Kyla's Point Of View HINDI MATIGIL ang mga mata namin sa paglilibot nito sa ganda ng paligid na nakikita namin. Nandito kami sa Brooklyn Bridge, hindi kami halos nag-uusap dahil busy kami sa pagtingin-tingin sa paligid. Tanaw mula rito ang Empire State Building. Nang makontento kami ay bumiyahe kami para makita naman ang Statue Of Liberty. Tinanaw lang namin siya mula sa malayo dahil nasa pagitan namin ang malawak at kulay asul na dagat. Napapikit ako nang maramdaman ang pagdampi ng malamig na hangin sa mukha ko. Napadilat ako nang mukha ni Klyn ang nakita ko. Totoong masaya akong makita ang mga ganitong tanawin, ngunit hindi ko maipagkakaila na parang may pumipigil sa'kin na lasapin ang kasiyahan ko dito. Masasabi kong iba yung sayang naramdaman ko nang magpunta kami ni Klyn sa Sta. Ana. Malayong malayo sa nararamdaman ko ngayon. Parang may kulang. Nasanay ako na palaging may nakayapos sa bewang ko. Nasanay na kong parating may humahalik sa noo, pisngi at labi ko. Nasanay na kong may tatawag sa'kin sa umaga para lang bumati at sabihing hindi kompleto ang araw niya nang hindi naririnig ang boses ko. Nasanay na kong parating may naghahatid-sundo sa'kin. Nasanay na kong nandiyan siya parati para sa'kin. Nasanay na ko sa kaniya. Nang maggabi ay nagpunta naman kami sa Times Square, huling gabi na ito ni Ion sa NY. Bukas ng umaga ay flight niya na pabalik sa pilipinas. Parang gusto kong sumama sa kaniya, pero mawawalan lang rin ng saysay ang pagpunta namin dito. Nanlulumo man pero kailangan ko nga talagang magtiis. "Ibababa kayo nito sa lugar ng Bronxville, naka-ayos na rin yung ways niyo para susundan niyo na lang yung street kung nasaan ang bahay na pupuntahan niyo." Inihatid pa kami ni Ion sa loob ng train. Siya ang nagasikaso ng lahat, sa pagkuha ticket para makasakay kami dito at sa pagpapasok at paglalagay ng mga bagahe namin dito sa train. Pinagmaneho niya kami bago siya dumiretso sa Airport, sinuguro niyang hindi na ulit kami maliligaw at mararating na ang destinasyon namin dito. "Thank you Ion, we owe you a lot." Ngiti ni Angel kay Ion. Ngumiti rin si Ion sa kaniya. "You're welcome." Tugon nito. "Aalis na ang train na 'to, kailangan ko na rin umalis. Mag-iingat kayo ah." Paalala niya pa sa'min "Mag-ingat ka rin sa biyahe mo. Bye-bye!" Parang bata pa kong kumaway kay Ion. Nakaupo na ko sa tabi ng bintana, kaharap naman namin si diane at Angel habang katabi ko naman si Tristhan. "Baka malate ka sa flight mo, sige na Ion. Kaya na namin, salamat." Ani Diane habang nakangiti. Tumango naman si Ion, nakangiti pa rin. "Ingat ka Ion." Si Angel. "I will." Nang makalabas si Ion ay siyang andar ng train. Hindi na naman mapakali ang mga mata namin, kahit halos puro building lang naman ang nakikita namin ay paulit-ulit pa rin kaming namamangha. "Nakapunta ka na ba sa bahay ng pinsan mo noon Diane?" Tanong ni Angel kay Diane. "Hindi pa, ito pa lang ang una." Sagot ni Diane. "Pero alam niyang pupunta tayo do'n diba?" Tanong pa ni Angel. "Oo, nagsabi na ko sa kaniya. Hindi niya lang alam kung anong eksaktong araw. Nawala lahat ng contacts ko, naiwan din ang cellphone ko sa apartment kaya hindi ko siya matawagan para sabihin sa kaniya." Tugon ni Diane. "Nakita mo na ba yung bahay niya? Kahit sa picture lang?" Sabat kong tanong. Umiling si diane. "Hindi pa." "Hala, pa'no 'yan? Hindi natin alam kung magkakasya ba tayo do'n. Eh, diba--alam niyang ikaw lang titira do'n pansamantala?" Dagdag tanong ko pa. "Mabait naman 'yon si Kisha. Alam mo namang siya lang ang kasundo ko sa mga kamag-anak ko. Siya lang mag-isa ngayon do'n sa Bronxville kaya natuwa pa siya nang makausap ko siya at sinabing do'n na muna ako sa bahay niya. Pumayag agad siya." Sagot ni Diane. "Pumayag naman ba siya na may kasama ka? Tatlo kami. Lalaki pa si Tristhan." Si Angel. "Papayag 'yon. Alam din naman niya na nakatira tayo sa iisang apartment sa pinas. Hindi rin naman niya hahayaang pabayan na lang kayo. Mabait si Kisha, paniguradong makakasundo niyo pa." Nakangiting ani Diane. Nagtiwala na lang kami sa kaniya at nanahimik na. Matapos ang tatlumput limang minuto ay tumigil ang na train kasabay nang pagsigaw ng isang lalaki sa lugar na Bronxville. Agad kaming tumayo at kinuha ang mga bagahe namin. Tinulungan naman kami ng lalaki na ilabas ang mga bagahe namin bago mabilis na umandar ulit ang train. Sumakay kami ng taxi at sinabi naman ni diane ang exact street ng bahay ng pinsan niya. "Ang daming chix." Mahinang usal ni Tristhan habang nakatingin sa labas ng bintana ng taxi. Narinig namin 'yon ni Angel dahil nasa gitna namin siya. Si Diane naman ang katabi ng driver. "Parang kailan lang ang sabi mo ay siya lang ang gusto mo. Tapos ngayon, naglalaway ka dahil sa mga chix na nakikita mo? Desisyon ka!" Sarkastikong giit ko kay Tristhan. "Hindi naman niya ko gusto e. Maghahanap na lang ako ng iba dito." May hinanakit sa tinig ng boses ni Tristhan. "Ganiyan naman kayong mga lalaki e! Kapag hindi niyo nakuha kung anong gusto niyo sa babae, maghahanap agad kayo ng iba! Minsan pa nga--kapag nakuha niyo na yung gusto niyo do'n sa babae, pababayaan niyo na! Mga animal!" Biglang hugot ni Diane. Napatingin kami sa kaniya, kahit yung driver sa tabi niya. "Are you okay Miss?" Tanong nung driver kay Diane. "Yes! I just remembered some animal species!" Asik na sagot ni Diane do'n sa driver. "Pumatol ka kasi sa animal e, 'yan tuloy." Bigla akong naramdaman ng inis. Umiwas ako ng tingin nang lumingon sa'kin si Diane. "'Wag niyo naman kaming nilalahat. Matitino kaya kami nila kuya Klyn, hindi lang kayo marunong pumili e." Depensa ni Tristhan. "Pa'no kasi--sa una lang kayo magaling! Kapag nakahanap na kayo ng iba, iiwan niyo lang rin kami. Mga walang kwenta!" Asik pa ulit ni Diane. "Wala kasi kayong katatse-tatse pagdating sa lalaki. Basta pogi, mayaman? Ayos na? Hindi man ako mayaman ay gwapo naman ako! Hindi man ako mayaman, pero nag-aaral ako ng mabuti para balang araw ay maging successful ako. Hindi man ako mayaman ay totoo ako sa nararamdaman ko. Loyal ako at faithful pa! Tapos hindi pa rin ako yung pinili? Pakshet lang!" Napatingin kami lahat kay tristhan. Bahagyang nanlaki ang butas ng ilong ko habang nakatitig sa kaniya. Ang mokong, kunwari pang umiiyak habang sinusuntok ang dibdib niya. Muntinga! "Mm! Pinagsasasabi mo?!" Binatukan ko si Tristhan. "Aray naman, 'te!" Reklamo niya habang nakahawak sa ulo. "Siraulo ka! Lumalablayp ka na?" Sindak ko sa kaniya, nanlalaki ang mga mata. "Hindi ko na napigilan kapatid, patawarin mo ko!" Niyakap niya ko at nagkunwaring humahagulgol sa balikat ko. "Ayos lang 'yan Tristhan. Ang importante ay mahalaga." Kunwaring hinahaplos naman ni angel ang likod ni Tristhan. Napakamot na lang ako sa sentido ko. Buti na lang rin ay tumigil na ang taxi. Umayos agad ng upo si Tristhan at tinignan ang bahay na nasa tapat ng bintana ng taxi. Pagkatapos magbayad ni Diane sa driver ay lumabas na kami at tinulungan ang driver ang mga bagahe namin mula sa compartment. Nang makaalis na ang taxi ay saka ko lang natignan ng mabuti ang bahay na nasa harap namin. "Halika na, dito na 'yon." Anyaya na ni Diane sa'min at umakyat na sa limang palapag ng hagdan para makapag-door bell. Naging maaliwas ang harap ng bahay na ito dahil sa bermudang nakapalibot dito. May mga halaman din na hugis bilog sa magkabilang gilid ng hagdan. Kulay abo ang kulay ng bubong at kulay puti naman ang kulay ng mismong bahay at pinto. Malaki ang bahay, may second floor. Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito. Napatitig ako sa babaeng bumungad sa'min. Maganda siya. Blondie ang buhok niya kaya mas lalo siyang pumuti. Pero sa unang tingin mo pa lang ay malalaman mo na agad na isa siyang fil-am. "Kisha!" Niyakap ni Diane si Kisha. "Oh, my! Diane! I missed you." Niyakap din ni Kisha si Diane. "How are you? Ang tagal nating hindi nagkita ah." Ani Kisha nang humiwalay na siya sa yakap kay Diane. "H-hello..." Nahihiyang bati ko nang lingunin kami ni Kisha matapos humiwalay sa yakap ng pinsan niya. "Hi. You're pretty." Ngiti ni Kisha sa'kin. Mukhang magkakasundo kami hehe... "Kisha, please... pagod na pagod na ko makarinig ng kasinungalingan." Pambabasag ni Diane. Sinamaan ko siya ng tingin kaya natawa silang apat. Pampam... "Pasok na muna kayo, alam kong pagod kayo sa biyahe." Anyaya ni Kisha sa'min . Pumasok naman kami. "Ang laki ng bahay mo kisha, talaga bang ikaw lang mag-isa dito?" Tanong ni Diane sa pinsan habang nililibot ang paningin sa kabuuang loob ng bahay ni Kisha. "Sadly, yes. Pero simula ngayon ay hindi na, dahil nandito na kayo." Nakangiti si Kisha ng lumingon sa'min. Pumasok kami sa kusina niya at pinaupo kami sa dining table niya. Nagaasikaso siya ng mga pagkaing ihahain sa'min nang magtanong ako sa kaniya. "Ah, kisha? Ayos lang ba talaga sa'yo na dito rin kami manuluyan?" Tumingin siya sa'kin. "Oo naman 'no! Nakakalungkot rin ang parating mag-isa." Ngumiti siya sa'kin bago ulit bumalik sa paglalabas ng pagkain sa loob ng ref niya. Napabuntong hininga ako nang pumasok na naman sa isip ko si Klyn. Mag-isa lang rin siya do'n sa condo niya, hindi na siya makakatambay sa apartment namin dahil wala naman na kami do'n. Pero nang maalala ko si Klyzer ay bigla akong napatanag. Hindi pa rin pala siya mag-isa dahil kasama niya ang aso namin. Sana lang ay kaya ng presenya ni Klyzer na mapawi ang lungkot na mararamdaman niya. "Tatlo ang kwarto ko sa itaas, inookyupa ko ang isa. Sasamahan ko kayo sa itaas mamaya pagkatapos niyong kumain." Umupo na si Kisha sa upuan na nasa dulo ng mesa matapos mailapag ang mga pagkain. "Ah, nga pala kisha... Sila yung naikwento ko sa'yo dati--mga kaibigan ko sila at nagkasama-sama na kami sa iisang bubong." Ani Diane. Tumingin sa'kin si Diane at ako ang unang pinakilala niya sa pinsan. "Siya si Kyla... Siya naman si Angel, at si Tristhan, kapatid ni Kyla." Itinuro pa ni Diane si Angel at Tristhan. "Siya naman si kisha, pinsan ko sa mother side." Pagpapakilala naman ni Diane kay Kisha sa'min. Nang matapos kong makipagkamay at magkangitian ni Kisha ay si Angel at Tristhan naman ang hinarap niya. "Nice to meet you all. Feel at home ah. 'Wag kayong mahihiya." Ani Kisha. Nagpasalamat naman ulit kami sa kaniya bago nagsimulang kumain habang nagke-kwentuhan. Totoong malaki ang bahay na ito para sa isang tao lang. Moderno ang halos kagamitan dito. May chimineya sa sala, may malaki at mahabang paikot na sofa. May pulang carpet sa gitna na pinagpapatungan ng babasaging mesa. May maliit na chandelier sa gitnang kisame ng sala. May mga painting rin na nakasabit sa mga pader. Mukhang masarap tumambay dito sa sala. Sa kusina naman ay malawak rin. Kompleto ang mga gamit at mukhang bago pa rin tignan. May kitchen island at doon mismo nakalagay ang sink at ang gripo. May square na ilaw naman sa taas ng mga stove. Ang refrigerator nila ay dalawa ang pinto at nakadikit sa pader katabi ang may kalakihang oven. May maliit na chandelier din sa itaas ng dining table, ito ang magbibigay ng ilaw habang kumakain. Mas namangha ako nang makaakyat na kami sa itaas at makita ang mga kwarto. Malawak ang dalawang kwartong pinakita niya sa'min. Mas malaki pa kumpara sa kwarto namin sa apartment. Kung tutuusin ay pwede na kaming magsama-sama sa iisang kwarto. Pero ang sabi ni kisha ay mas maganda daw kung lahat ng kwarto dito ay maokyupa namin, para rin daw magamit namin ang gamit do'n dahil baka masira na lang daw 'yon ng hindi napapakinabangan. Kaming dalawa ni Tristhan ang magkasama sa iisang kwarto. Si diane at angel naman ang magkasama sa isa pang kwarto. King size bed ang kama dito, may sariling sala, may kalakihang book shelf at may study table na nakapwesto sa harap ng pavertical na pahabang bintana. Nang magtatlong araw kami dito ay sinubukan na naming maghanap ng trabaho. Sinamahan kami ni kisha na lumibot sa buong Bronxville para maghanap ng mga naghahanap ng empleyado kahit sa mga fast food chain at mga convenience store. Gustuhin mang ipasok kami ni kisha sa trabaho niya pero sa Manhattan pa nakadistino ang pinagtatrabahuan niya. Hindi pa namin gamay ang lugar na 'to kaya sinabi niyang mas maganda kung dito na lang kami sa Bronxville maghanap ng trabaho. Mukhang pinapaburan naman kami ng swerte dahil natanggap kami ni Diane bilang waitress sa isang coffee shop. Sa Caffe Classico. Si Tristhan at Angel naman ay natanggap din bilang cashier at assistant sa isang convenience store. Sa Pit Stop Mini Mart/Wave Express. Isang buwan na kaming nagta-trabaho do'n at masasabi kong maganda ang kitaan, sulit ang pagod at paghihirap namin sa pag-iingles dahil sa laki ng sahod. Naging malaki dahil Dollar ang sahod na natanggap namin nung unang sweldo namin. Tuwing kinsenas katapusan din ang sahudan dito. Ginaganahan ako kaya hindi ko na namalayan na umabot na kami ng dalawang buwan dito sa Bronxville at bilang waitress sa Caffe Classico. Mababait ang mga tao na naeencounter kong mga customer kaya nabibigyan pa ko ng tip. Natuwa din sa'min ni Diane ang may-ari ng shop dahil dumami daw ang mga customer nila simula nang magtrabaho kami dito, tuloy ay dinagdagan niya ang sweldo namin. Natutuwa talaga ako. Nakakatulong na rin kami kay Kisha sa mga gastusin sa bahay niya. Bukod do'n ay nakakapag-ipon na ulit kami nila diane. "D-don't look at me like that sir. I'm already taken." Banat ko sa lalaki nang makitang nakatitig ito sa'kin matapos kong ilapag ang inorder niyang kape at sliced cake. Natawa lang siya sa'kin at si Diane naman ang tinitigan. Naglapag din ng order si diane sa kabilang table. Ngumiti pa si Diane at yumuko ng bahagya sa mag-asawang matanda bago bumalik ulit sa counter. Napatingin ako sa lalaki at nakitang sinundan niya ng tingin si Diane. "What's her name?" Tanong sa'kin nung lalaki at tumingin na sa'kin. "Her name is Diane sir. She's single and ready to minggle." Sagot ko sa lalaki na dalawang beses kong tinaasan ng parehong kilay habang nakangisi. Bahagya siyang natawa. "She's pretty..." Usal nito at nilingon ulit si Diane. Napataas naman ang pareho kong kilay. "Are you blind sir?" Tanong ko dito. Nang tumingin ulit siya sa'kin ay saka ako bumawi. "Just kidding hehe." Natawa lang ulit siya. Lumingon ako saglit kay Diane bago ulit tumingin sa kaniya at nagsalita. "She really is, sir. She's actually my friend." Dagdag ko. Tumingin ulit siya sa'kin. "Yeah? So that explains why either of you are pretty." Sabi ni sir. "I know right! But I must say that I am more prettier than her." Banat ko pa. Natawa ulit siya bago magtanong ulit sa'kin. "How about you? What's your name?" "I'm Kyla Agpalza sir. You are?" Abot ko pa ng kamay ko sa kaniya para makipagkamay. Ngumiti siya sa'kin at inabot ang kamay ko. "Xian Lester." Napatitig ako sa kaniya at nagkunwaring umiyak. "W-why are you crying?" Naguguluhang tanong ni Xian. Kinuha ko na ang kamay kong hawak niya pa rin at niyakap ang tray na hawak ko. "Naalala ko kasi yung boyfriend ko sir." Sagot ko naman. Nakalimutang english people pala ang kaharap ko ngayon. "W-what?" Hindi niya naintindihan, syempre. "I-i mean... I remember my special someone sir." Nagkunwari ulit akong nagpunas ng luha sa mata at napasinghot. "We're far away from each other now. He's in the Philippines while I'm here, in New York." "I'm sorry to hear that." Pabuntong hiningang ani Xian. "It's okay sir. There's nothing to be sorry about. I just missing him." Tugon ko naman. Nagpilit ng ngiti. "May I know what's the name of your boyfriend? If you don't mind..." Nag-aalangang tanong niya. "Klyn Dela Cruz sir." "Mr. Dela Cruz?" Gulat niyang pangungumpirma. Nagugulat din akong napatingin sa kaniya. "Do you know him sir?" Nanlalaki ang mga matang tanong ko. "Yeah. I met him once here from business trip." Sagot niya. Naapektuhan naman ako. Nagtantrums at ngumuwa ako sa harap ni Xian. "Huwaa!! Miss na miss ko na siya sir! Kung may pakpak lang ako ay nilipad ko na siya!" Nagpapadyak pa ko. Naagaw ko ang lahat ng atensyon sa loob ng coffee shop. "What?" Hindi ulit ako naintindihan ni Xian. Natigil ako sa pagngawa, umayos ng tayo at tumingin ulit sa kaniya. "I mean... If I have a wings, then I'm gonna sing a song On The Wings Of Love. Haha!" Natawa lang ulit sa'kin si Xian. "You're funny!"
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (14)
Bobby
nothing
04/01/2025
0
Crystal Emelody Snow
wahhh!!! meron din pala ito dito 😍😍😍 namiss ko 'to!!! 😊 sana ma published mo 'to syerky pati yung iba mo pang stories ang ganda pa naman ng mga stories mo lalo na itong Heart Trilogy series mo😊😊
nothing
04/01/2025
0wahhh!!! meron din pala ito dito 😍😍😍 namiss ko 'to!!! 😊 sana ma published mo 'to syerky pati yung iba mo pang stories ang ganda pa naman ng mga stories mo lalo na itong Heart Trilogy series mo😊😊
30/08/2024
0I like youre stories
07/07/2024
0Tingnan Lahat