logo text

Chapter forty-two

Marahang haplos ang nagpamulat sa aking mahapding mata. Kusa ko itong mabuka dahil pakiramdam ko ay namamaga ito. Hindi ko namalayan na nakaidlip ako at nakatulog nang tuluyan.
Ramdam ko pa rin ang bigat sa aking dibdib at ang kirot sa aking lalamunan dahil sa pag-iyak.
"Wake up, sleepyhead," tinig sa aking gilid.
Nanlaki ang mata ko nang mapagtantong malapit sa akin ang mukha ni Ash-
"Asher?"
Napabangon ako bigla nang makita ang ngisi sa kaniyang labi. Hinagod ko siya ng tingin at sandali pang kinurot ang sarili para malaman kung nananaginip lang ako.
Suot ang isang white polo, jeans at rubber shoes ay nakaupo siya sa silya sa may paanan ng kama ko.
Napasipat ako sa aking sarili at para akong binuhusan ng malamig na tubig nang malaman ang suot ko.
Dali-dali kong hinawi ang comforter at itinakip ito sa aking katawan. Mahigpit ko itong hinawakan na para bang nakasalalay rito ang kinabukasan ko.
"What were you hiding?" nang-aasar niyang tanong habang lumalapit sa akin.
Napaatras ako.
Jusko naalala kong inalis ko pala ang bra ko kagabi, you know "girl thing". Masiyado ring gulo ang buhok ko at sabog ang itsura ko.
"Huwag kang lalapit," banta ko sa kaniya habang patuloy sa pag-atras. Hawak ko pa ang bibig ko dahil baka maamoy niya ang morning breath ko. Patay!
Prente lang siyang nakapamulsa habang naglalakad papunta sa kinauupuan ko.
"Ate?"
Patuloy ako sa pag-atras hanggang sa-
Boggssssshh..
"Arayyyyy!" palahaw ko ng mahalikan nang mukha ko ang sahig.
Para akong pinalo ng paulit-ulit dahil sa hapdi ng noo ko. Pinilit kong itayo ang sarili ko para lamang mapagtantong nakapulupot sa akin ang kumot at nahulog ako sa aking kama.
Sapo ang noo ay sumalubong sa akin ang nakapamewang na si Len-Len.
"Masaya bang mag-dive ate?" pang-aasar niya.
So?
Panaginip lang iyon?
Hindi talaga pumunta si Asher?
Naupo ako sa aking kama at inabot ang salamin para sipatin kung nagkabukol ako. Hindi nakatakas sa akin ang namamaga kong mata, ang namumula kong pisngi at ang buhok kong parang pugad ng ibon.
Naghilamos naman ako kagabi pero wala pa ring epekto.
"Sino si Aher ate?"
Binalingan ko siya ng tingin at umiling na lang ako bago itinuro sa kaniya ang pinto.
Aga-aga niya namang mang-istorbo.
"May bisita ka sa labas ate," sabi niya bago lumabas ng aking kwarto.
Nanlaki ang mata ko at kumaripas na ako ng takbo papunta sa CR. Hindi ko alam kung sino ang bisita na tinutukoy niya pero ang tanging alam ko ay kailangan kong ayusin ang itsura.
Dahil kung si Asher man ay malalagot talaga ako ng bonga!
Dali-dali akong naligo at nagbihis. Pakiramdam ko ay hinahabol ako ng kabayo dahil sa bilis kong kumilos. Hindi ko rin alam kung bakit ako kinakabahan.
Kasalukuyan akong nagsusuklay ng basa kong buhok.
Akala ko hindi siya pupunta?
Nagkatotoo ang panaginip ko.
Teka, anong sasabihin ko sa kaniya?
I'm sure he will not let it pass.
Paano kaya kung umarte na lang ako na parang walang nangyari? Tutal naitago ko nanaman ang namumugto kong mata gamit ang concealer.
Pero si Asher yun!
Hindi ako makakapagsinungaling sa kaniya.
Inis kong tinapos ang pananalamin at muling sinipat ang sarili ko bago lumabas ng pinto. Dinalaw muli ako matinding kaba.
Binibilang ko ang aking lakad bago makarating sa sala. Kinakalma ko ang sari-
"Aeriiiinnnnn..."
Nagulat ako sa pigurang pumulupot sa akin. Mahigpit ang pagkakayap niya kaya napakagat na lang ako sa labi ng matamaan niya ang namumula kong noo.
"Oh my god girl, kamusta kana?" patili niyang tanong.
Paulit-ulit niya pa akong sinipat bago yinakap muli.
"Liane?"
Malapad na ngiti ang iginawad niya sa akin bago ako hinila paupo.
I can't hide the disappointment that I feel.
"Nalaman kong umuwi ka, sakto rin at nagbakasyon ako kaya pumunta ako rito para mangamusta. Laki na ng pinagbago mo ah," mahaba niyang litanya.
"Ayos naman ako, ikaw?" tipid kong sagot.
Si Liane. Pinsan ko siya sa mother's side. Maldita at madaldal. Isa siya sa mga nambubully sa akin noong nasa elementary years pa kami pero siya rin ang naikwento kong dumaldal nang hindi ako matawag na isa sa mga awardee nang grade 1 kami.
"Eto, matabil pa rin hahahaha," natatawa niyang sagot.
I awkwardly laugh.
"By the way, ano ng ganap sa inyo ni Jade? Kayo na ba? Yieeeeee," kinikilig niyang tanong habang paulit-ulit akong tinusok sa tagiliran.
Pakiwari ko'y nadagdagan pa ang bigat ng aking kalooban. Akala ko naman ay mahihimasmasan ako pero hindi pala.
Nakita ko ang excitement sa kaniyang mukha habang naghihintay ng sagot ko.
"Hindi naging kami, tska may nobya na iyon," kunyaring natatawa kong sagot. I tried to play it cool. Pero pakiwari ko ay nagmumukha lang akong natatae.
Lumukot ang mukha niya at ngumuso.
"Akala ko pa naman ay magiging kayo. Sobra kasi akong kinikilig sa inyo dati kahit hindi mo siya pinayagan na manligaw parati ko pa rin siyang nahuhuling tumititig sayo."
Akala ko rin.
Pero mali lang talaga ako ng akala.
Akala ko mahal ako. Hindi pala.
"Eh ikaw, ano ng ganap sayo?" pag-iiba ko ng topic.
"Ganun pa din pero I meet a hottie in the city," malandi niyang tugon. Hinigpitan niya din ang hawak niya sa braso ko. Ramdam ko ang pamamalo niya sa akin dahil sa kilig.
"And guess what?, boyfie ko na siya," kinikilig niyang dagdag.
Ngumiti ako sa kaniya. Good for her!
"Siya nga pala, napadaan lang talaga ako para makibalita," sabi niya sabay tayo.
Makichismis kamo.
"Ganun ba? Sige mag-iingat ka."
Kumaway ako pabalik at inantay siyang mawala sa paningin ko bago nanlulumong bumalik sa loob ng bahay. I feel like, I am so drained already kahit kakaumpisa pa lang ng araw ko.
Bakit ba kasi umaasa akong pupuntahan niya talaga ako?
Imposible nga iyon.
Tiningnan ko ang telepono ko sa pagbabakasakaling may mensahe siya pero ni isa ay wala. Hindi rin siya tumawag o ano pa.
Humiga muli ako sa kama at nagtalukbong ng kumot. Umiinit nanaman ang sulok ng mata ko at nakanguso na rin ang labi ko.
Ano ba 'yan?
Bakit ba ang harsh?
Hindi ko alam kung dahil pa rin ba ito kagabi o ngayon na umaasa akong pupuntahan ako ni Asher?
Alas-syete palang ng umaga. Wala rin akong nadatnang tao sa kahit anong parte ng bahay. Siguro namamalengke sila para mamayang gabi.
December 24 at disperas na ng kapanganakan ni Jesus. Masaya ang pasko pero kabaliktaran ng nararamdaman ko.
Kahit gustuhin ko man na bumalik ulit sa pag tulog ay hindi na ako dinalaw muli ng antok. Naiinis na lumabas ako at dumiretso sa kusina. Naghanda ako ng agahan, nagtimpla ako ng kape at nagluto ng itlog.
Para akong maiiyak dahil nag-iisa lang ako sa bahay. Katahimikan ang bumabalot sa akin maliban na lang sa lagatik ng kutsara at tasa.
Mag-isa akong kakain.
Habang humihigop ng mainit na kape ay pumasok ang isang ideya sa isip ko ng mahagip ng mata ko ang nakasalansang gamit sa may pinto.
Mabilis kong tinapos ang pagkain ko at hinugasan ang kubyertos.
Kahit papaano ay naramdaman ko ang excitement sa pagseset-up ng Christmas tree. Nakangiti ko itong tinapos at kinabit ang ilang pailaw sa palibot nito. Kinuha ko na rin ang binalot kong regalo para sa kanila at inilagay na ito sa paanan nito.
Naisipan ko pang maglinis sa loob ng bahay pagkatapos nang pagkabit ko ng mga pampaskong disenyo.
I am so random. But this honestly helps me feel a little better.
Kailangan kong makalimot kahit sandali.
Dapat lang na kalimutan ko muna ang anumang bumabagabag sa kalooban ko dahil mamayang hatinggabi ay araw na ng kapaskuhan.
Pagod na naupo ako sa silya pagkatapos kong maglinis. Narinig ko na din ang ingay sa labas ng bahay.Nandito na sila.
"Wow!"
"Ang ganda!"
Nakita ko ang pagkamangha sa mukha ng dalawa ng pumasok sila. Tinulungan ko na ring dalhin ang mga pinamili nila at inilapag ito sa lamesa.
"Syempre maganda rin ang gumawa eh," pagbibiro ko.
"Agree ako jan ate," nakangiting tugon ni Lance na ngayon ay sinisipat na ang mga regalo.
Kinindatan ko na lang siya pabalik at sabay pa kaming humalakhak.
Tinulungan ko si mama na ihanda na ang mga lulutuin mamayang gabi. Excited ang lahat sa noche buena at kahit papaano ay nalilibang ako.
Tama yan Lez, magsaya ka. Hindi ka pumunta rito para umiyak at magmukmok.
"Bakit maga ang mata mo," biglang tanong ni mama habang naghuhugas ng lulutuing gulay.
Nakagat ko ang labi ko dahil buong akala ko ay makakaligtas na ako sa mapanuring tingin.
"Inaantok pa po kasi ako eh, si Len-Len maaga akong ginising," kunyaring naiinis kong tugon.
Pero ang totoo ay naiinis talaga ako dahil kung sana ay 'di niya ako ginising ay pinuntahan ako ni Asher sa panaginip ko. Less disappointment rin sana.
Naramdaman ko ang titig nila sa akin.
"Pumunta nga pala rito si Liane kanina."
Kahit na iniba ko na ang topic ay hindi pa rin ata ako nakalusot. Alam na daw nila at sila pa ang kumausap rito kaya matagal pa bago sila makaalis papunta sa palengke.
Hinayaan ko na lang silang tapunan ako ng nagtatanong na tingin at ipinagpatuloy ko na lang ang paghiwa ng sibuyas at bawang.
"Ate may tumatawag sayo," sigaw ni Lance mula sa aking kwarto.
Dali-dali akong pumasok at sinagot ang tawag.
Mabilis ang tibok ng aking puso.
"Hello," kinakabahan kong bati.
"Ba-
Narinig kong may umagaw sa telepono at ang pagtatalo sa kabilang linya. Nangunot ang noo ko ng makitang si Jasper ang tumawag.
"Lez?" boses iyon ni Kaius.
Nagtaka ako kung bakit magkasama ang dalawa at sa di maipaliwanag na dahilan ay bigla akong kinabahan. Humigpit ang hawak ko sa cellphone ko.
"May nangyari b-a?" nauutal kong tanong.
Narinig ko ang marahas nitong buntong-hininga.
"Naaksidente si Ashe-
"Whaaat?" hindi ko na napigilang sumigaw. Napaupo ako sa kama at nanginginig ang aking kamay.
"Listen. Ayos na naman siya. Nagpapahinga na. No complications or what so there is no need to worry. We just called to inform you," mahabang paliwanag ni Kaius.
Natutop ko ang aking bibig.
'Di kaya naaksidente siya dahil ginusto niyang pumunta rito?
No!
Nakita kong nasa pinto na sila mama na nagtatanong kung anong nangyari.
"Hey."
Hindi ko magawang sumagot. Walang salitang lumabas sa bibig ko kahit na marami akong tanong.
I can't forgive myself if I am the reason why he encounter an accident.
Naaksidente ba siya dahil pinilit niyang pumunta rito?
"Please calm down Lez, do you hear me? He's okay," pag-aalo naman sa akin ni Jasper.
Naramdaman ko na lang na isa-isang tumulo ang aking luha at hinahaplos ni mama ang aking likod. Naibaba ko na lang tawag at tuluyan na akong napahagulhol.
Please, not Asher.

Komento sa Aklat (168)

  • avatar
    Carin Sarino

    nice

    06/06/2024

      0
  • avatar
    LogatchoMarryrose

    it's this poly? I wanna know if this is polymonari hehe😊

    16/04/2024

      0
  • avatar
    Jeandel

    wowww

    01/02/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata