logo text

Chapter thirty-five

"Sigurado ka bang ayos ka lang?"
Nakailang irap na ang ginawa ko nang marinig ko nananaman ang paulit-ulit na tanong ni Kaius sa akin.  Hindi naman ako naririndi sa kaniya o sa tanong niya pero para na kasing sirang-plaka na nagre-replay sa utak ko ang boses niya.
" Ayaw mo lang na matalo kita eh," biro ko sa kaniya. Bigla siyang tumigil sa paglalakad at nakaawang ang labi na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
" I didn't know na ang pag-aalala pala sa isang kaibigan ay pag-iisipan na ng masama ngayon. I was so disappointed! I can't believe you Ms. Celeste," mahaba niyang litanya.
" Call me Aerin and I will take back what I've said," hamon ko sa kaniya at nagpatuloy sa paglalakad. Naramdaman ko na muli siyang sumunod sa akin pero hindi siya sumasabay sa lakad ko.
Simula kasi ng sabihan ko siya na tigilan na ang kakatawag sa akin na Ms. Celeste dahil kinikilabutan ako dahil pakiramdam ko ay mayroon kaming recitation at ako na ang natawag, ay tinigil niya na at siya na mismo ang nag-insist na he will call me by my second name.
It's weird at first pero unti-unti na rin akong nasanay. At halos silang tatlo ay may mga "endearments" sa akin. Hindi ko alam kung nag-usap usap ba sila pero hinayaan ko na lang.
" I won't. You fucking take my kindness badly. You're not like that," sagot niya.
You heard it right?
The president of the student council and the nerdy Kaius Buenavente is cursing right in front of me. For the past months, many things and people have changed including him.
The serious him became a reckless, care-free and more human-like and it's because of me and my team. I feel proud right now.
Hindi lang sa salita ang nagiging impluwensiya namin sa kaniya pero sa iba pang bagay.
May mga pagkakataon na hindi kami nag-aattend ng pang-hapong klase kapag alam namin na hindi naman papasok ang teacher namin. Lumalagi lang kami sa haven at kung ano-ano ang pinagkakaabalahan.
"This is your fault woman. Ayan tuloy napagalitan ang dakilang president natin. You're a bad influence," natatawang sabi ni Asher.
Kagagaling lang namin sa Dean's office at naglalakad na kami pabalik sa haven. Pinatawag kasi kami dahil hindi daw kami pumapasok sa klase. At ang rason namin?
"Wala naman si ma'am eh."
Imbes na parang biyernes-santo ang mga mukha namin lalo na si Kaius dahil nasabon kami ay para pa kaming mga tanga na tawang-tawa sa mga pinagagawa namin.
"Hala bakit ako? Suggestion lang naman eh. Bakit ba kasi kayo sumunod," pagmamaktol ko.
" Sabi ko naman kasi sayo baby, please lead the way and I'll follow," biro naman ni Jasper. Sabay pa kaming nag-apir sa isa't isa.
"Pres? Nagsisi ka na ba na inapprove mo na maging kabilang ako sa banda niyo?" kunyaring nalulungkot kong tanong. Bigla namang pinitik ni Kaius ang noo ko.
"Nagsisisi ka jan!"
" Eh, bakit ang tahimik mo jan bigla?" muli kong tanong.
"Iniisip ko lang kung anong sunod na palusot natin kung ipatawag ulit tayo sa dean's office," sagot niya na ikinatawa naming lahat.
"Tuluyan na ngang nilamon ang sistema ni pres ng mga technics mo baby. Pambihira. Nakakabilib ka," sabi ni Jasper at umakto pang kinokoronahan ako at sabay-sabay pa silang yumuko na parang prinsipe.
"Mga baliw," sigaw ko sa kanila.
"Kanino nagmana?" tanong ni Asher.
"Sa akin?" Sagot ko at muli kaming nagtawanan.
...
"Stay ka lang jan, ikukuha kita ng upuan," sabi ni Kaius at iniwan ako para kumuha ng dalawang upuan sa kabilang room.
Sa wakas ay nakarating na kami sa designated room kung saan gaganapin ang competition.
"Here," sabay abot sa akin ng upuan at inilagay na rin ang sa kaniya sa tabi ko. Meron na ring ibang mga contestants na kasama namin dito.
" Mukhang kinukumbinsi mo ako na magpatalo ah. Pwes hindi mo ako madadala jan Mr. Buenavente," saad ko na ikinangiwi ulit ni Kaius.
"Nababaliw ka nanaman Aerin," naiiling niyang saad at kinuha ang libro na binabasa niya. Inagaw ko ito sa kaniya at yinapos ng braso ko.
"Ano ang sabi ko?"
" Too much intelligence can make you go crazy," tamad na sagot niya sa tanong ko.
Paulit-ulit akong tumango at tinapik ang ulo niya. Ngumuso lamang siya at inirapan ako.
" Good boy," natatawa kong saad.
" Sabi ko naman sayo ako ang mananalo sa kompetisyon na 'to. Natatakot ka na ba?" biro ko sa kaniya.
" Okay sabi mo eh," kibit-balikat niyang sagot. Sinipat ko naman ang noo niya kung may sakit ba siya dahil nag-agree siya sa sinabi ko at hindi nakipag-debate sa akin.
Kung marami siyang pinagbago, meron pa rin namang mga bagay na nanatili sa kaniya, at yun ay ang hindi siya nagpapatalo. Hindi niya hahayaan na matalo siya lalo na sa argumento.
"Ikaw ata ang hindi okay pres, bakit tinamad kang makipagsagutan sa akin?"
" Kahit ano kasing sabihin ko, mapagkakamalan mo pa rin na sinasamantala ko ang kahinaan mo," nagtatampo niyang tugon na kinatigil ko.
"The choice of words, I cannot! Nagtatampo ka na niyan Kaius? More acting pa. Kung judge ako niyan hindi ako madadala sa drama mo," saad ko. Bigla naman siyang umakto na parang naluluha at lalong pinalungkot ang mukha.
"More pa," panghihikayat ko.
"Tama na," sabi niya pero unti-unti ng lumalabas ang luha sa mata niya. Tuwang tuwa naman ako at napapalakpak.
"May I get your attention please," tinig na nakapagpatigil sa aming dalawa.
Kumpleto na pala ang contestants at nandito na rin ang facilitator at halos silang lahat ay nakatingin sa amin. They're maybe wondering what is wrong with us. At kami lang ang nakakaalam noon.
"Sorry po," sabay naming hingi ng paumanhin. Natawa pa ako ng palihim nang makita ko na mabilis na pinunasan ni Kaius ang mata niya. Pinandilatan niya lang ako at inikutan ng mata na sinagot ko naman ng mahinang pagsiko sa braso niya
"Welcome participants! Please write your names on the attendance sheet that is to be distributed and we'll now start the POEM MAKING COMPETITION," mahabang paliwanag ng facilitator sa unahan.
Nang makarating na sa amin ang papel ay liningon ako ni Kaius, kinindatan ko lang siya at alam niya na ang gagawin.
"Thanks," sambit ko nang makita ta inilista na niya ako at linagyan na din ng pirma.
Kumuha na ako ng papel at ballpen at pinakatitigan ang nakasulat na theme sa board. Marahan ko pang kinagat kagat ang dulo ng ballpen ko pero mabilis iyon na inagaw ni Kaius at pinalitan ng ballpen niya na metal ang takip.
"Goodluck," saad niya bago yumuko at nagsimula ng magsulat.
" I'll win," pabiro kong sagot na ipinagkibit balikat niya lang.
...
" I've messed up my entry," pag-aalburuto ko.
"Kunyari ka pa tatalunin mo nga ako," pag-aalo sa akin ni Kaius.
We're currently on the cafeteria para bumili ng pagkain. Kakatapos lang ng contest at dumeritso agad kami rito dahil pakiramdam ko ay naubusan ako ng lakas.
" I'll let you win muna. Next time babawi ako," nakanguso kong sabi habang hinihintay ang order naming dalawa.
" Mananalo ka nga Aerin," pinal na tugon ni Kaius bago tumayo at kinuha na ang pagkain namin.
I'm sure I messed up. Lalo na sa last part dahil dinidistract ako ng isang yun.
" Masiyado na yang mahaba. Balak mo talaga akong talunin," pangungulit ni Kaius habang nagsusulat ako ng last two stanzas. Dahil tapos na siya ay ako naman ang iniistorbo niya.
"Manahimik ka," gigil kong saad.
"Sabi ko nga," pabulong niyang sabi at nanahimik na lang.
"Stop pouting and eat your food," istorbo ni Kaius sa pagmuni-muni ko. Hindi ko napansin na nasa harapan ko na pala ang pagkain.
"I just can't get over with it," ayaw paawat kong reklamo.
"Fine. We'll talk about it later. Eat your food Aerin," seryosong utos niya dahil hangga't hindi ako nagsisimulang kumain ay hindi niya rin ginagalaw ang kaniya.
Tumango lang ako at nilantakan na ang pagkain na inorder ko. Walang nagsasalita sa amin dahil pareho kaming nadrain sa contest na iyon.
" Your meds," paalala niya sa akin pagkatapos naming kumain. Muntik ko na ngang makalimutan ang gamot ko.
I have this weird swollen thing in my cheeks for several days. Medyo okay nanaman dahil sa gamot na iniinom ko pero those days were really trouble for me. Yun din ang dahilan kung bakit ako paulit-ulit na tinatanong ni Kaius kung okay lang ako.
Pagkatapos kong inumin ang gamot ko ay saka ko lang napansin na meron akong text messages galing sa dalawa reminding me to take my medicine.
Napangiti ako. I'm sure lucky to have these guys. Even without him.
Before it take me to something dramatic tumayo na ako at inaya na si Kaius na umalis na.
Mamayang hapon ay malalaman na ang result ng winners pero hindi ako excited para doon dahil alam kong hindi naman mababanggit ang pangalan ko.
" Huwag ka na ngang sumimangot jan. I'll assure you this time, matatalo mo na ako," muling pagbubukas ni Kaius ng topic.
Papunta na kami ng library at doon muna magpapalipas ng oras bago pumunta sa tambayan. Siya rin ang nagdadala ng bag ko dahil para na raw akong lantang gulay sa itsura ko.
" Asan na yung, " ayaw mo lang matalo kita eh" mo kanina?" dugtong niya pa nang hindi ako sumagot.
" You know what? You're just making me feel worse," naiinis kong sabi na sinagot niya ng tawa.
" My God Aerin! I'm doing my best to cheer you up. Ang arte arte mo nanaman," imbes na mainsulto ako ay natawa na lang ako dahil ang taray taray niya iyong sinabi.
Nang makarating kami sa library ay tinungo namin ang palagi naming pwesto, sa dulo. He pulled a chair for me which they always does. Gentlemen!
Umupo na ako habang siya naman ay naghanap na ng libro na pwede naming basahin. Napangalumbaba naman ako sa mesa habang naghihintay sa kaniya.
"Here, read this. You'll feel better," abot niya sa akin ng manipis na libro na parang fairytale book. Tinaasan ko lang siya ng kilay nang makumpira ko nga iyon nang buklatin ko ang pahina.
"Seriously? A fairytale?" Nanghihina kong tanong sa kaniya.
"What? It is to remind you that life is indeed magical. Malay mo mamaya ay may magic na mangyari," parang bata niyang saad.
I can't imagine this guy being fond of these kind of books. Change of genre huh?
Nakanguso ko na binuklat ang libro habang si Kaius naman ay hawak na ang makapal na chemistry book. Bigla akong napangiwi nang makita ko ang sangkatutak na mga numero.
Mas okay na pala na ito na lang ang basahin ko pero imbes na magkaroon ako ng interes ay nakatulugan ko na ang pagbabasa.
...
" Hey! Wake up," paulit ulit na bulong sa akin ni Kaius pero pabaling baling lang ako ng ulo.
" 5 minutes pres," sagot ko.
" That's too long. Come on, stand up. The guys are looking for us."
Wala akong buhay na tumayo at naglakad. Si Kaius na muli ng nagbitbit ng bag ko at inayos rin ang buhok ko nang makarating kami sa desk ng striktang librarian at tingnan kami na parang may ginawa kaming masama.
"Look out," sigaw ni Kaius at mabilis akong sinambot dahil muntik na akong mapatid sa halaman na nakausli.
" Tulog ka pa ata eh," natatawang sabi niya na ngayon ay nakahawak na sa braso ko para masigurong hindi na ako mapapatid.
"1 minute pa pres," hirit ko na mas lalo niyang ikinatawa.
"We're here," saad ni Kaius nang makarating na kami sa tambayan. Siya na ang nagbukas ng pinto. Binalingan niya pa ako at nginitian.
"Ready?" Tanong niya na nakapagpataas ng kilay ko.
"For what–
Bago ko pa madagdagan ang sasabihin ko ay bumukas na ang pinto at sumalubong sa amin ang nakasuot ng party hat na sina Asher at Jasper. May hawak pa silang cake at flowers.
"Congratulations," sabay-sabay nilang sigaw habang ako naman ay tulala.
"Sinong may birthday at bakit congratulations?" Nalilito kong tanong. Nagtinginan sila at dismayadong tumingin sa akin.
"Pres that woman is still asleep. Go, wake her up," naiinip na sabi ni Asher.
"Congratulations baby!!! You win the poem making contest!" Malakas na sigaw ni Jasper at hinigit ako papasok. Binigay niya rin sa akin ang boquet na lutang ko namang tinanggap.
"Finally meron ng nakatalo sa nag-iisang Kaius Buenavente," segunda ni Asher habang pinapahipan sa akin ang dala niyang cake.
When realization hit me I suddenly shriek that annoyed the boys but they just laugh at my reaction.
"Oh my gosh! The magic you're saying is for real," madrama kong sagot at tinapik ang balikat ni Kaius.
" I told you," nakangiti niyang sabi at ginulo ang buhok ko.
"Ang galing naman ng baby ko, pakiss nga," singit ni Jasper. Sinalubong ko lang ang yakap niya at inilayo ang mukha ng akmang hahalikan niya ang pisngi ko.
"The wound," paaalala ni Asher. Hindi ko alam kung binabalaan niya o pinapaalalahan ang isa tungkol sa sugat ko sa pisngi.
Pero kahit ano pang pakay niya ay yinakap ko na rin siya.
"Kayo lang ba?" Nagtatampong sabi ni Kaius.
"Grouppp hugggg," sabay-sabay naming sigaw at nagyakapan kaming apat.
" Pres sobrang diin naman ata ng yakap parang may halong galit ka ah," reklamo ni Jasper.
"Utot mo," sagot naman ni Kaius.
"Mabaho," sabay naming sagot ni Asher.
"Ako nanaman nakita niyo palibhasa gwapo ako," saad ni Jasper na siyang dahilan para maghiwa-hiwalay kami.
"Kain na nga tayo," aya ko sa kanila.
" Oo nga bago pa tayo mabusog ng hangin ng isa diyan.
Nagtawanan kami.

Komento sa Aklat (168)

  • avatar
    Carin Sarino

    nice

    06/06/2024

      0
  • avatar
    LogatchoMarryrose

    it's this poly? I wanna know if this is polymonari hehe😊

    16/04/2024

      0
  • avatar
    Jeandel

    wowww

    01/02/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata