Hindi ko mawari kung masusuka ba o matatae ako dahil pakiramdam ko ay anumang segundo ay mawawalan ako ng malay. Nasa harap na kami ng pinto ng private room ni Asher. -Room 8- Nagsisimula nang manlamig ang kamay ko at wala ng mapagsidlan ang kabang nararamdaman ko. Nasa unahan ko si Kaius at nang akmang pipihitin niya na ang pinto ay buong lakas kong kinabig ang kaniyang kamay. Tinaasan niya ako ng kilay nang makita na nanginginig ako kaya itinago ko ang kamay sa aking likod. "I'm nervous," pag-amin ko. Nangunot lang ang noo niya at ngumisi. Bumaba ako ng tingin at pilit na kinalma ang sarili. "I'll go first, antayin mo ako rito," sabi niya bago pumasok sa loob. Agad akong dumantay sa kalapit na upuan at sinapo ang aking dibdib. Parang lalabas ang puso ko sa sobrang kaba. Breath in.. Breath out.... Habang nag-aantay ako ay ilang beses akong nagpakawala ng malalalim na buntong-hinga. Hindi ko rin nagawang manatili sa upuan ko, paulit-ulit akong tumayo at umupo. "Anak ka ng- Mas lalong nadagdagan ang panginginig ko ng iluwa ng pinto si Kaius. Sinenyasan niya akong pumasok sa loob. This is it! Daig ko pa ang mag-eentrance exam sa pinapangarap kong unibersad nito eh. Teka! Bakit madilim? Pagpasok namin ay wala akong nakitang liwanag, tanging pag-lock ng pinto ang narinig ko. Oh my god! Kidnap ba 'to? Don't tell me, pakana ito ni Kaius? May balak ba siyang masama sa akin?At dito pa sa hospital? How cheap! Teka, ano ba itong iniisip ko. Pero bakit sa madilim niya ako dinala? Bakit nilock niya ang pinto? Wala sa sariling niyakap ko ang aking katawan. Jusko po, sana bigyan niyo ng kaliwanagan ng isip si Kaius para hindi niya na ituloy ang masama niyang binabalak. Pakiramdam ko tuloy ay nasa pelikula ako o kaya nasa storya kung saan nangangailangan ng tulong ng bida at dadating ang knight and shining armor niya. Damsel in distress? Dadating kaya si Asher para sagipin ako? Paano kung hindi? Paano niya ako ililigtas kung nakaratay siya sa hospital? Kaius, paano mo ito nagagawa sa akin? Akala ko ba ay mayroon kang prinsipyo at dignidad? Nasisiraan na ba siya ng bait? Para akong maiiyak nang dumaan ang ilang minuto na wala akong naramdamang tao sa tabi ko at kahit ni katiting na liwanag ay wala akong makita. "Kaius? Nasan ka?" nauutal kong tanong habang nagsisimulang humakbang papunta sa may pinto. Pero bakit ko siya hahanapin kung siya ang suspek rito? Kailangan kong humanap ng paraan para makalabas ako rito. Kahit natatakot ay pinilit kong mangapa sa dilim. Nahawakan ko ang door knob at pinihit ko ito ng paulit-ulit kahit na alam kong walang himala, at hindi ito mabubuksan. Nang biglang..... Bumukas sunod-sunod ang mga nakahilerang kandila. Tumaas ng todo ang mga buhok ko sa katawan. Literal na tumaas! Shit! Bakit parang pang horror movie naman ito. May galit ba sa akin si Kaius? Pero wala naman akong ginawang masama sa kaniya para parusahan niya ako ng ganito. Omg! Di kaya may gusto siya sa akin pero imposibleng magustuhan ko rin siya kaya papatayin niya na lang ako? Kung ano-ano nalang na imahe ang naglalaro ngayon sa imahinasyon ko. Tanging ang door knob na lang ang sumusuporta sa lakas ko ngayon at anumang segundo ay babagsak ako rito sa kinatatayuan ko. Maya-maya ay may tumugtog na gitara at piano sa bandang gilid ng mga nakasinding kandila. Pinilit kong inaninag ang mga pigurang nakaupo sa gawing iyon. Unti-unting nagliwanag ang paligid at tuluyang nanlaki ang mata ko. Hindi ko alam kung saan ako unang titingin. Ang buong silid ay napapaligiran ng mga lobo na may design na hello kitty, ang kaninang kandila ay hugis puso na sinabuyan pa ng mga red petals. Sa pader ay naglalambitin ang nabuong mga letra, kulay pink din iyon at may mga sungay pa. Happy birthday Lez Fuck! Ano bang petsa ngayon? Mismong kaarawan ko ay nakalimutan ko sa sobrang pag-aalala ko. Naagaw ng isang malamig na boses ang atensyon ko. Sa gilid na bahagi ay nakaset-up ang tatlo, seryosong pinaglalaruan ni Kaius ang piano, samantalang hawak naman ni Jasper ang kaniyang gitara at si Asher ay nakatitig sa akin, kumakanta. So, wala sa anumang hula ko ang tama? Napalatak ako dahil napag-isipan ko pa ng masama ang inosenteng tao. Paano ba naman kasi ay hindi man lang siya nag-inform pero paano magiging surprise yun? Para akong nasemento sa pwesto ko nang unti-unting nagsilabasan sa hindi ko malamang pinto si mama, papa at ang tatlo kong kaibigang babae. May kanya-kanya silang hawak na regalo at cake. Nagsimulang uminit ang sulok ng mata ko. Marahas pa rin ang kabog na dibdib ko pero dahil iyon sa labis na kasiyahan. I never expected any of this. Matapos tumugtog ng tatlo ay pumunta sila sa gitna at sabay-sabay akong binati. Hindi ko na napigilang umiyak. "Happy birthday love," bulong sa akin ni Asher habang inaabot sa akin ang isang boquet ng bulaklak. Ni hindi ko napansin ang paglapit niya sa akin dahil hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala. Namula ang pisngi ko sa mabilis na pagdampi ng labi niya sa noo ko. Walang bakas ng sakit o galos sa kaniyang mukha at katawan kaya para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Pero mag-uusap kami mamaya. Inoffer niya sa akin ang kaniyang braso kaya ikinawit ko na ang kamay ko roon. Naghiwalayan ang mga lobo nang dumaan kami at sobrang saya ng pakiramdam ko. Yinakap ako ni mama at papa at sumunod naman roon ang tatlong bruha na panay ang sundot sa tagiliran ko, ni hindi man lang nila pinlampas ang ginawa ni Ash kanina. Binati lang ako ng dalawang lalaki at hindi na sila nagtangkang humawak sa akin, dampian ako ng dulo ng kanilang daliri ay hindi nila ginawa. Pft- Possessive jerk! Naluluha ko silang tiningnan. Ramdam na ramdam ko ang pagkatunaw ng aking puso dahil sa sorpresang ito. All this time ay ang inaasahan kong madadatnan ay ang nakaratay na si Asher. Na kahit ang mismong kaarawan ko ay hindi na sumingit sa isip kong puno ng pag-aalala. Nagulat ako ng biglang may sumabog at ang mga letrang nakadikit sa tela ay unti-unting napalitan. C A N I C O U R T Y O U ? Natutop ko ang bibig ko at bigla na lamang ako napatingin kina mama at papa na parehong nakataas ang kilay sa akin. Nakagat ko ang aking labi. Wala akong alam jan? Teka? Eh sino ba sa kanilang tatlo ang nagtatanong niyan? Lumapit sa akin si Phoebe kaya nanlaki ang mata ko. "Gaga, hindi ako. Nautasan lang. Ewwww," maarte niyang sabi bago inilahad sa akin ang dalawang pink box. Sa isang box ay nakasulat ang Yes at sa isa naman ay No. Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin at nginuso niya sa akin ang kabadong si Asher. "Sila mama ang tanungin mo," kinakabahan kong saad. Dumeritso naman ang bruha sa may tapat ni mama at inilahad ang dalawang pagpipilian.Nagkatinginan ang dalawa at mukhang nag-usap pa sa mata. "Tutal pormal na linigawan mo muna kami ay bibigyan ka namin ng pagkakataon," seryosong sabi ni papa na ikinagulat ko. "Mabait kanaman at may respeto," dagdag ni mama na ikinatango ni papa. Hula ko ay lumalaki na ng todo ang tainga ng isang yon. Paimpit na tumili ang tatlo. Kinagat ko ang labi ko at pakiramdam ko ay bumalik ang kabadong pakiramdam ko. Is this even real? Liniligawan na ako ni Asher Salvador? And it also means, letting go of the past. Forgiving him and hopefully turns to forgetting. "Be ready Celeste." Lumunok ako ng ilang beses ng tumama ang hininga ni Asher sa tainga ko. Kasalukuyan silang nagsasalu-salo samantalang hinaharot na ako ni Asher. Nanligaw pa lang 'to. Inalis ko ang kamay na nakapulupot sa bewang ko at sandaling nabitawan ang bracelet na laman ng box na iyon. "Care to explain the accident thing, Salazar," madiin kong binitawan ang bawat salita. Bigla siyang pinanawan ng kulay sa mukha saka buong lapad na ngumisi. Kusang dumapo ang kamay ko sa kaniyang tainga at walang awa ko itong pinihit. "Ahhhhhhhhhh!"
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (168)
Carin Sarino
nice
06/06/2024
0
LogatchoMarryrose
it's this poly? I wanna know if this is polymonari hehe😊
nice
06/06/2024
0it's this poly? I wanna know if this is polymonari hehe😊
16/04/2024
0wowww
01/02/2024
0Tingnan Lahat