This is the last chapter and thankyou so much for reading... - "Jusko bilisan niyo jan at magsisimula na ang seremonya sa eskwelahan.". Hindi ko na mabilang kung ilang beses ng pumasok si mama sa aking kwarto para sabihin iyon. Natatawa na lang ako at ang baklang nag-aayos sa akin "Stress na stress si mader," pilantik ng bakla habang inilalagay ang extention sa aking pilikmata. Malakas ang pintig ng aking puso sa pinaghalong kaba at excitement.Pakiwari ko'y hindi ako matatahimik sa akong kinauupuan. Sa wakas ay gagraduate din ako. "Ayan tapos na akech," ihinarap niya ako sa salamin at hindi na ako nagtakang ibang mukha ang masisilayan ko. "Salamat barbie," nakangiti kong saad. Nangisay lamang siya dahil gustong-gusto niya na tinatawag siya sa ganoong pangalan. "Oh siya sige, iwan muna kita. Pero lumabas ka kaagad dahil talagang masasabunutan ka na ni mader kapag nagtagal ka pa," mahaba niyang litanya habang inaayos ang nagkalat na gamit sa harap namin. Tumango lang ako. Nang marinig ko ang pagsasara ng pinto ay muli kong pinasadahan ng tingin ang aking itsura. Taliwas sa palagi kong ayos ay unat na unat ngayon ang aking buhok dahilan para magmukha akong mature tignan. Simple lang naman ang makeup ko dahil uniporme lang ang aming damit ngayon. Ngumiti ako at inabot na ang aking cellphone at ang kopya ng programme sa lamesa dahil muli nanamang kumatok si mama sa pinto. Agad na hinanap ng mata ko ang tatlong bruha na kanina pa ako kinukulit na bilisan ko raw. Makakarating naman ako pero over sila kung makapagdemand sa akin. "Ma, puntahan ko muna sila Stella," pagpapaalam ko kay mama na busy sa pakikipagdaldalan nang mamataan ko ang tatlo na nagkukuhaan ng litarato. Matagal bago ko narating ang kanilang pwesto dahil ilang kaklase at kakilala muna ang nakausap ko sa daan. "Congratulations Lez," paulit-ulit ko iyong narinig at ibinalik sa kanila. "Hey girls," bati ko nang hindi nila ako mapansin dahil sa pakikipagharutan nila. Sabay-sabay pa silang humarap sa akin at dinumog nila ako. Halos masamid nga ako dahil sa higpit ng pagkakayakap nila sa akin. "Nasasakal ako." Sabay-sabay kaming nagtawanan at ipinagpatupoy namin ang pagkuha ng litrato. Naudlot lamang iyon ng magsalita na ang emcee sa harapan. "See you then," paalam namin sa isa't-isa dahil nagsisimula na kaming pumila. Umugong sa ere ang pamilyar na tunog at duamaan ang mainit na haplos sa aking puso. This is just the beginning. Ikinawit ko ang braso ko kay mama at binigyan siya ng malapad na ngiti. Ngumiti na rin siya pabalik. "Celeste Inez Aerin Lez B," masiglang tawag sa akin. Halos ngumiwi pa ako dahil sa akwward na pagkakasambit sa pangalan ko at narinig iyon ng lahat na nanunuod. How I hate it! Kinuhaan kami ng litrato ng hinire na photographer ng eskwelahan at pagkatapos ay dumeritso na kami sa upuan. Pagkatapos nito ay ang mahaba-habang speech ng aming guest speaker at sa hindi malamang dahilan ay mataman akong nakikinig sa unahan. Pakiramdam ko ay ramdam ko ang mga pinagdadaanan ng tagapagsalita kaya halos mapaluha rin ako nang bangitin niya ang mga experiences niya sa buhay. "Life doesn't offer you such choices of giving up and wasting your time so conquer and own it. Congratulations graduates," pinal niyang tugon. Malakas na palakpakan ang kasunod noon. Masayang-masaya ang kalooban ko. "Celeste Lez B." Hindi ko alam kung matutuwa ba akong hindi binanggit ang buo kong pangalan o maiinis ako sa pagshort cut nito. Isa ako sa mga awardee sa school namin. Nakakuha din ako ng medals at certificate dahil sa pagiging journalist ko. Pagkatapos ng madamdamin naming goodbye song ay para kaming pinakawalang mga tupa dahil sa pagtakbo namin sa gawi ng aming mga magulang. Agad kong tinungo ang pwesto ni mama at sinalubong siya ng halik at mahigpit na yakap. "Thank you mama. Salamat po sa lahat ng sakripisyo para sa akin, para sa amin.Mahal na mahal ko kayo ni papa," naiiyak kong saad. Narinig ko ang pagsinghap niya dahil hindi niya siguro ito inaasahan dahil pagkatapos nang nangyari ay hindi ko siya kinikibo. "Salamat din anak. Proud na proud din si mama sa iyo. Kami ni papa mo." Gusto kong pumalahaw sa pag-iyak nang marinig ko ang matagal ko ng hinihintay na sabihin niya. Nanginig ang balikat ko sa sobrang pag-iyak pero pinigilan agad ako ni ma. "Huwag kang umiyak at masisira ang make-up mo. Magmumukha ka niyang clown sa picture mamaya," pagbabanta niya sa akin. Natigil na lamang ako at natawa dahil inalala niya talaga ang magiging itsura ko. Pagkatapos ng seremonya ay ang hindi na maawat na kuhaan ng litarato ang naganap. Halos kulangin ang storage ng aming mga telepono dahil sa mga mukha namin doon. "Stella kuhaan mo naman kami ni mama," request ko. "Sure." Ilang shots ang tinake namin at nag-uumapaw ang puso ko sa saya dahil sa wakas ay nagiging maayos na ang takbo ng buhay ko, ng buhay namin. "Miss pwede bang magpapa-picture sayo?" Nanlaki ang mata ko dahil kilala ko ang mukhang bumungad sa akin. Siya iyong lalaking nakabundol sa akin dahil sa pamimilipit ng tiyan. Nginitian ko siya dahil halos hindi siya makatingin sa akin. Dahil nahihiya siguro. "Sige ba," saad ko. Yung ate niya ang kumuha ng litrato sa amin. "Congratulations L-ez, para say-o," nauutal niyang sabi sabay bigay sa akin ng isang rosas. Namula ang pisngi niya dahil ngumiti ako ng malapad. "Thank you." "Ang ganda mo," pahabol niya pa pagkatapos kumaripas ng takbo at naiwanan pa ang ate niya sa pwesto namin. Sabay-sabay kaming tumawa sa naging kilos niya. "Who's that boy?" malamig na boses ang nagpatalon sa akin. I met his piercing eyes kaya unti-unti na ring natahimik ang pang-aasar sa akin. "Ash, picture tayo dali," pinilit kong pasiglahin ang boses ko dahil hindi nagbago ang matalim niyang tingin. Hinila ko na siya at sinenyasan si Stella na kuhaan kami ng lirato. Ipinulupot ko ang braso ko sa kaniyang bewang at nagulat ako ng unti-unti ring bumaba ang kamay niya sa bewang ko. "Isa pa," kinikilig na tili ni Stella. Namula ang pisngi ko dahil nagsilingunan sa amin ang mga naroroon. Nahanap ko ang mata ni Chloe pero wala akong nabasang ekspresyon rito. Lumunok ako dahil natapos na ang picture taking ay hindi parin niya binitawan ang bewang ko kahit na pinilit kong kumawala. "Iam asking you," bulong niya sa tainga ko dahilan ng panglalambot ng tuhod ko. Damn! "Hindi ko kilala eh pero nakasalubong ko na siya dati," gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil hindi ako nautal kahit na marahas ang pagtatama ng hininga niya sa aking leeg. Fuck! Namuo ang pawis sa noo ko. Mariin ko ring ipinaglalapat ang labi ko. Malalim siyang bumuntong-hinga at diniinan ang hawak niya sa bewang ko. "Sus wala kayong label ha. Paalala lang," pang-aasar sa amin ni Phoebe. Narinig ko ang pagkakaasar ni Asher kaya kinurot ko siya sa kaniyang tagiliran. Nagsisi lamang ako dahil nakita ko ang pilyo niyang ngisi at kakaibang tingin niya sa akin. "Lez, imbitahan mo si Asher sa bahay." Hindi ata pwede kasi siguradong meron din sa kanila. I can't say na maayos na talaga ang lahat but everyone is civil. Wala ng alitan ang naganap. And we're slowly recovering from the past. Pauwi na kami ngayon at hindi maalis ang ngiti sa aking labi dahil sa mga magandang nangyari sa araw na ito. Tumigil ang tricycle sa harap ng aming bahay kaya bumaba na kami. Nagtaka pa ako dahil nakasarado ang ilaw gayong naroon naman ang ilan kong tiyahin. Siguro nanuod din sila at nahuli lang sa amin. Pagbukas ng pintuan ay siyang pagbukas rin ng ilaw. "Congratulations Lezzz," chorus pa nilang pagbati sa akin. Punong-puno ng lobo ang sala namin. Mayroon ding banner na ipinagawa, naroon ang mukha ko. Isa-isang nagsidagsaan ang kamag-anak ko sa akin. "Ateeeeeeee." Nanlaki ang mata ko nang mamataan ang dalawang pigura na tumatakbo papunta sa akin. Sinalubong nila ako ng yakap at pinugpog ng halik. Halos maiyak ako dahil kumpleto kami ngayon at sa mismong graduation ko pa. Masayang salu-salo ang naganap. Kaliwa't-kanang kwentuhan ang nag-paingay sa tahimik na gabi. Kuntento kong pinagmasdan ang mga masasaya nilang mukha lalo na nila mama at papa pati na ang mga kapatid ko. Walang mapagsidlan ang saya ko. Kung ito naman ang kapalit ng paghihirap ko ay handa akong magdusa ulit para sa mga mahal ko sa buhay. I, Lez Aerin Inez Celeste, a victim and a survivor of Twisted Fate.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (168)
Carin Sarino
nice
06/06/2024
0
LogatchoMarryrose
it's this poly? I wanna know if this is polymonari hehe😊
nice
06/06/2024
0it's this poly? I wanna know if this is polymonari hehe😊
16/04/2024
0wowww
01/02/2024
0Tingnan Lahat