logo text

Chapter forty-nine

Naglalakad ako papuntang library dahil vacant namin ngayon. Hindi ko rin kasama si Ash ngayon dahil malamang ay may klase iyon.
Naalala ko pa ang mga kabaliwan niya nang ihatid niya ako kanina sa classroom.
"Thanks Ash," nakangiti kong saad nang marating na namin ang pinto ng room ko.
And guess what araw-araw niya akong sinusundo sa bahay para sabay kaming pumunta sa school. We enjoy each other's company though naglalakad lang kami.
Nakasilay sa kaniyang labi ang ngising kanina niya pa suot kaya ngumuso nanaman ulit ako.
"You really like to be kissed huh?" pilyo niyang saad.
Kanina pa namin iyon pinagtatalunan sa daan. Iginigiit niyang gusto ko lang mahalikan kapag ngumunguso ako.
Mabuti na lang ay napapatingin lang sa amin ang dumadaan at hindi nakikinig sa kung ano-anung kapilyuhan ni Asher.
"Stop it Ash, " napipikon kong sabi pero tinawanan niya lang ako.
"You're so cute," pinisil niya pa ang pisngi ko at pinigilan kong mapanguso ulit.
Damn, this guy.
Pinilit ko siyang itinaboy kahit patuloy pa rin ang pangungulit niya sa akin. Hiyang-hiya pa ako dahil napagtripan pa kami ng mga kaklase ko. Linalanggam na daw sila.
Kaya buong umaga ay nasa good mood ako. Well, simula pala nang ideklara niyang liligawan niya ako ay lagi akong nakangiti dahil sa samu't-saring paandar niya.
And now, kahit minutong wala siya sa tabi ko ay parang gusto ko ng hilahin ang oras.
God, Lez!
You are unbelivable.
You're crazy.
Well, his crazy for me too. Fair enough.
Natigil lamang ako sa paglalakad nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone sa aking bulsa. Sumibol pa ang excitement ko sa ala-alang si Asher iyon.
Pero agad nabawi iyon ng malaman kong isang unregistered number ang nagtext sa akin.
Unknown number
Can we talk?
At sino naman kaya ito? Baka wrong send lang kaya ipinagkibit-balikat ko ito pero may sumunod pang mensahe.
Unknown number
I know free ka ngayon so let's meet at the soccer field.
Hindi ko namalayan na tinatahak ko na lang ang sinabi niyang venue. Wala akong nadatnang tao roon maliban sa malawak na ground at nagtatayugang mga puno. Pinili kong maupo sa malapit na bench.
Sino kaya yun?
Is it a bad idea na pumunta ako rito without even knowing who the sender is?
But I am damn curious.
Eh pano kung wrong send lang yun?
O kaya may galit sa akin? Pero bakit dito pa sa open field eh ang alam ko ay sa mga abandonadong building dinadala ang mga biktima.
I just shake my head for my overthinking.
Ayan ka nanaman eh!
The last time na kung ano-ano ang naisip ko, something good happens.
Pero iba ang kutob ko this time.
Isang maliit na pigura ang tumambad sa harapan ko at nanlaki ang mata ko ng mapagtantong siya ang nagmessage sa akin.
Mas lalong tumingkad ang pagiging mestiza niya, pero hindi katulad nang huli naming pagkikita ay matamlay ang kaniyang mukha, maputla ang makurba niyang labi at wala ring kulay ang kaniyang pisngi. Halos lumunok din ako sa namamaga niyang mata.
I have a hint already.
Pero ayoko!
Tumikhim ako matapos ang ilang minutong pagtitigan namin.
"Ikaw ang nagtext?"
Alam kong obvious naman iyon pero hindi ko alam kung paano magsisimula.
Teka, ba't ba ako ang namomroblema? Siya ang may pakay.
Wala akong natanggap na sagot mula sa kaniya at halos lumuwa ang mata ko ng lumuhod siya sa harapan ko. Napatayo ako sa gulat.
What is she doing?
Narinig ko ang mahina niyang paghikbi at naramdaman ko rin ang kaniyang malamig na kamay sa binti ko.
Napakurap-kurap ako nang mag-angat siya ng tingin at puno ng luha ang kaniyang mata.
"I beg yo-u," nauutal niyang sabi sa akin.
Nang matauhan ako ay pinilit ko siyang tumayo pero nagmatigas siya. Kaya ang ginawa ko ay pinantayan ko ang pwesto niya. Umuuga ang balikat niya.
Anong ibig sabihin nito?
"What do you want?" hindi ko mapigilan ang pait sa aking boses dahil alam ko kung saan ito patungo.
I witness her stares, her mourning eyes. Alam kong nasasaktan siya. Nakikita ko palagi ang pagsulyap niya sa tuwing magkasama kami.
"Please, 'wag mong sagutin si Asher," humihikbi niyang turing.
I badly want to slap her for begging that thing. Anong karapatan niyang sabihin iyon?
Pero babae ako at alam ko kung anong ibig sabihin nito. And I hate how desperate she is to approach me and beg.
Nagsisimula ng uminit ang sulok ng mata ko pero pinili kong pigilan ang anumang galit at lungkot na nagsisimulang mabuo.
"I can't," malamig kong saad.
I can't!
Hindi ko kayang makita ang sarili kong nagdurusa ulit dahil sa mali-maling desisyon.
I can't risk Asher.
I can't let go of the man I love!
Siya ang naging sandalan ko sa mga oras na hindi ko na maintindihan ang sarili ko. He understands me through the way.
Siya ang gumamot sa sugat na hinayaan kong dumugo. He performs first aid kit and damn I'm healing.
How can I even push him away kung mababaliw na ako kahit ilang minuto lang na hindi ko siya makita.
Nasanay na ako sa kaniya.
Umugong sa tainga ko ang marahas niyang paghikbi.
"Ako dapat ang nasa posisyon mo Aerin," sigaw niya sa akin.
Pero huminahon muli siya at umiyak.
"Her mom likes me at ipinakilala ko na rin siya sa family ko. Please let him go," narinig ko ang pagpiyok ng boses niya.
Nakita ko kung paanong bumalatay ang sakit sa mata niya ng makitang wala akong balak na isuko ang lalaking mahal niya.
Am I that selfish?
Pero mahal ko si Asher.
Hindi ko kayang saktan siya at palayain. Hindi ko kayang magpakatanga ulit.
I already loose someone because of my fears, I can't be that same coward and stupid girl.
"Mahal ako ni Asher at mahal ko na rin siya," sinsero kong saad.
Agad siyang pumalahaw sa pag-iyak at yumuko.
"Please, Aerin," pagmamakaawa niya.
I never imagine myself being in her situation. Hindi ako magpapakababa para lang sa isang lalaki. Kahit mahal ko pa.
I hate seeing girls being desperate. I just hate it!
"I'm sorry," sabi ko at tumayo na ako. Sinubukan niya pang abutin ang kamay ko pero inilayo ko ito.
Nanlaki ang mata ko ng makita ang nasa likod ko.
Asher's mom!
Ganoon pa rin ang pakiramdam nang una akong dinala ni Asher sa kanilang bahay para ipakilala. I can see the disgust in her eyes and I can even taste it in her words. Pinili ko lang na maging desente sa harap ng ina ng lalaking mahal ko.
Her intimidating figure sends shiver in ever piece of my bones. Pakiwari ko'y lalabas na ang puso ko sa sobrang kaba.
Did they plan this?
"Titaaa," sigaw ni Chloe bago tumakbo sa direksyon nito.
"Fix yourself," malamig na saad ng ginang.
Nangatal ang tuhod ko sa ginawa nitong paglapit. Lalo na nang gumuhit ang isang mapaglarong ngisi sa labi ni Chloe.
They plan this.
Alam ko namang hindi ako gusto ng mommy ni Asher sa hindi ko malamang dahilan. I can see it in her eyes. Ni hindi niya iyon itinago sa akin.
"Look at you, you are really a resemblance of your mother," madiin niyang sabi habang hinahagod ako ng tingin.
Wait.
What?
Did she mention my mother?
"Anong ibig niyo-ng sabihi-n tit-a," nuutal kong tanong.
Tinaasan niya ako ng kilay.
"I already told you not to call me tita!" galit niyang sabi kaya napapikit ako.
I didn't see this coming.
Matapos ang unang family dinner namin sa bahay nina Asher ay nabagabag na ako sa pagtrato sa akin ng kaniyang mommy but he assured me that it will be okay.
Akala ko ay maayos na iyon. I trust him.
But now she's mentioning my mother.
"Layuan mo ang anak ko!" 
Nakagat ko ang labi ko ng maramdaman ang sakit sa dibdib ko.
"Tit-
Hindi niya pinatapos ang sasabihin ko dahil binigyan niya ako ng malakas na sampal.
Natulala ako sa sakit na gumuhit sa pisngi ko at tuluyang tumulo ang luha sa aking mata.
"Huwag mo ng dagdagan ang kasalanan ng malandi mong ina!" muling niyang sigaw.
Pakiramdam ko ay huminto ang pagtibok ng puso ko sa binitawan niyang salita. Anong sinasabi niya?
"Looks like wala kapang alam. Bakit kaya hindi mo tanungin ang mommy mo," maarteng sabad ni Chloe na ngayon ay nasa harapan ko na.
Natulala ako.
"Leave my son alone or else you'll regret this," huli niyang sambit bago ako naiwang mag-isa sa kinatatayuan ko.
Nanghihina akong napaupo sa damo. Wala na akong pakialam kung madumihan ang uniporme ko.
Sari-saring katanungan ang sumibol sa gulo kong isip.
Anong sinasabi ng mommy ni Asher?
Anong kinalaman nito kay mama?
May isasakit pa pala sa sampal niya kanina sa akin.
Pinaparatangan niya si mama sa isang bagay na malabo niyang gawin.
Hindi ako bobo para hindi maintindihan ang ipinupunto niya kanina.
Pero paano?
Paanong mangyayari iyon?
Hindi matigil ang luha sa pagpatak sa aking mata. Ramdam ko pa rin ang hapdi ng pisngi ko.
Isa lang ang alam ko.
I need to find the truth!

Komento sa Aklat (168)

  • avatar
    Carin Sarino

    nice

    06/06/2024

      0
  • avatar
    LogatchoMarryrose

    it's this poly? I wanna know if this is polymonari hehe😊

    16/04/2024

      0
  • avatar
    Jeandel

    wowww

    01/02/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata