Klyn's Point Of View "ANG TAGAL NAMAN ni Gelo dumating." Nababagot na sabi ng asawa ko. Palingon-lingon pa siya sa pintuan. Nangunot naman agad ang noo ko at napatingin sa kaniya. "Bakit ba atat na atat kang makita si Angelo? Nandiyan yung asawa mo oh." Turo sa'kin ni Diane. Nandito kami sa sala kasama ang mga kaibigan namin ng asawa ko. Binisita nila kami at dinalhan ng pagkain, ito namang asawa ko ay walang ibang bukambibig kundi si Angelo. Pinipigilan ko na lang ang inis at selos na nararamdaman ko dahil nag-iba talaga ang ugali ni babe nitong mga nakalipas na linggo. Tinignan ako ng asawa ko pero ngumiwi lang siya sa'kin at umiwas ng tingin. Inis akong bumuntong hininga at uminom ng wine. "Magka-away ba kayo ni Kyla?" Tanong sa'kin ni Dextar. "No." Iling ko. "Ilang linggo na siyang ganiyan sa'kin. Masungit." Napailing ulit ako at napainom ulit ng wine. "Gelo!" Napatingin kami kay Kyla nang humiyaw siya at patakbong lumapit kay Angelo na kakapasok lang sa bahay. Ngumiti naman siya at sinalubong ang yakap ng asawa ko sa kaniya. "What. The. Hell?" Madiin kong sabi at napatayo. Napatingin silang dalawa sa'kin pero sinimangutan lang ako ng asawa ko. Si Angelo naman ay ang lakas ng loob na ngumisi sa'kin. "Damn, annoying!" Padabog akong umupo at tinignan sila ng masama. Si Angelo lang ang nakakita sa'kin dahil nakatalikod si babe sa'kin. "Grabe, ang bango mo!" Mas naasar ako sa puri ng asawa ko kay Angelo. Nagsimula na namang maglibot ang dila ko sa kaliwang pisngi sa loob ng bibig ko. Natatawa naman ang dalawang kaibigan ko sa'kin. Ang dalawang kaibigan naman ni babe ay pinag-aaralan ang kilos ng kaibigan nila. "Gelo, tara sa kusina. May ipapatikim ako sa'yo." Namula ang tainga ko sa narinig ko. Hindi ko na napigilang lumapit sa kanila at marahang inilayo ang asawa ko kay Angelo. "The fuck babe?! Anong ipapatikim mo sa kaniya huh?!" Asik ko kay babe. "Pfft! Hahahaha!" "Takte!" Tumawa ng malakas ang dalawang kaibigan ko. Sinamaan ko sila ng tingin kaya nagpigil na lang sila ng tawa. "Ipapatikim ko sa kaniya yung papaya, ayaw mo naman 'yon diba?" Napatingin ako kay babe. "Who says I don't like it? Papaya with mayonnaise is my favorite." Imbes na kausapin ako ay bumaling na ulit si babe kay Angelo. "'Wag mo na lang siya pansinin ah? Nagmamaktol na naman siya." Nakagat ko ang labi ko sa asar. "Halika na sa kusina Gelo, lutuan mo ko ng pasta ah?" Hindi nagdalawang isip si Angelo. "Sure." "You lose!" Pang-aasar sa'kin ni Dextar. Nasundan ko na lang kasi ng masamang tingin si babe at Angelo na tumungo na sa kusina. "I don't understand her!" Padabog ulit akong naupo. "Kami rin, nawiwirduhan kay Kyla." Natatawang padagdag ni Diane sa sinabi ko. "Ilang linggo na siyang ganiyan. I mean, she's so cute. Pero madalas ay sinusungitan niya ko." Maktol ko. "Naging matakaw ba si Kyla?" Napatingin ako kay Angel. "Yes." "Madalas ba siyang mahilo o masuka? Lalo na sa umaga?" Tanong naman ni Diane. Napaisip muna ako. "Y-yes. Especially kapag nakakaamoy siya ng kape." Nagkatinginan naman ang magkaibigan. "Mukhang alam ko na. Napacheck-up mo na ba si Kyla?" Tanong ulit ni Diane. Napatingin si Angel sa kaniya. "Hindi baliw si Kyla Diane." "Timang!" Natatawang angil ni Diane kay Angel. "Base kasi sa nakikita ko kay Kyla, parang naglilihi na siya." "What do you mean naglilihi?" Tanong ko kay Diane. "Kapag naglilihi na ang isang babae, ibig sabihin ay nagdadalang tao na siya." Napatitig ako kay Diane at sobrang naapektuhan. Napaawang ang labi ko at hindi man lang kumurap. "Nice!" Natuwa si Aiverson para sa'kin. "Daddy Klyn!" Inaalog-alog ni Dextar ang balikat ko. Pero hindi pa rin bumalik ang wisyo ko. Paulit-ulit sa isip ko ang sinabi ni Diane. "Hello! Nandito ulit kami!" Nang marinig ko ang tinig ng asawa ko ay doon lang bumalik ang wisyo ko. Napatingin kaming lahat sa kaniya at nakitang may hawak siyang plato na may laman na papaya. May isang papaya din siya sa isang kamay at 'yon ang kinakain niya habang papalapit sa'kin. "See? Ganiyan--" Natigilan si Diane saglit. "Ganiyan 'pag buntis." Tinuro niya pa si Kyla. "Sinong buntis?" Inosenteng tanong ni babe. Nakagat ko ang labi ko at ngumiti sa kaniya. Tumayo ako at niyakap siya. Hindi siya nakaganti ng yakap sa'kin dahil sa mga hawak niya. "Magiging daddy na ko babe." Masayang usal ko sa kaniya. Nang humiwalay ako sa kaniya ay nakakunot na ang noo niya sa'kin. "Sira ba ulo mo?" Nagugulat na angil ni babe sa'kin. Napangiti lalo ako. "Nakabuntis ka ng ibang babae?" Natawa ako na may bahid ng tamis. Niyakap ko ulit siya at hinalik-halikan ang gilid ng leeg niya. "Klyn, sagutin mo ko! Nagtaksil ka ba sa'kin ha?!" Asik niya pa pero mas hinigpitan ko pa lalo ang yakap sa kaniya. "Kailangan pa rin nating makasigurado, bumili ka ng Pregnancy Test--" Dinig kong giit ni Diane. Hindi naman 'yon narinig ni Kyla dahil paulit-ulit ko siyang binulungan kung gaano ko siya kamahal. "Si Andrew na lang pala--" Narinig ko ang bahagyang tawa ni Dextar. "Okay lang. Ako na bibili." Hindi ko na narinig na tumugon si Diane kay Dextar. Ang pagtapik ni Dextar na lang ang naramdaman ko. "Good job Klyn. May panganay ka na." Sabi pa ni Dextar sa'kin bago lumabas ng bahay. "Napakasama mo Klyn! Anong ginawa ko sa'yong mali para pagtaksilan mo ko ha?" Napahiwalay ako kay babe nang dahil sa sinabi niya. Napaawang ang labi ko ng makitang umiiyak siya. "Panget na ba ko?" "Of course not." "Hindi na ba ako sexy sa paningin mo?" "You are sexy babe." "Then why?!" Nahalakhak ang dalawa niyang kaibgan, kahit si Aiverson ay natawa na rin dahil sa biglang asik sa'kin ni babe. Napangiti ako sa kacute-an niya at pinunasan na lang ang luha niya. "Muntinga Ky!" Natatawang anas ni Diane sa kaibigan. "I love you so much babe. Please sit here." Inalalayan ko siya papalapit sa sofa sa tapat ng dalawang kaibigan niya. "Let's wait until Dextar come back here okay?" Malambing turan ko sa kaniya. Sinamaan niya ko ng tingin bago kumagat ng papaya. "Angelo, dito ka sa tabi ko." Nakaramdam na naman ako ng inis pero dahil sa nalaman ko ngayon ay hindi na lang 'yon inintindi. Sinamaan ko na lang ng tingin si angelo na ginagawa ang lahat ng sabihin ng asawa ko sa kaniya. "Remember that she's my wife." Mataman kong giit kay Angelo. Natawa lang siya at tumabi na kay babe. Nainip ako sa kahihintay kay dextar, idagdag mo pa ang pagpipigil ko ng selos dahil hindi ako pinapansin ni babe at na kay Angelo lang ang atensyon niya. "Damn, Dextar! What took you so long?" Tumayo ako at hinablot agad ang hawak niyang maliit na paper bag. "Ang tagal ko ba? Feeling ko nga 5 minutes lang ako nawala dahil sa bilis kong magmaneho." Hindi ko na siya pinansin at hinawakan ko na ang braso ni babe at maingat siyang iginayo patayo. "Let's go to our room babe." Maglalakad na sana ako nang magmatigas siya. "Bakit? Nag-uusap pa kami ni Gelo." "Stop talking with that asshole. We need to figure out something important." Binuhat ko na si babe at nagpumiglas ulit siya. Hinigpitan ko ang hawak sa kaniya sa takot na baka malaglag siya. "Babe, please be careful." Tumigil din siya pagkawag kaya ngumiti ako sa kaniya at hinalikan siya sa noo. Nang makapasok kami sa kwarto ay sinara ko agad ang pinto at marahan siyang itinayo. "Ano bang gagawin natin dito?" "Look at this." Inilabas ko ang isa sa tatlong Pregnancy Test. Nanlaki ang mata niya habang nakatingin sa hawak ko. "P-pregnancy Test? Bakit meron ka niyan?" Gulat niyang tanong sa'kin. "Guess it?" Hinawakan ni babe ang pareho kong braso at bahagyang nakaawang ang labi niya habang nakatingin sa'kin. "Nabuntis ba kita Klyn?" Natawa ako sa itinanong niya. "No babe." Natatawa pa rin ako habang umiiling-iling sa kaniya. "I got you pregnant." Nagulat siya at napaawang ang labi na kalaunan ay natakpan din niya gamit ang isang kamay ang kaniyang bibig. "B-buntis ako?" Gulat niya pa ring tanong sa'kin. Ngumiti ako. "Use this then we'll see." Hindi na ko makapaghintay kaya iginaya ko na siya papasok sa banyo. Sinara ko ang pinto ng banyo nang makapasok kami. "Go ahead babe. I'm so fucking excited to see the result." "Ano pang ginagawa mo dito?" Taas kilay na tanong ni babe sa'kin nang makitang balak kong manatili dito sa banyo. "I'll wait you here." "Lumabas ka." "Babe, just do it." "Kailangan kong hubadin 'tong short ko." "So?" "Labas na sabi!" "Fine." Tumalikod lang ako sa kaniya. "Ang kulit." "Just do it babe. I'm waiting." Narinig ko ang padabog niyang kilos kaya pinigilan kong tumawa. Tumingin ako sa salamin at doon siya tinignan. Pinanood ko lang siya sa ginagawa hanggang sa tignan niya na ang resulta ng Pregnancy Test. Agad akong lumapit sa kaniya. "May I see." Kinuha ko agad 'yon sa kamay niya. "Isang guhit lang." Malungkot na sabi ni babe. Napakurap ako at nilamon agad ng pagkadismaya at lungkot. Napayuko ako at napatitig sa Pregnancy Test na hawak ko. Napabuntong hininga ako at pilit na ngumiti kay babe. "It's okay. Let's keep trying to make our first baby." Malungkot na ngumiti sa'kin si babe at niyakap ako. "I'm sorry." Parang maiiyak na usal ni babe sa'kin. "It's alright babe. You don't have to say sorry." Humiwalay ako sa kaniya at pinunasan ang luha niya. "Let's go back downstairs." Tumango si babe. "S-sige."
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (14)
Bobby
nothing
04/01/2025
0
Crystal Emelody Snow
wahhh!!! meron din pala ito dito 😍😍😍 namiss ko 'to!!! 😊 sana ma published mo 'to syerky pati yung iba mo pang stories ang ganda pa naman ng mga stories mo lalo na itong Heart Trilogy series mo😊😊
nothing
04/01/2025
0wahhh!!! meron din pala ito dito 😍😍😍 namiss ko 'to!!! 😊 sana ma published mo 'to syerky pati yung iba mo pang stories ang ganda pa naman ng mga stories mo lalo na itong Heart Trilogy series mo😊😊
30/08/2024
0I like youre stories
07/07/2024
0Tingnan Lahat