Kyla's Point Of View KINABUKASAN DIN ay sabay-sabay kaming umuwi pabalik sa manila. Wala ni isa sa'min ang nakaramdam ng lungkot sa pananatili namin sa Hotel. Masaya ang lahat para sa'ming dalawa ni Klyn. Abot langit naman ang pasasalamat ko sa kanila dahil sa pagsuporta nila sa'min ni Klyn. Nang makapagpahinga kami ay agad naming pinag-usapan kasama ang mga kaibigan ko ang pag-aasikaso ng kasal namin ni Klyn. Gusto ni Klyn na madaliin ang kasal naming dalawa, kaya pinag-iisipan talaga namin kung paano 'yon pagagandahin sa maikling panahon lang. Parati na ulit akong hatid-sundo ni Klyn. Kapag hindi siya busy sa company niya ay sa bahay namin siya tumatambay. Parang balik sa dati lang ang nangyari, pero mas iba ang saya ngayon dahil pagkatapos ng tatlong buwan ay magsasama na kami sa iisang bahay at 'yon ang gusto niyang ipakita sa'kin ngayon. "Itinuloy mo pala talaga ang pagpapatayo ng bahay sa lupa na 'yon?" Tanong ko kay Klyn habang nasa biyahe na kami papunta sa lupang pinakita niya sa'kin noon. Nakatayo na daw kasi ang magiging bahay namin pagkatapos namin ikasal. Sa loob-loob ko ay nananabik akong makita 'yon. "Of course. Before I went to the New York to fetch you, I've made sure everything was done." Ngumiti si Klyn sa'kin at hinawakan ang isang kamay ko para halikan habang nasa daan ang paningin. "Ilang taon siya bago natapos?" "1 year." Nagulat ako at lalong napaharap sa kaniya. "Ang tagal na pala. Bakit hindi ka pa tumira do'n noon? Binili mo pa talaga yung apartment namin dati." "I've build that house for us. So, I don't want to stay there without you, It will just make me sad, alone and missing you." Sagot niya na lumingon lang saglit sa'kin. "And I bought that apartment because we have so much of memories there." Ngumiti ako na parang na-touch sa sinabi niya. Bahagya siyang natawa sa'kin ng lumingon siya sa'kin. "Sila mama Klyn..." Wala sa sariling usal ko matapos ang ilang sandali. Lumingon sa'kin si Klyn at pinisil ang kamay ko. "G-gusto ko silang makausap." Narinig ko ang buntong hininga ni Klyn. "Are you sure?" Tipid akong ngumiti sa kaniya at tumango. "Gusto ko silang kumustahin, kung... okay lang ba sila do'n..." Alangan kong sambit. Sigurado naman akong hindi sila okay do'n dahil nasa kulungan sila. Pero gusto ko pa rin masigurong hindi sila minamaltrato sa loob ng kulungan, kung nakakakain ba sila ng maayos, at kung... nagsisisi na ba sila sa ginawa nila noon. "Alright..." Pagbuntong hiningang payag ni Klyn. "We will visit them before I drop you off to home." "Isama natin si Tristhan." Dagdag ko pa kay Klyn. "If that's what you want babe." Ngiti ni Klyn sa'kin. Hininto niya na ang sasakyan, lilingon na sana ako sa bahay na nasa tapat namin pero agad niyang sinakop ang parehong pisngi ko para hindi ko agad makita. Ngumuso ako sa kaniya pero mabilis niya lang akong hinalikan sa labi. "Ano 'yan?" "Handkerchief?" Natatawang tanong niya sa'kin habang hawak ang panyo. Napasimangot ako. "Alam ko naman 'yon. Ang ibig kong sabihin anong gagawin mo diyan?" Ngumiti siya at imbes na sagutin ako ay itinakip niya na ang panyo sa mata ko. "I've waited too long for this moment babe. Please bear with me, I just want to surprise you." Aniya matapos niyang itali ang panyo sa likod ng ulo ko. "Is it hurt?" Tanong sa'kin ni Klyn habang hawak ang ulo ko sa likuran. "No." Umiling ako. Pinikit ko na lang ang mata ko dahil wala namang pinagkaiba kahit nakadilat ako gawa ng panyo sa mga mata ko. "Do you see anything?" Tanong niya ulit. Nangunot ang noo ko. "Malamang, wala. Tinakpan mo mata ko diba?" Sarkastikong sagot ko sa kaniya. Narinig ko ang tawa niya. "I will guide you okay?" Tumango ako sa kaniya. Napadilat ako nang marinig ko ang pagbukas-sara ng pinto ng kotse. Napalingon ako sa likod ko nang maramdaman ang kamay ni Klyn sa balikat ko. "I really don't want to see you suffer babe, let me carry you." Giit ni Klyn dahil naka-heels ako at muntik ng matapilok sa pagbaba ko sa kotse niya. Napahawak ako sa batok ni Klyn nang buhatin niya nga ako. Naramdaman ko pa ang halik niya sa noo ko bago siya naglakad. "I need to open the freaking gate." Ibinaba niya rin ako kaya natawa ako. Nang akmang bubuhatin na naman niya ko ay tumanggi na ko. "Alalayan mo na lang akong maglakad, baka ikaw naman ang mahirapan." "I don't care." "Alalayan mo na lang ako klyn." Giit ko dahil naramdaman ko na ang braso niya sa likod ng hita ko. "Why do you need to wear that fucking heels anyway?" Natawa ulit ako. "Bakit? Hindi ba bagay sa'kin?" "It is. No one things in this world will never suits you, but your heels are dangerous babe. It will break your bone." OA... "Grabe, yung 'dangerous' at 'it will break your bone' babe. 2 inches lang taas ng takong ko." Natatawang sabi ko sa kaniya. "Really? 2 inches?" Naramdaman ko ang kamay niya sa heels kong suot. Parang sinusukat pa ang taas ng takong ko. "It's 7 inches babe." Sinukat pa nga... "Okay sige, 7 inches na. Ilan naman sa'yo?" Pinigilan kong matawa. "Huh? I don't wear heels." Bakas sa boses niya ang pagiging inosente at pagtataka. "Hayaan mo na. Ako na lang magsusukat next time." Kunwaring seryoso ako. Pinipigilan ang pagtawa. "I don't have heels babe. Anong susukatin mo?" Tanong niya pa. "Yung paa mo. Kung gaano kahaba." Nakagat ko ang labi ko sa pagpipigil ng tawa. Feeling ko nga namumula na buong mukha ko sa pagpipigil. "Naughty girl." Natigil ako sa sinabi ni Klyn. Mukhang nahulaan niya na. Napatawa na ko ng malakas. Natigilan lang ako nang yumakap mula sa likuran ko si Klyn. "It's 10." Bulong ni klyn sa tainga ko. "H-huh?" Nasamid ako sa sarili kong laway. "10 inches... that's the size of my shoes." Siya naman ang natawa ng malakas. Napangisi naman ako. Hindi mo ko maloloko klyn, alam ko na. Doon pa lang sa Sta. Ana. 10+1 happy kaarawan! Hahahaha! Char! "Nasa'n na yung bahay Klyn?" Natatawang tanong ko kay Klyn. "Oh, damn. Yeah." Inalalayan niya na ko para maglakad na papasok sa gate. Umakyat kami sa mababaw na hagdan, mga tatlong baitang siguro bago ko narinig ang pagbukas ng pinto ni Klyn. Hinawakan niya ulit ang kamay at inakbayan para alalayan ulit ako papasok. Dinig na dinig ko ang tunog ng takong ko sa tiles. "Stop here." Tumigil na kami sa paglalakad at ngayon ko lang naramdaman ang sobra kong pananabik na makita ang buong bahay namin ni Klyn. Pero mas nananabik akong makasama siya dito matapos naming ikasal. Napangiti pa ko bago ko naramdaman ang kamay ni Klyn sa panyo na nakatali sa likod ng ulo ko. "You ready?" Bulong ni Klyn sa'kin, bakas din ang excitement sa boses niya. Tumango ako na parang bata. Naramdaman ko pa ang halik niya sa pisngi ko bago niya marahang tinanggal ang panyo sa mata ko. Kinusot ko pa muna ang nanlabo kong mata bago ko nagawang ilibot ang paningin ko sa buong bahay. "Wow..." Namangha ako sa laki at lawak ng bahay. Napatingin ako sa itaas, may malaking chandelier sa gitna ng paikot na terrace sa pangalawang palapag. Mula ro'n ay paniguradong kitang-kita ang kabuuang sala ng unang palapag kung nasaan ako. Nasa mismong gitna kami ni Klyn. Nilibot ko naman ang paningin ko sa paligid namin ni Klyn. May mga gamit na para sa bahay ngunit may nakatakip na puting tela sa mga 'yon. Naramdaman ko ulit ang pagyakap sa'kin ni Klyn sa likod. "You like it?" Namuo ang luha sa mga mata ko. "I love it." Ngumiti si Klyn sa'kin. "This will be our house from now on." Sabi ni Klyn. "We will make a lot of new memories here together, including our future kids." Hinarap niya ko sa kaniya para gawaran ng matamis na halik. UMALIS DIN kami ni Klyn do'n matapos niya kong ilibot sa buong bahay namin. May mga kwarto na rin para sa magiging anak namin. Sa kwarto namin ni Klyn kami nagtagal. Doon kami nag-usap at nagplano sa mga bagay na gusto pa naming idagdag do'n. Ipinaubuya niya naman na sa'kin 'yon, kung ano daw ang gusto ko ay 'yon ang masusunod. Parang ang sarap under-in ni Klyn hehehe... "Bakit kasama pa ko?" Tanong ni Tristhan sa'kin nang yayain ko na siya para bisitahin sila mama. Nagtinginan naman kami ng mga kaibigan ko. Si Klyn naman ay natigil sa pagkain at napatingin din sa'kin. "Ayaw mo bang makausap sila mama?" Balik na tanong ko sa kapatid ko. Binaba niya ang kutsara na hawak at napatitig sa'kin. "Para sa'n pa?" "Tristhan." Madiin kong banggit sa pangalan niya. Napabuntong hininga siya bago tamad na tumayo. "Magbibihis lang ako." Walang ganang sabi ng kapatid at lumabas na sa dining area. Napakamot ako sa kilay ko bago bumaling sa mga kasama ko. "Mukhang galit pa rin kapatid mo sa kanila." Ani Angel na nakaupo sa katapat ko. "Naiintindihan ko siya. Kaya kailangan na talaga naming maka-usap sila mama para pare-pareho na kaming patahimikin ng sama ng loob namin sa kanila." Usal ko. "Eh sino ba naman kasing hindi sasama ang loob? Hindi na nga niya nagampanan ang pagiging ina sa inyo, pinahirapan pa niya kayo noon." Komento ni Diane sa tabi ni angel. "Isama mo rin kaya si Diane. Para patahimikin na rin siya ng galit niya." Suhestiyon ni angel. Napatingin naman si Diane sa kaniya. "'Wag na uy." Bumaling ako kay Klyn na nakatitig lang sa'kin habang kumakain. "Water oh." Abot ko kay Klyn ng tubig dahil patapos na siyang kumain. "Thanks babe." Ngiti ni Klyn bago uminom ng tubig. "Tara na 'te." Napatingin kami kay Tristhan na mukhang tinatamad pa rin na umalis dito sa bahay. Sabay kaming tumayo ni Klyn at lumapit na sa kaniya. "Diane, Angel, alis na muna kami." "Okay, sige. Dito ka ba matutulog?" Tanong sa'kin ni Diane. Napatingin muna ako kay Klyn. "Dito naman talaga ako natutulog ah?" Inosente kong ani kay Diane. "Malay ko ba kung gusto mong matulog do'n sa apartment ni Klyn." "Nakapag-usap na kami ni Klyn tungkol diyan. Magsasama lang kami doon sa bahay pagkatapos ng kasal namin." Tumango na lang si Diane sa'kin. "Ingat kayo ah." Tumango din ako at kumaway na sa kanila. Nagpaalam na rin si Klyn sa dalawang kaibigan ko pati si Tristhan. "Sa'min ka na sumakay." Giit ko kay Tristhan nang lalapit na siya sa kotse niya. Inalalayan na ko ni Klyn papasok sa kotse niya, pumasok na rin si Tristhan na nasa backseat. Nang makaupo na rin si Klyn sa driver seat ay nagsimula na siyang magmaneho papunta kila mama. "Kausapin mo ng maayos si mama--" "Wala akong sasabihin sa kaniya." Hindi na ko pinatapos ng kapatid ko. "Alam kong galit ka pa rin kay mama, pero ilang taon na rin naman ang nakalipas. Hindi mo pa ba siya napapatawad?" Humarap na ko sa kapatid ko. Si Klyn naman ay nakikinig lang sa'min. "Bakit ikaw? Napatawad mo na sila?" Balik na tanong ng kapatid ko sa'kin. "Oo--" "Agad?" Pinutol niya ulit ako. "Halos patayin ka na nila sa pagpapahirap sa'yo tapos napatawad mo na agad sila?" Hindi makapaniwalang tanong sa'kin ni Tristhan. Bumuntong hininga ako. "Dahil kahit balik-baliktarin natin ang mundo, si mama pa rin ang nagluwal sa'tin dito sa mundo--" "Siya nga. Binuhay niya tayo para pahirapan lang." "Matagal na 'yon Tan. Siguro naman ay nagsisisi na sila sa mga ginawa nila sa'tin." Inis siyang ngumisi. "'Yon e kung nagsisisi na nga talaga sila." Umiwas na siya ng tingin sa'kin at tumingin na sa labas mula sa bintana ng kotse. Umupo na rin ako ng maayos at napatingin kay Klyn nang lumingon siya sa'kin. Tipid akong ngumiti sa kaniya at inisip kung ano ang mangyayari kapag nagkaharap-harap kami nila mama.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (14)
Bobby
nothing
04/01/2025
0
Crystal Emelody Snow
wahhh!!! meron din pala ito dito 😍😍😍 namiss ko 'to!!! 😊 sana ma published mo 'to syerky pati yung iba mo pang stories ang ganda pa naman ng mga stories mo lalo na itong Heart Trilogy series mo😊😊
nothing
04/01/2025
0wahhh!!! meron din pala ito dito 😍😍😍 namiss ko 'to!!! 😊 sana ma published mo 'to syerky pati yung iba mo pang stories ang ganda pa naman ng mga stories mo lalo na itong Heart Trilogy series mo😊😊
30/08/2024
0I like youre stories
07/07/2024
0Tingnan Lahat