami ni Vernon ay nasa gitna.Nagharap kaming dalawa bago maglakad at lagpasan ang isa't isa.
"The show must go on....." Pagkanta ko habang nakatingin sa camerang nasa harapan ko.
"The show must go on....." Kanta naman ni Vernon sa kabila.
Linapitan naman ng cameraman si Vixen na nakaupo sa lamesang props bago banggitin ang last line ng kanta.
"You must go on...."
Namatay lahat ng ilaw, mabilis ko namang isinuot ang black coat na dala ni Dani.
Magpeperform ulit kami, kasama ko naman ngayon ay sina Vixen, Dani, Sam.
Isa ang kantang ipeperform namin ngayon sa ginamit namin noon sa monthly evaluation.Nag-viral iyon sa social media matapos iupload ng company, wala nga lang nakakilala sa akin dahil blurred ang mukha ko sa video pero nalaman din ng mga tao nung nagtagal.
[Now Performing Gashina by Sunmi]
Nagsigawan ang mga tao ng lumiwanag ang paligid, nag-umpisa naman na kaming gumalaw.
Masyadong sexy ang ni Vixen at Dani kung ikukumpara sa suot namin ni Sam.
Maraming fans ang nakikisabay sa kanta, karamihan sa kanila ay ipinapakita sa bigscreen.
"Can't nobody stop me now.....no try me, " pagkanta ni Sam.
Nagpatuloy ang performance, sumasabay ang mga tao sa kanta.Ipinakita sa bigscreen ang isang babaeng naiyak habang nakanta, may dala itong cardboard kung saan nakadikit doon ang picture naming mga sumali sa NONAGON SEARCH.
Isa syang solid fans!
Biglang nagpasabog ng confetti habang nagpeperform kami, may pumasok na confetti sa bibig ko.Pasimple kong tinanggal ito, kita ko ang pasimpleng pagtawa ni Sam.
Pagkatapos naming magperform ay namatay ang ilaw, kinuha namin iyong tyempo para umexit.
"Nakita nyo yung babaeng naiyak kanina?" Tanong ko sa tatlo habang naglalakad kami.
"Ah oo, fans natin 'yun, ilang beses na 'yun uma-attend ng fanmeeting at concert namin." Saad ni Dani sa akin.
"Madami siguro 'yun pera, " pagbibiro ko.
Napatawa sila sa sinabi ko bago tuluyang pumasok sa dressing room nila.
Nagpeperform ngayon sa stage ang mga nakilahok noon sa AIS first GIRL GROUP.Nakapagpalit na ako ng damit para sa huling performance ngayong gabi.
[Now performing I NEED U by BTS + SORRY SORRY by SUPER JUNIOR]
Both male and females na nag-audition noon ang nasa stage ngayon.
"Infairness nag-improve yung nakaaway natin dati." Natatawang saad ni Ariane habang nanonood sa mga nagpeperform.
Natapos ang performance na hype na hype ang crowd.Naka standby naman kami sa pwesto namin.
[Now Performing Mic Drop by BTS + UP & DOWN by EXID]
Unang nagperform ang Nonagon girls kung saan enjoy na enjoy nila ang boygroup song na pineperform nila.Ibang iba talaga ang charisma ni Vixen kung ikukumpara sa akin.
Napahaglpak naman kami ng tawa nang ipakita na sila Vernon, ang Nonagon Boys.Naka white pants silang lima habang naka-girly color ang pantaas, may mga ipit din sila sa kanilang buhok.
Buhay na buhay ang crowd lalo na nung mag chorus na.
"Kopyang kopya yung galaw ng balakang ah, " pangangantsaw ni Ariane habang inirerecord ang performance.
"Stand by na kayo, " paalala sa amin ng staff ganun din kina Gino.
[Now Performing MOVES LIKE JAGGER by MAROON 5]
Pagpalit ng kanta ay naglakad na kami papunta sa stage.Tumigil kami sa tabi NONAGON GIRLS habang sila Gino ay nagpeperform sa unahan.
Ipinakilala kami bilang part ng C&M Family, Nakalagay sa damit nila Vernon ang pangalan ng grupo nila ganun din kina Vixen habang sa amin naman nila Miko ay C&M next idol.
Hindi ko inexpect na magdedebut na kaagad sila ng bagong boygroup kung saan miyembro si Miko, Jason,Luke, Lucas,Jay,Sandro at Taecyeon.
Hindi na parte ng C&M family si Gino dahil nagleave na ito sa company.
Pagdating sa chorus ay nagsama-sama na kami sa gitna doing some freestyle dance.Bahagya akong nagulat ng tumabi sa akin si Vernon, hawak ang kanyang mic.
"Ako kapartner mo dito, " saad nito sa akin.
Nilingon ko ang iba may mga partner na ito.
"I gotta moves like jagger....."
Kasabay ng pagkanta namin aa huling lyrics ay syang paglabas ng mga pyrotechnics fireworks.
Sinamahan na kami sa stage ng ibang nagperform mula umpisa hanggang dulo.Nagpasalamat ang MC sa mga naging sponsor ng event hanggang sa mga shareholders at iba pang dumalo.
"Once again, thank you for being here again!!!!"
Naghawak-hawak kaming lahat at sabay-sabay na nagbow sa mga audience.

Komento sa Aklat (17)

  • avatar
    Skyler Jane Cortez Tecson

    Sana may part ll pa nakaka excited po nang subra

    23/05

      0
  • avatar
    Alexis Mae Villegas Vargas

    Maganda yung storyyyyy

    13/03

      0
  • avatar
    Cely Bautista Andres

    ganda

    15/05/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata