Chapter 60

Kyla's Point Of View
DAHIL SA LALIM ng iniisip ay hindi ko namalayan na nakarating na kami destinasyon namin. Pinagbuksan ulit ako ni Klyn ng pinto at inalalayang lumabas ng kotse. Napahawak ako ng mahigpit sa kamay niya nang tumingala ako sa gusaling nasa harap namin.
"Are you sure about this? We can go back home babe." Naramdaman ni Klyn ang kaba ko.
"H-hindi. Nandito na tayo kaya tumuloy na tayo."
Lumapit na rin ang kapatid ko sa'kin at sumabay sa'min nang pumasok na kami sa loob. Si Klyn ang kumausap sa mga sumalubong sa'min at sinabi kung anong sadya namin. Inihatid naman kami ng isang sundalo sa mga mesa. Naupo kami do'n at naghintay sa pagdating nila mama.
Mayamaya pa ay napatayo kaming tatlo nang makitang papalapit na sa'min si mama at tito Albert. Natigilan sila nang makita kami at hindi makapaniwalang tumitig sa'min. Nang inutusan sila ng isang pulis na magpatuloy ay wala silang nagawa kundi ang lumapit sa'min.
"M-mga anak..." Parang gusto kaming yakapin ni mama pero dahil nakaposas ang mga kamay niya ay hindi niya nagawa.
"M-ma..." Lalapit na sana ako sa kaniya nang hawakan ni Klyn ang braso ko. Tumingin ako sa kaniya at nakitang nag-aalala at nag-aalangan ang mukha niya. Ngumiti ako sa kaniya at tumango, pinapahatid na walang mangyayaring masama sa'kin.
"Ang lakas ng loob niyong magpakita sa'min. Pagkatapos niyo kaming ilagay sa impiyernong lugar na 'to?" Sabat ni tito Albert.
"Kami pa ang malakas ang loob?" Napatingin kami lahat kay Tristhan. "Sa impiyernong lugar na 'to kayo nababagay. Lalo ka na." Madiing sabi ng kapatid ko kay tito Albert.
"'Wag ka na lang magsalita Albert. Hayaan mong kausapin ko ang mga anak ko." Giit ni mama kay tito Albert.
Lumapit na sa'kin si mama kaya sinalubong ko siya. Niyakap niya ko ng mahigpit kaya napapikit ako at gumanti rin ng yakap sa kaniya.
Humagulgol si mama sa balikat ko. "Patawarin mo ko anak ko, patawarin mo si mama Ky." Paulit-ulit na paghingi ng tawad ni mama sa'kin.
Napaluha na rin ako at niyakap lalo si mama. "Napatawad ko na po kayo ma. 'Wag na po kayong umiyak."
Humiwalay si mama sa'kin at hinawakan ang pareho kong pisngi. "Napakarami kong pagkukulang at kasalanan sa inyo ng kapatid mo. Sobra akong nagsisisi sa lahat ng mga ginawa kong mali sa inyo ng kapatid mo. Pero hanga ako sa kabutihan mo anak, at kahit wala ako sa tabi mo ng mahabang panahon ay sobra akong napa-proud sa'yo, sa inyo ng kapatid mo."
Lumuluha man ay napangiti ako sa narinig mo mula kay mama. "Salamat ma." Niyakap ko ulit si mama. "Gusto rin po kayong makausap ni Tristhan." Humiwalay na ko sa kaniya at umatras para bigyang daan si Tristhan.
Napabuntong hininga si Tristhan bago lumapit kay mama. "Tristhan, anak--"
"Galit pa rin ako sa inyo." Walang habas na sabi ni tristhan.
"Tristhan." Sita ko sa kaniya pero hindi niya man lang ako nilingon.
"Hindi ako kasing bait ni ate. Pero tinuruan niya kong ituring pa rin kayong nanay ko dahil binuhay mo kami sa mundong 'to. At dahil ayoko na rin namang patagalin pa ang galit ko sa inyo... pinapatawad ko na rin kayo." Dagdag pa ni Tristhan. Napaiyak ulit si mama at niyakap si Tristhan, hindi man siya gumanti kay mama pero ayos na sa'kin na hinayaan niyang hagkan siya ni mama.
"Patawarin mo ko anak, pinagsisisihan ko na talaga ang mga ginawa ko noon. Mahal na mahal ko bilang mga anak ko. Patawarin niyo si mama."
Nakita kong nagpunas ng luha si Tristhan. Nang humiwalay si mama sa kaniya ay lumayo rin agad siya.
"Hinihintay niyo ba kong humingi rin ng tawad sa inyo?" Nakangising tanong ni tito Albert sa'min. "Umalis na kayo, dahil kahit mamatay na ko dito ay wala kayong maririnig na paghingi ng tawad mula sa'kin."
"Akala mo naman patatawarin ka rin namin kung manghingi ka man ng tawad sa'min?" Umiling si Tristhan. "Umalis na tayo dito. Si mama lang naman talaga ang pakay natin." Baling sa'min ni Tristhan.
Tumango ako sa kapatid ko at humarap ulit kay mama. "Ma, gusto po sanang ipakilala sa inyo si Klyn. We're getting married soon po." Pakilala ko kay Klyn kay mama.
"I'm Klyn Dela Cruz po." Abot ni klyn sa kamay niya kay mama.
"N-nahihiya ako sa'yo, ilang beses na tayong nagkita sa korte. P-pero masaya akong ikaw ang mapapangasawa ng anak ko, alam kong gagawin mo ang lahat para maprotektahan siya." Iniabot pa rin ni mama ang kamay ni Klyn. Ngumiti si Klyn at tumango kay mama. Gano'n din ang ginawa ni mama sa kaniya.
"Ikaw ba Tristhan, ikakasal ka na rin ba?" Baling ni mama sa kapatid ko na agad nakapagpabago sa mood niya.
"Baka next year, pakasalan ko na siya." Sagot ni tristhan. Napatingin agad ako sa kaniya, hindi ko na lang siya sinita dahil talagang umaliwalas ang nakabusangot niyang mukha kanina.
"Gusto ko rin siyang makita." Nakangiting ani mama kay Tristhan.
"Sige po, ipakikilala ko siya sa inyo soon."
Ngumiti lalo si mama. "Aasahan ko 'yan anak."
"Ah, ma. Kailangan na po naming umalis. Gusto ko lang po talaga naming kumustahin kayo dito." Ani ko kay mama.
"Ayos lang ako dito kahit papa'no anak. 'Wag niyo na kong alalahanin dahil dito naman talaga ako nababagay." Malungkot na ngumiti sa'min si mama. "Mag-iingat kayo ah. Sana hindi ito ang huling beses na magkikita-kita tayo."
"Bibisitahin pa rin po namin kayo dito. Makakaasa po kayo." Ngiti ko kay mama. Yumakap pa ulit siya sa'min ni Tristhan bago nagpaalalay sa pulis pabalik sa selda.
"YOU TIRED?" Tanong sa'kin ni Klyn nang pabagsak akong humiga sa kama ko. Inihatid pa ako ni Klyn paakyat dito sa kwarto ko.
"Yeah. Inaantok na pati ako." Humikab pa ko. Yumuko si Klyn sa'kin para ayusin ang pagkakahiga ko. Nang nasa unan na ang ulo ko ay umupo siya sa tabi ko at inialis ang ilang hibla ng buhok ko na nakatabing sa mukha ko.
"I'll wait you to fall asleep before I'm going home." Mahinang usal ni Klyn habang hinahaplos ang buhok ko sa tuktok ng ulo ko.
"Hindi ata ako makakatulog kapag nandito ka."
"Why?"
Tipid akong ngumisi. "Hindi ko mapigilang mapatitig sa mukha mo e. Parang ayoko na lang matulog para lang matitigan ka."
Matunog na napangiti si Klyn. "You're making me want to stay here babe."
Napangiti ako pero napahikab din. Napangiti lalo si Klyn at hinalikan ang noo ko. "Gusto ko rin. Kaya lang ay pupunta tayo sa marikina bukas diba? Wala ka namang damit dito pamalit. Isasama rin natin si Klyzer, mag-isa lang siya do'n sa apartment. Baka hindi pa 'yon kumakain."
"Oh, yeah I almost forgot." Napakamot si Klyn sa sentido. "That's why you need to get asleep na para makabalik na ko sa apartment." Ngiti niya sa'kin.
"Okay, goodnight." Ngumiti ako kay Klyn.
"Goodnight babe. I love you." Hinalikan niya ko sa labi at pinagpatuloy ang pahaplos sa ulo ko para patulugin.
Bahagya akong napadilat nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Nakita kong napatingin pa sa'kin si Klyn bago dahan-dahang lumabas at maingat na sinara ang pinto. Napapikit ulit ako at nakatulog na ulit.
Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Kahit inaantok pa rin ay tumayo na agad ako at kumilos dahil alam kong mamaya ay nandito na rin si Klyn para sunduin ako.
Nang bumaba ako ay nasa dining area na lahat sila. Hindi makakasama sa'min ni Klyn ang dalawang kaibigan ko dahil inaasikaso na nila ang kasal namin. Isang buwan na lang ang natitira para sa magaganap na kasal namin ni Klyn, kaya sobra na silang busy ngayon.
Si tristhan, si papa at tita Maris lang ang sasama sa'min papunta sa bahay nila Klyn sa marikina. Inanyayahan kami ni tita Marianne para doon kumain ng pananghalian at para pag-usapan ang nalalapit na kasal namin ni Klyn.
"Hi, babe." Bati sa'kin ni Klyn nang pagbuksan ko siya ng gate. Niyakap niya agad ako at nag-abot ng bulaklak sa'kin nang humiwalay siya sa'kin.
"Thanks." Pasalamat ko at hinalikan siya sa labi. Matapos ng matamis na halik ko sa kaniya ay niyaya ko na siyang pumasok. "Kumain ka na ba?"
"Not yet." Nakangiting sagot ni Klyn. Siya lang ang nakita kong nakangiti na hindi pa nag-aagahan. Awit... Nakita niya sigurong nawirduhan ako sa kaniya kaya bahagya siyang natawa. "Nabusog na ko sa halik mo kanina."
Nakangiwing ngumiti ako sa kaniya. "Kumain ka pa rin Klyn. Si Klyzer? Nasa'n?" Biglang tanong ko kay Klyn.
"Inside my car." Hinawakan niya ang bewang ko habang papasok na kami sa dining area. "Kumain ka na siya, don't worry." Dagdag pa niya.
"Eh bakit hindi ka na rin kumain muna?"
"The breakfast can wait, but I can't wait to see you again." Sagot naman niya. "Besides, I'm really planning to eat breakfast here... with you."
Napangiti ako. "Sakto. Hindi pa rin ako kumakain. Sabay na tayo."
Ngumiti ng malapad si Klyn at hinalikan ako sa pisngi. Nang tuluyan kaming dumulog sa dining table ay agad kaming kumain at nag-kwentuhan pa kasama ang mga kaibigan ko. Nag-paalam din kami sa kanila nang matapos at bumiyahe na papunta sa Marikina.
"KLYZER!" Hiyaw ni Kyline nang makita niya si Klyzer na kasama namin na papalapit na sa kanila.
"Reynan, and Maris. Please join us here." Anyaya ni tita Marianne kila papa at tita papalapit sa inayos nilang table dito sa bakuran nila. Nagbeso-beso pa sila at nagbatiin bago umupo.
"Where's dad?" Tanong ni Klyn sa mama niya.
"Pababa na rin 'yon anak." Sagot ni tita. Nang tumingin siya sa'kin ay ngumiti siya at niyakap ako. "I missed you hija."
"I missed you too po tita." Tumugon ako sa yakap ni tita.
"Oh, you're all here."
Napatingin kami kay tita Clifford na papalapit na sa'min. Agad siyang binati ni tita Maris at papa at gano'n din ang ginawa ni tito Clifford.
Nagsimula kaming kumain na walang hintuan ang kwentuhan. Masayang tignan ang parehong pamilya namin ni Klyn na magkakasundo at walang problema sa relasyon namin ni Klyn.
"Nakita mo na ba ang bahay na pinagawa ni Klyn para sa inyo?" Napatingin ako kay tito clifford dahil sa itinanong niya sa'kin.
"Opo tito. Napakaganda po." Nakangiting sagot ko. Naramdaman ko ang pagpisil ni Klyn sa kamay ko na hawak niya sa ilalim ng mesa. Tumingin ako sa kaniya at ngumiti rin dahil nakangiti na siya sa'kin.
"Kaya gano'n na lang kalaki at kalawak ang bahay niyo ay dahil gusto daw niyang magkaroon ng maraming anak sa'yo." Natawa si tito matapos sabihin 'yon.
"And he approves my idea." Natatawang dagdag ni Klyn sa sinabi ng ama. "He also wants to have a lot of grandchildren from us." Dagdag pa ni Klyn. Nagtawanan ang mga magulang namin pareho.
Inabot kami ng hapunan dahil sa walang tigil na tawanan at pake-kwentuhan namin. Si Klyn naman ay parang ayaw na kong pakawalan dahil hanggang nasa biyahe kami pauwi ay hawak niya ang kamay ko.
Kaya nang tatlong araw na lang bago kami ikasal ay nagmamaktol siya dahil hindi daw niya kayang hindi ako makita sa buong tatlong araw. Kaya panay ang panlalambing ko sa kaniya hanggang sa wala na siyang nagawa kundi ang sumunod.
Nang dumating na ang pinakahihintay naming araw ay sobra ang kaba at excitement ko. Ito na ang simula ng pagbabago ng buhay namin ni Klyn. Matapos ang araw na ito ay ganap na kaming mag-asawa. Hindi na ko makapaghintay.
"Maligo ka na Ky, tutulungan ka naming mag-ayos. Papunta na rin dito sila Jef at Mara." Giit ni Diane nang makitang naka-upo lang ako sa kama ko at nakatingin lang sa kawalan.
"Ito na ba talaga 'yon Diane? Hindi ba ko nananaginip?" Wala sa sarili kong tanong kay Diane na nasa kawalan pa rin ang tingin.
"Gusto mo tampalin kita? Para maniwala ka?" Brutal na suhestiyon ni Diane.
"Masaya dapat ang araw na 'to Diane. 'Wag mong sirain." Nakangiwing usal ko kay Diane. Natawa naman siya at lumapit sa'kin.
"Totoo na 'to Ky, ikakasal ka na kay Klyn. Kaya kung ako sa'yo ay kumilos ka na para hindi maghintay ang matagal ang groom mo." Dahil sa sinabi ni Diane ay mas lalo akong naganahan kumilos. Hindi ko naman minabilis ang pag-ligo ko dahil bawat parte ng katawan ko kahit loob ng kuko ay kinuskos ko para malinis na malinis akong haharap sa groom ko.
Yiee, groom ko...
Kinilig pa ko sa naisip ko bago pinagpatuloy ang pag-aalnaw ko. Nang matapos ako at lumabas na sa banyo ay nagningning ang mata ko dahil bumungad sa'kin ang wedding gown ko na nasa mannequin pa. Ito na ang pangalawang beses na nakita ko ito sa personal pero namamangha pa rin ako sa ganda niyon.
"Umupo ka na dito Ky, aayusan ka na muna nila." Utos sa'kin ni Diane. Lumapit ako sa kaniya na nasa wedding gown ko pa rin ang paningin ko.
"Food delivery!"
Napatingin kami kay Angel na kakapasok lang sa kwarto ko. May dala siyang pagkain na halatang pinadeliver niya lang sa isang fast food chain.
"Ky, ang ganda mo..." Manghang kunwari ni Angel.
"Kakaupo ko lang dito Gel, mag-uumpisa pa lang sila." Natatawang tugon ko kay Angel at itinuro pa sila Jef at Mara.
"Ay, akala ko tapos ka na nilang ayusan. Iba kasi ang gloom mo ngayon e." Nang-uto pa siya.
"Wala akong pambili ng pagkain." Nakangising sabi ko sa kaniya.
Ngumuso siya sa'kin. "Hala! Malulungkot na ko." Aniya na parang may naalala.
Napatingin kami ni Diane sa kaniya. "Bakit?" Tanong ko sa kaniya.
"Eh, kasi, hindi ka na dito uuwi mamaya. Mahihiwalay ka na sa'min." Bakas ang lungkot sa boses ni Angel. Napatingin naman ako sa kanilang dalawa at napaisip sa sinabi niya. Oo nga, matapos ang araw na ito ay hihiwalay na ko ng bahay sa kanila. Napabuntong hininga ako at nakaramdam din ng lungkot.
Disi-nuebe pa lang ako ay sila na ang kasama ko sa apartment, sila na ang naging pamilya ako hanggang ngayon. Sila ang kasama ko sa hirap at ginhawa. Sila ang naging katuwang ko sa lahat ng bagay. Hindi pa man dumadating sa buhay ko si Klyn ay nandiyan na sila sa tabi ko, hindi nila ako iniwan hanggang ngayon.
Nakakalungkot lang isipin na darating pala talaga kami sa puntong magkakahiwa-hiwalay kami. At ito rin ang sinabi ni Diane sa'kin na ikinakatakot niya, ang hindi na namin makakasama ang isa't isa sa lahat ng pagkakataon. Dahil magkakaroon na kami ng sari-sariling buhay at pamilya.
Inakbayan ni Diane si Angel at lumapit sa'kin para magyakapan. Nangilid ang luha sa mga mata ko at niyakap sila ng mahigpit. Nang hindi ko na napigilan ang emosyon ko ay umiyak na ko habang kayakap sila. Parang ayoko ng kumawala sa kanila.
Narinig ko na rin ang pag-iyak ni Angel. Si Diane naman ay parehong hinahagod ang mga likod namin. Hindi ko man marinig ang pag-iyak niya pero alam kong lumuluha na rin siya. Si Diane ang mas nalulungkot kaysa sa'min, sigurado ako diyan.
"Thank you... Thank you sa inyong dalawa." Humiwalay ako at pinunasan ang mga luha ko. "Salamat sa pag-aalaga sa'kin, salamat sa pag-gabay sa'kin, salamat sa paluluto mo ng pagkain para sa'min Gel, salamat sa pagiging nanay sa'kin Diane. Hinding-hindi ko kayo makakalimutan kailanman." Madamdamin kong sambit sa kanila.
"Mamimiss ka namin Ky." Parang batang sabi ni Angel, pero umiiyak pa rin siya kaya niyakap ko na lang ulit siya.
"Ako din, mamimiss ko din kayo. Pero alam ko namang kahit anong oras kong gustuhin, mapupuntahan ko kayo dito. Pwedeng-pwede rin kayong bumisita sa bahay namin ni Klyn, kahit araw-araw pa ay ayos lang." Pagpapagaan ko sa loob ni Angel.
"Hindi naman mawawala ng literal si Kyla Gel, gaya nga ng sabi niya ay kahit anong oras ay pwede natin siyang bisitahin." Ngiti ni Diane kay Angel. "Mangyayari talaga 'yon, dahil alam niyo namang hindi kompleto ang araw ko ng hindi siya naaasar." Tumawa si Diane, ngumiwi kami sa kaniya ni Angel pero natawa rin kalaunan.
"Sus! Baka hindi kompleto ang araw mo ng hindi ako nakikita." Natatawang sabi ko kay Diane.
"Gano'n na nga." Natatawang tugon ni Diane sa'kin. "Sanay na kong nakikita ang mukha niyo ni Angel, kaya hindi kompleto ang araw ko ng hindi ko nakikita ang isa sa inyo." Nakangiti, ngunit sinsero na dagdag ni Diane.
"Oh, sige na. Kailangan mo ng mag-ayos. Mauuna kaming pumunta do'n sa simbahan. Si tita Maris at papa mo ang aalalay sa'yo papunta do'n. Nakahanda na rin ang sasakyan sa labas, ikaw na lang talaga ang hinihintay." Ani Diane. Tumango ako sa kaniya at niyakap pa muli sila.
"Thank you ulit." Pasalamat ko ulit sa kanila at hinalikan sila sa pisngi. "I love you guys." Ngumiti sila sa'kin at kumaway bago nilisan ang kwarto ko.

Komento sa Aklat (14)

  • avatar
    Bobby

    nothing

    04/01/2025

      0
  • avatar
    Crystal Emelody Snow

    wahhh!!! meron din pala ito dito 😍😍😍 namiss ko 'to!!! 😊 sana ma published mo 'to syerky pati yung iba mo pang stories ang ganda pa naman ng mga stories mo lalo na itong Heart Trilogy series mo😊😊

    30/08/2024

      0
  • avatar
    MagnoBaby Jane

    I like youre stories

    07/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata