Kyla's Point Of View HINDI PA TAPOS ang party pero nauna na kong inuwi ni Angelo sa bahay kagabi. Hindi rin naman ako nakatulog agad dahil paulit-ulit pumapasok sa isip ko ang mga salitang paulit-ulit rin dinadamba ang puso ko sa sakit. Nang imulat ko ang mata ko ay may luha ring pumatak mula ro'n. Inalala ko ang tingin sa'kin ni Klyn kagabi na malayong-malayo sa kung paano niya ko tignan noon. Blanko na lamang ang tingin na binibigay niya sa'kin ngayon, walang emosyon at parang ako na ang pinakawalang kwentang tao sa paningin niya. "Kyla..." Dali-dali kong pinunasan ang mga luha ko bago bumangon at tignan kung sino ang pumasok sa kwarto ko. Si Diane. Naka-skirt at coat na siya at handa ng pumasok sa trabaho. "Kumain na tayo, kailangan na nating pumasok sa trabaho." Ani Diane. Matamlay akong tumango bago tumayo at magtungo sa banyo. Nang makapagbihis ako ay bumaba na ko sa unang palapag bahay. Dumiretso ako sa malawak na kusina na namin kung saan nando'n din ang dining area. "Goodmorning Ky!" Masiglang bati sa'kin ni Angel nang makapasok ako sa kusina. "Goodmorning 'te." Ngiti naman sa'kin ng kapatid ko bago nagpatuloy sa pagkain. Magaling si tristhan sa larangan ng photography. Kaya siya ang kinuha namin bilang photographer sa mga events na mahahawakan namin. "Morning." Tipid na ngiti lang ang naisukli ko sa kanila. Umupo na ko sa tabi ni Tristhan at pinagsilbihan ang sarili sa pagkain. Bago ako sumubo ng pagkain ay nakita kong nagtitinginan ng makahulugan si Diane at Angel na animong nakikipagpakiramdaman kung sino ang unang magsasalita. Matatapos na kong kumain nang magsalita si Diane. "May client tayong makakausap mamaya. Dalawang event ang gusto nilang ilapit sa'tin. Nakausap namin sila ni Angel kagabi sa party, pupunta sila ngayon sa office natin." Hindi makatingin sa'kin si Diane habang sinasabi 'yon. Tumango-tango ako at inubos na ang gatas ko. "I'm done eating. Tara na?" Anyaya ko sa kanila. Nagkatinginan ulit si Diane at Angel bago tumango sa'kin at tumayo. "GOODMORNING PO." Bati sa'min ng isang empleyado namin nang makapasok kami sa company. "Goodmorning mga ma'm." Nakangiti kaming tumango sa mga bumabati sa'min habang papasok kami sa office namin. Nang makapasok kami ay nakita ko kung gaano kalawak ang office namin. Palibhasa ay magkakasama kaming tatlo dito. May sari-sarili kaming pwesto at mesa. Nasa gitna ang mesa ni Diane samantalang nasa magkabilang gilid naman ang mesa namin ni Angel. May mga pangalan din kaming nakapatong do'n para ma-recognize kung saan ang mga pwesto namin. May maliit na sala kami sa gitna. Glass wall naman ang nasa likod ng mesa ni Diane. May makapal na kurtina 'yon ngayon na nakagilid para makita ang kabuuan ng lugar sa labas. Naupo na kami sa kaniya-kaniya naming pwesto at nag-usap muna habang hinihintay ang unang client na aasikasuhin namin. "Nag-umpisa na yung construction para sa pinapatayo mong bar diba?" Tanong ni Angel kay Diane habang nakahalumbaba paharap kay Diane. "Yeah. Mga tatlo o apat na buwan daw ay baka matapos na siya." Nakangiting sagot ni Diane. "Nice! Alam na kapag natapos 'yan, libre kami diyan ah." Hirit ko kay Diane. "Matik 'yan!" Natawa kaming tatlo sa sinagot ni Diane. "Tapos kapag may sarili na ring restaurant si Angel, matik na din 'yon ah." Hirit ko naman kay Angel. "Wala pa nga e." Nakangusong ani Angel. Napangiwi ako. "Kapag nga diba?" Sarkastikong tugon ko. Natawa sila. "Ikaw din ah! Kapag naipatayo mo na yung dream mong milktea shop. Libre din kami do'n ah!" Hirit naman ni Angel sa'kin. "Naman!" Anas kong sagot sa kaniya. Natawa ulit kaming tatlo. Mga mukha talaga kaming libre. "Ano nga palang ipapangalan mo sa bar mo Diane?" Mayamaya ay tanong ni Angel kay Diane. "DBall bar. Maganda ba?" Nangungunsultang tanong ni Diane sa'min. "Maganda naman. Hindi halatang sa pangalan mo nakuha." Nakangiwing tugon ko. "Ano nga?!" "Maganda nga! DBall bar..." Usal ko. "Paniguradong makikilala din 'yan." Nakangiting dagdag ko pa. Napangiti din si Diane. "Salamat Ky." "Ikaw Ky? Anong ipapangalan mo sa dream milktea shop mo?" Ako naman ang tinanong ni Angel. Ngumuso ako kay angel at ginaya ang sinagot niya kanina. "Wala pa nga e." Natawa sila. "Ano nga Ky?" Nagtanong na rin si Diane. Kunwari akong nag-isip na tumingin pa sa kisame. "It's everybody's milk." Walang ano-ano'y pagkanta ko. "Gago." Ang naiusal ni Diane. Napatapik naman ng noo si Angel. "Bakit? Maganda naman ah!" "Engot! Wala ka talagang originality!" Singhal sa'kin ni Diane. Natawa ako. "Wala pa kasi talaga akong naiisip. Wala pa nga akong specific na date kung kailan ko siya ipapatayo. Kaya hindi pa ko nakakaisip maski pangalan para do'n." Paliwanag ko. "Sabagay. Pero kung may plano ka na, kailangan mo na rin siyang pag-isipan. Mahirap yung saka ka pa lang mag-iisip kapag nandiyan na." Ani Diane. "Sa true! Ako nga sinisumulan ko ng mag-imbento ng mga dish na ilalagay ko sa menu kapag may restaurant na ko." Ani rin Angel. "So, nakaisip ka na ng ipapangalan sa restaurant mo?" Tanong ko kay Angel. Nakangiting tumango si Angel sa'kin. "Ano?" "Cloud restaurant." Nakangiting sagot ni Angel. Napangiti rin kami sa ganda ng pagkakangiti niya. Para bang may masayang alaala na naglalaro sa isip niya. "May nagsabi kasi noon sa'kin na sa sobrang sarap daw ng luto ko ay para daw siyang nakalutang sa ulap sa sarap. Palagi rin niyang pinupuri ang mga pagkaing niluluto ko na natitikman niya. Sinisisi pa nga niya ko noon dahil nasasayang daw ang pagwo-work out niya dahil hindi niya daw matanggihan ang sarap ng mga luto kong pagkain." 'Yon na nga ang alaala na naglalaro sa isip niya. Nagkatinginan kami ni Diane. Alam na naming pareho kung sino ang tinutukoy ni Angel. Pero bago pa kami makapagsalita ni diane ay may kumatok na sa pinto ng office namin. "Come in." Ani Diane habang nakatingin sa'kin. Naging hudyat naman 'yon para buksan ng kung sino ang pinto ng office namin. Natigilan ako kasabay din ng pagpigil ko sa aking hininga nang makita kung sino ang pumasok sa opisina namin. Magkahawak kamay pa sila nang humarap sa'min. Nung nagawa kong kumurap ay siya ring patuloy ng paghinga ko. Umiwas ako ng tingin at napadapo 'yon kay diane. Sinamaan ko siya ng tingin at gano'n na rin si Angel. Nakagat ko ang labi ko sa inis dahil hindi ako makapaniwalang hindi nila sa'kin 'to sinabi. "M-mr. Dela Cruz and Ms. Gomez, p-please be seated." Tumayo si Angel at iginaya ang kliyente namin papaupo sa sofa. Nakipagtitigan lang ako kay Diane, ang mga mata niya ay nangungusap at humihingi ng pasensya. Napalunok ako at napailing sa kaniya. Huminga ako ng malalim at pinigilan ang rumaragasa kong emosyon. Ang malaman ko nga na enagage na sila ay hindi ko na kinaya, ito pa kayang ako mismo ang mag-aayos at magpapaganda para sa mahahalagang araw para sa kanila. Hindi ko kaya 'yon. At mas lalong hindi kaya ng puso ko. Tumayo na si Diane at naupo na rin sa harap ng kliyente namin. Tumingin ang mga kaibigan ko sa'kin at na parang sinasabing kailangan ko na rin tumabi sa kanila. Kumuyom ang mga kamay ko na nasa ibabaw ng hita ko. Huminga ulit ako ng malalim para humugot ng lakas para tumayo at maupo rin sa harap ng kliyente namin. "So..." Hindi malaman ni Diane kung saan magsisimula dahil pinapakiramdaman niya ko. Kasalanan naman nila, kung sinabi nila sa'kin ito ay baka napaghandaan ko ito. "Our engagement party will be on sunday." Ani Klyn. Napatingin ako sa kaniya. Agad? "Sa dinami-dami ng Event Planning Companies sa Pinas, bakit sa'min pa? Saka kailan ba kayo na-engage? Kahapon lang ba? For sure naman na matagal na. Bakit ngayon niyo lang naisipang magkaroon ng engagement party? At sa sunday agad?" Walang prenong mga tanong ko. Hindi ko na napigilan. Halatang nagulat sila sa sinabi ko. Maliban kay Klyn na parang pinag-aaralan ang mga kinikilos ko. Pakiramdam ko ay nananadya sila. Mga desisyon... "Mas gusto kasi namin sa inyo. Besides, kilala namin kayo at alam naming hindi niyo kami bibiguin. Actually, ako talaga ang nagsuggest nito kay hon." Pinipilit ni Alysa na ngumiti ng natural. Hon? Honnoying... "Ano ba ang gusto niyong maging theme sa engagement party niyo? Pagdating sa mga food, anong mas prefer niyo? Kung ilan ang bilang ng guests na gusto niyong imbitahin para makagawa kami ng mga invitation. Kailangan namin gawin lahat 'yan sa isang linggo lang na palugid niyo." Pagkatapos kong sabihin 'yon ay tumayo na ko. "Silang dalawa ang kakausap sa inyo tungkol diyan. May pupuntahan lang ako." "Kyla." Pigil sa'kin ni Diane nang maglalakad na ko palabas. Alam kong naging bastos na ko sa harap ng kliyente namin pero hindi nila alam kung anong nararamdaman ko. Kung gaano na kagusto ng luha ko na lumabas mula sa mga mata ko. Hindi nila maiintindihan kung gaano kasakit para sa'kin na makita ang taong mahal ko na may kasama ng iba, at ikakasal na sila. Hindi ko na lang pinansin si Diane at lumabas na sa opisina. Ang totoo ay sumama ang loob ko sa kanilang dalawa ni Angel. Simula kaninang umaga at sa mahabang minuto na nag-uusap kami kanina ay hindi man lang sila nag-abalang sabihin sa'kin ang pagpunta nila Klyn dito. Alam nilang hindi ko pa tanggap ang relasyon nilang dalawa ni Alysa pero hindi man lang nila ako binalaan. Nakakasama ng loob. Bago pa ko makapasok sa kotse ay may humawak na sa braso ko at hinarap ako sa kaniya. May kirot ulit akong naramdaman sa puso ko nang makita kong si Klyn ang humabol at pumigil sa'kin. "Where are you going?" Kunot noong tanong niya sa'kin. "Why would I tell you?" Pigil emosyong balik ko sa kaniya ng tanong. "Just answer me, 'coz if you're going to see Angelo, I will not fucking let you to leave this place." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Nakakalito. "What the heck are you saying Mr. Dela Cruz? You left your fiancee in our office to stop and say that to me? So confusing." Binitawan ni Klyn ang braso ko at tumayo ng maayos. Tinitigan niya ko sa mata. Pinilit kong labanan ang pakikipagtitigan niya. "Your actions in front of us are confusing too..." Mahinahong sambit ni Klyn. Napalunok naman ako kasabay ng pagkurap. Napigilan ko ulit ang paghinga ko nang ilapit niya ang mukha sa'kin. "Be careful with your actions Ms. Agplaza, I might be misinterpret that." Inilayo niya na ang mukha sa'kin pero nananatili siyang nakatitig sa mata ko. "If you don't want to talk to us, then--you can stay at your office and make yourself busy. Just don't fucking leave this place." Hinawakan niya ang wrist ko at marahan akong hinatak pabalik sa loob ng office namin. Bago kami makapasok sa office ay binitawan niya na ko at siya ang naunang pumasok. Hindi ako magalaw sa kinatatayuan ko. Napayuko ako kasabay ng pamumuo ng luha ko. Pilit kong hinuhulaan kung ano ang mga sinabi at kinilos niya mula kagabi at ngayong umaga sa'kin. Hindi ko maintindihan kung bakit nagkakaroon ako ng pag-asa. Na may pikialam pa siya at may nararamdaman pa rin para sa'kin. Pero tumulo ang luha ko nang pumasok sa isip ko na ikakasal na siya sa iba. Ikakasal na siya kay Alysa at hindi sa'kin. Pinunasan ko ang isang patak ng luha na tumulo sa pisngi ko. Kinalma at inayos ko ang sarili ko kahit gustong-gusto ko ng humagulgol dahil sa sakit na nararamdaman ko. Hinawakan ko na ang doorknob at pumasok na sa office. Napatingin ako kay Klyn dahil nakatayo siya na para bang lalapit na naman sa pinto at bubuksan para masigurong papasok na ko sa loob. Hindi kasi agad ako pumasok at sumunod sa kaniya. Napaiwas ako ng tingin nang napatingin sa'kin ang dalawang kaibigan ko. Hindi ako umupo sa tabi nila, dumiretso ako sa table office ko at binuksan ang laptop ko do'n. Sumulyap ako kay Klyn at nakitang nakaupo na ulit siya sa tabi ni alysa at nakatingin din sa'kin. Umiwas ulit ako ng tingin at binaling na lang sa screen ng laptop. "Saang venue ba niyo gustong maganap ang engagement party niyo?" Dinig kong tanong ni Diane sa dalawang tao harap nila. "Where do want hon?" Nakangiting baling ni Alysa kay Klyn. Sumulyap ulit ako kay Klyn at napalunok nang makitang hindi man lang siya natinag sa pagtitig sa'kin. "In our house in Marikina." Nakatitig pa rin sa'kin si Klyn nang sagutin niya si Alysa. Nangilid na naman ang luha sa mga mata ko. Ang bigat ng dibdib ko at ang hirap pigilan ng emosyon ko. Idagdag mo pa ang pagtitig sa'kin ni klyn katulad ng pagtitig niya sa'kin noon. Pero imbes na magkaroon na naman ng pag-asa ay nanlulumo at nadidismaya ako. Magkahawak kamay sila ni Alysa at hindi ako makapaniwalang kahit katabi niya si Alysa ay nagagawa niya kong titigan. Anong ibig sabihin ng mga titig mo Klyn? Nakagat ko ang labi ko nang hindi ko napagilan ang pagtulo na naman ng luha ko. Bago ako yumuko ay nakita ko ang pagtataka at pag-aalala na pumaskil sa mukha ni Klyn. Hinarang ko ang laptop ko para maharangan ang mukha ko upang hindi nila makita ang pagpunas ko ng luha. "Do you want simple party? Or sophisticated party?" Dinig kong tanong pa ni Diane. "I prefer sophisticated party. I want it to be more special for my future wife." Sagot ni Klyn na nakapagpadurog ulit sa puso ko. Napapikit ako ng mariin. Hindi ko na kayang magtagal dito. Agad kong kinuha ang cellphone ko at nagtipa ng mensahe para kay Angelo. Laking pasasalamat ko nang magreply agad siya sa'kin at sinabing papunta na siya dito. "A-alright." Tugon ni Diane. "Pasend na lang sa'min ang list ng mga guests na pupunta sa party niyo this upcoming sunday. Kapag natapos namin ang mga invitation for them ay kami mismo ang magdidistribute ng mga 'yon." Ani Angel. "Yeah, sure. No prob." Ngiti ni Alysa. "When it comes to food? Anong klase ng food ang gusto niyo para sa party niyo?" Tanong ulit ni Diane. "We will leave that to you. As long as our guests will like it." Sagot naman ni Alysa kay Diane. Kahit gustuhin ko man makisali sa kanila dahil trabaho ko rin 'yon ay hindi ko magawa. Para akong tanga na nakikinig lang sa kanila sa isang sulok. Kinukubli ang sarili dahil ayokong makita nila ang totoong nararamdaman ko. Agad akong napatayo nang bumukas ang pinto ng office at madaling pumasok si Angelo. Hindi niya inintindi ang tingin ng mga kasama ko sa loob, bagkus ako agad ang hinanap ng mga mata niya. Madaling lumapit sa'kin si Gelo at niyakap ako. Nang humiwalay siya ay hinawakan niya ang pareho kong pisngi at pinunasan ang basa ro'n. Bumuntong hininga siya at lumingon sa mga kasama namin sa loob. Napatingin din ako kay Klyn na tiim ang bagang at salubong ang mga kilay. Napailing si Gelo nang makita si Klyn at Alysa. Hinarap na ko ni Gelo at hinawakan ang kamay ko. "Do you want to go to mall?" Nakangiting tanong sa'kin ni Gelo. Tumango na lang ako dahil gusto ko na talagang lisanin at takasan ang mga tao sa silid na 'to. Marahan na kong hinila ni angelo papalapit sa dalawang kaibigan ko. "I'll take her somewhere." Hindi na hinintay ni Gelo sumagot dalawang kaibigan ko at hinila na ulit ako papalit sa pinto pero akma na naming bubuksan ang pinto nang may nagsalita mula sa likuran namin. "She's not coming with you." Mataman ngunit may banta sa tinig ni Klyn nang sabihin 'yon. Sabay kaming lumingon ni Gelo sa kaniya. Napatingin ako kay Alysa, nakatanaw lang siya sa fiance niya. Hindi man lang siya magtaka o kaya pigilan si Klyn sa mga sinasabi at kinikilos nito. Kung ako ang nasa posisyon niya ay hindi ako magbubulag-bulagan. "Stop being intervener, will you? You always suddenly show up and ruining the scene. Taking kyla with you in the middle of our meeting seems to be your hobby. Where's your damn moral Mr. Perez?" Bakas ang inis ang pagkairita sa boses ni Klyn. At hindi ko malaman kung ano ang pinaghuhugutan no'n. "What do you care? Kyla is none of your business anymore. You better pull your shit together and marry Alysa as soon as possible. I will surely be the happiest human being on earth if that's what happen." Nakangisi ngunit seryosong tugon Angelo kay Klyn. Mas tumalas ang tingin ni Klyn sa kaniya, halata na ang inis at pagkairita sa mukha niya. Humarap na sa'kin si Gelo at akmang hihilain na ulit ako nang hawakan ako ni Klyn sa kabila kong kamay para pigilan. "Hon..." Lumapit na si Alysa sa fiance niya at hinawakan sa braso. Tinignan siya ni Klyn bago tumingin sa'kin. Nakita ko ang pangingilid ng luha niya sa mga mata niya habang nakatitig sa'kin. Para siyang nangungusap na 'wag akong sumama kay Angelo. Napaawang ang labi ko. Pero bago pa ko makapasalita ay marahan na niyang binitawan ang kamay ko at tumalikod sa'kin. Wala akong nagawa kundi ang magpahila kay angelo habang nakatitig sa likod ni klyn palabas ng office. "Ihatid mo na lang ako pauwi Gelo. Gusto kong mapag-isa." Giit ko kay angelo nang makalabas kami. Bumuntong hininga muna si Angelo bago ngumiti sa'kin, alalayan papunta at papasok sa kotse niya. Nang makarating kami sa bahay ay hinatid pa ko ni Angelo sa kwarto ko. Nang mahiga ako sa kama ay umupo pa siya sa tabi ko at mataman akong tinitigan. "I couldn't focus to my work knowing that you're alone here. Can you promise me that you will be fine here?" Nag-aalalang usal ni Angelo. Niyakap ko ang bewang niya at siniksik ang mukha ko sa likod niya. "Hindi ako okay, nasasaktan ako Gelo..." Pag-aamin ko. Hindi ko na kailangan pigilan ang emosyon ko dahil wala naman na si Klyn sa paligid. "Sinabi niya sa'kin noon na ako lang ang gusto niyang makasama habang buhay, pero bakit si Alysa ang gusto niyang pakasalan? Bakit kinalimutan na niya ako? Bakit hindi na niya ko mahal? Pa'no na ko?" Parang bata akong umiiyak sa likod ni Angelo. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa ulo ko, pero natigil din 'yon kasabay ng tunog ng pagbukas ng pinto ng kwarto ko. Hindi ko na inintindi ang mga luha sa mukha ko, bumitaw ako kay Gelo at tinignan kung sino ang nagbukas ng pinto. Nagulat ako nang makita si Klyn, nasa gilid niya ang kapatid ko. Kunot noo akong pinagmasdan ni Klyn. Nang lumipat ang tingin niya kay Angelo ay matalas at masama na ang tingin ni Klyn. Mayamaya pa ay nanggagalaiting pumasok si Klyn at patayo na kinuwelyuhan si Angelo. "Why is she crying huh?! What did you do to her?!" Asik ni klyn kay Gelo. "If you only knew." Tugon ni Angelo kay Klyn. Tumaas ang kamao ni klyn at akmang sasapakin si angelo nang pumasok na rin ang kapatid ko, inawat at inilayo si Klyn kay Gelo. Humahangos si klyn dahil sa galit. Kaya lumapit na rin ako kay gelo para ilayo rin siya kay Klyn. "What's your problem huh?! Anong ginagawa mo dito?!" Asik ko rin kay Klyn habang hawak-hawak si Gelo sa braso. Napatingin sa'kin si Klyn. Ang galit niyang mukha ay biglang nawala at kumalma. Bumaba ang tingin niya sa kamay kong nasa braso ni Gelo. "Don't touch him, please..." Nakikiusap ang tinig ni Klyn. "Stay away from him babe..." Bigla akong naiyak sa itinawag niya sa'kin. Sa kabila ng panlalabo ng mga mata ko gawa ng luha ay nakita ko ang pamumuo rin ng luha sa mga mata niya habang nakatitig sa'kin. Nang akma siyang lalapit at hahawakan ako ay kusa siyang natigil nang pumasok si Alysa. Kasunod niya ang dalawang kaibigan ko na pumasok sa kwarto ko. Lumapit si Alysa sa kaniya at hinawakan sa braso. "Hon, let's go please..." Bulong ni Alysa kay Klyn. Napatitig si Klyn sa kaniya. Kumuyom ang mga kamay at napapikit ng mariin. Tumingin pa siya ng masama kay Angelo at walang ano-ano'y lumabas na ng kwarto ko. Sumunod din kalaunan si Alysa sa kaniya. Napaupo ako kama dahil sa panghihina. Napatunayan ko na sa tuwing nakikita at tinitignan ni Klyn si Alysa ay nakukuha nito ang buong atensyon niya. Parang bigla siyang natatauhan at natitigilan sa mga sinasabi at ikinikilos niya sa harap ko sa tuwing naririnig niya ang boses ni Alysa. Ang pag-asang namumuo sa kaibuturan ng puso ko ay unti-unting naglalaho. Mahal na ni Klyn si Alysa. Marahil ay nagulat lamang siya sa pagbalik ko kaya ganito ang mga kinikilos niya. Hindi na niya ko mahal. Dahil kung talagang mahal niya ko ay hindi niya yayayain si Alysa magpakasal. Nalilito lamang siya dahil sa presenya ko. Hindi ko na dapat bigyang kahulugan at gawing pag-asa ang mga sinasabi at kinikilos niya sa harap ko. Hindi na niya ko mahal. Kailangan ko na sigurong tanggapin 'yon.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (14)
Bobby
nothing
04/01/2025
0
Crystal Emelody Snow
wahhh!!! meron din pala ito dito 😍😍😍 namiss ko 'to!!! 😊 sana ma published mo 'to syerky pati yung iba mo pang stories ang ganda pa naman ng mga stories mo lalo na itong Heart Trilogy series mo😊😊
nothing
04/01/2025
0wahhh!!! meron din pala ito dito 😍😍😍 namiss ko 'to!!! 😊 sana ma published mo 'to syerky pati yung iba mo pang stories ang ganda pa naman ng mga stories mo lalo na itong Heart Trilogy series mo😊😊
30/08/2024
0I like youre stories
07/07/2024
0Tingnan Lahat