logo text

Chapter fifty

Tahimik ang pagpanhik namin sa bahay. Tanging kalabog lang ng takong ng aking sandal ang naririnig ko.
Isinarado ko na ang pinto at dumeritso na ako sa sofa.
Mula sa pagkakatulala ay nag-angat ako ng tingin sa dalawang pares ng mata na nakatutok sa akin.
Wala akong ekspresyon na ipinakita kaya binigyan nila ako ng nagtatanong na tingin bago sila umupo sa harapan ko.
Marahas kong inalis ang pagkakatali ng sandal sa aking paa at hinilot ko ito.
I need to know the truth!
Tinanggal ko rin ang mga palamuting nakakabit sa akin habang gumagawa ng katanungan sa isip ko.
"Anong nangyari?"
That was the dumbest question I heard. Ipinukol ko ang paningin kay mama at napalunok ako sa pag-iwas 
niya ng tingin.
Guilty huh?
Ayokong kumpirmahin ang mga paratang na narinig ko pero tila ba'y tadhana na ang nagbibigay sa akin ng pagkakataon na malaman ang totoo.
Muli kong inaalala ang magkakasunod na araw na naaabutan kong laging may kausap si mama sa telepono.
Noong una ay ipinagkibit-balikat ko iyon dahil inakala kong tungkol ito sa trabaho pero nagbago ang tingin ko ng marinig ko minsan ang kanilang usapan.
"Hindi pwede," bulong ni mama na hindi parin nakatakas sa pandinig ko.
Araw ng sabado, akmang lalabas ako ng pinto ng marinig ko ang mahinang tinig sa labas ng aking kwarto.
"Kailangan nating mag-ingat, nakakahalata na ang asawa mo," dagdag niya pa.
Dumagundong ang kaba sa akin. Pero agad akong nagkunwaring tulog ng marinig ko ang pagpihit sa aking pinto.
Ilang beses iyong nasundan at hindi ko na nagugustuhan ang nabubuong ideya sa isip ko.
Ayaw kong maniwala!
"Ano bang nangyari at ganyan ang mga mukha niyo?" rinig ko ang bahid ng galit sa boses ni papa.
Walang imik kaming pumasok sa tricycle na inarkila niya matapos ang kaguluhang naganap sa aming prom.
Isinugod sa hospital ang mama ni Asher. Pero hindi ko na malaman ang paniniwalaan ko sa oras na ito. Naguguluhan na ako ng sobra.
Walang alam si papa sa kung anong nangyari at ngayon pa lang siya nagtangkang nagtanong.
"Pwede ka bang magpaliwanag mama?" mahinahon kong pagkakasabi.
Saglit lang niya akong tiningnan at umiwas agad.
Please tell me it's not true.
Nagpababalik-balik ang tingin sa amin ni papa na tila tinatantya kung anong meron.
"Ma, please," hindi ko na napigilan ang tulong nag-uunahan sa pagbuhos sa aking mata.
I never imagine all of this!
Itinakip ko na ang palad ko sa aking mukha. Wala na akong pakialam kung kumalat ang make-up sa aking mukha.
"Hi-ndi ko alam ang sinasabi mo."
Mas lalo lamang akong napahagulhol sa pagtatanging ginawa niya.
Please...
"Bakit ano ba kasing nangyari?" sigaw ni papa. Alam kong galit na siya.
Mahabang katahimikan.
"Mawawalan ako ng trabaho," panimula ni mama. Nakita ko ang pamamaga ng kaniyang mata.
Makinig ka Lez!
"Pero nilapitan ako ng mismong boss ng kompanyang pinagtatrabahuhan ko para alukin sa isang kasunduan. Sinabi niyang hindi niya ako tatanggalin sa trabaho kung susundin ko ang gusto niya," pagpapatuloy niya.
Kita ko ang hirap sa kaniyang mata. Samantalang nakakakunot lamang ang noo ni papa sa amin.
"Hindi ko alam na kapalit ng trabaho ko ay ang pagiging kapalit ko sa asawa niya. Sinabi niya sa akin na ikinasal lamang sila dahil sa kasunduan, na hindi nila mahal ang isa't-isa, na nangangaliwa rin ang asawa niya dahil nakikipagkita ito sa kasintahan nito noong high school."
Unti-unti kong natutop ang aking bibig ng mapagdugtong-dugtong ang nangyari.
Oh my god!
"Pumayag ako kasi wala akong mapapasukang ibang trabaho kung sakaling matanggal ako. Hindi ko alam. Hindi ko alam na nalaman ng asawa niya ito dahil patago iyon," humahagulhol na si mama.
Kabit si mama ng daddy ni Asher at iyon ang sinasabi ng mommy niya sa akin. Ang tinutukoy naman na kabit ng mommy niya ay ang driver na sinakyan ko nang papunta ako sa hospital. Base iyon sa kwento sa akin ni manong at nakita kong pagtingin niya sa gawi ng mommy ni Asher.
Naalala ko ang mga nakalap kong impormasyon kay Stella noong nakaraang araw.
"Gustong-gusto daw kasi si Chloe ng mommy ni Asher pero nagkahiwalay din sila. Alam mo na, siguro pinagkakasundo na sila kasi parehong mayaman ang kanilang pamilya kaya siguro hanggang ngayon ay naghahabol pa din ang babaeng iyon," sabi niya pakatapos kong magtanong-tanong sa naging relasyon ng dalawa.
So that explains how desperate she is.
And obviously his mom hates me for being the daughter of his husband's mistress.
Natigil ako sa pagmumuni-muni nang marinig ko ang pagbagsak ng nabasag na vase sa sahig. Nakita ko ang papalayong pigura ni papa hanggang mawala siya sa paningin ko. Patuloy rin ang pag-iyak ni mama sa gilid.
Ano pa bang susunod dito?
Baka may ikakasakit pa 'to.
Buong magdamag ang pag-iyak ko. Laking pasalamat ko na lang dahil Sabado kinabukasan at maisasalba ko ang sarili ko sa anumang kahihiyan.
Wala akong ideya kung umuwi na ba si papa o kung anong ginagawa ni mama.
Alam kong magiging usap-usapan iyon sa eskwelahan sa pasukan at hindi ako makakatakas sa panghuhusga.
Sino ba namang matutuwa kung malalaman nilang hindi ako gusto ng ina ng lalaking mahal ko.
At mas lalo lamang akong huhusgahan kung malalaman pa nila ang dahilan ng pagkadisgusto ng mommy ni Asher sa akin.
Hindi ko masisisi si Chloe kung ipakalat niya iyon. She is desperate enough to ruin my reputation and to win him back.
Wala akong ginawa kundi ang matulala sa kisame at umiyak, paulit-ulit iyon kahit na hindi ko na maidilat ang mata ko sa pamamaga nito.
Binalewala ko ang maya't-mayang pagtunog ng aking cellphone sa anumang tawag o mensahe. Alam kong nag-aalala sa akin ang tatlo kong kaibigan dahil bigla na lang akong nawala pagkatapos na umalis sina Asher.
Bakit ba masyadong mapanakit ang tadhana?
Sabi kasi nila, huwag mo daw hahayaan na diktahan ng tadhana ang buhay mo imbes ay ikaw ang gumawa ng sarili mong kapalaran.
Pero hindi ata mawawala iyon. Tulad ng mga kontrabida sa palabas ay meron ding kontrabida sa totoong buhay.
Isa na roon ang tadhana.
Alam kong bata pa ako, nasa murang edad pero hindi ba ako pwedeng maging masaya kahit sa kabila na lang ng mga pinagdaanan ko?
How cruel life can be?
I did everything to survive but still, it burried me to the deepest.
Isang malaking sampal na sa akin noong magkasakit si papa pati na ang pag-iwan ko sa probinsya, sa dalawa kong kapatid.
Pinagdaanan kong tumayo sa sariling paa, na huwag dumepende sa iba dahil wala akong ibang makakapitan.
Muntikan na akong marape noong bata pa ako ng sarili kong kadugo at bangungot iyon sa akin. Iyon an dahilan kung bakit kahit na lumuwas na kami ng Maynila ay paulit-ulit kong napapanaginipan ang buhay ko sa probinsya.
Naging wasak na rin ako dahil sa pag-fail ko sa academics. Mataas ang expectation nila sa akin lalo pa't ako ang magaling at matalinong anak, pinsan at pamangkin. Isang disappointment kung hindi ako makakaakyat ng stage sa pagtatapos ng taon.
Nabuhay ako sa pagsunod sa kung ano ang gusto nila para sa akin. Wala akong nakapitan kundi ang sarili ko kasi pagod na akong magtiwala sa ibang tao dahil wala naman silang ibang ginawa kundi ang traydurin ako.
Minsan na akong nadurog dahil sa mga naging desisyon ko sa buhay. Minsan na nga lang may nagtangkang pasukin ang buhay ko pero nawala pa sa akin. Nakuha pa ng iba.
Tapos ngayon, kung kailan handa na ako, saka naman nangyari ang lahat ng 'to.
Hindi ba pwedeng sumaya naman ako saglit?
Gusto ko lang magpahinga sa komplikado kong buhay kahit isang araw lang.
Akala ko pag-ibig ang magpapalaya sa akin sa masalimuot kong nakaraan.
Pero nagkamali ata ako.
Dahil pag-ibig pa ang magiging dahilan kung bakit mananatili akong misteryoso sa mata ng ibang tao. Mananatiling isang hula ang aking pagkatao.

Komento sa Aklat (168)

  • avatar
    Carin Sarino

    nice

    06/06/2024

      0
  • avatar
    LogatchoMarryrose

    it's this poly? I wanna know if this is polymonari hehe😊

    16/04/2024

      0
  • avatar
    Jeandel

    wowww

    01/02/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata