Kyla's Point Of View NAGDAAN ANG ilang linggo na hindi kami nagkatampuhan at nag-aaway ni Klyn. Halos araw-araw kami magkasama at walang oras, minuto o segundo na nakaramdaman ako ng pagsasawa. Sa katunayan nga ay parati pa rin kaming nabibitin sa oras na magkasama kami. Palaging nakakagawa ng paraan si Klyn para makita niya ko. Siya pa rin ang nagdadala ng lunch namin sa trabaho o 'di naman kaya ay susunduin niya ko at dadalhin sa office niya para lang doon kumain. Gustong-gusto talaga niya na sinosolo ako at gano'n din ako sa kaniya. "Oops! The girlfriend is here!" Napatingin kami sa taong nagbukas ng pinto ng office ni Klyn. Pareho kaming natigilan sa pagkain at kwentuhan nang makita kung sino ang pumasok. "Alysa..." Banggit ni Klyn sa pangalan ng babaeng pumasok. Kilala ko siya, siya yung malditang nabangga ko sa may restaurant na madalas namin kainan ng mga kaibigan ko. Ngumiti ito kay Klyn bago tumingin sa'kin. Naging pilit ang ngiti nito at nagmumukhang plastik. Mabuti na lang maganda siya, hindi halata in all fairness! "I just want to give you this." Nakangiting ani Alysa nang maglakad na siya papalapit sa'min, na kay Klyn ang paningin niya. Bigay na bigay ang paglalakad nito. Dinig ko nga ay nagmomodelo siya. Hindi ko nga lang alam kung sikat, kasi kung gano'n nga siya, malamang kilala ko dapat siya. Natinag lang ako nang ilapag niya ang itim na kahon sa table ng mini sala kung saan din kami kumakain. "I didn't get a chance to give that to you on your exact birthday and these past few weeks so, here it is." Ani Alysa at umupo sa isang single sofa. "Open it while I'm here. I want to see your reaction." Nakangiting dagdag pa nito. Naramdaman ko ang pagtingin sa'kin ni Klyn kaya tinignan ko rin siya. Nagkibit balikat lang ako dahil parang humihingi siya ng permiso kung susundin ba ang sinabi ni alysa sa kaniya. Umiwas na ko ng tingin at pinagpatuloy na lang ang pagkain. Nang iangat ko ang paningin kay alysa ay nahuli ko itong nakangisi sa'kin bago umiwas ng tingin. Hindi ko na lang 'yon pinansin dahil sinimulan nang buksan ni Klyn ang regalo ni Alysa sa kaniya. Paniguradong mamahalin 'yan, samantalang ako--cake lang niregalo ko sa kaniya. Hindi pa masarap! Aishh! "What the hell is this Alysa?!" Natinag ako nang tanungin 'yon ni Klyn kay Alysa. Natawa si Alysa at kinuha ang hawak ni Klyn. Boxer? Tongona! Napatitig ako sa boxer na hawak ni alysa sa ere na tinitignan nito. May pangalan sa gitna, at talaga namang nanginig ang laman loob ko nang mabasa ang pangalan doon ni Alysa. Anak ng pitumput pitong tupa! Bahagyang nanlaki ang mata ko at umawang mga labi. Hindi makapaniwalang tumitig ako sa boxer. Tatawa-tawa pa rin si Alysa at nagsisimula na kong marindi sa tining ng boses niya. "I won't accept that Alysa." Matamang sabi ni Klyn sa kaniya. "You're hurting my feelings, Klyn. Big time!" Nagkunwaring nasaktan pa si Alysa. Sungalngalin ko kaya 'to ng tinidor? "I would say thank you to you but I won't accept that." Giit pa ni klyn. "Mm, what if I change the name of Kyla? Will you still not accept it?" Dinamay pa ko, desisyon! Hindi ko na mapigilan ang magsalita. "Bakit naman kasi boxer ang napili mong ibigay sa kaniya? Tanong ko kay Alysa. Napalingon sa'kin ang dalawa. Nakangisi si Alysa samantalang si Klyn at nag-aalala na ang mga mata. "Dahil gano'n kami ka-close sa isa't isa." Nakangisi pa rin si Alysa. Kunwari akong nagulat. "Ah, talaga? Close lang pala kayo, akala ko mag-syota kayo." Sarkastikong ngiti ko. Kung hindi ko lang talaga sila kilala, mapapagkamalan ko talaga silang mag-syota. Lalo na 'to si alysa, kung makaasta akala mo siya yung niligawan ni Klyn noon. Niregaluhan ba naman ng boxer? Desisyon daw ah! "It's okay, hindi lang ikaw ang nagsabi niyan." She giggled. Edi kayo na! Putspa, kung pwede lang magwalk out e! Hindi na talaga maganda ang takbo ng pag-iisip ko. May mahahampas talaga akong mukha gamit ang sofa e. Tatawagin ko din yung mga tropa kong peppa pig at kukuyugin siya. Hindi kasi maganda ang naiisip kong dahilan kung bakit niya binigyan si Klyn ng boxer, bakit? Nakita na ba niya ha? Ang lakas ng loob. May pangalan pa talaga niya sa gitna! Ang lagay ay dahil may marka ng pangalan niya ang parteng 'yon, ibig sabihin sa kaniya na 'yon? Nang-aangkin siya! Nakakapang-init ng laman loob! Huminga ako ng malalim bago tumayo. Ngumiti ako sa kanila para hindi mahalata ang tumatakbo sa isip ko. "Tapos na ang lunch break namin, kailangan ko ng bumalik sa Company." Tumalikod agad ako sa kanila. "Babe, ihahatid na kita." Pigil ni Klyn sa akmang paglalakad ko patungo sa pinto. Humarap ako sa kanila at nakitang pareho na silang nakatayo. "No need, kailangan mo na rin magtrabaho. Salamat sa lunch!" Pilit ginagawang natural ang ngiti ko sa harap niya. "Babe..." Nahalata niya pa rin ako. "Bye!" Kumaway ako at binilisan ang paglalakad palabas. Narinig ko pa ang pagtawag sa'kin ni Klyn pero hindi na ko lumingon pa. Ayaw kong mag-away kami kaya lilinisin ko muna ang nagdudumi kong pag-iisip. Klyn's Point Of View "DAMN IT!" Bulalas na mura ko nang makalabas na si Kyla. Hahabulin ko pa sana siya nang pigilan ako ni alysa. I glared at her. "What do you think you're doing huh?" "I didn't know na maapektuhan siya." Kibit balikat na tugon ni Alysa. Umupo ulit at humalukipkip. "What the hell alysa? She's my girlfriend for heaven's sake! Why do have to act like that in front of her? She might misentepret your gift for me! It's a freaking boxer short Alysa! Fuck!" Asik ko pa nang humarap ako sa kaniya. "Relax! Okay? Hindi ka naman siguro aawayin ng girlfriend mo dahil lang sa maliit na bagay diba? So, calm the fuck down." Mahinahong ani Alysa. "Be fucking sensitive Alysa!" Bulyaw ko pa sa kaniya. Hindi maalis sa isip ko ang mata ni Kyla kanina na para bang may namumuong ideya sa isip niya. Wala akong planong sabihin sa kaniya kung anong nangyari sa'min ni Alysa noon. It's just one night stand and that's only a part of my past. It doesn't matter on the present! Nakita ko kung paano matigilan si Alysa. "Be fucking what?" Dahan-dahan siyang tumayo. "You're the one who should be sensitive here. Ever since that night, I've been always be here for you pero wala kang nakikita kung hindi si Kyla! Puro si Kyla! Si Kyla na lang palagi! Kapag magkasama tayo, puro si Kyla pa rin ang bukambibig mo!" Gulat akong napatitig kay Alysa. "What do you mean?" "Be. Fucking. Sensitive." Diin ni alysa sa bawat salita. Unti-unti siyang humakbang papalapit sa'kin. "Stop being numb. I'd never gave myself to you if I'm not inlove with you in the first place." "Alysa." Banggit ko sa pangalan niya dahil sa pagkabigla. "Why can't you see me huh? Why can't you love me back?" Nangingilid ang mga luha sa mata ni Alysa samantalang ako ay hindi pa rin makapaniwala. Akala ko ay gano'n lang talaga ang trato niya sa mga kaibigan niyang lalaki. Kahit sila Dextar at Aiverson ay gano'n ang treatment niya kaya hindi ko aakalain na may nararamdaman siya sa'kin dahil gaya nga ng sabi niya, si Kyla lang ang laman ng isip ko palagi. "Alysa... I can't-- I can't--." Hindi ko masabi ang gusto kong sabihin. Hinawakan ko siya sa balikat at tinitigan sa mata. Kailangan kong sabihin ito kay alysa dahil ayokong umasa pa siya. May girlfriend na ko kaya sana matanggap niya 'yon. "I can't love you back because I'm deeply inlove with Kyla." Mahinahon kong sabi. Pinapaintindi sa kaniya ang bawat salita. "I'm sorry but I can only give you a friendship. I hope you accept it." Umawang ang labi niya at pinigilan ang pagtulo ng mga luha niya. Hindi ko gustong nakakakita ng babaeng umiiyak dahil nasasaktan. Naiisip ko kasi si Kyla, pa'no kapag nakita ko siyang ganito? Pa'no kung masaktan din siya ng dahil sa'kin? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Tinanggal ni Alysa ang mga kamay ko sa balikat niya at walang sali-salitang lumabas ng office ko. Napayuko na lang ako ngunit nakahinga pa rin ng maluwag dahil nasabi ko na kay Alysa ang gusto kong iparating sa kaniya. Kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kaniya at hindi bilang kasintahan. May balak sana akong puntahan si kyla sa trabaho niya pero nagkasunod-sunod ang meeting na inattend-an ko. Gayunpaman ay walang segudong nawala siya sa isip ko. At doon ko napatunayan na tama nga si Alysa, si Kyla palagi ang nakikita at naiisip ko. Dahilan, para hindi ko na rin naisip ang mga sinabi at inamin sa'kin ni Alysa. NANG SUMAPIT ang alas-siyete ay inayos ko agad ang mga gamit ko dahil susunduin ko na si Kyla. Nang makarating ako sa Esguerra Company ay nakapatay na ang mga ilaw at tanging ang guard na lang ang tao. "Sir, maaga pong pinauwi ang mga empleyado. Wala na pong tao sa loob." Harang sa'kin ng guard nang makarating ako sa glass door at sinisilip ang loob. "Anong oras sila pinauwi?" Tanong ko sa guard. "Kanina pa pong 5pm." Tugon ng guard. Tumango ako at bumalik ulit sa sasakyan ko. Nang makapasok ulit ay tinawagan ko si Kyla pero patuloy lamang ito sa pag-ring kaya imbes ulitin ay tinext ko na lamang siya na papunta na ko sa apartment nila. Nang makarating ako sa apartment nila ay agad akong nag-doorbell. Si Diane ang nagbukas ng gate para sa'kin. "I need to talk to Kyla." Sabi ko sa kaniya. "May ginagawa si Kyla e." Sabi ni Diane. "What is it?" "Nagtatahi siya ng boxer, tapos lalagyan daw niya ng pangalan niya sa gitna para ibigay sa'yo." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Nakita 'yon ni Diane kaya bahagya siyang natawa. "Pumasok ka na nga lang." Binuksan niya ng tuluyan ang gate at pinatuloy ako. "Nasa taas siya ng kwarto namin, nanonood ng peppa pig kasama si Tristhan." Dagdag pa ni diane nang tuluyan kaming makapasok sa loob ng apartment nila. "Peppa pig?" Takang tanong ko kay Diane. Natawa siya. "Oo, peppa pig. Yung nagsasalitang mga baboy. Favorite niyang panoorin 'yon sa YouTube. Alam mo namang isip bata 'yang girlfriend mo." Napailing si Diane. "Kumain ka na ba Klyn? Sabayan mo kaming maghapunan, nagluluto pa lang naman si Angel." "Yeah, sure." "Sige na, akyatin mo na yung magkapatid sa taas." Tumango na lang ako sa kaniya at mabilis na inakyat ang pangawalang palapag nila. Nakaawang na ng bahagya ang pinto ng kwarto nila kaya nadidinig ko agad ang tunog ng TV nila. Oh... We're playing a tune and we're singing a song, With a bing and a bong and a bing Bong, bing, boo, bing, bong, bing, Bing, bong, bingly, bungly boo! All Together Now! Bong, bing, boo, bing, bong, bing, Bing, bong, bingly, bungly boo! Bong, bing, boo, bing, bong, bing, Bing, bong, bingly, bungly boo! "Tapos na 'te, SpongeBob naman!" "Wait lang, last na lang." "Kanina pa 'yang last na 'yan e." "Bakit kasi hindi ka na lang sa baba manood, nanggugulo ka lang dito e." "Nanonood si ate Angel doon ng movie e." "Bahala ka diyan, maghintay kang magsawa ako." "Awit! Wala ka ngang kasawaan sa peppa pig." "Manahimik ka." "Isusumbong kita kay kuya Klyn!" "Isumbong mo! Halikan ko lang 'yon, sa'kin na siya papabor." Napangiti ako sa narinig ko. "Madaya!" Maktol ni tristhan. "Wala ka pala e." "May isa pa pala akong isusumbong kay kuya Klyn." "Ano?" "Diba? Si kuya Angelo?" Nangunot ang noo ko. "Oh, ano si Angelo?" "Diba? Naging crush mo si kuya Angelo?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Binuksan ko ng tuluyan ang pinto at pumasok. Sabay silang napalingon sa'kin at nakita ko ang gulat sa mga mukha nila. Napabalikwas na bumangon si Kyla. "Klyn..." Usal ni kyla. "Kuya klyn." Nakangising tinuro ni Tristhan ang ate niya. Hinampas naman siya ni Kyla sa braso. Hinihimas ni Tristhan ang braso niya na papalabas na ng kwarto. Nang isara ni Tristhan ang pinto ay lumapit agad ako kay Kyla. "Do you like angelo?" Tanong ko sa kaniya nang marahan akong umupo sa kama. Agad siyang umiling. "Hindi 'no!" "Even before?" Tanong ko pa. Hindi siya nakasagot. Bumuntong hininga ako. "Do you still have feelings for him?" May kaonting kirot akong naramdaman sa puso ko nang itanong ko 'yon. "W-wala na 'no! Ikaw ang mahal ko e." Tugon niya. Ngumiti ako nang makahinga ng maluwag although nakakaramdam pa rin ako ng selos sa katotohanang nagkagusto siya sa lalaking 'yon. Pero hindi ko magawang ilabas 'yon dahil alam kong may kasalanan din ako sa kaniya. Marahan ko siyang hinila papalapit sa'kin at niyakap. "I'm sorry." Mahinang usal ko sa kaniya. "Bakit ka nagso-sorry?" "For what happened in my office earlier, for what alysa acted in front of you. She's just like that so I hope you could forgive her." Marahan kong ani. Humiwalay naman siya sa yakap ko. "Hindi naman ako galit sa kaniya. Alam ko naman na magkaibigan kayo kaya syempre gano'n kayo ka-close sa isa't isa. Kaya sorry din kung hindi ko naiwasan na mag-isip ng hindi maganda kasi syempre babae pa rin siya at lalaki ka kaya nabigyan ko ng ibang kahulugan ang binigay niya sa'yo. Sorry, Klyn..." Yumuko si Kyla kaya hinawakan ko ang baba niya para magtama ulit ang paningin namin. "I can't blame you babe." Ngiti ko sa kaniya. Huminga ako ng malalim bago ulit magsalita. "Alysa confessed her feelings for me as you left us inside my office. And I already told her that I will never love her back the way she loves me because I only see her as my friend." Pag-amin ko sa kaniya. Gusto kong maging totoo kay Kyla kaya wala akong itatago sa kaniya. Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko kaya hinawakan ko ang pareho niyang pisngi. "May gusto siya sa'yo?" Kunot noong tanong niya. Tumango ako at pinagdikit ang noo namin. "I'm deeply inlove with you babe. You are the only one I want to spend the rest of my life with." Mahinang usal ko. "I love you too." Mabilis niya kong hinalikan bago inalis ang pagkakahawak ko sa kaniya. "Naiintindihan ko kung bakit may gusto sa'yo si Alysa, napakagwapo mo naman kasi babe." Natawa ako at hinawakan ang kamay niya. "At napakaganda mo rin." "Desisyon." "Haha! Why?" "Talagang maganda ako?" "Yeah." "At napaka pa?" "Of course." "Kung talagang napakaganda ko..." Sinadya niyang bitinin ang sasabihin. "I-kiss mo nga ako." Ininguso niya pa ang labi sa'kin. Naging malawak ang pagkakangiti ko, pabor na pabor sa gustong mangyari ni babe. At kahit hindi niya sabihin o hilingin, ay hahalikan ko pa rin siya dahil natutuwa na naman ang puso ko ng dahil sa kaniya. Hinapit ko ang batok niya at hinalikan siya. Napapangiti ako sa gitna ng halikan namin. Hindi ko maipaliwanag ang tila paulit-ulit na pag-haplos sa puso ko. Para akong nakalutang dahil sa nag-uumapaw na kasiyahan. Damn, I really love this girl so much...
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (14)
Bobby
nothing
04/01/2025
0
Crystal Emelody Snow
wahhh!!! meron din pala ito dito 😍😍😍 namiss ko 'to!!! 😊 sana ma published mo 'to syerky pati yung iba mo pang stories ang ganda pa naman ng mga stories mo lalo na itong Heart Trilogy series mo😊😊
nothing
04/01/2025
0wahhh!!! meron din pala ito dito 😍😍😍 namiss ko 'to!!! 😊 sana ma published mo 'to syerky pati yung iba mo pang stories ang ganda pa naman ng mga stories mo lalo na itong Heart Trilogy series mo😊😊
30/08/2024
0I like youre stories
07/07/2024
0Tingnan Lahat