Para akong pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa balitang nalaman ko. Mas lalo lang na namugto ang mata ko dahil sa patuloy na pag-iyak. Hindi na ako ginambala ng kahit na sino dahil abala na rin sila sa pagluluto ng kakainin mamaya. I hope he's okay. Hindi ako maaring lumuwas ng Maynila na nag-iisa, hindi rin naman ako papayagan. I'll just trust their words. At kapag pwede na luluwas ako ng Maynila para tingnan siya. Pinilit kong bumangon at ayusin ang sarili ko. Alas-diyes na ng gabi kaya napagdesisyunan kong maghilamos na at magpalit ng damit. Suot ang pulang single strap na croptop at maong shorts ay lumabas na ako ng aking kwarto. Naabutan ko ang iilan naming kamag-anak na nagkukwentuhan sa may sala habang naglalaro naman ang mga bata. "Ma," Dumeritso ako sa kusina para tulungan si mama sa pag-aasikaso. "Anong balita?" bungad niya sa akin habang abala sa paghahalo ng sauce sa spaghetti. Umupo ako sa silya at nanuot sa ilong ko ang amoy nito. Nakaramdam ako ng gutom. Nakaligtaan ko na ring kumain dahil sa pagkabigla ar pag-aalala. "Ayos nanaman daw po. Nagpapahinga na," matamlay kong sagot habang nginunguya ang nadampot kong lumpia. "Mabuti naman kung gano'n," sagot ni mama. Nakasuot na rin sila ng pulang damit at dinagdagan pa ng pulang sumbrero.bNatipon kami ngayon sa bahay kabilang na ang mga tiyo at tiya ko pati na ang mga pinsan ko, kaya maingay ang paligid. Umaalingawngaw na rin sa ere ang mga kantang pampasko. Bumalik ako sa kwarto para kunin ang cellphone ko. Lumabas din ako sa may sala para doon ko na ikontak ang mga kaibigan ko. Napangiti ako dahil kahit papaano ay natawag ko na silang "kaibigan". Inopen ko ang aking facebook account at nagderi-deritso na sa pagbati. Hindi na nakakapagtatakang online ang tatlong bruha. Isa-isa ko na silang minessage at sinunod ko na rin ang boys. Sunod-sunod rin sila na nagreply at halos lahat naman sila ay masayang kapiling ang kanilang pamilya maliban lang kay Asher na magpapasko sa hospital. Muli nanaman akong dinalaw ng lungkot. Guilt suddenly crept inside me. Magpapasko siyang nasa hospital at mag-isa dahil sa akin. Parang gusto ko ng bumalik roon para maalagaan si Asher. Ikinaiinis ko pa lalo ang hindi pagsasalita ng dalawa. Ayos nanaman daw ito at yun ang importante. Hindi pa rin detalyado ang kanilang ibinabalita. Hindi ko kayang hindi mag-alala. Maraming mensahe ng pagbati ang natanggap ko at rineplayan ko ang ilan doon. Mr. Sungit Calling.. "Hello." "Merry Christmas Ms. Celeste," malamig na bati sa akin ni Kaius. Maski ba naman ngayon ay ganoon parin siya kapormal. Sumasabay pa ang tinig niya sa lamig ng panahon. "Merry Christmas din Mr. President," pangagaya ko sa kaniya. Doon lang umikot ang tawagan namin. Isang bagong tawag ang dumating galing kay Jasper. "Merry Christmas baby," masiglang bungad niya sa akin. Lumawak ang ngiti ko ng marinig ko ulit ang endearment na tinatawag niya sa akin noon. "Merry Christmas din Jasper," sagot ko sa kaniya. "Don't mind me calling you "baby" again. Nayon na lang 'to," pagbibiro niya. " Bakit may iba ka na bang baby pagkatapos nito?" Biro ko. " Di mo sure hahahaha. At saka baka biglang bumangon si Asher sa hospital bed para suntukin ako," hirit niya na mas lalong nakapagpatahimik sa akin. Narinig ko ang malakas niyang buntong-hinga. " Lez, I'm sorry. I didn't mean to make you worried. Asher is okay. He's strong so don't you worry," pag-aalo niya sa akin. Tumango ako na para bang makikita niya ito. Hindi nagtagal ay naputol na rin ang pag-uusap namin dahil kailangan niya na itong ibaba at wala na rin akong masabi dahil dinalaw nanaman ako ng matinding pag-aalala. Matagal kong tinitigan ang pangalang nakarehistro, nagdadalawang-isip kong tatawagan ko ba o hindi. Pinili ko na lang na mag-iwan ng mensahe sa kaniya. Siguro ay tatawag iyon mamaya o ako na lang ang tatawag sa kaniya. Napahinga ako ng malalim. Dapat masaya ako. Hindi, dapat ay pinipilit kong maging masaya pero dahil sa nangyari kay Asher tuluyan na akong nanlumo. Isa-isa ko ng naririnig ang kaliwa't-kanang paputok, naririndi na rin ang mata ko sa kabi-kabilang patay-sindi na ilaw sa paligid, kumukulo na rin ang tiyan ko sa halu-halong amoy na pagkain na pumapailanlang sa ere. "Ateeee," tanaw ko ang kapatid ko na tumatakbo papunta sa akin. Yinakap ko silang dalawa at sabay naman nila akong hinalikan sa pisngi. "Merry Christmas ate," chorus nilang bati. "Sus, excited lang kayo sa regalo ni ate eh," pagbibiro ko sa kanila saka kinurot ang pisngi. Natatawa pa silang umangal. Maya-maya ay pumasok na rin kami sa loob. Nasa hapag na silang lahat. Kusang gumalaw ang labi ko para suklian ang ngiti nilang lahat. Pauli-ulit na batian ang narinig ko ng sumapit ang alas-dose. "Merry Christmas mama, papa." Isa-isa ko silang binati at nagmano na rin bilang paggalang at ang pinakahihintay ng lahat..... "Kainan naaaaa!" Nakakatakam na mga putahe ang nakahain sa lamesa. Masaya kaming nagsalu-salo kasabay ng kwentuhan at tawanan. - Tulala nanaman ako sa kisame. Hawak ang cellphone sa kabilang kamay habang sinusuportahan ng kabila ang ulo ko. Ilang minuto na akong naghihintay sa anumang tawag o kahit isang mensahe galing sa kaniya pero wala pa rin. Nag-aalala ako. Nahihiya din akong maunang tumawag o magtext dahil pakiramdam ko ay makakaistorbo lang ako. Alam mo yun? Yung mga imaginations at overthinking. Na baka maging cold ang treatment niya sa akin, ulit. Na baka magalit siya sakin o kaya singhalan niya lang ako. O kaya naman, si tita ang sumagot at sisihin niya ako sa nangyari sa anak niya. Iniisip ko pa lang ay bumibigat na ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung bakit sinisisi ko ang sarili ko sa pagkaka-aksidente ni Asher. Sana pinigilan ko na lang ang nararamdaman ko diba? Sana kumalma ako at hindi basta-basta na lang nagbreak-down. Sana 'di ko na lang sinagot ang tawag niya. Tapos na ang selebrasyon at araw na ng kapaskuhan pero para akong pinaparusahan. Tangina kasing pag-ibig 'to! Imbes na lunurin ang sarili ko sa lungkot at pag-aalala ay pinili ko na lang na alalahanin ang masayang tagpo bago ko naabutan ang sarili ko na nagmumukmok muli sa aking kwarto. ... "Yeheyyyy bukasan na ng mga regalo," masayang sigaw ng mga kapatid at pinsan ko. Nandoon na agad sila sa may paanan ng Christmas tree kahit hindi pa kami tapos na kumain. Tapos na ako pero alam mo na, nagkukwentuhan pa ang matatanda at kinailangan kong manatili roon. Nang matapos ang mahaba at seryosong usapan ay napagdesisyunan na naming mag-exchange gifts dahil hindi na rin hindi na makapag-hintay pa ang mga bata. "Para 'to kay Lhen-Lhen," wika ni mama. "Kay Lance." "Yeheeeeyy," sabay pa nilang sigaw. "Kay Lez," sabay abot sa akin ng parihabang karton. Nauna na akong nagbigay sa kanila ng regalo ko at lahat naman iyon ay mga damit. Masaya ako na nagustuhan nila iyon. Pagkatapos ni mama ay ang mga tiyahin ko naman ang nagbigay ng tigbebente sa amin. Parang mga palakang natubigan ang kapatid at mga pinsan ko dahil panay ang sigaw nila at lundagan. "Iipunin ko 'to," dinig kong sabi ng pinsan kong lalaki. "Saan? Sa tindahan?" pambabara ng isa kaya mas lalong umingay. Natatawa lang namin silang pinagmamasdan. Hawak ko pa rin ang apat na regalo galing kay mama at sa tiyahin ko. Tig-iisang daan naman ang natanggap ko dahil sa panganay ako. Nang mapagod na ang lahat ay kanya-kanya ng tulog kaya natagpuan ko ang sarili ko sa aking kwarto at nagbubukas ng regalo. Isang puting sapatos ang ibinigay sa akin ni mama. Samantalang nakatanggap naman ako ng make-up kit kaya napangiwi na lang ako. Hindi ako sanay na naglalagay ng kolorete sa mukha. Damit naman ang ibang laman ng regalo. Sinipat kong muli ang aking telepono para tingnan kung may mensahe at nanlaki ang mata ko ng makita ang pangalan ni Asher sa screen. Nanginginig na pinindot ko ang answer button at kinalma ang sarili. "H-ello," kinakabahan kong bungad. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan pero parte ng puso ko ay masaya dahil sa pagtawag niya. "Merry Christmas Lez." Hindi ko matukoy kung anong klaseng ekspresyon mayroon siya sa oras na ito. Kaya napanguso na lang ako. "Merry Christmas din Ash. Kumusta ka na?" Muling tumambol ang puso ko sa maaring isagot niya sa akin. "I'm fine, don't worry too much," narinig ko pang tumawa siya. Anong nakakatawa sa pagkaka-aksidente niya? Mamatay-matay na ako sa pag-aalala pero tinatatawanan niya lang ako? Kahit kailan talaga! "Hey." "Nag-aalala ako Ash," seryoso kong sagot at narinig kong natahimik siya. "I missed you." Kumarera na naman muli ang puso ko dahil sa sinabi niya. "I miss-ed yo-u too," nauutal kong sagot sa kaniya. "I love you." Para akong nasemento sa narinig ko. Yes, I've heard him say those words several times before pero iba ang pakiramdam ko this time. Para akong malalagutan ng hininga sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Nataranta ako kaya bigla ko na lang pinatay ang tawag at ilinubog ang sarili ko sa kumot. Ramdam ko ang pagdaloy ng init mula sa aking tainga papunta sa aking pisngi hanggang sa dibdib. Jusko ang landi mo Asher! Hindi ko na sinagot pa ang anumang tawag mula sa kaniya at hindi na nag-abala pang basahin ang mensahe galing sa kaniya dahil baka himatayin ako. Teka! Kinikilig ba ako? My God Lez! Iniiyakan ko pa nga nang nakaraang araw ang pagkakaroon ni Jade ng girlfriend tapos ngayon kikiligin ako sa lalaking 'yon. I hate drugs. Best Christmas ever na ba? Ah basta ang alam ko lang ay malapad ang ngiti ko hanggang sa dalawin na ako ng antok. Bigla lang napalitan ang kalungkutan at pag-aalala ko ng kilig at kaba. The emotions I feel feels surreal.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (168)
Carin Sarino
nice
06/06/2024
0
LogatchoMarryrose
it's this poly? I wanna know if this is polymonari hehe😊
nice
06/06/2024
0it's this poly? I wanna know if this is polymonari hehe😊
16/04/2024
0wowww
01/02/2024
0Tingnan Lahat