logo text

Chapter forty-seven

"Tanaaan!" 
Unti-unting akong iniharap ng bakla sa salaming nasa harapan ko.
Halos hindi ko makilala ang sarili ko sa ginawa  niyang kung ano-ano sa mukha ko.
"Bongga!" pamumuri nito habang itinataas ang baba ko.
Muling nagtama ang paningin ko sa aking repleksyon. Perpekto ang pagkakakulot ng buhok ko sa dulo nito. May kung ano-anong palamuti ring nakakalat sa ibabaw nito. Hindi makapal ang make-up sa mukha pero malaki ang pagbabagong naidulot nito sa itsura ko ngayong gabi. Kumikinang rin ang magkapares na hikaw, kwintas at bracelet na tumerno sa bloody red cocktail dress ko. Lantad ang pang-itaas na bahagi ng katawan ko dahil tube ito at hangaang hita ang haba nito na may mga burdang itim na bulaklak at dinagdagan pa ng makapal na ruffles sa baba. Puting wedge sandals ang katerno nito.
"Smile," muling paalala sa akin ng bakla na abala naman sa pinsan kong si Dani na ngayon ay inaayusan na rin.
Patuloy kong sinipat ang sarili ko sa salamin. Namataan ko pa ang hantad kong likod dahil pinag-ekis na tela lang ang kumakapit roon.
I'm freaking nervous!
Prom namin ngayon sa school. Talagang sa eksaktong valentines ito napag-usapang ganapin.
And I don't know why I am this nervous. Something is up!
Pang-ilang beses ko ng sinulyapan ang telepono sa lamesa pero wala pa rin akong natatangap na mensahe mula kay Asher.
It's been one month simula ng manligaw siya sa akin. Finally I've learned how to give myself and others, a chance. A chance to let go of what's in the past. To let go of heartaches, of pain.
Pero hindi ko mapalampas ang isang linggong hindi ako kinikibo ng asshole na yun!
Bagay na bagay sa kaniya ang pangalan niya for making me feel this way.
I am really at my boiling point now. Hindi ko alam kung anong problema niya kung bakit naging ganoon kabilis ang pagbabago ng trato niya sa akin.
"Is there any problem?"
"May nagawa ba ako?"
"Nasabi?"
Iyan ang paulit-ulit na nasasambit ko sa tuwing magkakasabay kaming maglunch sa canteen. He is just formally eating like I am not even existing. And I hate it!
Bahala siya! Hindi ko siya sasagutin.
Iyon ang dahilan kung bakit nakabusangot ako ngayon. Ni hindi ko magawang pumeke man lang ng ngiti dahil naiinis talaga ako kay Asher.
He is being jerk to me, this past few days.
Pumait ang pakiramdam ko sa isipin na baka nagsasawa na siyang manuyo sa akin, eh hindi pa nga kami ay kung ano-ano na ang kapritso ko.
I am just testing him!
Diba ganoon naman iyon? Hindi pwedeng easy-to-get. Walang thrill.
Wala sa sarili kong kinuha ang puting purse na naglalaman ng aking cellphone, ticket at cash bago sumunod sa pinsan kong palabas na sa pinto.
Dito kami sa bahay inayusan. Tutal ay mas malapit ang bahay namin  sa school. Suot ng pinsan ko ang kulay kremang cocktail dress na bagay sa maputi niyang balat.
Sandali pang kuhanan ng picture ang naganap bago kami pumasok sa tricycle na maghahatid sa amin.
Kaba at inis lamang ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. At mukhang bubusangot lang ako sa magdamag na event.
Maraming nangyari sa mga linggong lumipas. Nanliligaw sa akin si Asher and everbody in the campus knows about it. Ipangalandakan niya ba naman iyon.
Muling uminit ang pisngi ko ng maalala kung paano niya ako markahan bilang kaniya.
How possesive!
Hindi ko pa siya sinasagot sa lagay na yan!Paano kaya kapag kami na?
Narito ako ngayon sa canteen dahil bakanteng oras namin. Nagkukulitan kami nina Phoebe nang biglang may lumapit sa lamesa namin.
The familiar set of cold eyes, katulad iyon ng kay Asher. His brooding nose and his pink lips. Mas lalo pang dumagdag ang maliliit na buhok sa ilalim ng kanyang ilong at labi. Halos kinaiingitan ko rin ang kaniyang makinis at maputing kutis. Natural na magulo ang kaniyang buhok at mas lalo pa nitong nadepina ang kakisigan niya.
Gab Dela Conte.
Ofcourse I know him. I still know the familiar fluttering of my naive heart whenever our eyes met.
Crush ko siya noong Grade 9 pa kami. Who would ignore his intimidating presence?Titingnan kapa nga lang ng malamig nitong mata ay baka mangisay ka na sa kilig. And I'm one of those teenage girls who swoon when he smile a bit.
But the admiration is still a secret. I'm not vocal when it comes to this things and I know it is just pure attraction.
Nagsinghapan ang mga nakakita sa paglapit niya sa amin, maski na ang tatlo kong kasama na parang uod na binudburan ng asin.
I can't blame them for acting this way. He is like perfectly sculpted at every angle.
Tinaasan ko siya ng kilay para maitago ang pagkamangha ko at pagtatanong na rin.
"Are you Aerin?" malamig niyang tanong.
Halos tumirik ang mata ko ng mahimigan ang kaniyang buong boses and damn he even called me by my second name. And no one calls me that! That sexy!
Naramdaman ko ang halu-halong emosyon na parang sinisilaban sa loob ko. He still have an effect on me. Naitago ko ang pawisan kong kamay sa aking kandungan at paulit-ulit na kumurap at lumunok.
"Why are you asking?"
Nabalik lamang ako sa ulirat ng dumagundong ang mariing boses ni Asher. Matalim ang titig niya sa lalaking nasa harapan namin ngayon. Sandali niya itong ipinukol sa akin at sandali ring nanlambot ang kaniyang ekspresyon.
"What?"
Nahimigan ko ang iritasyon sa kaniyang boses na tila nagpipigil. He and his patience.
"I was answered with another question and by another person, how ironic," sarkastikong saad ni Gab na ngayon ay binalingan ako ng tingin.
Bago pa ako makapagsalita ay humarang na ang malapad na likod sa akin ni Asher. Napalunok ako.
It is not a good sign!
Tumayo na ako para pigilan ang anumang gagawin niya. Mas lalo kong ipinangangamba ang pakikipagsagutan ng isang to!
Teka?
Ano bang kailangan niya sa akin?
"Hey, his looking for me. Baka importante," mahinahon kong bulong kay Asher na ngayon ay nagpupuyos na sa inis.
I know him very well. Hindi na ito ang unang beses na nagkaganito siya dahil sa mga lumalapit at nakikipag-usap sa akin lalo na kung lalaki ito.
And I know pretty well kung saan ang bagsak nito.
"Well, I guess you are the one I'm looking, only that your lover is a bit paranoid," narinig kong utas ni Gab na ngayon ay pilit na hinahanap ako sa likuran ng isang 'to.
Namula ang pisngi ko.
Marahas na bumaling sa akin si Asher and the next thing I know is sinakop na ng kaniyang braso ang aking bewang. Bolta-boltaheng kuryente ang dumaloy sa aking sistema. Napalunok ako sa paraan ng pagtingin niya sa akin.
Posessiveness and pure jealousy was evident on his eyes.
Pero tuluyang nawindang ang mundo ko sa susunod niyang sinabi.
"This girl is mine. Mine alone."
Pumailanlang ang malamig at maatoridad niyang tinig at nagdulot iyon ng halo-halung komento mula sa mga studyanteng narito sa canteen.
Para akong naiihi na natatae dahil sa narinig ko mula sa kaniya. At laking pasalamat ko ng ilipat niya sa kaharap namin ang nagbabaga niyang tingin. Nakahinga ako ng maluwag.
Tanging isang ngisi lamang ang iginawad ni Gab sa katabi ko at ramdam ko ang panginginig ng kamay niya kaya hinawakan ko iyon.
Nakita ko kung paanong bumaba ang tingin ng aming kaharap  sa magkahawak naming kamay at may dumaang sakit sa kaniyang mata pero napalitan agad iyon ng blangkong ekspresyon.
The hell!
What that does mean?
"No one touches my girl," muling sigaw ni Asher na siyang ikinapula kong muli.
Naramdaman kong dumampi ang kaniyang labi sa aking noo at napapikit ako sa kilig.
"I badly want to slam that face but I don't want to do that infront of you," sabi niya sa akin kaya mahina ko siyang tinampal sa braso.
Hindi parin ako nakakabawi sa ginawa niya pero isang bulong ang tuluyang nagpayanig sa sistema ko.
"And I badly want to kiss your lips to mark you as mine, baby. Damn!"
Mariin akong napapikit nang kumalat sa aking mukha at leeg ang pamumula ko dahil sa naalala.
"Hala kinikilig itong si Lez," pantutuya ng katabi kong si Dani. Pinandilatan ko lamang siya ng mata.
Tumigil na ang tricycle, nandito na kami sa gymnasium na pagdadausan ng aming event.
Madilim na ang kalangitan at dinig na dinig na ang malakas na sounds galing sa loob nito. Marami pa rin akong namamataan na nagsisidatingan na studyanteng kagaya ko.
Ayan nanaman ang dagundong ng puso ko.
Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko sa paghahagilap sa tatlo kong kaibigan. Pero magsisimula na ang event ay hindi ko sila namataan sa labas. Siguro ay nasa loob sila. Hindi ko rin ginustong pumasok na muna dahil nahihiya ako.
"Uy ganda mo talaga Lez," yumuyuko na lang ako sa tuwing maririnig ko iyan sa mga dumadaan sa aking kaklase. Yung iba nga ay hindi ko talaga kilala.
"Sayaw tayo mamaya ha," minsan pang biro ng mga kalalakihan sa akin.
May nagsalita na sa mic at inuutusan na kaming luminya gaya ng ginawa namin sa practice. Kaya nagsidagsaan ang mga nasa loob. Pinilit kong hanapin ang tatlo pati na rin si Asher pero nalula  lang ako sa dami ng tao.
Pumila na lang ako at nag-antay sa pagsisimula ng promenade.
Abot-abot ang tahip ng puso ko sa hindi malamang dahilan.
I know this night will not be an ordinary one.
I have this feeling!
And kung anuman yun ay kailangan kong ihanda ang aking sarili.
Might as well, enjoy.

Komento sa Aklat (168)

  • avatar
    Carin Sarino

    nice

    06/06/2024

      0
  • avatar
    LogatchoMarryrose

    it's this poly? I wanna know if this is polymonari hehe😊

    16/04/2024

      0
  • avatar
    Jeandel

    wowww

    01/02/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata