Unti-unting bumukas ang aking mata. Hindi ko alam pero parang bigla na lang akong nagising kahit na pagod na pagod pa ang katawan ko, kahit na hinihila pa ako ng antok. Tulala lang ako sa kisame, habang naririnig ko ang papalayong busina ng sasakyan. Hinayaan ko munang manatili sa ganoong pwesto bago ko napag-desisyunang bumangon. Oh my god! Nagkukumahog na inabot ko ang aking cellphone nang maalala na tumunog ito kagabi. At para akong mahihimatay dahil sa iilang tawag at mensahe iyon galing kay Asher. Pano kung may kailangan siya? O kaya may nangyaring masama sa kaniya? Tsssss. Nagiging fan na ako ng overthinking. Dali-daling kong binuksan ang kaniyang mga mensahe at kumarera ng todo ang puso ko nang malamang nakaratay parin siya sa hospital at hindi pa rin gumagaling. Sa kabila ng nanunubig na mata at nanginginig na kamay ay tinakbo ko na ang pagitan ng C.R. Mabilis pa sa alas-kuwatro na naligo ako at nagbihis. Ni hindi na ako nag-abalang magsuklay at basta ko na lang kinuha ang aking sling bag at sinilid dito ang kakailanganin ko. "Manong sa UCLA Hospital nga po," bungad ko sa taxi driver na huminto sa kinatatayuan ko. Ipinagtaka ko kung paanong nakaabot sa gawing iyon ang taxi pero binalewala ko na lang iyon at agad na sumakay nang tumango siya. Tinawagan ko si Asher pero walang sumasagot. Wala ring mensahe maliban sa text niya kagabi. Sinubukan kong kontakin si Jasper at Kaius. At last ay may sumagot din. "Morning," rinig ko ang malamig na boses ni Kaius. "Damn, bakit hindi mo sinabing masama ang kalagayan ni Asher?" hindi ko mapigilang bulyawan siya. "Eh?" Napasabunot ako sa buhok ko dahil iyon lang ang natanggap kong sagot mula sa kaniya. "Bakit 'di mo sinabi ha? Nag-aalala ako," tumataas na ang boses ko at hindi ko na pinansin ang pagsulyap sa akin ng driver. Tanging buntong-hinga lang ang narinig ko sa kabilang linya kaya inis na binaba ko ito. "Pakibilisan po please," ramdam ko ang pagkataranta ng driver kaya tinamaan ako ng hiya. Naramdaman ko ang pag-vibrate ng aking cellphone. 1 message received Mr.Sungit Wait for me. Papunta din akong hospital. Pinakiusapan ko ang driver na may dadaanan akong kaibigan at nagtaka ako kung bakit alam niya ang daan kahit na hindi pa ako nagsasabi ng adress. Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon dahil mas inaalala ko ang eksenang madadatnan ko sa hospital. "Mukhang may emergency na nangyari ineng," maya-maya ay sinabi niya. Huminga ako ng malalim at minasahe ang sintido ko. "Yung kaibigan ko po kasi nasa hospital. Malala ang kalagayan niya. Dadalawin ko po," paliwanag ko. "Huwag mo sanang masamain pero ramdam kong hindi lang kaibigan ang turing mo sa kaniya. Maswerte ang lalaking iyon." Namula ang mukha ko sa sinabi niyang iyon at umiwas na lang ako ng tingin. "Kung gusto niyo ang isa't-isa marapat pang ipagtapat niyo na bago pa- "Mahuli ang lahat," dagdag ko sa sinabi niya. Nakita ko ang palakaibigang ngiti niya at ang pagtango sa akin. Hula ko ay mayroon na siyang pamilya. Hindi pa naman siya masyadong matanda at bakas rin ang kaniyang kakisigan na hindi pa rin kumukupas. Katamtaman ang haba ng kaniyang buhok na may mangilan-ngilan ng kulay puti. Inosente ang mata, matangos ang ilong at tama lang ang pangangatawan. Suot niya ang isang polo at maong na pantalon. Nakasabit pa sa kaniyang batok ang isang towel. "H'wag kang gagaya sa akin ineng." Kumunot ang noo ko at napalingon ako sa kaniya. Mula sa salamin ay hindi nakatakas sa paningin ko ang gumuhit na sakit sa kaniyang mukha. Ano kayang kwento niya? "May asawa't anak na ako at masaya naman ako pero ikinalulungkot kong aaminin na pakiramdam ko ay hindi parin ako kumpleto. Yung parang may mali, may kulang," pagpapatuloy niya na parang nabasa ang nasa isip ko. "Ano pong nangyari?" naiintriga kong tanong. Pakiramdam ko ay may malalim siyang pinanghuhugutan at hindi tipikal na kwento ang meron siya. "Simula elementarya ay may nagugustuhan na akong babae. Masungit, maldita, at tahimik lang siya. Malayo sa pinapangarap at gusto kong katangian pero sa tuwing makikita ko siya na magkasalubong ang dalawang kilay ay napapangiti na ako. Hanggang tumuntong kami ng high school, gusto ko pa rin siya at nagkaroon na ako ng lakas ng loob na magtapat pero paulit-ulit niya akong rineject." Napalunok ako at napakagat sa labi. Parang- "Pero hindi ako sumuko. Kung paulit-ulit niya akong inaawayan paulit-ulit din akong sumusubok na manligaw. Hanggang naging malakas ang kutob ko na nagugustuhan niya na rin ako pabalik pero bigla na lang siyang nawala. Hindi ko na siya noon nakikita sa campus. Matagal na panahon at nalaman ko na lang na ikakasal na siya." Parang hinihiwa ang dibdib ko sa mga salitang binitawan niya. Nakaramdam ako ng takot, ng kaba. "Hanggang ngayon tumitibok pa rin ang puso ko sa tuwing makikita ko siya sa malayo. Parang teenager lang. Pero hanggang doon na lang ako at tinatanggap ko na iyon. Nagtatrabaho ako sa pamilya niya ngayon, sa anak niya," ramdam ko ang pait sa boses niya. Napalunok akong muli. Hindi ko namalayang matagal na palang tumigil ang taxi at natatanaw ko na ang papalapit na si Kaius. "Kaya kong gusto mo siya, wag mo ng hintayin na mahuli ang lahat." Bumukas ang pinto at iniluwa roon si Kaius, tumabi siya sa akin at nanuot sa ilong ko ang pabango niya. Pero hindi iyon... Kundi ang huling katagang binitawan ni manong ang paulit-ulit na nag-replay sa utak ko. Walang nangahas na nagsalita sa aming tatlo. Ramdam ko pa rin ang marahas na tibok ng aking puso at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay parang sirang plaka na narinig ko sa aking isip ang boses ng taxi driver. Maraming tanong ang bumabagabag sa akin. Nalilito ako. Bakit? Bakit pakiramdam ko ay may mas malalim pa roon, na parang magkakaugnay ang lahat, na parang konektado ang mga bagay-bagay. Naputol ang kaguluhan sa isip ko ng magsimula ang kaguluhan sa tiyan ko. Napapikit na lang ako nang sabay silang lumingon sa akin. Linunok ko na lang ang hiyang nararamdaman at sinalubong ang tingin ng katabi ko. "Nagmamadali kasi ako," pagdedepensa ko sa sarili ko. "Don't tell me inuna mo nanaman ang pakikipag-usap sa iba bago ang tawag ng tiyan mo," sarkastiko niyang turing. Naalala ko tuloy ang una naming pagsasama. No! Scratch it, masiyadong malisyoso ang word na "pagsasama". The second encounter, I mean. Tumigil muli ang sasakayan at bumaba si Kaius. Nahulaan kong bibili siya ng pagkain dahil nasa harap kami ng grocery store. "Hindi niyo po ba sinubukang alamin kung totoo ang naging kutob niyo?" Hindi ko mapigilan na magtanong kasi pakiramdam ko ay hindi ako nito titigilan. Sinulyapan niya ako bago tumango. "Oo, hindi ko lang sinubukan, nagmakaawa ako sa kaniya." Shit! "Alam kong tama ang kutob ko dahil naramdaman at nakita ko iyon sa kaniyang mata nang huli naming pag-uusap pero hindi niya ako naipaglaban," malungkot niyang dagdag. Ramdam ko ang sakit sa bawat salitang binitawan niya. Kita ko pa rin ang sakit at panghihinayang sa kaniyang mukha at tinig. Cruel destiny. Cruel fate. "Here." Iniabot sa akin nang kararating lang na si Kaius ang isang paper bag. Tinanggap ko ito at nagpasalmat ako. Napangiti ako ng malanghap ang amoy ng paborito kong pagkain na sinabayan pa ng burger at drinks. Pero mas lalo iyon na lumawak ng makita kong inabutan niya rin ng supot si manong. Tahimik muli ang biyahe namin. Pakiramdam ko tuloy ay napakatagal na ang nilalagi namin dito pa lang sa daan. Kumain na ako at hindi nalang pinansin ang katabi ko dahil kanina pa ito busy sa kaniyang telepono pero hindi gaya kanina ay mas kalmado siya ngayon. Obserbasyon ko lang. Kanina kasi ay parang sinisilaban ng apoy ang pwet niya dahil para siyang balisa. Teka? Don't tell me may nangyaring masama kay Asher. Bago pa ako magbato ng tanong ay huminto na ang sasakyan at bumaba na si Kaius. Dali-dali na rin akong lumabas dahil hindi na rin ako umaasang pagbubuksan ako ng lalaking iyon. "Manong ito na po ang bayad namin." Imbes na tingnan niya ang inaabot na pera ng kasama ko ay wala ang mata niya rito. Sinundan ko ito ng tingin at nanlaki ang mata ko ng makitang si tita Bridgette iyon, ang mommy ni Asher. Tindig at lakad niya pa lang ay nakakakilabot na pano pa kaya kong makaharap ko siya mismo. Wait? Inulit kong tingnan si manong at nandito parin ang tingin ni- Don't tell me? Holy shit! Hindi kaya si tita, pero imposible. Paano nangyari iyon. "Let's go," maawtoridad na utos sa akin ni Kaius. Wala sa sariling napasunod ako sa kaniya. Narinig ko pang tinanong niya sa nurse kung saan ang room ni Asher pero nakatulala lang ako. "Room 08 sir," nawala lang ako sa pag-iisip nang marinig ko ang malanding boses nurse. Inismiran ko siya at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Nagsimula nanamang dumagundong ang puso ko sa sobrang kaba. Ano bang aabutan ko? God! Please let it be good this time, hindi ko kayang makitang nahihirapan siya. Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Manong driver sa akin kanina. What does that mean?
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (168)
Carin Sarino
nice
06/06/2024
0
LogatchoMarryrose
it's this poly? I wanna know if this is polymonari hehe😊
nice
06/06/2024
0it's this poly? I wanna know if this is polymonari hehe😊
16/04/2024
0wowww
01/02/2024
0Tingnan Lahat