Kyla's Point Of View "MGA BAKLA! Namiss ko kayo!" Hiyaw ni Macky nang makapasok kami sa isang fast food chain malapit lang sa bahay ni Kisha. Tumayo pa si Macky at sinalubong ang paglapit namin kung nasaan ang table niya. "Namiss ka din namin. Lalo kang gumagwapo ah." Pang-aasar ko sa kaniya habang magkayakap kami. Agad siyang kumalas at nandidiring tumingin sa'kin. "Eww! May pagnanasa ka sa'kin 'no?!" Niyakap niya pa ang sarili. "Pinuri ka na nga, inakusahan mo pa ko! 'Wag ka ngang feeling! Baka nakakalimutan mong may boyfriend ako, at mas gwapo pa kaysa sa'yo!" Anas ko sa kaniya. "Tse!" Taray nito sa'kin. "Bakit hindi man lang kayo nagsabi na aalis kayo ha?! I hate you all!" Maktol ni Macky matapos kami yakapin isa-isa. "Biglaan lang din e." Tugon ni Diane at umupo na. Sumunod naman kami ni Angel. Sinabi sa'min ni Diane na tumawag si macky sa kaniya kahapon at sinabing nandito rin ang bakla sa NY. Nagpunta talaga siya dito para hanapin kami, at nang sinabi ni Diane kung nasaan kami ay agad na nakipagkita sa'min si Macky para makausap. Sakto naman dahil may gusto talaga kaming mangyari, alam namin at sigurado kami na matutulungan niya kami. Dumating na ang inorder namin. Breakfast meal ang mga 'yon. Nagsimula na agad kaming kumain dahil hindi kami nag-almusal bago nagpunta dito. "Kumusta buhay niyo dito?" Walang ano-ano ay tanong ni Macky. "Ayos lang, mas nakakakita kami ng malaking pera dito." Sagot ni Diane at humigop ng hot chocolate. "Matutulungan mo ba kami Macks? Hindi pa gano'n kalaki yung mga ipon namin." Usal ko. Hindi na nagsasalita si Angel. Busy siya sa pagkain. "Walang problema. Matutulungan ko kayo sa financial para sa pondo ng paggawa ng Event Planning Company. Kailan niyo gustong umpisahan ang construction para do'n?" Tanong ni Macky. "Pag-iisapan at magdidiskusyon muna kami kung anong kailangan at mangyayari do'n. Ayaw namin magpadalos-dalos. Business 'yon, kaya pinag-iisapan dapat ng mabuti." Ani Diane. "Bakit hindi kayo humingi ng tulong kay angelo? Alam niyo namang business man din 'yon." Suhestiyon ni Macky. "Pwede! Magkonsulta tayo sa kaniya kung paano maghandle at magmanage ng isang Event Company." Ani ko bago kumain ng pancake. "Alam na ni Angelo na nandito kayo. Gusto pa nga niyang sumabay sa'kin papunta dito pero may inaasikaso pa siya sa company nila. Anytime soon, bibisitahin niya kayo dito." Giit ni Macky. Napatingin kami sa kaniya. Napaisip naman ako. Kung si Angelo ay alam na... Si Klyn kaya? Hinanap din ba niya kami? "Sa'n ka pala tutuloy dito?" Natinag ako sa naisip ko nang magtanong si diane kay Macky. "Babalik din ako sa pinas mamaya, sasabihin ko kay Angelo ang gusto niyong mangyari. Kailangan ko ng susuporta sa'kin, baka isipin ni dad ako ang magpapatayo ng sariling Company." Ani Macky. Nagbaba ako ng tingin sa kinakain ko. Kung tutuusin ay kaya na rin naming umuwi sa Pinas kahit anong oras namin gustuhin. Pero hindi pa rin namin magawa. Dahil hindi pa rin pwede. May mga kailangan pa kaming asikasuhin at pagkaabalahan. At 'yon ang nakakapagpalungkot sa'kin. "Hindi pa rin goods si daddy mo sa'yo?" Tanong ulit ni Diane. "Wit! Doon pa rin ako sa condo ko nakatira. Kahit kinausap na siya ni mother earth na do'n ulit ako tumira sa bahay namin pero galit pa rin talaga si dad at hindi pa rin matanggap." Sagot ni Macky. "Eh, diba--pinutol lahat ng daddy mo yung mga cash cards at bank accounts mo? Pa'nong nangyaring may pera ka pa?" "May sahod ako natanggap sa pagiging CEO ko noon, kaya nakapag-ipon din ako." Bumuntong hininga si Diane. "'Wag kang mag-alala baks, babayaran ka naman namin kapag sumakto na yung pera namin. Siguro mga anim na buwan pa bago ka namin mabayaran." "Keri lang, ano ka ba! Ang dapat niyong isipin ngayon ay kung paano mag-aayos ng mga events. Kung ano-ano yung mga iooffer niyong designs at mga pagkain. May search na lang rin kayo, wala akong masiyadong alam diyan e." Ani macky. Tumango naman kami sa kaniya. "Sabihan niyo lang ako kapag naisaayos niyo na ang lahat. Sisimulan agad natin ang construction sa Event Company niyo. " "Kapag ba naayos at naipatayo na natin 'yon--uuwi na tayo ng pinas?" Natigil sa pagkain si Angel at nakapagsalita rin sa wakas. "Hindi pa. Hindi pa pwede." Agarang sagot ni Diane. "Eh sino naman ang maghahandle niyon kung wala tayo do'n?" Tanong pa ni Angel. "Si Macky, duh? Kain ka kasi ng kain e! Hindi ka nakikinig sa pinag-uusapan namin." Anas ni Diane kay angel. Tumango-tango lang si Angel at nagpatuloy ulit sa pagkain. "Hindi rin tayo pwedeng umuwi agad. Kailangan pa nating kumita ng pera. Anong ipapasahod natin sa magiging empleyado natin kung wala tayong sapat na pera? Hindi natin kayang tatlo lang tayo ang kikilos do'n. Kailangan natin ng empleyado na tutulong sa'tin." Giit ko. "Tama si Kyla. Kailangan niyo ng mga taong tutulong sa inyo. Especially sa mga big events na hahawakan niyo." Pabor sa'kin ni macky. "Pero hanggang kailan niyo balak magstay dito?" Biglang tanong ni Macky sa'min. Nagkatinginan naman kaming tatlo nila Angel at Diane. "Kapag nasa ayos na ang lahat." Si Diane ang sumagot kay Macky. ISANG ARAW ay nagpunta nga si Angelo sa tinutuluyan namin dito Bronxville. Inaasahan ko naman na 'yon dahil 'yon mismo ang sinabi ni macky sa'min ngunit nagulat pa rin ako dahil pagkagising at pagbaba ko sa dining area ay nando'n na siya at nakaupo. Natuwa ako, pero hindi ko ipagkakaila na mas matutuwa ako si Klyn ang nandito. Bahagya akong natawa nang patakbo siyang lumapit sa'kin para yakapin. "Pinag-alala mo ko..." Mahinang usal niya. Naramdaman kong siniksik niya ang mukha sa gilid ng leeg ko na naging dahilan para matigilan ako. Natigilan ako dahil naramdaman kong umiiyak siya. Umiiyak si Angelo habang nasa bisig niya ko. "A-angelo..." Naguguluhang usal ko. Sa halip na magsalita ulit ay mas lalo niyang sinubsob ang mukha sa leeg ko para maramdaman ko ang mga luha niya sa pisngi niya. Hinigpitan niya rin ang pagyakap sa'kin na para bang wala ng planong pakawalan ako. Napatingin ako kila Diane, Angel, kisha at Tristhan na nakatingin na rin sa'min ngayon. Pero mas napukaw ni tristhan ang atensyon ko, dahil itinaas niya ang hintuturo niya na para bang sinasabing lagot ako. Natinag ako nang humiwalay na sa pagkakayakap sa'kin si Angelo. Hinawakan niya ang parehong pisngi ko na at tinignan ako mula ulo hanggang paa na para bang inaalam kung may nangyari bang masama sa'kin. "You fine here huh? Bakit parang pumayat ka?" Nag-aalalang tanong ni Angelo. Ngumisi ako at bumanat para hindi na siya mag-alala. "I'm not payat. I'm sexy." Nawala ang ngisi sa labi ko dahil imbes pagaanin ang loob niya ay mukhang mas pinalala ko pa dahil may tumulo na namang luha sa pisngi niya. Bagaman nakangiti na siya sa'kin ay lumuluha pa rin siya. "Akala ko kung ano ng masamang nangyari sa'yo dito. Hindi ako halos makatulog kaiisip sa'yo. Namiss kita ng sobra..." Niyakap niya ulit ako. Ako naman ay pagkurap lang ang nagawa. Niyakap ko na lang din siya kalaunan dahil naisip ko na baka sobra lang talaga siyang nag-alala dahil kaibigan niya ko. "Hindi mo na kailangang mag-alala dahil ayos na ayos kami dito. Sa pag-english lang talaga kami nahihirapan hehe..." Sinubukan ko ulit pagaanin ang loob niya. Mukhang sa sandaling 'to ay nagtagumpay na ko dahil nang humiwalay ulit siya sa'kin ay nakangiti niyang pinunasan ang luha sa pisngi niya. Ngumiti rin ako at tinulungan siya sa pagpunas ng luha niya. "Maupo na tayo, kumain ka na ba?" Tanong ko at ginaya siya papalapit sa upuan. "Not yet, I was waiting for you." Inalalayan niya kong maupo bago tumabi sa tabi ko. "Siya ba yung boyfriend mo Ky?" Biglang tanong ni kisha sa'kin. Napaawang ang labi ko na tumingin kay kisha at hindi agad nakasagot kaya naunahan ako ng Gelo. "No." Tipid na nakangiti si gelo munit sa hindi maipaliwanag ay malungkot ang mga mata niya. "K-kaibigan ko lang siya Kisha hehe..." Dagdag ko pa sa sinabi ni gelo, dahil ako naman talaga ang tinanong ni Kisha. Tumango-tango naman si Kisha at ngumiti sa'min. "Kumain na tayo, mala-late tayo sa trabaho." Giit ni Diane. "Macky mentioned that to me. Ihahatid ko kayo sa work niyo. Gusto kong makita kung saan kayo nagta-trabaho." Nakangiting ani Angelo. Nagsimula na kaming kumain, pero hindi ko maiwasang manibago kay Gelo. Inaasikaso niya kasi ang kakainin ko. Pinauulit-ulit din niya na kumain ako ng kumain dahil pumayat daw talaga ako. Panay din tuloy ang sulyap ni Diane, Angel at Tristhan sa kaniya. Marahil ay naninibago din sa kaniya. "Maayos naman ba kayo do'n sa work niyo? Baka sobra naman kayong nahihirapan do'n kaya ka pumayat Ky." 'Ayan na naman siya. Nasa biyahe na kami papunta sa work namin. Nagulat pa nga kami dahil may dala siyang kotse. Dapat nga ay hindi na kami magulat pa dahil mayamang tao siya. Uunahin niyang ihatid sila Tristhan at angel sa work nila. Mas malapit kasi 'yon kaysa sa work namin sa bahay ni Kisha. Magkaiba lang ang daan. "Hindi ah, nag-eenjoy nga kami ni diane e." Sagot ko naman. Lumingon saglit si angelo sa'kin. "Baka lang masiyado niyong pinapagod yung mga sarili niyo dahil balak niyong magtayo ng corporation sa pinas. You don't really have to abuse yourselves to work just to earn money for it. Alam niyong tutulungan ko kayo." Ani Angelo. "Hindi naman namin inaabuso yung mga sarili namin. Ni hindi nga kami nagkukulang sa tulog. Nito lang--dahil nag-umpisa na rin kami sa pag-aayos ng mga ifi-feature namin sa Event Company." Depensa ko pa. "Hindi mo kailangang mag-alala kay Kyla, Gelo. Kasama niya kami dito. Sa tingin mo ba pababayaan namin siya?" Si Diane. Napatingin ako sa kaniya. Hindi niya na napigilang hindi magsalita. "No. It's not like that. It's just that, alam ko yung dahilan kung bakit nagtatago kayo ngayon dito sa NY." Tugon naman ni Gelo na nilingon ulit ako. Bumuntong hininga ako. "Kaya nga rin kami nagpupursigi sa pagta-trabaho dito dahil gusto kong pagbalik namin sa pinas ay hindi na kami magugulo pa nila tito Albert at mama. Gusto ko silang makulong..." Halos ibulong ko na ang huling salita na sinambit ko. Labag sa loob ko na pati si mama ay makulong, pero hindi ko rin masikmura na kunsintihin pa siya. "Nagsampa na ng kaso si Klyn laban sa kanila. 'Yon yung inaasikaso niya ngayon ng mga kaibigan niya." Naging mabilis ang paglingon ko kay angelo. Nagugulat at sobrang naapektuhan. "'Di nga?" Gulat ko pang tanong kay Gelo. Nakita kong huminga ng malalim si gelo. "Yes. Pinuntahan pa nila si tito Reynan para maging testigo laban sa mama mo at sa kinakasama niya. Baka sa buwan na 'to ay mahatulan na sila. Malakas ang mga ebidensya na binigay ni Klyn sa mga pulis. Nagtungo rin ang mga pulis sa bahay ni Mr. Cabalquinto at nag-imbestiga, 'yon din yung araw na hinuli sila." "Sabi ko na nga ba e! Tutulungan talaga tayo ni kuya Klyn." Anas ni Tristhan. Nangilid ang luha sa mga mata ko at napatitig kay Gelo. Nung mga nakaraang araw ay nalulungkot ako dahil nakarating na si Macky dito, at ngayon naman ay si Angelo. Pero siya na mas may kakayahan pa dahil mayaman siya at maraming koneksyon ay maski anino ay hindi ko nakita. Totoong nung mga unang linggo ko dito sa NY ay umaasa akong hahanapin niya ako at pupuntahan dito para sunduin at ibalik sa pinas. Dahil kaya niya kong protektahan para hindi ako makuha nila mama. Kaya aaminin kong nadismaya ako ng mga sumunod na araw na hinihintay ko siya ngunit hindi siya dumarating. Pero matapos kong marinig at malaman kay Angelo ang inaasikaso ni Klyn kaya hindi niya ko mapuntahan dito ay naghalo ang lungkot at sayang nararamdaman ko. Malungkot dahil nangungulila na ko sa kaniya at masaya dahil hindi ako binigo ni klyn. Sa loob ng isang taon na pagsasama namin, kahit kailan ay hindi niya ko binigo. Kahit hindi ako humihingi ng tulong sa kaniya ay tinutulungan niya pa rin ako. Kapag malungkot ako, sa simpleng pagtitig at pagngiti niya lang sa'kin ay napapawi 'yon at napapalitan agad ng saya. Hindi niya rin ako binigo sa pagpaparamdam niya sa'kin na mahal niya ko. "Anong oras ang out niyo?" Tuloy ay hindi ko na namalayan na nasa harap na kami ng Caffe Classico. "Hanggang 5pm lang kami ngayon." Si Diane ang sumagot kay Angelo. Tulala pa rin ako. Hindi pa rin makaahon dahil sa nalaman ko. "Wala naman akong gagawin. Dito na lang rin ako mag-stay. Hihintayin ko ang out niyo." Ngiti ni Angelo sa'kin. Hinaplos pa ang buhok ko, doon ako natauhan. "Bakit hindi ka maglibot dito sa NY? Magaganda ang mga lugar dito. 'Wag mo ng sayangin ang pagpunta mo rito." Si Diane ulit ang sumagot. "Marami namang oras para maglibot, mas gusto kong hintayin kayo dito. Besides, mas gusto kong kasama kayo sa paglilibot dito sa NY." Baling ni Gelo kay Diane bago ulit tumingin sa'kin. "Nakapaglibot naman na kami. Nilibot kami ni Ion sa Manhattan noon." Ako naman ang tumugon kay angelo. Nakita kong kumunot ang noo niya habang nakatitig sa'kin. "Who's Ion?" Mataman niyang tanong ngunit bakas ang pagkairita sa boses niya. Pilit niyang tinatago 'yon. Pinilit kong ngumiti sa kaniya. "Nakilala namin si Ion nung unang araw namin dito sa NY, siya ang tumulong sa'min makarating dito sa Bronxville dahil hindi namin alam kung paano makakapunta dito mula sa Manhattan." Paliwanag ko sa kaniya. Bumuntong hininga siya. "I see." Pinilit din niyang ngumiti sa'kin. "Pumasok na tayo, oorder rin ako dito." Ani pa ni Angelo. Tumango na kami diane at pumasok na kami sa loob ng shop. Humanap agad ng pwesto si Angelo habang kami naman ni Diane ay dumiretso sa staff room para makapagpalit ng uniform namin. Nang palapit na ko kay Angelo para ihatid ang inorder niya ay nakita kong nakatitig siya sa'kin habang papalit ako sa kaniya. Naninibago talaga ako sa tingin at sa inaasta ni Angelo sa'kin. "Nice uniform huh." Puri ni Angelo sa'kin nang mailapag ko ang mga order niya sa mesa. "T-thanks." Utal kong sabi. Nakatitig kasi talaga siya sa'kin. Bigla tuloy akong na-conscious. Nagbaba pa ko ng tingin sa suot ko. Light pink ang kulay ng uniform namin. Hanggang sa gitna ng hita ang haba ng dress na hapit pa sa katawan namin. May limang butones sa gitna at may puting tela pang nakatali sa bewang namin. "A-ah sige, trabaho na ko." Paalam ko sa kaniya. "Yeah, sure." Nakagat ko ang labi ko dahil hindi maalis ng mukha niya sa mukha ko. Nakita ko naman siyang napalunok at nakahinga ako ng maluwag dahil umiwas na siya ng tingin at kinuha na ang tasa na may lamang kape. Nagtuloy-tuloy ang pagbibigay namin ng order sa mga customer. Hindi ko lang maiwasan na mailang dahil sa tuwing susulyap ako kay Angelo ay nahuhuli ko siya na parating nakatingin sa'kin. Para bang pinapanood ako. Hanggang sa mag-alas-tres na ng hapon ay nakaupo lang siya do'n habang nakatitig sa'kin. Hindi ko alam kung paano niyang natagalan 'yon. Bago kami makapagpalit ni diane ng damit ay napag-utusan pa kong maghatid ng order sa labas ng coffee shop. May malapit na park kasi dito, nando'n daw ang customer na nagorder ng kape. Kilala ko naman yung customer na 'yon, si Xian Lester. "Sir Xian!" Kumaway ako kay Xian nang makita ko siya na nakaupo sa mahaba at bakal na upuan. Tumayo siya at ngumiti sa'kin. Itinaas ko ang pinaglalagyan ng kape na inorder niya at iniaabot 'yon habang papalapit sa kaniya. "Thanks." Pasasalamat ni Xian at kinuha na ang kape. "I thought diane would give this to me here. I was actually waiting for her. I want to talk to her." Giit ni xian. Napatango-tango naman ako sa kaniya. "Ah, okay. We're about to go home already. Do you want me to call her to get here?" Tanong ko kay Xian. "No need. I'll go with you back to the coffee shop. I will drop her off home after we talk." Ngiti ni Xian sa'kin. Tumango ulit ako at naglakad na kami pabalik sa coffee shop. Nang makapasok kami sa Caffe Classico ay nahagip agad ng paningin ko ang mabilis na pagtayo ni angelo nang makitang kasama ko si Xian. Sabay silang napalapit ni diane sa'min. Bihis na si Diane at handa ng umuwi. "Can we talk Diane?" Nanghihingi ng oras si Xian kay Diane para makapag-usap sila. Tumango naman si diane sa kaniya at bumaling sa'kin. "Umuwi na kayo ni Angelo. Mag-uusap muna kami ni Xian." Sabi sa'kin ni Diane. Tumango din ako sa kaniya. Napatingin kami kay Xian nang ialok nito ang isang kamay niya kay Diane. Nabi-bitter akong tumingin kay Diane, naramdaman niya 'yon kaya ngumisi siya sa'kin at tinanggap ang kamay ni Xian habang nakatingin sa'kin. Nang-iingit. Napangiwi naman ako sa kaniya at pinanood na lang ang paglabas nila ni Xian sa shop. "Magpapalit na muna ako ng damit, hintayin mo ko dito. Saglit lang ako." Sabi ko kay Angelo kaya napatingin na siya sa'kin. Sinundan din kasi niya ng tingin sila Diane. "Okay." Tugon niya. Kaya agad akong nagtungo sa staff room at nagpalit. Tahimik lang kami sa biyahe pabalik sa bahay ni Kisha. "SALAMAT GELO." Ngiti ko kay angelo nang makababa ako ng kotse. Humarap ako sa kaniya at nakitang nakasandal na siya sa nakasarang pinto ng kotse. Nakapamulsa rin siya. Naalala ko tuloy si Klyn. "Ah... saan ka nga pala tutuloy pansamantala?" Tanong ko sa kaniya. "May malapit na Hotel dito, doon na muna ako." Nakangiting sagot niya. "Ilang araw mo bang balak mag-stay dito?" Tanong ko pa sa kaniya. "5 days. Gusto ko kasing masiguro na ayos ka lang ba talaga dito." "Angelo, hindi mo na kailangang mag-alala ng sobra para sa'kin. Lalo pa na maayos na maayos kami dito." Bumuntong hininga siya. "Hindi ko maiwasan na mag-alala. Lalo na kapag tungkol sa'yo. Mahalaga ka sa'kin Ky, gusto ko lang parati na okay ka." Ngumiti ako. "Salamat, napakabuti mong kaibigan." Pumaskil ang lungkot sa mukha niya sa sinabi ko. "Hanggang kaibigan na lang ba talaga ako para sa'yo?" Malungkot na tanong niya. Hindi ko inaasahan at tagalang nagulat ako. "H-ha?" Naitikom ko ang bibig ko at napalunok nang mabilis siya lumapit sa'kin para halikan ako sa gilid ng labi ko. Natigilan ako at napakurap ng ilang beses. Nagtuloy-tuloy pa ang paglunok ko nang hapitin niya ng marahan ang bewang ko at halikan naman ako sa labi. Nanlaki ang mata ko kasabay ng pamumuo ng luha sa mga mata ko. Nang humiwalay siya sa'kin ay siyang pagtulo ng isang butil ng luha sa kanang pisngi ko. Hindi ko dapat siya pinayagang gawin 'yon. Pinigilan ko na dapat siya bago pa niya gawin 'yon. At naiiyak ako sa katotohanang kaibigan lang ang tingin ko sa kaniya, at sa sandaling ito ay napagtanto ko na kung anong ibig sabihin ng mga titig at kilos niya. Pero hindi ko alam kung paano tatanggapin 'yon.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (14)
Bobby
nothing
04/01/2025
0
Crystal Emelody Snow
wahhh!!! meron din pala ito dito 😍😍😍 namiss ko 'to!!! 😊 sana ma published mo 'to syerky pati yung iba mo pang stories ang ganda pa naman ng mga stories mo lalo na itong Heart Trilogy series mo😊😊
nothing
04/01/2025
0wahhh!!! meron din pala ito dito 😍😍😍 namiss ko 'to!!! 😊 sana ma published mo 'to syerky pati yung iba mo pang stories ang ganda pa naman ng mga stories mo lalo na itong Heart Trilogy series mo😊😊
30/08/2024
0I like youre stories
07/07/2024
0Tingnan Lahat