Chapter 32

Kyla's Point Of View
NAGDAAN ANG PASKO na masaya at kontento ako. Masaya ako dahil sabay-sabay kaming nag-noche buena ng sumapit ang alas-dose at kontento ako dahil ang mga importanteng tao sa buhay ko ang kasama ko sa kasiyahan na 'yon. Mas naging masaya ako nang makilala na ni papa si Klyn. Gusto ni papa si Klyn at pinagkatiwala pa ko sa kaniya ni papa.
Ngunit hindi ko maiwasan na makaramdam ng lungkot. Kanina pa kasi ako nakikiramdam sa mga kaibigan ko dahil mukhang wala silang balak na batiin ako. Sa tuwing sasapit ang kaarawan ko ay ginigising pa nila ako ng hating gabi para lang batiin. Ngayon, alas nuebe trenta na, wala pa rin.
Lumingon ako sa katapid ko, pati siya ay mukhang nakalimutan na rin. Nakatutok lamang siya sa pagkain niya at sa tuwing makikita niyang nakatingin ako sa kaniya ay ngingiti lang siya at muling itutuon ang atensyon sa kinakain.
Nang matapos kaming kumain ng agahan ay agad akong bumalik sa kwarto namin. Alam kong hindi na ko bata, pero parang ang lagay ay yung mga tirang handa namin nung pasko ang magiging handa ko sa kaarawan ko. Buraot!
Nang mahiga ako sa kama ay 'yon pa rin ang iniisip ko. Binuksan ko ang TV at nanood na lang muli ng peppa pig. Kakainin ko na lang yung tirang graham... Tama! Magce-celebrate akong mag-isa! Not so happy birthday to me! Psh!
Natinag ako sa naisip ko nang tumunog ang cellphone ko na nasa side table. Nagmadali akong kunin 'yon sa pagbabakasakali na si Klyn 'yon. Baka siya naaalala niya!
Pero nakaramdam ako ng bahagyang panlulumo nang mabasa kung sino ang caller. "Gelo?" Bungad ko nang sagutin ko ang tawag niya.
"Happy birthday my princess..." Malambing bati ni Angelo. Mukhang kakagising niya lang. Halata 'yon sa medyo husky niyang boses.
"Salamat hehe..." Natuwa ako na may nakaalala pa rin sa kaarawan ko. "Buti ka pa, naalala mo."
"Why?"
"Eh hanggang ngayon kasi ay nakikiramdam ako sa mga kaibigan ko. Pati yung kapatid ko, nakalimutan na ata." Malungkot kong ani.
"Hey... Don't be sad. You supposed to be happy because it's your day today." Ani Angelo sa kabilang linya.
Napabuntong hininga na lang ako. "What do you want to do for today? I will accompany you."
"Mmm... Nagpaplano akong kainin yung tirang graham sa ref kaya lang kaonti na lang 'yon. May isang platito pa naman ng salad, 'yon na lang ang sa'yo. Samahan mo na lang akong kumain." Tira-tira jpeg.
Narinig kong tumawa si Angelo. "Prepare yourself, I will be there in 30 mins. I'll take you somewhere."
"Eh? Saan naman?" Gulat kong tanong.
"You deserve to be happy, so we're going to the place that you'll feel enjoy."
Nakaramdam ako ng excitement. "Talaga? Sige, sige! Mag-aayos na ko!" Bumangon agad ako sa kama.
"Okay, then." Narinig ko pa siyang bahagyang natawa bago ko pinatay ang linya.
Naligo agad ako at nagbihis. Nakasuot ako ng black jeans na may style na butas-butas at naka-loose croptop ako na kulay gray. Naka-rubber shoes din akong puti. Balak ko sanang magdress kaya lang naisip ko na baka sa playground ako dalhin ni angelo, ayokong makitaan habang nagsa-slide.
Klyn's property 'yon 'no! It's for his eyes only! Bong bing boo! Bing bong bing! Bing bong bingly bungly boo!
Nang nakababa ako ay gulat na napatingin sa'kin ang mga nanonood sa sala. "Saan ka pupunta Ky?" Tanong ni Angel sa'kin nang makalapit ako sa kanila. Nakita kong binaba ni Diane ang teleponong nasa tainga niya kanina.
Umupo muna ako sa single sofa dahil nasa biyahe pa daw si angelo na nabasa ko sa text niya bago ako bumaba. "Hindi ko alam kay Angelo." Sagot ko.
"Bakit kayo aalis ng kayong dalawa lang?" Bumira rin ng tanong ni diane.
"Dahil siya lang ang nakaalala." Alam kong hindi nila mahuhulaan ang sinabi ko.
"Huh?" Sabay na tanong ni angel at Diane.
Nakarinig na ko ng tunog ng sasakyan sa tapat ng apartment namin. Tumayo na ko para magpaalam sa mga kaibigan ko. Nakita kong nagtinginan pa silang dalawa sa isa't isa na parang nagkakaintindihan pero hindi ko na sila tinanong. Excited na ko sa pupuntahan namin ni Angelo. Playground here we come!
Diane's Point Of View
"WHERE ARE they going?" Tanong ni Klyn sa'kin nang itapat ko ulit ang cellphone ko sa tainga ko.
"Hindi nga sinabi e." Sagot ko. "Pero ayos lang, atleast may time tayo para gawin yung surprise natin para sa birthday niya." Dagdag ko pa.
Ang totoo, kanina pa dapat kami nag-aayos ng mga ilalagay na decor dito sa apartment. Hindi lang kami makapagsimula dahil nasa itaas na kwarto lang si Kyla. Gusto namin siyang ma-surprise kaya nagpanggap kami na hindi maalala ang birthday niya. Si Klyn ang pasimuno nito, sumusunod lang kami sa gusto niyang mangyari para mapasaya ang girlfriend niya.
Hay... Sana all.
Narinig kong bumuntong hininga si Klyn. "I'll be there in a minute." Sabi  miya at binaba na ang linya.
Nag-umpisa na rin kaming maglagay ng hangin sa mga lobo. May pulang hugis puso, kulay itim na bilog at ang mga lobong kulay ginto na hugis letra.
Nang sabihin sa'min ni Klyn ang plano niya ay nagpresinta si Angel na siya ang magluluto ng mga ihahandang pagkain sa araw na 'to pero dahil ayaw mapagod ni klyn si angel sa pagluluto ay nagpa-catering na lang ang richguy.
Bwiset 'to si Kyla! Hindi naman siya sobrang bait, bakit swinerte siya sa pag-ibig?!
Nang kaunti na lang ang natitirang mga lobo na walang hangin ay hinayaan na namin si Tristhan ang maglagay doon at nagsimula na kami ni angel na ayusin ang mga lobo sa paligid ng apartment namin.
Ina-arrange namin ang mga letra nang dumating sila Dextar at Aiverson. Si Tristhan ang nagpapasok sa kanila.
"Oh, baby... baka mahulog ka diyan." Alalang sabi ni sangago at agad umalalay sa bewang ko! Lintik na 'to! Tsansing pa!
"'Wag mo nga akong hawakan! Tatadyakan kita!" Asik ko sa kaniya na inalis gamit isang kamay ko ang kamay niya sa bewang ko. Nakaangat pa rin ang isa kong kamay na hawak ang letrang B pero ang loko pilit pa ring umaalalay sa'kin.
"Baby... ayoko pang mawala ka sa'kin, kaya hayaan mo na kong alalayan ka." Sangago talaga!
"Gunggong! Hindi naman ako mula sa itaas ng building mahuhulog, ang babaw-babaw lang nitong upuan, gusto mo iumpog pa kita dito e." Giit ko sa kaniya at pinagtuunan na lang ng pansin ang ginagawa. Naramdaman ko ulit ang paghawak ni Dextar sa bewang ko kaya sa inis ay hinampas ko na ang braso niya na naging dahilan para ma-out of balance ako.
Potek!
Akala ko paplakda na ako sa malamig naming sahig ngunit may mga braso akong naramdaman na sinalo ako para hindi ako dumiretso sa tiles. Nang dumilat ako ay mukha ni Dextar ang sumalubong sa'kin.
"Hayiiip! Awit!" Manang-mana talaga si Tristhan sa ate niya.
"Nahulog ka na sa'kin... nasalo na kita kaya wala ka ng kawala pa." Ani Dextar habang nakatitig sa mga mata ko. Sa unang pagkakataon ay napagmasdan ko ang kabuuan ng mukha niya.
Napakakinis ng balat niya, makapal ang pilik mata niya. Katamtaman naman ang kilay niya. Bumababa ang tingin ko sa matangos niyang ilong, mas matangos pa ata siya sa'kin. At ang labi niya, natural ang pula at mukhang malambot. Desisyon ka Diane!
Napatitig ulit ako sa mga mata niya, sa kabila ng pagkislap nito ay may hinanakit akong nakikita. Hindi ko alam kung saan 'yon nagmumula pero kapag tinitigan mo siya sa mata ay siguradong mahahalata mo rin 'yon.
"Anong oras niyo balak magtitigan diyan?" Natauhan ako sa tanong ni Angel. Agad akong kumawala sa pagkakabuhat sa'kin ni Dextar at sinamaan siya ng tingin.
"Manyakis ka! Tsumatsansing ka!" Hinampas ko ulit siya sa braso.
Nanlaki ang mata niya hindi dahil sa paghampas ko sa kaniya. Kundi dahil sa sinabi ko sa kaniya. "Baby! Mabigat 'yang paratang mo ah!" Nanlalaki ang mga mata niyang anas.
Inirapan ko lang siya at nagtungo na lang sa kusina. Naririnig ko ang tawanan nila sa sala. Pinili kong dito na lang mag-ayos dahil bigla na lang ako nakaramdaman ng pagkailang kay Dextar. Hayuf na 'yon!
Inayos ko ang dining table na paglalagyan ng mga pagkain mamaya, pinaibabawan ko ito ng puting sapin.
"Baby, kailangan mo ng tulong?"
Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang boses na 'yon. Natigil ako sa ginagawa at sinamaan ng tingin si Dextar na papalapit na sa'kin.  Bago pa siya makalapit ay dinuro ko na siya.
"'Wag kang lalapit sa'kin, kung ayaw mong ikaw ang gawin kong sapin sa mesa." Banta ko sa kaniya habang umaatras. Ngumisi lang siya at pinagpatuloy ang paglapit sa'kin.
Nang tumama ang likod ko sa sink ay nanlaki ang mga mata ko. Wala na kong maaatrasan. Sinubukan kong humarap sa kanan para tumakas pero hinarang niya agad ang kamay niya do'n. Sa kaliwa naman ako humarap para subukan ulit tumakas pero humarang din agad ang kamay niya. Pinaggigitnaan na ko ng mga kamay niya sa magkabilang gilid ko. Kusang tumagilid ang mukha ko nang ilapit niya ang mukha sa'kin.
Pigilan niyo ko! Sisikmuraan ko 'to!
"A-alis nga!" Tinulak ko siya sa dibdib pero hindi man lang siya natinag.
"Your cheeks are turning into red..." Mahinang usal niya habang inililibot ang paningin niya sa kabuuan ng mukha ko.
"U-umalis ka sabi!" Tinulak ko ulit siya. Hindi man lang napaatras.
"What the hell is going on here?"
Napalingon kami sa bukana ng kusina at nagulat nang makitang papasok na si Klyn habang nakatingin sa'min. May hawak siya na may kalakihang itim na kahon na may taling pink na ginawang ribbon sa ibabaw niyon. 'Yon na siguro ang birthday gift niya para kay Kyla.
"Dude... you're such an intervener." Lingon sa kaniya ni dextar. Hindi pa rin tinatanggal ang mga kamay niya sa gilid ko kaya hindi ako makaalis.
Napailing na lang sa'min si Klyn at hindi na kami pinansin. Tinulak ko ng buong pwersa si Dextar at sa wakas ay napaatras siya na naging dahilan para makawala ako sa kaniya. Bago pa siya makapagsalita ay may mga tao nang pumasok na may hawak na lalagyanang stainless na halata namang pagkain ang laman. Nagugulat kong sinusundan ang paglabas masok ng mga tao sa kusina. Nalula ako sa bilang ng iba't ibang putahe ng pagkain na inilapag nila sa dining table, muntikan pang hindi magkasiya. Buti na lang medyo mahaba ang mesa namin.
Tinitignan 'yon ni Klyn isa-isa. "What time she will come back home?" Tanong ni klyn na tumingin saglit sa'kin.
"Hindi ko alam. Baka gabihin 'yon." Sagot ko at nakisilip na rin sa mga pagkain. Paniguradong matutuwa si Kyla dito, mukhang pagkain 'yon e.
"What?" Kunong noong tanong sa'kin ni Klyn.
"Minsan lang kasi magsama 'yon kaya ginagabi sila ng uwi, sinusulit gano'n." Sagot ko ulit.
"Uy! Patingin ng mga food!" That's Angel. Kumahog siyang sumilip sa mga pagkain, nanlalaki ang mga niya sa mangha.
"Yeszer! Chibog tayo nito mamaya!" Nakisali din si Tristhan.
"She has to come back here before 5pm." Ani Klyn habang nagkakalikot sa cellphone niya. "Where are you?" Bungad ni klyn nang ilagay niya ang cellphone niya sa tainga. Si Kyla ata ang kausap. "I know, I'm asking your whereabouts babe." Sabi pa ni Klyn. Ako lang ang nakikinig sa kaniya. "Babe, just answer me!" Salubong na ang kilay ni Klyn habang nakikinig sa kabilang linya. "Babe--, hello? Babe?" Tinignan niya ang cellphone niya nang mawala na si Kyla sa linya. "Fuck..." Bulong niya at lumabas na ng kusina. 
Kyla's Point Of View
LUMABAS KAMI sandali ng quantum para kumain sa food court. Tinignan ko isa-isa ang mga pagkain na binili namin sa bawat stall. May tempura, shawarma, fries with fried chicken, siomai, ramen at may milk tea.
"You got a lot of tickets, you can exchange that to get stuff toys or anything at the quantum." Sabi ni Angelo nang magsimula na kaming kumain.
"Kahit ano?" Gulat kong tanong. Naisip kong ipalit 'to sa machine na maraming barya. Kanina pa ko tuwang-tuwa kapag marami akong natataman na barya na nahuhulog tapos hamig ko na lahat.
Natawa siya. "I know what you're thinking." Aniya habang tumatawa."Kung ano yung mga bagay na nakadisplay sa may counter, doon mo 'yan pwedeng ipalit." Nilinaw niya ang sinabi kanina.
Tumango-tango ako kahit nanghinayang. "Sayang..." Ang nasabi ko na lang bago kumagat ng friend chicken. "Babalik pa naman tayo do'n diba? Maaga pa naman e." Nagbabakasalaking wika ko. Ayoko pa munang umuwi, malulungkot lang ako do'n.
"Yeah, pero sasaglit na lang tayo. Manonood tayo ng sine after." Nakangiting sabi ni Angelo.
Gulat akong napatingin sa kaniya. "T-talaga? Manonood tayo ng sine?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Ang tagal ko ng hindi nakakapagsine, wala kasi kaming time ni Klyn para do'n. Nitong mga nakaraan naman na walang pasok ay nakalimutan kong yayain siya.
"Yes, birthday girl. My treat!" Kumindat pa si Angelo sa'kin. Napangiti ako ng mawalak.
Nang matapos kami kumain ay nagtungo ulit kami sa quantum para papalitan ang mga tickets na naipon ko, binigay na lang rin sa'kin ni angelo ang iilang ticket niya. Wala naman kasi 'yong makukuha.
Stuff toy ito na light brown. May suot siyang bitin na damit na kulay gray. Dalawa na ang teddy bear ko sa bahay. Yung isa ay bigay ni klyn sa'kin nung bumisita kami sa house nila sa Marikina.
Nagtungo na kami sa cinema, kumukuha na ng ticket si Angelo habang ako naman ay naghihintay lang sa kaniya habang yakap ang teddy bear ko. Bumaba ang tingin ko sa sling bag ko nang marinig kong tumunog ang cellphone ko.
Si Klyn ang tumatawag. "Hello?"
"Where are you?" Tanong ni Klyn mula sa kabilang linya.
"Kasama ko si Gelo." Sagot ko.
"I know, I'm asking your whereabouts babe." Mataman niyang ani.
"Manonood kami ng sine ni Gelo, ita-try namin manood ng horror. Sabi ko nga kay Gelo, yung romcom na lang--"
"Babe, just answer me!" Putol niya sa sinasabi ko.
Napalingon ako kay Gelo nang papalapit na siya sa'kin. "Let's go?" Nakangiting alok niya. Tumango ako at nagpaalam na kay Klyn.
"Papasok na kami sa sinehan Klyn, mamaya na lang."
"Babe--" Binaba ko na ang linya. Humawak na ko sa braso ni angelo na inaalok niya sa'kin at pumasok na sa loob ng sinehan.
"HINDI NA ulit ako manonood ng horror kahit kailan!" Punong-puno ako ng pagsisisi nang makalabas kami ng sinehan. Tatawa-tawa lang naman si Angelo habang naglalakad kami sa kung saan.
"Honestly, I felt enjoy especially when I was looking at you while you're screaming in fear." Natatawang ani Angelo.
Ngumiwi lang ako sa kaniya. "Uuwi na tayo?" Biglang tanong ko sa kaniya.
"Nah, we're going to have a body massage first before we'll go home." Sagot niya.
"Sige! Gusto ko 'yan!" Hiyaw ko sa pagpayag.
Diane's Point Of View
NASA SALA na kaming lahat, hinihintay ang paguwi ni Kyla. Alas-singko na ng hapon pero wala pa rin siya. Kanina pa hindi mapirmi at mapakali si Klyn. Palakad-lakad sa harap namin at patingin-tingin sa pinto matapos ang sampung segundo. Halata sa kaniyang nag-aalala na siya. Kanina pa namin kinokontak si Kyla pero hindi niya sinasagot ang mga tawag namin.
"Tawagan mo ulit Diane, baka sagutin niya na this time." Binasag ni Angel ang katahimikan. Napalingon sa'min ang lahat ng kasama namin dito, nandito na rin si Macky. Kinontak ko ulit si Kyla.
"Bakit naman kasi hinayaan niyong lumayas 'yang babaeng 'yan?" Tanong sa'min ni Macky.
"Nalungkot ata si ate , hindi namin siya binati e." Si Tristhan ang sumagot.
"Hoy! Kyla Clariz Agpalza! Anong oras mong balak umuwi?!" Bulyaw ko sa kay Kyla sa cellphone nang sagutin niya ang tawag ko. Nagsilapitan naman agad sila sa'kin, lalo na si Klyn. Ni-loud speaker ko para marinig nila.
"Baka mamaya pa..." Parang naantok na ang boses niya sa kabilang linya. Magsasalita na sana si Klyn nang pigilan siya ni Dextar.
"Bakit mamaya pa?! Bakit hindi pa ngayon?!" Tanong ko ulit.
"K-kasi... ahh..." Biglang dumaing si Kyla!
Pota?!
Nanlalaki ang mata kong tumingin sa mga nakikinig, gano'n din sila sa'kin maliban kay Klyn na matindi ang pagkakakunot ng noo.
"Who's that?" Tinig 'yon ni Angelo sa kabilang linya. Para ding inaantok ang boses niya.
"A-ahh... si Diane... tinatanong... k-kung anong oras ako... uuwi..." Sagot ni Kyla kay Angelo mula sa kabilang linya.
"Tell her... we're going home after this...
"S-sige..."
Pinakinggan namin ang usapan nila sa kabilang linya. Para talaga silang inaantok. Napaawang ang labi ko sa mga konklusyon na naiisip ko.
Wat da pak isda meaning op dis?! Desisyon!
Pinatay ko agad ang linya nang bulalas na nagmura si Klyn. Pinapahinahon siya ni Aiverson at Dextar pero parang tumakbo si Klyn sa paghahabol niya ng hininga.
"Huwag na muna tayong mag-conclude agad, hindi magandang pag-isipan agad natin sila ng masama." Wika ni Angel.
Pilit na pinapakalma at pinigilan nila Dextar si Klyn dahil balak na naman niyang umalis para hanapin si Kyla. Tumagal 'yon ng isang oras bago kami nanahimik dahil nakarinig kami ng sasakyan na huminto sa labas. Sinilip 'yon ni Tristhan at bumulong sa'min na nandito na si Kyla.
Hindi namin malaman kung itutuloy pa rin namin ang masayang pag-greet kay Kyla. Wala na sa mood si Klyn, kaya naaapektuhan kami magdesisyon kung gagawin na ba namin ang plinano namin. Pero dahil nandito na rin, at para pa rin 'to kay Kyla. Gagawin pa rin namin ang plano, umatras man o hindi si Klyn.

Komento sa Aklat (14)

  • avatar
    Bobby

    nothing

    04/01/2025

      0
  • avatar
    Crystal Emelody Snow

    wahhh!!! meron din pala ito dito 😍😍😍 namiss ko 'to!!! 😊 sana ma published mo 'to syerky pati yung iba mo pang stories ang ganda pa naman ng mga stories mo lalo na itong Heart Trilogy series mo😊😊

    30/08/2024

      0
  • avatar
    MagnoBaby Jane

    I like youre stories

    07/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata