Kyla's Point Of View DUMOBLE ANG KABA ko. "K-klyn..." Sinubukan kong pumiglas pero mas hinigpitan niya pa lalo ang pagkakahawak sa'kin. Seryoso niya kong tinignan sa mata ko. "Are you avoiding me?" Napatitig ako sa mga mata niya. May hinanakit akong nababasa ro'n. Napalunok ako at hindi makasagot. Lumingon ako sa magkabilang gilid ko. Natatakot na may makakita sa'min, lalo na si Diane na nasa loob lang ng kwarto na sinasandalan ko. Anumang oras ay lalabas na siya at mahuhuli kami ni Klyn. "K-klyn, b-baka may makakita sa'ti--" "The hell I care?" "K-klyn, please, lumayo ka sa'kin." Natiglan siya sa sinabi ko at napatitig sa'kin. Nang maramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak niya sa'kin ay nagtagumpay akong nakawala sa kaniya. Tumingin ako kay Klyn. Nakaigting ang panga ngunit malamlam ang pagkurap ng mga mata niya na nakatuon sa'kin. Bumuntong hininga ako bago ulit nagsalita. "Magsisimula na ang party, mauna ka ng bumaba." "B-babe--" Sinubukan niya ulit akong hawakan pero agad akong pumiglas. "'Wag mo na kong pahirapan Klyn, bumaba ka na." "N-no, please, talk to me first--" "Wala tayong dapat pag-usapan, bumaba ka na." Madiin kong giit. "Babe, please, don't be like this. Don't push yourself away from me, I can't take it." Tumingin ako ng diretso kay Klyn. "Ito ang dapat Klyn. Wala na kong ibang dahilan para lumapit sa'yo, bukod sa trabaho... Wala na..." Gusto kong umiyak nang makitang parang nasaktan si Klyn sa sinabi ko. Tuluyan akong napaluha at hindi nagpumiglas nang yakapin niya ko ng mahigpit. Sinubsob niya ang mukha sa gilid ng leeg ko na talagang gawain na niya noon pa man. Makalipas ang ilang saglit ay humiwalay siya sa'kin, walang salitang tumalikod at naglakad na palayo sa'kin. Lumuluha kong pinanood ang paglayo niya, at mas lalong napaiyak nang makitang nagpupunas siya ng mata. Bago rin siya tumalikod kanina ay nakita ko ang mapupungay niyang mga mata na may nagbabadyang luha. Nang hindi ko na siya natanaw ay kinalma at inayos ko na ang sarili ko. Ngayon lang ako nagpapasalamat sa pagiging makupad ni Diane, dahil do'n ay hindi niya kami nakita. Hindi na rin ako pumasok ulit sa kwarto dahil baka magtaka pa siya. Bumaba na rin ako at hinanap si angel. "Wear it." Utos sa'kin ni Angel sabay abot ng ear piece. Ginawa ko naman agad 'yon, narinig ko agad ang boses ng kapatid ko na nagmumula ro'n. "Hindi pa tapos si Diane?" Tanong ni angel sa'kin. "As usual." Tipid kong sagot. Ang isip ay na kay Klyn pa rin. Nanatili kaming naglilibot sa kabuuan ng bakuran. Gold and white ang naglalarong kulay sa paligid. Kahit ang swimming pool nila ay pinakialaman namin para mas magkabuhay. Papalit-palit ang ilaw sa ilalam niyon na talagang nakakamanghang pagmasdan. May malaking screen sa stage kung saan naka-appear ang mga litratong kinuhanan ni tristhan nung nakaraaang araw. May nakalaan na pwesto sila Klyn at Alysa sa mismong stage. Maraming mga round tables sa na halos pinuno ang bakuran pero may sapat pa rin na espasyo para maging komportable ang mga bisita. Ang pwesto naman ng pagkain ay talagang pinag-aksayahan ng oras ni angel dahil favorite spot niya ito. Nakakaengganyong kumain dahil mukha talagang masasarap ang mga pagkain. "All of you did a great job!" Puri sa'min ni tita Marianne matapos ilibot ang paningin niya sa disenyo ng party. "Thanks tita." Natuwa kami ni angel. "I want my birthday party to be as fantastic as this ate!" Hiyaw ni Kyline. "Sure. Kahit mas maganda pa." Kinindatan ko pa siya. Napangiti siya na halos hindi na makita ang mata niya. Natigil kami sa pag-uusap nang magsi-datingan na ang mga bisita. Ang ilan sa mga empleyado namin ay sinalubong at inalalayan ang mga bisitang pumapasok hanggang sa mga table nila. Naka-stand by naman kami ni angel habang nililibot ang buong paligid kung sakali mang magkaproblema. Napangiwi kami kay Diane nang gumawa siya ng sariling eksena. Talagang rumampa siya sa gitna papalapit sa'min, dahilan upang maagaw niya ang lahat ng atensyon ng mga bisita. "Agaw eksena ka talaga palagi." Nakangiwing usal ko sa kaniya nang makalapit sa'min. Kumindat lang siya sa'kin. "Isuot mo 'to." Bigay naman ni Diane ng ear piece para kay Diane. "Thanks." Sinuot agad 'yon ni diane. "Where's Tristhan?" Tanong niya sa'min. "Nasa entrada." Sagot ko. Tumango siya at alam agad kung anong ginagawa do'n ni Tristhan. Nasa isang sulok lang kami na kitang-kita ang kabuuan ng bakuran. Nakita naming maupo si Ion Clark sa isa sa mga round table kasama ang pamilya niya. Nang lumingon siya sa'min ay nagulat siya nang makita kami. Ngumiti ako at kumaway sa kaniya. Gano'n din ang ginawa niya sa'kin bago humarap sa pamilya niya na para bang nagpapaalam. Matapos no'n ay tumayo na siya at lumapit sa'min. "Wow! Hindi pa rin ako makapaniwala..." Namamangha niyang usal nang makalapit sa'min. "Kami rin. Haha! Nice to see you again Ion." Sabi ko. Lumapit siya sa'kin para yumakap at makipagbeso. Gano'n rin ang ginawa niya kay Diane at Angel. "I remembered na niyaya ako ni dad na pumunta sa party niyo last sunday. Pero I wasn't able to go there because of some business matters. But I'm really happy to see the three of you here." Ani Ion habang nakangiti. "We're happy to see you here too. Sa New York pa ang huli nating pagkikita. Naglagi pa kasi do'n ng ilang taon." Si Diane. Ngumiti si Ion sa'min. "I'm so proud of you guys. You really made it!" Ngumiti rin kami sa kaniya at tumaba ang puso. "Isa ka rin sa mga tumulong sa'min kaya salamat din sa'yo." Ngiti ni Angel kay Ion. Napatitig pa si Ion kay Angel bago sumagot. "It's my pleasure to help you guys. Pero feeling ko hindi niyo na kailangan 'yon ngayon." Natawa pa si Ion sa huli. "Thank you Ion. Please enjoy the party." Ngiti ko rin kay Ion. "Yeah, sure. See you around." Yumakap pa ulit sa'min si Ion bago bumalik sa upuan niya. Sinundan namin siya ng tingin kaya nahagip namin ang table ng mga kaibigan ni Klyn. Nakita naming sinundan din nila ng tingin si Ion bago tumingin sa'min. Parehong nakakunot ang noo ni Aiverson at Dextar. Nawala lang ang paningin namin sa kanila nang magsalita na ang mc, hudyat na magsisimula na ang party. "Please welcome... Mr. Klyn Dela Cruz and Ms. Alysa Ann Gomez, soon to be Mrs. Dela Cruz." Pagpapakilala ng MC. Pumalakpak naman kaming lahat. Nakatitig lang ako kay Klyn na ngayon papalabas na sa bahay nila habang nakaalalay kay Alysa. Panay ang lingon ni Klyn sa paligid na parang may hinahanap. Natigil lang siya nang makita niya kami. Napako ang tingin niya sa'kin habang naglalakad papunta sa stage. "Wow! How gorgeous and handsome! Bagay na bagay talaga!" Hiyaw pa ng MC nang makaakyat sila klyn at alysa sa stage. Ngumiti naman si Alysa sa kaniya samantalang seryoso muling tumingin sa'kin si Klyn. "Ano sa tingin mo ang ibig sabihin ng mga tingin sa'yo ni Klyn?" Biglang tanong sa'kin ni Diane na nakatingin din kay Klyn. Napansin niya rin ito. "Hindi ko alam. Tinigilan ko na ang umasa." Sagot ko kay Diane habang nakikipagtitigan kay Klyn. Hindi talaga siya natitinag kahit nakaupo na sila stage. "Tama ang kutob ko." Ani Diane kaya napatingin ako sa kaniya. "Hindi niya lang mahiwalayan si Alysa." "Bakit naman niya hihiwalayan?" "Kasi hindi naman talaga niya mahal." Umiling ako at tumingin ulit kay Klyn. "Imposible." "Sus. Hindi mo lang maamin sa sarili mo dahil sabi mo nga ay ayaw mo ng umasa." "Dahil wala na rin naman 'yong magagawa." "Si Klyn." Napatingin ulit ako kay Diane. "May magagawa siya." "Psh! Ano? Atrasan si alysa?" "Oo." "Edi masasaktan si Alysa?" "Syempre." Napailing ako. "Hindi ko kayang may masaktan na ibang tao para lang maging masaya ako." "Eh, ikaw naman ang nauna e. At saka sa nakikita ko ay mahal ka pa rin ni--" "Hindi na Diane. Hindi na niya ko mahal. Dahil kung talagang mahal niya ko ay wala sana silang engagement party ngayon." Natigilan siya sa sinabi ko. "Kung mahal niya talaga ako ay hindi sana nahulog ang loob niya kay Alysa dahil lang sa wala ako sa tabi niya. Dahil kung nagawa ko 'yon, ay magagawa din niya." Natahimik na si Diane. Napatingin naman kami nang kumilos na ang mga server ng food magdala ng mga pagkain sa bawat table. Dadaluhan ko na sana si angel na nag-aasist sa mga team niya nang may humawak sa braso ko. "Can I have your time for a while?" Gulat akong napatingin kay Alysa. Light make-up lang ang nakalagay sa mukha niya pero sobrang ganda niyang tignan. Naka-simple gown lang din siya at kitang-kita ang hubog ng katawan niya do'n. "S-sure." Pinilit kong ngumiti sa kaniya at gano'n din siya sa'kin. Nauna siyang naglakad sa'kin kaya sinundan ko lang siya. Lumabas kami sa gate ng bahay nila Klyn. Nang masiguro niyang wala ng makakakita at makakarinig sa'kin ay saka niya ko hinarap. "Thank you for making our special night. It's really fascinating and I really loved it." Panimula niya ng nakangiti. Tipid lang din akong ngumiti. "It's our job and responsibility. Thank you also for trusting us." Nanaig ang panandaliang tahimik sa pagitan namin ni Alysa. Nakikiramdam lang naman ako sa kaniya. "I'm gonna direct to the point to you." Napatingin ako sa kaniya at nakitang seryoso siyang nakatingin sa'kin. "Ang kasal namin ni Klyn ay mangyayari pa rin despite sa pagbalik mo dito sa pinas." "Wala naman akong balak pigilan 'yon." Walang emosyong tugon ko sa kaniya. "Hindi mo rin naman siguro iniisip na babalik din si Klyn sa'yo dahil lang sa bumalik ka na rin dito sa pinas right?" Napalunok ako. "Hindi ko kailanman naisip 'yan." Nagsinungaling ako. Dahil alam ko sa sarili ko na sobra akong nananabik na makabalik dito para makasama na ulit si Klyn. Nagtiwala ako na babalik ulit kami ni Klyn sa dati sa pagbabalik ko rin dito sa pinas. Nagkamali ako. At sobra akong nasaktan sa nalaman ko. "Do you still love him?" Natigilan ako sa itinanong niya. Umiwas ako ng tingin pero binalik ko rin agad sa kaniya. Huminga ako ng malalim bago sumagot sa kaniya. "Yes. I still love him." Pag-aamin ko kay alysa. Nakita kong kumunot ang noo niya pero hindi ako natinag sa pagtitig sa kaniya. "But you really have nothing to worry about. Dahil hindi ko ugaling manira ng relasyon. Handa akong magsakripisyo para lang sa kaniya, kaya kung masaya siya sa'yo ay tatanggapin ko na lang 'yon at ipapaubaya ko na lang siya sa'yo. Gano'n ko siya kamahal." "Pero hindi ka na niya mahal." Madiing ani Alysa. Napakurap naman ako at nakaramdam ng kirot sa puso ko. "Mahal na mahal namin ni Klyn ang isa't isa. Handa na kaming bumuo ng sarili naming pamilya." Nangilid ang luha sa mga mata ko. "M-masaya akong marinig 'yan." Sinubukan kong ngumiti para pigilan ang nagbabadya kong mga luha. "Alam kong nasasaktan ka. Because I've also been there. Pero natutunan kong magparaya at tumanggap. Kaya sana ay magawa mo rin 'yon. Dahil ngayon na nasa akin na si Klyn--ay hindi ko na siya hahayaang mawala pa sa'kin." "Naiintindihan ko." Gustong-gusto ko ng umiyak. Nakagat ko ang labi ko nang bigla niya kong yakapin. "Thank you." Bulong niya sa'kin. Hindi ako nakapagsalita, ni gumanti sa yakap niya ay hindi ko nagawa. Masiyado akong nasasaktan para kumilos pa. "K-kailangan ko ng bumalik sa loob. May trabaho pa kami do'n." Sabi ko sa kaniya kaya humiwalay na siya sa'kin. Ngumiti siya ng natural sa'kin bago tumango at niyaya na ko. "Let's go back inside then." Nang makabalik kami sa bakuran ay lutang ako at pilit na hindi iniinda ang sakit na nararamdaman ko. Tuloy ay hindi ko namalayang may tao pala sa harap ko, dahilan para mabangga ko siya. "P-pasensya na." Paumanhin ko sa taong nabangga ko. Natigilan ako nang makita kung sino ang nabangga ko. "Are you okay?" Alalang tanong ni Dextar sa'kin, nakaalalay pa rin sa bewang ko. "Y-yeah, thanks." Umayos na ko ng tayo at inilayo ang sarili ko sa kaniya. "Are you sure? You look bothered." Alala niya pa. "N-no, I'm fine--" "What's happening here?" Sabay kaming napalingon sa taong papalapit na sa'min. Agad akong napaiwas nang makita si Klyn. "K-kailangan ko ng tulungan ang mga kaibigan ko. Excuse me." Lumakad na agad ko papalayo sa kanila. Hinanap ko agad sila angel at Diane, hindi naman na ko nahirapan dahil sinalubong pa nila ako. "Okay ka lang ba ha?" Alalang salubong sa'kin ni Diane. "A-ayos lang ako." "Hindi!" Biglang anas ni diane. Gulat akong napatingin sa kaniya. "Narinig namin yung pag-uusap niyo ni Alysa Ky, sorry." Nakahawak si Angel sa labi niya. Napabuntong hininga ako. "Ayos lang." "Gusto mo na bang umuwi? Ipapahatid--" Natigilan si Diane sa sasabihin nang magsalita ulit ang MC. "Mr. Klyn Dela Cruz will sing a song for us tonight! Please give him a round of a plause everyone!" Napatingin kami sa stage at nakitang nakaupo si Klyn sa isang high chair. Hawak niya ang mic at ang stand nito. Tumingin siya sa'kin kaya napatitig ako sa kaniya. Inabangan ko siyang kumanta nang magsimula nang tumugtog ang kakantahin niya. There goes my heart beating 'Cause you are the reason I 'm losing my sleep Please come back now... And there goes my mind racing And you are the reason That I'm still breathing I 'm hopeless now Madamdaming kanta ni Klyn habang nakikipagtitigan sa'kin. Sa paraan niya ng pagkanta ay para bang inihahatid niya sa'kin ang mensahe ng kanta. I 'd climb every mountain And swim every ocean Just to be with you And fix what I've broken Oh, 'cause I need you to see That you are the reason... Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo para sa'ming dalawa. Sa daming tao sa paligid ay kakatuwang siya lang ang nakikita at naririnig ko. I don't wanna fight no more I don't wanna hide no more I don't wanna cry no more Come back, I need you to hold me A little closer now, just a little closer now Come a little closer, I need you to hold me tonight Tinitigan pa ko ni Klyn bago siya pumikit. Dinadama ang bawat liriko at ang instrumento ng piano. I 'd climb every mountain And swim every ocean Just to be with you And fix what I've broken 'Cause I need you to see... That you are the reason..." Dumilat si Klyn para tignan ulit ako nang kantahan niya na ang huling part ng kanta. Nagpalakpakan ang lahat ng bisita pero nananatiling nakatingin lang ako kay Klyn at gano'n din siya sa'kin. Malungkot siyang ngumiti sa'kin na siyang nakapagpangilid ng luha sa mga mata ko. Lumapit si Alysa sa kaniya kaya nawala ang paningin ni Klyn sa'kin. Tumayo si Klyn para harapin si Alysa. Tuluyang tumulo ang luha mula sa mga mata ko nang salubungin siya ng halik ni Alysa. At ang nakapagpakirot sa puso ko ay ang makita kong tumugon si Klyn sa halik ni Alysa sa kaniya. Sa harap ko at sa harap ng mga bisita ay matamis silang naghahalikan. Sa kabila ng paghiyaw ng mga tao ay narinig ko ang bulong na pagmura ni Diane sa tabi ko. "Ipapahatid kita pabalik sa bahay ha? Kailangan mo ng magpahinga." Alalang giit ni Diane sa'kin. "T-tama si Diane. Kailangan mo ng umuwi Ky. K-kaya na namin dito." Pabor ni angel kay Diane. Lumapit sa'kin si Angel at humarang sa harap ko para walang makahalata at makakita sa pag-iyak ko. Parang naiiyak na rin si Angel habang pinupunasan ang mga luha ko. "Andrew, pakihatid si Kyla sa bahay please... Yes, ngayon na." Nagsalita si Diane at pinakinggan ang kausap mula sa ear piece na suot niya. Inalalayan ako ni Angel lumakad papalabas na ng bakuran. Sinalubong ako ng nag-aalalang kapatid ko kasama si Andrew, na siyang driver namin. "Ikaw na bahala sa kapatid ko, drew." Paubaya ni Tristhan kay Andrew. "Yes, sir." Magalang nitong tugon sa kapatid ko. Nagtanguan pa silang dalawa bago ako inalalayan ni Andrew papunta at papasok na sa isa sa mga dala naming kotse. Patuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha ko habang nasa biyahe na kami pabalik sa bahay namin. Paulit-ulit pumapasok sa isip ko ang nasaksihan ko kanina. At paulit-ulit din tinutusok ang puso ko sa masakit na paraan. Gustong-gusto kong humagulgol para maibsan man lang ang sakit na nararamdaman ko. Pero nahihiya ako kay Andrew na palingon-lingon sa'kin at nakikiramdam. "Ma'm, tissue." Abot sa'kin ni Andrew ng tissue. "Salamat." Kinuha ko 'yon at pinunasan agad ang mga luha sa pisngi at mata ko. Nang malapit na kami sa bahay ay parang ayoko pang umuwi. Dahil mag-isa lang naman ako do'n at iiyak lang ng iiyak hanggang sa mapagod at makatulog. Gusto ko munang makalimot at mag-saya kahit panandalian lang. "Ideretso mo ko sa bar." Utos ko kay Andrew na kinagulat niya. "Ma'm?" "Dalhin mo ko sa pinakamalapit na bar." "P-pero--" "At 'wag mong sasabihin kila Diane, please..." "Pero paniguradong mag-aalala po sila ma'm at sir sa inyo. Hindi po pwede ang gusto niyo ma'm. Pasensya na po." Magalang na paumanhin ni Andrew sa'kin. Bumuntong hininga ako at hindi na kumibo. Wala pa rin akong balak magpakalugmok sa loob ng kwarto ko. "Ma'm, please. Kung binabalak niyo man pong magpunta pa rin sa bar pag-alis ko ay hindi ko maipapangakong hindi mabanggit kila ma'm Diane ang plano niyo." Ani Andrew nang maihatid niya ko sa loob ng bahay. "'Wag kang mag-alala. Inaantok na rin ako kaya matutulog na lang ako." Ngumiti at tumango si Andrew sa'kin. "Sige po ma'm. Babalik na po ako do'n. Goodnight po." Tipid lang akong ngumiti at tinalikuran na siya para umakyat sa hagdan. Nang marinig ko ang pag-alis niya ay dali-dali kong kinuha ang pouch ko na inilapag ko sa sofa kanina at nag-iingat na lumabas sa bahay. Saktong may dumaan na taxi na kaya agad ko itong pinara at sumakay. Inihatid ako ng taxi driver sa isang sikat na bar dito sa QC. Pagkatapos kong magbayad ay agad akong bumaba at pumasok sa loob ng bar. Malakas na tugtog ang mga hiyawan ng mga tao ang sumalubong sa'kin nang makapasok ako. Halos lahat ng tao ay sumasayaw sa gitna. Bilang lang ang nakikita kong mga tao na nasa mga table. Wala akong balak maging wild katulad nila kaya lumakad na ko papunta sa bar counter. Ito ang unang beses na pumunta ako sa bar ng mag-isa. Palagi ay kasama ko ang dalawang kaibigan ko. Si Diane lang naman ang mahilig sa ganito, nadadamay lang kami ni Angel sa tuwing sinasama niya kami dito. "Hard drink please." Sabi ko sa bartender. Agad siyang kumilos at ibinigay ang gusto ko. Hindi ako palainom. Pero hindi ko alam kung bakit trip kong magpakalasing ngayon. Hindi ko alam na ganito pala ang epekto ng papaging heart broken. Mapapainom ka na lang ng alak dahil sa sakit. Hanggang sa malasing, makalimot at mamanhid ka sa unti-unting pagdurog ng puso mo. Sunod-sunod ang pag-inom ko. At dahil hindi sanay ang bituka ko sa alak ay mabilis akong nalasing. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa paligid. Ni hindi ko namalayan ang sarili ko nang magtungo ako sa dance floor at nakisayaw. Humihiyaw ako habang may hawak na bote ng alak. "Hi." Naliliyo akong napatingin sa lalaking nasa harapan ko na ngayon. Pareho kaming sumasayaw pero kakaunting galaw lang. "Hi." Lasing kong bati rin sa kaniya. "You're pretty." "Hmm? Really? H-hindi ko alam 'yan ah." Lasing na talaga ako. Nakita ko siyang tumawa. Hindi ko lang narinig dahil sa lakas ng tugtog. Kinakailangan pa naming lumapit ng husto sa isa't isa para magkarinigan. "What's your name?" "I'm Kyla." "Nice name." "Thanks." Lumapit pa lalo sa'kin ang lalaki. Halos magkabanggan na ang katawan namin. "I'm Sic, by the way." Naramdaman ko ang kamay niya sa bewang ko. Napahawak ako sa braso niya at pilit inaaninag ang mukha niya. "You're sick? Anong sakit mo?" Narinig ko na ang tawa niya dahil malapit lang ang mukha niya sa'kin. "Sic is my name." "Ahh..." Lasing akong tumango-tango. Hindi na nagsalita si Sic at iginaya na lang ang bewang ko pasayaw. "You fucking jerk!" May malakas na tumulak kay Sic papalayo sa'kin. Napaatras ako at hinigpitan ang pagkakahawak ko sa bote ng alak para hindi mabasag at matapon. "Who gave you the right to touch my girl huh?!" Malakas na sigaw nung lalaking tumalak kay Sic. Pilit kong inaanig ang mukha niya, pero hindi ko masabi kung kilala ko ba siya. Pero familiar sa'kin ang boses niya. Si Klyn... Umiling ako. Hindi siya si klyn. Imposible. Dahil nasa Marikina si Klyn at nagsasaya kasama si Alysa. Hindi rin niya alam na umuwi na ko, at mas lalong hindi niya alam na nasa bar ako ngayon. Kaya imposibleng si Klyn ang lalaking nasa harapan ko.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (14)
Bobby
nothing
04/01/2025
0
Crystal Emelody Snow
wahhh!!! meron din pala ito dito 😍😍😍 namiss ko 'to!!! 😊 sana ma published mo 'to syerky pati yung iba mo pang stories ang ganda pa naman ng mga stories mo lalo na itong Heart Trilogy series mo😊😊
nothing
04/01/2025
0wahhh!!! meron din pala ito dito 😍😍😍 namiss ko 'to!!! 😊 sana ma published mo 'to syerky pati yung iba mo pang stories ang ganda pa naman ng mga stories mo lalo na itong Heart Trilogy series mo😊😊
30/08/2024
0I like youre stories
07/07/2024
0Tingnan Lahat