logo text

Chapter thirty-nine

Despite the solemn place we are in, pakiramdam ko ay sinasakal ako ng mahabang katahimikan. Hindi ko na maramdaman ang kapayapaan na nakuha ko kani- kanina lang.
Peace was stolen from me the moment I had a glimpse of it.
Para akong naestatwa sa kinauupuan ko, hindi mapakali, hindi makahinga, hindi makalingon. Mas lalo kong naramdaman ang lamig ng ihip ng hangin. Naging sensitibo ako sa mga nangyayari ata nakapaligid sa akin.
"Nakalimutan mo," sa huli ay pagbasag niya sa pananahimik sa pagitan namin saka inabot ang camera na naiwan ko.
"Thanks," tipid kong sagot pagkatapos ilagay ito sa kandungan ko. Laking pasalamat ko dahil nakuha kong sumagot ng tuwid sa kaniya at hindi ipakita ang totoo kong nararamdaman.
I don't even know if I should be grateful that he gave me the camera or I should blame myself for leaving it unintentionally.
Ewan ko, nabubuhol na ang isip ko. Pakiwari ko ay hindi na nagtutugma lahat ng ideya na nakalagay rito o kung may ideya pa ba.
Look how this guy can cause havoc in my system. I'm slowly regretting how I put myself into this very situation.
Ilang beses akong lumunok nang maramdaman ko ang presensiya niya sa aking gilid. Umupo siya sa katabing bato ng inuupuan ko. Kung kanina ay hinahabol ko ang aking hininga ngayon ay parang binawian na ako ng hangin sa baga.
Calm down!
Just stay still, Lez.
But I don't even know how to calm my nerves down or at least look just fine for him.
Pinaglaruan ko ang sarili kong daliri para kahit papaano ay maibsan ang kabang nararamdaman ko. But my raging heart doesn't even flinch.
Why am I even nervous?
I should be calm and unbothered dahil sa aming dalawa ay siya ang nang-iwan ng walang paaalam, siya ang nagconfess tapos nanakit, siya ang nakahanap agad ng iba at lalong siya ang sumira sa mga pangako niya.
Kaya bakit ako kakabahan?
I have all the right to stay still and show that I'm not affected with his presence, anymore. But who am I fooling?
All this time I thought I will never had this same kind and this intense reaction when our world will collide. Akala ko lang pala.
"I'm sorry," maya-maya ay biglang bulalas niya. The inner debate and my trail of thoughts were cutted when he uttered those two words.
Saglit akong napalingon sa kaniya para malamang nakatitig siya ng mariin sa akin. Napalunok ako. Nakikita ko ang lungkot sa kaniyang mata kaya nagbaba ako ng tingin.
My heart beats erratically, again.
"For what?" naguguluhan kong tanong. I gathered the courage to ask him that.
Of course! He should be sorry for dumping me, for leaving me without any words, for finding another girl and for causing me too much trouble.
But I won't admit that. I am not okay inside but I will never give him the satisfaction to know that he had that effect on me after what he did. Over my gorgeous body!
Gustong-gusto kong mag-demand ng explanation mula sa kaniya pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi na dapat pa na marinig ang eksplenasyon na iyon. Para saan pa? Tapos na.
"For everything," he answered after a moment of silence. I can taste the pain through his words but I choose to keep worry aside.
For everything? Is it enough for me to finally let go the feelings and pain I kept inside? Sapat na ba iyo para tuluyan na akong makawala sa kaniya?
Will I get the peace and closure I needed to finally move forward and accept other people in my life? I hope so.
Hindi siya nakarinig ng anuman mula sa akin kaya rinig ko ang malalim niyang buntong hinga.
"Kumusta ka na?" Umarko ang kilay ko sa pabubukas niya ng panibagong topic. Pero para akong binuhusan ng malamig na tubig sa dalawang salita na 'yon.
I never knew how a simple "pangangamusta" can melt you until this time. Para akong napatanong rin sa sarili kung kamusta na nga ba ako.
Matagal-tagal na rin nang huli kong kinamusta ang sarili ko. I can almost feel the water in the corner of my eyes forming.
"Ayos lang," pormal kong sagot imbes na magmukmok ako. I am okay, I should be. At least in front of him.
"Mabuti kung ganon," mahina niyang sagot. Habang patagal ng patagal ang pag-uusap namin hakos lahat ng emosyon ay naririnig ko sa boses niya. Pinipigilan ko lang na umiyak at tuluyang maging mahina.
Pagkatapos nang sagot niya ay ang hangin at alon ang bumalot nanaman sa amin. I'm still thankfuk that we're in this place, at least I can breath fresh air and be calmed by the view.
Mahabang katahimikan ang namayani sa amin. Akala ko ba gusto niyang mag-usap kami? Umuurong na ba ang dila niya? He still had an explanation to give. I need to hear those even though it can't change a thing.
"So, why the sudden leave?" hindi ko napigilang magtanong. Gusto ko na lang matapos 'to.
Naramdaman ko ang paglingon niya sa gawi ko at ang marahas na pagbuntong-hinga. Here we go again.
"Without any words?" pagpapatuloy ko.
I just can't stand to stay quiet without voicing out at least one of the questions that's running through my mind for a long time. I deserve the answers from him.
"Sorry," narinig kong bulong niya. His never ending sorry.
Hinintay ko ang susunod niyang sasabihin dahil hindi lang ang sorry niya ang kailangan kong marinig.
"Biglaan iyon, it's like between life and death situation. Nagkaroon nang problema dito sa probinsya kaya kinailangan kong umuwi. And I didn't get a chance to comeback," malungkot niyang sabi.
But you had the chance to say a word. Yet you didn't.
The anger starts to rise up again but I choose to set it aside and process his words.
For some reason, ay bilib ako sa pagiging mabuti niyang anak, sa sitwasyong ganito ay pipiliin niyang damayan ang pamilya even it means sacrificing an important thing.
Sabagay kahit sino naman siguro ay gagawin iyon.
But what about the girlfriend issue? It isn't part of that situation?
I restrained my self from turning that thought into words. I should know my limits dahil kun hindi ay baka hindi ko na magawang humarap sa kaniya.
Baka sabihin niya ay tanga ako para itanong pa iyon. Pero kung sakaling sabihin niya iyon ay sang-ayon ako. Funny to think that I am pushing him away and I am in pain at the same time.
I smiled bitterly.
Lumingon ako sa kaniya at pinagmasdan ang seryoso niyang mukha. I am still thankful na nagsabi siya tungkol sa naging dahilan nang biglaan niyang  pagkawala and as I can see ay ayos na siya ngayon. Even if it's too late.
There are always reasons for everything.
"Well, I hope you're doing well," sinsero kong tugon. I faced him and somehow see how his reactions calmed down. He answered me with a simple nod.
Naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko kaya pinagtuunan ko ito ng pansin.
1 message received
Mama
Asan ka?
That gave me the permission to exit this conversation. Tumayo na ako ng dahan-dahan.
"Kailangan ko ng umalis, hinahanap na nila ako," pagpapaalam ko. I awkwardly face him and the way back repeatedly to avoid his stares.
Tumayo na rin siya at ginawaran ako ng malungkot na ngiti. Kumirot ang dibdib ko sa nakikitang ekspresiyon sa kaniyang mata but I have to go before I do something stupid.
It is a mixture of sadness and regrets and I know it reflects mine.
Tumalikod na ako pagkatapos salubungin ang kaniyang tingin. Finally!
"Sa..ndali lan..g" naramdaman ko ang kaniyang kamay na pumigil sa aking braso na nagdulot ng kakaibang kuryente sa sistema ko. Nagsimula nanaman akong kabahan.
Humarap ako sa kaniya at nabigla ako nang balutin niya ako sa isang mahigpit na yakap. I can almost hear his pained breathing.
"Just 10 seconds Lez," bulong niya sa tenga ko. Nangilabot ako sa boses niya.
Muling nabuhay ang mga paru-paro sa tiyan ko at dumagundong ang puso ko. Bagama't ramdam ko ang malakas na tibok ng kaniyang puso ay ikinababahala kong malaman niya ang di mapagsidlan kong kaba.
We feel the same way.
Mahigpit ang kaniyang yakap, naramdaman ko pa ang minsang pagdampi ng kaniyang labi sa aking noo at buhok.
Nakapanghihina. Para na akong mawawalan ng balanse kung hindi niya ako hawak.
Again, I am cage in his arms and his unexplainable effect on me.
I find myself again in a situation I kept on escaping.
"Please take care," bulong niya muli bago pinadausdos ang kaniyang kamay sa aking bewang.
What the-
Nanlalambot ang aking tuhod, kung may ikakahina pa ba iyon. I can't even compose myself and stand on my own feet. I am literally leaning and giving my weight on him.
"Mangako ka sa akin," he uttered again.
Ikinulong niya ang bewang ko sa kaniyang palad at tuluyan nang nawala ang lakas ko. Anong ginagawa mo Jade?
I want it to stop but I also don't want this to end.
Sandali niya akong tinapunan ng tingin at pinagmasdan ang mukha ko na tila kinakabisado niya ang bawat parte nito. Naiiyak ako sa paraan nang pagtitig niya sa akin.
I can remember how he stare at me before. It is the exact replica. My Jade has comeback!
"Love."
Tuluyan na akong napapikit dahil sa hindi maipaliwanag na pakiramdam na pumapatay sa akin. Kasiyahan pero pilit iyong tinatabunan ng lungkot.
He trace my eyes, nose, cheeks down to my lips with his shaking fingers.
Pinigilan kong maging luha ang iba't-ibang pakiramdam na umuusbong sa kaibuturan ko.
"I am sorry," narinig ko ang pagpiyok ng kaniyang boses.
Isinandal niya ang kaniyang noo sa balikat ko at mas lalong diniinan ang pagkakahawak sa akin. Kung hindi lang siguro ako nakakapit sa kaniya ay napaluhod na ako dahil sa panghihina.
What is the meaning of this?
Oh God, save me!
Tumindig ang balahibo ko nang maramdaman ang kaniyang hininga sa leeg ko hanggang sa lumapat ang labi niya rito.
Shit!
Holy shit!
"I love you."
Literal na natigil ang paghinga ko, hindi lang dahil sa sinabi niya kundi sa epektong dala ng kaniyang mainit na hininga na tumatama sa balat ko. I am frozen on my feet.
Dinampian niya ng malalambot na halik ang leeg ko hanggang sa umabot iyon sa tenga ko at umakyat sa pisngi ko.
Nanlalaki ang mata ko at naitulak ko siya. What was he doing?
I was shocked for God's sake! I can feel the heat running down.
Pero mas lalo kong ikinagulat nang makita ko ang kaniyang mga mata.
Those tears endlessly fall.
"J..ade?" nanginginig na hinawakan ko ang pisngi niya para pahiran ang luha na kumalat rito.
Imbes na hayaan niya akong gawin iyon ay muli niya akong kinabig at idiniin sa kaniyang dibdib.
Mahigpit ang yakap na iyon na parang ayaw niya na akong pakawalan pero literal na kaba ang naramdaman ko dahil maaring iyon na ang huli.
Why he is acting this weird?
Mali ito!
May girlfriend siya.
I will not be an affair!
"I love you," paulit-ulit niya iyong sinambit habang pinauulanan ng mabilis na halik ang mukha ko.
"Damn much," sabi niya bago hinalikan ang aking sintido.
Naramdaman ko ang pagkalas ng kaniyang braso at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay umusbong nanaman ang kaba sa aking sistema. I can almost feel the coldness when his arms left mine.
Ngumiti siya at pinunasan ang kaniyang mata. Sinubukan kong tumayo ng tuwid kahit na nanghihina pa rin ako.
"Sige, baka hinahanap ka na nila. Mag-iingat ka."
Sandali ko pang sinalubong ang titig niya at sinuklian ang ngiti niya. Peke ang ngiting nakaukit sa nanginginig niyang labi.
Mas lalong nagulo ang sistema ko dahil sa inasta niya. Imbes na masagutan ang lahat ng tanong ko ay nadagdagan lamang iyon at naging komplikado.
"Sige," iyon lamang ang nasabi ko bago tumalikod at pinilit na ihakbang ang aking paa papalayo.
I can't find the right words to explain everything that had happened.
Bakit?
Ginawa ko ang lahat para hindi ako lumingon sa kaniya kahit na dinig ko ang pinipigilan niyang hagulhol.
Wala sa sariling naglakad ako papalayo kahit pakiramdam ko ay hinahatak ang paa ko pabalik.
Natutunaw ang puso ko.
Bakit ganoon siya kung magsalita?
Is it the last time? Last chance?
Why so unfair?
Bakit ba palagi na lang ganito? Bakit palaging sawi sa huli?
I never expected to have a happy ending though but I didn't imagine, being this painful.
Parang tone-toneladang karayom ang paulit-ulit na tumutusok sa aking puso, hindi ko na rin mapigilan ang umalpas na hikbi sa aking dibdib.
Huli na ba ang lahat?

Komento sa Aklat (168)

  • avatar
    Carin Sarino

    nice

    06/06/2024

      0
  • avatar
    LogatchoMarryrose

    it's this poly? I wanna know if this is polymonari hehe😊

    16/04/2024

      0
  • avatar
    Jeandel

    wowww

    01/02/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata