Chapter 35

Klyn's Point Of View
PINILI KONG manatili sa apartment nila Kyla para matulog kahit ngayong gabi lang. Gusto kong makasiguradong wala ulit mangyayaring masama sa kanila matapos ang nangyari kanina.
Maayos na ang lagay ni Kyla. May mga pasa pa rin siya sa braso at gilid ng labi pero hindi na siya umiiyak. Nang sumalubong kasi si tristhan sa kaniya pag-uwi ay umiyak na naman si Kyla. Wala siyang tigil sa pag-iyak hanggang sa makatulog siya.
Alas-nuebe na nang makababa siya. Sakto dahil aakyatin ko na sana siya upang gisingin dahil kakain na kami. Pinagmasdan namin siyang lumapit sa'min ngunit dumiretso siya sa ref at inilabas ang karton ng sterilize milk at kumuha ng baso bago umupo sa tabi ko.
Lalagyan ko na sana ng pagkain ang plato niya nang magsalita siya. "Wala akong ganang kumain." Matamlay niyang ani at nagsalin lang ng sterilize milk sa baso.
"You should eat babe, even a bit." Tugon ko at akma ulit maglalagay ng kanin sa plato niya ngunit iniusog niya ito palayo sa harap niya at umiling.
Bumuntong hininga ako at nagsandok ng pagkain sa plato ko. Itinapat ko ang kutsara sa bibig niya.
"Klyn--"
"Ahh..." Ngumanga ako para buksan din niya ang bibig niya. Bumusangot siya habang nakatingin sa kutsara na nakatapat sa bibig niya. Tumingin siya sa'kin kaya sumenyas akong ngumanga siya. Bumuntong hininga siya nang mapagtantong hindi ko siya titigilan para lang mapakain siya.
Nakangiti kong isinubo ang pagkain sa kaniya nang tamad siyang ngumanga. Uminom agad siya ng gatas at hinayaan akong subuan siya ng pagkain.
"May gusto ka bang panoorin bago tayo matulog Ky?" Biglang tanong ni Angel nang mahalatang malungkot pa rin ang kaibigan.
"Peppa pig." Sagot agad ni Kyla ngunit malungkot pa rin ang tono ng boses.
"Nanaman?!" Pabulong na anas ni Diane. Pasimpleng siniko ni Angel si Diane. Sumimangot si kyla at nakangusong tumingin sa'kin.
Hindi ako makatingin sa mga mata niya dahil talagang puno ng lungkot ang nakikita ko do'n. Napunta ang tingin ko sa labi niya. Ngumiti ako at dinampian ng halik ang labi niyang nakanguso.
"Saan nga pala matutulog si kuya Klyn?" Biglang tanong ni Tristhan nang bumalik kami sa tahimik na pagkain.
"I can sleep at the sofa." Nakangiting sagot ko.
"Pwede ka namang tumabi sa kanila sa taas, malaki naman yung foam." Suhestiyon ni Diane.
"Oh, kaya magtabi kayong dalawa ni Tristhan tapos kaming tatlo do'n sa kama." Suhestiyon din ni Angel. Pumabor naman kami sa kaniya. Napatingin kaming lahat kay Kyla nang hindi ito magsalita. Nakatulala lang siya sa baso niyang wala ng laman.
"Ky, payag ka ba?" Tanong ni diane kay Kyla. Natinag naman ito at nagtatakang tumingin kay Diane.
"Saan?" Takang tanong nito. Bumuntong hininga si Diane.
"Ayos lang ba sa'yo kung magkakatabi tayong matulog sa kama? Sa ibabang foam naman sila Klyn?" Tanong ni Diane.
"Ah, sige." Sagot ni kyla at nagsalin ulit ng gatas. Nangunot ang noo niya nang wala ng lumabas na gatas mula sa karton.
"You want more of this?" Tanong ko kay Kyla at kinuha ang karton ng gatas.
"Si mama Klyn..."
Gulat kaming napatingin kay kyla nang wala sa sarili niyang sabihin 'yon. Nakatitig lang siya sa mesa at mabilis ang pangingilid ng luha niya. Mukhang hindi niya pa rin makalimutan ang nangyari kanina.
"Kukunin ako ni mama... sasaktan ulit nila ako..." Umiling-iling siya kasabay ng pagpatak ng luha niya.
Tumayo si Tristhan at lumapit sa kapatid para yakapin. "Hindi ko na hahayaang maulit pa 'yon." Humiwalay si Tristhan para punusan ang mga luha ng ate niya. "Tumahan ka na, hindi ko kayang nakikita kang umiiyak." Nakangiting ani Tristhan.
Natinag kaming lahat nang mag-ring ang cellphone ni Diane. Kinuha niya ito sa bulsa niya at sinagot ang tumatawag.
"Oh, Macky?" Sagot ni Diane sa kabilang linya. Pinakinggan niya ang nasa kabilang linya. "Kumakain kasi kami dito sa baba, nasa taas ata yung cellphone niya." Sagot ulit ni Diane sa kausap habang nakatingin kay Kyla. "Kyla, kausapin ka daw ni Macky." Iniabot ni Diane ang cellphone niya kay Kyla.
"Alam ko na ang sasabihin niya." Umiiyak na sabi ni Kyla habang nakatingin sa cellphone ni Diane. Nagtaka kami sa sinabi niya. "Alam kong tatanggalin niya na ko sa trabaho." Dagdag pa ni Kyla.
Nasapo ni Angel ang noo. Si Diane naman ay bulong na napamura bago tumayo at lumayo para siya ang kumausap kay Macky sa telepono. Kaming dalawa naman ni Tristhan ay inalo ang kapatid niya.
Isa siguro ito sa dahilan kung bakit malalim ang iniisip at malungkot pa rin si Kyla. Dahil alam niyang mawawalan na siya ng trabaho. Alam kong ang mama niya ang dahilan niyon. Hindi ako makapaniwala.
"Babe, stop crying..." Pagpapatahan ko kay Kyla dahil namamaga na ang mga mata niya at namumula na rin ang tungko ng ilong niya sa kaiiyak. Niyakap ko siya at sinubsob naman niya ang mukha sa dibdib ko at doon umiyak. "Everything will be alright okay? Stop crying..." Bulong ko sa kaniya habang hinahaplos ang buhok niya.
"Bakit hindi na lang kami pabayaan ni mama Klyn? Bakit kailangan niya pa kaming guluhin ng kapatid ko? Bakit hindi na lang niya kami hayaang mamuhay ng masaya? Bakit kailangan niya pa kaming pahirapan ng ganito?" Humihikbing mga tanong ni Kyla sa'kin. Hindi ko malaman ang mga sagot sa tanong niya. Dahil kahit ako ay hindi ko alam kung bakit ganito ang trato ng mama niya sa kaniya.
Naaawa ako kay Kyla. Masyado siyang inosente at masayahing tao. Hindi ako sanay na nakikita siyang umiiyak at nahihirapan. Kanina lang ay masaya pa kaming dalawa, ngayon umiiyak na siya dahil sa naging tagpo nila ng mama niya. Hindi ako makapaniwalang kung sino pa ang taong nagluway sa kaniya sa mundong 'to, ay siya ring magpapahirap sa kaniya ng ganito.
"Listen..." Iniharap ko sa'kin si Kyla. Hinaplos ko ang pisngi niya. "No matter how hard the circumstances you're going through babe, I will stay beside you. Whenever you feel sad, and alone... still I will stay beside you. " Sinsero kong ani. "If you want some help, I'm always here. You can always count on me babe." Ngumiti ako sa kaniya. "I am your lifetime partner, and it's my obligation to make sure that you feel alright and happy." Lalo siyang umiyak. Niyakap ko ulit siya.
"I'll take her upstairs." Baling ko kay Angel. Tumango lang siya habang nag-aalalang nakatingin kay Kyla. Marahan kong inilayo sa'kin si Kyla at inalalayan siyang maglakad paakyat sa hagdan. Nang makarating kami sa kwarto niya ay inalalayan ko rin siyang mahiga. Kailangan niya ng magpahinga.
"Salamat Klyn ah... kung hindi ka dumating kanina, baka nakuha na nila ako." Namamaos na ang boses niya.
"I will never let that happen. No one can take you away from me." Hinalikan ko ang noo niya.
Tipid siyang ngumiti at tumitig sa'kin. Gano'n din ang ginawa ko. Pinagmasdan ko lang ang kabuuan ng mukha niya. Hindi ko kayang tagalan titigan ang mga mata niya, sadyang kay lungkot ng mga 'yon. Nang mapadapo ang tingin ko sa labi niya ay hindi ko na napigilan ang sarili kong halikan siya.
Ipinaramdam ko sa kaniya sa pamamagitan ng labi ko na hinding-hindi ko siya iiwan. Marahan lang ang pagkakahalik ko sa kaniya. Banayad at may tamis. Naramdaman ko ang pareho niyang kamay sa batok ko. Naramdaman kong ayaw niyang kumawala sa halik ko. Hindi ko naman siya binigo dahil mas hinalikan ko pa siya ng buong puso.
Ayokong samantalahin ang pagkakataon kaya ako na ang kusang humiwalay sa halikan namin. Ngumiti ako sa kaniya at pinunasan ang tirang luha sa mata niya.
"Tabihan mo kong matulog..." Bulong ni Kyla sa'kin. Ngumiti ako sa kaniya at nahiga sa tabi niya. Niyakap ko agad siya at hinalikan ang noo niya. Hindi na siya nagsalita at mayamaya lang ay mahimbing na siyang natutulog sa bisig ko.
Napatingin ako sa pinto nang pumasok na sila Diane, Angel at tristhan. Marahan kong iniayos ang paghiga ni Kyla bago ako bumangon.
"You three should sleep too. It's already late." Sabi ko sa kanila. Tipid silang ngumiti sa'kin at tinabihan nila angel at Diane si Kyla sa kama. Pinaggigitnaan si Kyla. Humiga na rin ako nang mailatag ni Tristhan ang foam at gano'n na rin siya.
"Naaawa ako kay ate... kung may pwede lang sana akong gawin para tumigil na si mama sa ginagawa nila..." Biglang usal ni Tristhan. Pareho kaming nakatitig sa kisame. "Hindi naman na namin sila pinapakialaman sa ginagawa nilang iligal, pero ang hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa nila kaming idamay." Dagdag pa niya. Napatingin ako sa kaniya.
"Illegal?" Tanong ko kay Tristhan.
Bumuntong hininga siya bago sumagot. "Nakikipag-transaksyon sila sa mga nakakasundo ni tito Albert kapalit ng malaking pera at iba't ibang klase ng baril. Bukod doon ay gumagamit din sila ng pinagbabawal na gamot..." Napapailing na kwento ni Tristhan. "Simula nang maghiwalay sila papa at mama ay sumama na si mama kay tito Albert. Hindi ko alam kung anong nagustuhan niya do'n. At talagang nagpaimpluwensiya pa siya." Salubong na kilay na dagdag ni Tristhan.
Nakinig lang ako kay Tristhan dahil interesado ako sa magiging kwento niya tungkol sa nangyari kay Kyla nung nasa puder siya ng mama niya.
"Nangako si mama noon kay papa na kapag ibinigay niya si ate sa kaniya ay magiging maganda ang buhay ni ate. Maibibigay daw niya ang lahat ng pangangailangan ni ate at pag-aaralin pa siya, nung una ay sumama pa ang loob ko nang malaman 'yon, kasi syempre anak din naman niya ko--kaya bakit si ate lang ang kukunin niya? Hindi sa ayaw ko sa puder ni papa pero hindi niya ba inisip na may pangangailangan din ako?" Mahabang kwento ni Tristhan.
"Pero nang dumaan ang dalawang taon... biglang nagpakita sa'min si ate. Pumunta siya sa bahay nang puro sugat at pasa. Ang payat-payat pa. Umiiyak siya habang nagke-kwento kay papa. Nagsusumbong siya kay papa na ginugutom at sinasaktan siya nung asawa ni mama. Si tito Albert, at kay ate rin namin nalaman na drug lord pala yung lalaking 'yon." Dagdag pa ni Tristhan. Nangunot ang noo ko sa mga narinig ko sa kaniya.
Nang makilala ko si Kyla ay hindi ko man lang nahalatang may gano'n pala siyang nakaraan. Sa paraan niya ng pagngiti at pagtawa noon ay aakalain mong may masaya siyang pamilya dahil sa pagiging masiyahin niyang tao. Hindi ko alam kung paano niya naitago ang sakit at hirap na pinagdaan niya sa nakaraan at sa kasalukuyan sa pagiging masiyahing tao. Nadagdagan ang paghanga ko sa kaniya ng dahil do'n.
"Kaya sana... pasiyahin mo pa lalo ang kapatid ko. Mangako kang hindi mo siya sasaktan, dahil hindi ko na kakayaning makitang nasasaktan na naman ang kapatid ko." Sinserong aniya sa'kin.
Ngumiti ako sa kaniya. "Her pain that caused by your mom was enough reason for me not to be
the cause for another pain to her too." Sinsero ko ring tugon. "I'll make her happy as much as I can, and I will never make her feel that she's alone because she always have me." Dagdag ko pa.
"Salamat. Kailangan ka talaga ng kapatid ko ngayon." Usal ni Tristhan.
Ngumiti ako at ginulo ko ang buhok niya bago nagsalitang muli. "You must sleep by now. You don't have to worry about your sister because I will take good care of her." Paniniguro ko sa kaniya.
"Mm. Goodnight kuya Klyntot." Bulong niya at nagpigil ng tawa.
Napaawang ang labi ko at kalaunan ay nagpigil din ng tawa dahil naalala kong si Kyla nga pala ang nagtawag sa'kin niyon. Pumikit na si Tristhan para matulog kaya bumangon pa ko ng bahagya para silipin si Kyla. Nang makitang mahimbing pa rin ang tulog nito ay napanatag ang loob ko at nahigang muli upang makatulog na.
NAGISING AKO dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Nang maidilat ko ang isang mata ay nakita kong nagmumula 'yon sa salaming pinto ng veranda, bahagyang sumisilip ang araw sa kaunting siwang ng kurtina.
Nang maidilat ko ang parehong mata ay napalingon ako sa tabi ko. Wala na ro'n si Tristhan. Napunta ang tingin ko sa kama sa tabi ko, wala na rin sila angel at diane doon at tanging si Kyla na lang ang nakahiga ro'n. Bumangon ako at maingat na tumabi sa kaniya. Niyakap ko siya at isinubsob ang mukha ko sa gilid ng leeg niya. Naamoy ko ang natural niyang bango.
Dinampian ko siya ng halik do'n. "Babe..." Bulong ko habang patuloy sa pagdampi ng maliit na halik sa leeg niya. Pumaling ang ulo niya sa kaliwa kaya mas lalong na-expose ang leeg niya.
Good morning to me...
Sinubukan kong gisingin siya sa pamamagitan ng pagkiliti sa kaniyang leeg gamit ang labi. Sinimsim ko ang balat niya do'n kaya napaungol siya. Napangisi ako nang magtagumpay ako. Pinaramdam ko sa leeg niya ang malikot kong dila. Tuluyang dumilat ang mga mata ni Kyla. Napangisi ako lalo.
"Good morning..." Namamaos kong bati sa kaniya at hindi pa rin tinitigilan ang paghalik sa leeg niya.
Napatingin siya sa'kin at nagtakip ng bibig. "Good morning din..." Marahan niyang hinawakan ang buhok ko. "Tama na 'yan, baka maubos na leeg ko niyan." Biro niya nang patuloy pa rin ako sa pagpapak sa leeg niya.
"I miss you so bad babe..." Bulong ko sa kaniya. Nahulaan niya naman agad ang ibig kong sabihin.
"Ang aga-aga pa babe." Giit niya at natatawang tumingin sa'kin.
"I want it to be my breakfast babe." Giit ko rin. Nanlaki ang mata niya.
"H-hndi naman 'yon pagkain e."
"But I miss your good taste. It'll be quick." Sabi ko sa kaniya at pumwesto na. Naisip kong bumawi sa kaniya.
"Siraulo ka babe! Baka akyatin na nila tayo dito!" Mahinang anas niya sa'kin.
"I don't care." Tugon ko. Napatakip siya lalo ng bibig.
"Ni hindi pa nga tayo nakakapagsepilyo!" Anas niya ulit.
Ngumisi ako. "I told you, It'll be quick." Usal ko at hinawakan ko na ang garter ng pajama niya. Handa ko ng ibaba 'yon nang pigilan niya ko. Hinawakan niya ang pareho kong kamay.
"Klyn, 'wag dito." Sabi ni kyla kaya napatingin ako sa kaniya.
"Where do you want then?" Nakangising bulong ko.
Ngumisi din siya. Mukhang nahulaan niya na inaasar ko lang siya. "Sa CR." Nakakaakit na bulong niya. I lose again. Tsh!
Bumuntong hininga ako at binitawan ang balakang niya. Napahalakhak si Kyla dahil alam niyang natalo na naman niya ko. Napailing na lang ako napangiti habang pinagmamasdan siya. Sa paraan na naman ng pagtawa niya ay parang hindi siya umiyak kagabi gayong namamaga pa rin ang mga mata niya. Sobra akong humahanga sa babaeng 'to.
"Let's eat breakfast downstairs babe." Anyaya ko sa kaniya nang tumigil na siya sa pagtawa. Bumangon na rin ako sa kama.
"Akala ko sa CR mo gustong mag-almusal? Pumayag na nga ako e." Nakangising sabi niya.
Naughty girl...
Napangisi ako sa naisip ko. "Maybe later... you better get ready." Kumindat ako sa kaniya. "I will make you scream for more..." Bulong kong sabi. Nakita ko siyang lumunok kaya nakangisi akong tumalikod sa kaniya at nagtungo na sa banyo.
Sumunod din siya sa'kin at sinabayan akong magsepilyo. Sa tuwing nagtatama ang paningin namin sa salamin ay nanlilisik ang tingin niya sa'kin. Pinigilan ko namang matawa. Nang makapagmumog ako ay akma ko nang kukunin ang mouth wash nang maunahan niya ko.
Iniabot din naman niya 'yon sa'kin nang makapaglagay siya sa bibig niya. Nagme-make face siya habang nagmumumog na animong nang-aasar habang nakatingin sa'kin. Pinigilan ko ulit na matawa dahil nagmumumog na rin ako gaya niya.
Nauna akong matapos sa kaniya. Hindi ko na kinayang hindi matawa sa kaniya. "You're so cute babe!" Natatawang ani ko.
Tinapos niya na rin ang pagmumumog at nagulat ako nang bigla niya kong yakapin.
"Thank you..." Mahinang usal niya. "Thank you for making me smile and laugh despite of what problem I'm facing right now." Dagdag niya. Niyakap ko siya pabalik. "Mahal na mahal kita Klyn, sana ay 'wag kang magsasawa sa'kin." Madamdaming usal ni Kyla.
"I will never feel that way. I love you more than I love my self babe..." Hinarap ko siya sa'kin. Tinitigan ko siya sa mata. "You are now my life. I couldn't live without you." Mahinang usal ko.
Kyla's Point Of View
NANG MAKABABA kami ni Klyn ay dumiretso agad kami sa dining area, nakaupo na ang dalawa do'n habang hinihintay si Angel na tapusin ang niluluto.
"Buti gising na kayo, matatapos na 'to." Ngiting lingon sa'min ni Angel. Tipid akong ngumiti at inalalayan na kong maupo ni Klyn. Tumabi din siya sa'kin.
"Susubukan ko ng maghanap ng trabaho ngayon." Pilit ngiting sabi ko. Natitigilan naman silang napatingin sa'kin.
"You don't have to. From now on, you will be working on my Company." Biglang sabi ni Klyn kaya gulat akong napatingin sa kaniya. Ngumiti siya sa'kin. "You're going with me today to my Company, I will tour you first to the whole place then you can start your work by tommorow." Ngiting dagdag niya pa. Gulat pa rin akong nakatitig sa kaniya.
"Yown naman pala e! May trabaho ka na agad Ky!" Hiyaw ni Diane. Hindi ko naman siya pinansin.
"What?" Isinugod ni Klyn ang mukha sa'kin dahil nananatili akong gulat na nakatitig sa kaniya.
Napailag ako. "S-seryoso ka ba diyan?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Do I look like I'm joking?" Natatawang tanong sa'kin ni Klyn. Mukhang nahahawa na siya sa'kin.
"H-hindi lang ako makapaniwala." Gano'n pa rin ang nararamdaman ko.
"Don't tell me you have no plan for applying to my Company?" Taas kilay na tanong ni Klyn.
"Oo nga Ky. Bakit mag-aapply ka pa sa ibang Company e may sariling Company ang boyfriend mo?" Nanunukso ang ngiti ni angel nang mailapag niya ang mga iniluto niya.
"E-eh baka kasi hindi naman sila naghahanap ng aplikante. Baka--" 
"So, you have no plan?" Hindi rin makapaniwalang tanong ni Klyn sa'kin. "Huh! I can't believe you babe!" Kunwaring napasinghal si Klyn.
"Lagot ka ngayon!" Sabat ni Tristhan.
"Hala ka! Sa Company ni Angelo mo balak mag-apply 'no?!"
Desisyon ka Diane!
Kunot noong napatingin sa'kin si Klyn. Inosente ko siyang tiningnan pabalik. Parang bata akong umiling ng umuling. Itinatanggi ang sinabi ni Diane.
"H-hindi totoo 'yon babe. N-nahihiya lang ako s-sa'yo. Balak ko na rin namang manghingi ng tulong sa'yo para ipasok sa Company mo. H-hindi ko lang alam kung paano sasabihin s-sa'yo." Nakapagpaliwanag ako ng 'di oras. At kasalanan 'yon ng damuhong si Diane.
Nanliit ang mga mata ni klyn.  "Really?" Hindi naghiwalay ang mga ngipin niya nang tanungin niya 'yon. Napalunok ako.
"Yari na!" Si Tristhan. Sinamaan ko siya ng tingin. Bumaling agad siya sa mga pagkain at hindi sinalubong ang tingin ko.
"K-kumain na tayo, excited na kong makita ang kabuuan ng Company ni babe hehe..." Bumaling ako sa mga pagkain. Narinig ko ang hagikgikan nila Angel, Diane, at Tristhan. Nararamdaman ko pa rin ang matatalas na tingin sa'kin ni Klyn kaya nilagyan ko na ng pagkain ang plato niya. "K-kain ka na babe, I love you hehe..." Paglalambing ko sa kaniya.

Komento sa Aklat (14)

  • avatar
    Bobby

    nothing

    04/01/2025

      0
  • avatar
    Crystal Emelody Snow

    wahhh!!! meron din pala ito dito 😍😍😍 namiss ko 'to!!! 😊 sana ma published mo 'to syerky pati yung iba mo pang stories ang ganda pa naman ng mga stories mo lalo na itong Heart Trilogy series mo😊😊

    30/08/2024

      0
  • avatar
    MagnoBaby Jane

    I like youre stories

    07/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata