logo text

Chapter thirty-seven

Sunod-sunod na katok ang gumising sa akin. Nanatiling nakapikit ang mata ko dahil ramdam ko pa rin ang pagod mula sa limang oras na biyahe. Idagdag mo pa ang masalimuot na panaginip ko.
Halos matakot nga ako na umidlip dahil baka dalawin nanaman ako ng panaginip na iyon pero dahil sa pagod ay nakaligtaan ko na ang pagod. Natigil ako sa pag-iisip nang marinig ko ang pagbubukas ng pinto.
"Ate, gising na," malakas na palahaw ng nakababata kong kapatid. Ganitong-ganito ang eksena namin na talagang namiss ko.
Imbes na bumangon ako ay tumalikod ako at sumiksik sa aking unan. Itinakip ko pa ang kumot sa aking mukha. Gusto ko pang matu-
"Ateeeeeee!"
Napabalikwas ako at tinitigan ng mariin ang nakapamewang na si Lhen-Lhen. Hinagod ko siya ng tingin at napataas ang kilay ko dahil sa suot niya. Kinuskos ko pa ang mata ko dahil nanlalabo pa ito.
"Inaantok pa ako," sabi ko bago humiga ulit. Hindi pa rumerehistro sa utak ko ang mga nangyayari sa paligid ko.
Napakamot ako sa ulo ng hilahin niya ang kumot ko at paulit-ulit akong yinugyog. Wala akong nagawa nang akayin niya na ako palabas ng kwarto.
Ayokong sinasalubong ako ng hindi magandang gising. Ngayon na nga lang nakapag-bakasyon ay ganito pa ang bungad sa akin pero hindi ko naman magawang magalit.
"Oh, hindi ka pa pala nakakapag-ayos Lez?" sabi sa akin ni mama kaya binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin bago dumeritso sa lamesa.
Nawala ang antok ko ng makita ang pagkaing nakalagay sa basket. Tiningnan ko silang muli at kumaripas na ako ng takbo papuntang CR.
"Bilisan mo jan!" sigaw ni mama. Dali-dali akong naghilamos at inayos ang sarili.
Nag-ayos muna ako bago naghalungkat sa dala kong bag para maghanap ng damit pampaligo. Laking pasalamat ko sa sarili ko dahil naisipan kong magdala ng mga damit na maaring gamitin kung sakaling magkayayaan maligo.
"Andyan na," pabalik kong sigaw ng marinig kong muli ang katok sa pinto. Hindi naman kasi ako nainform na may swimming palang magaganap.
Suot ang maikling shorts,single strap na croptop ay pinuyos ko ang magulo kong buhok bago kinuha ang bag at lumabas ng kwarto. Hindi ako nakapaghanda ng maayos dahil sa pagmamadali pero pwede na 'yan.
"Ang sexy mo naman ate," bungad sa akin ni Lance na suot ang polo at board shorts. Binata na talaga ang kapatid ko.
Kinindatan ko siya saka pinisil ang pisngi. Sabi ko na eh, malakas talaga ako sa kapatid kong 'to. Hindi ako masiyadong prepared pero ang sexy ko raw.
Kasalukuyan naming binabaybay ang malawak na karagatan gamit ang aming bangka. Tanaw ko ang matataas na burol na nakapalibot rito.
It was a nice view.
Parang nawala sa sistema ko ang tanawin ng nagtatayugang mga gusali, ingay ng paligid, polluted na hangin at ang magulong Maynila. Para akong nakahinga ng maluwag.
Patuloy akong namamangha sa paligid ko nangaramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko kaya kinuha ko ito sa sling bag na dala ko.
2 messages received
Ash
Okay, take a rest then.
Good morning :)
Napangiti ako at mabilis na nagtipa ng reply sa kaniya. Isinilid ko na itong muli nang marating na namin ang Crystaline Beach.
Napanganga ako sa ganda ng tanawin rito, malaki at berdeng kagubatan, mga bamboo cottages na nakahilera sa gilid, ang puting buhangin at ang mala-kristal na karagatan. No wonder kung bakit ito sikat sa aming lugar. The view and ambiance was refreshing enough for a clouded soul.
Isa-isa ng nag-sibabaan ang kasama ko pero nanatili ang aking mata sa camerang hawak ko, hindi ko na pinalampas ang bawat angulo na naaabot ng mata ko.
The most beautiful view is seen by the eyes but it's also good to capture rare moments.
Maraming tao ang nagkalat, karamihan ay mga dayuhan. Walang duda kung bakit dinarayo ito ng mga turista. You are like in a paradise, mesmerized with God's creation.
"Doon ang cottage natin Lez."
Lumingon ako sa gawi ng tiyahin ko. Bukod sa amin ay kasama  rin namin ang iba kong kamag-anak. Reunion kumbaga– another thing that I love about province.
Tumango ako at tipid na ngumiti bilang sagot sa kaniya. Nagpatuloy ako sa pagkuha ng litrato.
Narating na nila ang cottage pero nandito pa rin ako sa tubig, feeding my eyes with nature's wonder. Kasalukuyan kong kinukuhanan ng litrato ang malaking starfish na nagbibilad sa ilalim ng tubig.
Everything is fresh from my sight.
"Sorry."
Isang batang lalaki na nakasuot ng swimming trunks ang tumambad sa harapan ko. Hindi naman ako tinamaan ng bolang dala niya kaya nginitian ko ito.
"Teka, parang pamilyar po ang mukha niyo."
Naantala ako sa muling pagkuha ng litrato nang marinig ko ang sinabi niya. Pinagmasdan ko ang batang lalaki na siguro ay nasa walong taong gulang ang edad.
Medyo kulot ang mahaba niyang buhok, makapal ang kilay at inosente ang mata. His bare smile reminds me of---
Quite familiar.
I brush the thought away because I didn't want to ruin this blissful feeling.
"Kilala mo ako?" tanong ko bago tinungo ang direksyon niya. Hinagod niya ako ng tingin bago umaktong nag-iisip.
"Parang nakita ko na po kayo dati," nakangiti niyang saad.
" Kaso 'di ko na po maalala kung saan at kailan," dagdag niya na nakakamot sa ulo.
I patted his head and give him a warm smile. Tumakbo siya papalayo, papunta sa babaeng tumawag sa kaniya sa hindi kalayuan.
Sinimulan ko na ring maglakad at dumeritso na ako sa cottage namin. Naabutan ko silang nag-aagahan kaya nakisali na rin ako.
"Ate kuhanan mo ako ng picture mamaya ha, ang ganda kasi nitong binili mo para sa akin," litanya ni Lhen-Lhen habang kumakain ng tinapay. Natawa kami ng umikot-ikot pa siya para ipakita abg suot niya.
"Sige ba," maikli kong sagot.
Suot niya ang mini bikini na pasalubong ko sa kaniya kaya nakikita ko ang pagkislap ng mata niya. Himala at nagustuhan niya ang ganoong klaseng damit. Siguro ay nahiya siya sa sinabi ni mama kagabi.
Nang matapos kaming kumain ay natagpuan ko na lamang ang sarili ko na hila-hila ng dalawa kong kapatid malapit sa may dagat. Hindi nila nakalimutang ang pagpapa-picture sa akin.
Sabay pa nilang sinuot ang shades saka nag-pose. Napailing ako at natawa dahil ang kulit nilang dalawa
"1 2 3 pose," paulit-ulit kong sabi habang hawak ang camera. Hindi naman sila napapagod na magpakita ng kung ano-anong pose dahil halos sunod-sunod ang pitik na ginawa ko.
Panay ang tawa ko sa tuwing papakitaan nila ako ng "model pose" daw nila. Ang dami nilang nalalaman.
Nakangiti lang ako habang isa-isang tinitingnan ang mga kuha ko sa kanilang litrato. Nakaupo ako sa duyan na nakakabit sa dalawang puno ng niyog habang tuwang-tuwa na ang dalawa sa paliligo. Parang bigla nilang nakalimutan ang litrato at sumuong na sa dagat.
As I was scrolling through the photo, my heart flipped a second when the next picture appear. Paulit-ulit ko pa itong zinoom ara makumpirma kung tama ba ang nakikita ko o namamalik-mata lang ako.
Paulit-ulit rin akong pumikit bago tiningnan muli ang lalaking nahagip sa litrato. Do I miss him that much?
It was him. It was really him.
Napalunok ako ng maramdaman ang kakaibang pintig ng aking puso. Nanlalamig din ang kamay ko at  aligagang tiningnan ang paligid pero wala akong nakitanf bakas niya.
Handa na ba akong mag-krus muli ang landas namin?
Sinubukan kong tingnan ang susunod na litratro at mas lalo ko lamang nakumpirma na siya nga iyon. Mas malinaw ito kumpara sa naunang litrato. Hindi ko na magawang punahin ang kuha ng kapatid ko dahil sa lalaking nahagip sa likod niya.
This time, I feel the sweating of my palms and shaking of my knees. Hindi ako mapakali sa pwesto ko.
Tiningnan kong maigi ang pigurang nakaharap sa camera at may seryosong mukha. Hindi ako nagkakamali dahil ang kaniyang mata ay mismong nakatingin sa akin. Para bang nangungusap ang mata niya.
I see something in his gaze. Something strange. The familiar stares.
Pinilig ko ang ulo ko at isinilid ang camera sa lalagyan nito. Nahihibang nanaman ako.
"Si kuya Jade ba iyon?"
Pakiwari ko ay nalaglag ang puso ko nang may magsalita sa harapan ko. Ang batang lalaki kanina, hawak niya pa rin ang bola.
I awkwardly smile, I really don't know how to answer his question. Pero hindi ko rin sigurado kung ako ba ang kinakausap niya.
Ngumiti lang siya pabalik at linaro ulit ang bola na dala niya.
"Ikaw nga yon," bulalas niya kinalaunan kaya napaisip nanaman ako.
Bakit niya ako kilala?
I know I have an existing idea why he keeps on telling me that he knows me. Ayaw ko lang talaga ientertain iyon.
It isn't a shock if we crossed paths, but I know I  am not yet ready to face him.
Especially if he is with----
"Beatrice?"
Literal na nanlamig ang sistema ko ng marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Paulit-ulit kong kinagat ang aking labi at pilit na kinakalma ang sarili ko.
"Kuya Jade?"
Lumipat ang tingin ko sa sumulpot na pigura mula sa buhangin sa paanan ng paa ko. Suot ang sando at board shorts, ay hindi ako nagkamali na siya nga iyon. Walang pinagbago ang kaniyang itsura maliban sa pagdagdag ng kakisigan niya.
"Oh, Angelo anong ginagawa mo rito? Asan si bea---
Naputol ang sasabihin niya nang magtagpo ang mata namin. I feel like I am lost for air, I feel like I'm choking. The pets in my stomach are hysterical at this moment, so I am. Pakiwari ko ay hindi ko maiitatago ang panginginig ng aking kamay ko.
"Asan si Beatrice?" pag-uulit nito ng tanong ng mahismasan at umiwas ng tingin.
Nagpalipat-lipat ang tingin ng batang lalaki sa amin. Parang nasagot na ang tanong sa munti niyang isipan.
I compose myself and I find every courage to stand straightly. I need to exit.
Ngumiti ako ng pilit ng bumaling ang tingin nila sa akin bago ako tumalikod para umalis.
"Kilala mo ba siya kuya Jade, parang nakita ko na siya," rinig kong tanong ng bata.
Binilisan ko ang lakad ko at hindi na hinintay pa ang maaring sagot niya sa tanong na iyon.
What if he pretend that he don't know me?
May isasakit pa ba doon?
Naramdaman ko nanaman ang pag-init ng sulok ng mata ko. Parang unti-unting dinudurog ang puso ko sa isipin na iyon.
After those months, I still can't forget him. Apektado pa rin ako. Buong akala ko ay magagawa ko ng salubungin ang tingin niya, tingin na hindi nagpapakita ng anumang emosyon.
Akala ko nakalimutan ko na ang nararamdaman ko sa kaniya o baka nasa isip ko lang iyon. Baka dahil wala siya sa tabi ko akala ko wala na rin siya sa puso ko.
I prepared for this day, I even create different scenario inside my head and do scripts.
Pero balewala lahat ng iyon, isang tingin lang, nakalimutan ko ang pride na iniingatan at binuo ko before I decided to face him.
One look and my insides melt. I can't accept that he had that such effect on me.
This is all wrong. We have separate lives.
I should face him without any trace of regrets and wants. I should respect the changes he had.
I will, not now.
At sa puntong ito ay kailangan ko munang lumanghap ng preskong hangin para makalma ang nagwawala kong puso.
I need to atleast fixed myself.
Pero natigil ako sa paglalakad ng makita kong kasalukuyang nagkakaroon ng pictorial ang magaling kong pamilya habang wala ako.
Parang biglang nawala ang kaba ko at napalitan ito ng pagtatampo pero bigla itong naging pagtawa dahil nakita ko kung gaano sila nahirapan na kumuha ng litrato.
"Hindi nga ganyan mama. Ikaw lang nakikita niyan eh," reklamo ni Len-len.
" Hayaan mo na at gustong ipagmayabang ng mama mo ang panty at bra niya," panunukso ni papa na ikagusot ng mukha ni mama.
" Anong panty at bra? Hindi mo ba alam na bikini 'to?" Sagot ni mama at umikot pa para ipakita ang pula niyang swimwear.
Nagtawanan ang mga kasama niya kaya pati ako ay napatawa rin.
"Bakit hindi ako kasali sa picture taking ninyo? Hindi ba ako belong sa family?" kunyari ay nagtatampo ako. Mahina namang hinila ni mama ang buhok ko.
" Sus naman itong panganay namin nagtatampo. O siya kuhanan mo na kami ng litrato niya," sagot niya na mas lalong ikinanguso ko.
" Akin na nga," padabog kong pagkuha ng camera.
"Hindi ka naman mabiro eh," paglalambing ni pala sa akin bago inagaw ang cellphone at binigay sa dumaang lalaki.
" Iho pwedeng pakuha kami ng litrato? Mabilis lang naman."
Pigil ang tawa ko dahil walang nagawa ang lalaki. Mabilis kaming pumwesto para kuhanan ng litrato. Nakailang shots rin bago kami matapos.
" Pasensya na ha," hingi ko ng paumanhin sa lalaki pero napakamot lang ito sa ulo at namula ang pisngi.
"O-kay lang po." At mabilis na itong umalis.
" Siya nga pala Lez nakita ko si Jade tska ang pamilya niya. Nagswimming daw sila. Nakausap ko nga ang batang iyon at marami ng pinagbago," mahabang litanya ni mama.
Parang bumalik ulit ang pakiramdam na nakalimutan ko na sana.
"Hindi mo man lang ba kakamustahin?" dagdag ni mama ng hindi ako sumagot. Walang pasabi akong umalis.
Kailangan kong huminga.

Komento sa Aklat (168)

  • avatar
    Carin Sarino

    nice

    06/06/2024

      0
  • avatar
    LogatchoMarryrose

    it's this poly? I wanna know if this is polymonari hehe😊

    16/04/2024

      0
  • avatar
    Jeandel

    wowww

    01/02/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata