logo text

Chapter thirty-four

Pang-hapong ihip ng hangin ang bumalot sa akin, parang hinahaplos ang aking puso habang pinapanood ang pag-lubog ng araw.
Parang replika ata ng tanawin ang nararamdaman ko ngayon. Parehong maganda, maaliwalas at payapa.
Sana ako rin!
Nandito kami sa seaside, hindi man ako pamilyar kung saan ang lugar na ito pero alam kong magaan ang loob ko simula nang mapagmasdan ko ang kagandahan nito.
Mas mabilis ko pang makapalagayan ng loob ang paligid ko kaysa sa mga tao.
Is it a bad thing? I think it isn't. Nature will give you peace but humans will ruin it.
Yes! I can spend all my time  comparing and giving endless reasons why being attached, accepting friendships and building relationships can be a real trouble. Like real war.
But I shouldn't kill the mood. I will take this opportunity because peace rarely visits me.
Simula ng dumating kami ay nakangiti na ako. Nabawasan na rin ng kaunti ang pangungulila maski na ang sakit na pili kong itinatago. Laging tinatago. Siguro kung kasintahan ko ang sakit ay magtatampo na siya sa akin.
Ah basta! Tama na muna ang drama.
Maraming tao ang naririto, katulad namin, pinapanood ang paghalik ng araw sa kalmadong karagatan. Hindi nakakasilaw ang paghahalo ng mga kulay at ang mabagal nitong pagpalit sa paglipas ng oras.
Sunsets can really change your whole mood. Napakagandang pagmasdan! It is also a daily reminder that not all endings are sad and there's always something to look forward at the end of a painful day.
"Here."
Napalingon ako kay Asher at mas lalong lumapad ang ngiti ko nang makita ang burger na hawak niya. Ni hindi ko namalayang umalis pala siya sa tabi ko para bumili ng pagkain. I'm too stunned to care.
Baka may masamang loob na lumapit sa akin pero mukha pa rin akong timang na nakatitig sa papalubog na araw. Huwag naman sana!
"Salamat," nakangiti kong saad. This guy is spoiling me. He's being too kind and sweet all of a sudden.
Inilapag niya sa inuupuan namin ang dalawang bottled water. Binuksan ko na rin at agad na kinain ang hawak kong burger at ibinalik muli ang tingin sa tanawin.
Napatingin ako sa burger na hawak ko. Wala namang special rito dahil pareho lang ito sa typical na itinitinda sa mga stalls pero bakit parang pakiramdam ko ay napakasarap nito.
Oh my god! I'm weird.
"Looks like you're enjoying it here," pagsisimula niya ng usapan. Bullseye!
Paulit-ulit akong tumango ako at sinuklian ang ngiti niya. I have so much to say pero sa dami noon ay hindi ko alam kung saan ako magsisimula at saka busy ako sa pagkain.
This is all too overwhelming that I feel like my heart's gonna explode.
Katahimikan ang namayani pagkatapos noon. Bagama't maingay ang paligid dahil sa mga batang nagkalat ay pakiramdam ko ay kami lang ang naroroon.  Everything seems perfect.
Tinapos ko na ang pagkain ko at uminom ng tubig bago bumaling sa katabi ko na hawak ang kaniyang cellphone.
He's missing the mesmerizing scene in front of him. I wanna snatch that thing on his hand.
"You're cute here," sabi niya sabay pakita nang kuha niya sa akin habang kumakain. So, he's busy taking candid pictures of me.
Why does it feel like we're dating and in love with each other? Gosh, I should stop this unnecessary thoughts!
Napailing ako at imbes na kung ano-ano pang maisip ko ay tinawanan ko na lang siya at tinapunan siya ng nanunuksong tingin, sinabayan ko pa ito ng pag-sundot sa tagiliran niya.
"Sabi na nga ba at may crush ka sa akin eh," walang hiya kong tukso sa kaniya.
Tumawa lamang siya bago inabot sa akin ang panyo. So, he's not denying it. Does that mean–
"Clean up your face," utos niya sa akin at bahagyang ginulo ang buhok ko. Natulala ako ng ilang segundo pero pilit kong pinagtakpan ang namumula kong pisngi.
Ibinalik ko sa kaniya ang panyo at inilapit ang mukha ko. Tinitigan ko siya sa mata.
"Ikaw na," malambing kong tugon. Para akong kinilabutan sa mismong boses ko.
Am I insane?
Nakita ko kung paanong nagtaas-baba ang kaniyang adams apple kaya mas lalo akong namotivate na asarin siya.
Didn't know I had this effect on him, huh?
Wala sa loob na pinunasan niya ang mukha ko, halos hindi niya ako tinitingnan at kusa lang idinadampi ang kamay sa pisngi ko.
Dahil doon mas lalo ko siyang tinitigan. I memorized all his flawless features and that made him appear so charming to me.
How I wish, it was you that I like. Siguro mapipikon lang ako pero hindi masasaktan.
Naalala ko ang una naming pagkikita. He stole my first kiss at sinira niya ang buong araw ko dahil doon, pero sadyang mapaglaro ang tadhana dahil paulit-ulit na pinagtagpo ang aming landas.
Who knows that we will get this close after I swear to all the deities to not make us meet each other. Life is really full of twists!
He used to be so cold and harsh that I badly want to punch him everytime but as time pass by, mas lalo kong nakilala ang other side niya---the caring, sweet and fragile him.
Kung pwede lang turuan ang puso. Pero ang malaking tanong dapat ay kung gusto niya ba ako. Hindi naman magiging sayang kung iba ang gusto niya. Naku!
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang dumaan sa isip ko si Jade kaya agad akong umiwas ng tingin at tumikhim.
Teka! Bakit ko ba siya naiisip? Ni hindi na nga niyang magawang magparamdam sa akin.
Itinuon ko na lamang ang mata ko sa pinaghalong kahel at dilaw na kalangitan. Nakagat ko ang labi ko ng marinig ang mahinang tikhim ng katabi ko. Maybe he feel the awkward feeling I have.
"I'll drive you home," pagbasag niya ng katahimikan makalipas ang ilang minuto. Parang ayoko pang umalis at manatili lamang doon hanggang sumapit ang gabi pero hindi naman ako ang masusunod.
Wala akong nagawa kundi tumango at tumayo na rin dahil malapit ng dumilim ang paligid.
Someday I'll go back to this place. Kapag malungkot ako, kapag kailangan ko ng payapang paligid o kahit na masaya ako.
Who knows, someday I'll go there with a boyfriend with me. And it will be our dating place instead of fancy restaurants or romantic dinner dates. I would never trade something expensive for this kind of serenity.
O kung hindi man kahit ako na lang. Malaki nanaman ako, kaya ko na ang sarili ko.
Some things are better done alone, right?
Naglakad na kami papunta sa kaniyang motor. Muli niya akong binuhat para isakay  at hindi katulad kanina ay mabagal na ang pagpapatakbo niya kaya nakahinga ako ng maluwag.
Siguro ay narindi na siya sa lakas ng sigaw ko at sa higpit ng kapit ko sa kaniya.
After a long drive ay narating namin ang bahay nang ligtas. Napahinga ako ng malalim dahil naalala kong mag-isa nanaman ako kapag umalis na si Asher.
Sometimes we also need people around us for an escape.
Ewan! Hindi ko na alam kung alin ba ang gusto ko, yung mag-isa, may kasama o siya?
"Mag-iingat ka Ash," pagpapaalala ko nang makababa na ako. He quickly nodded.
"You too," sabi niya.
At ang susunod niyang galaw ay hindi ko napaghandaan, kinabig niya ako papalapit sa kaniya at dinampian ng marahang halik ang noo ko bago pinaharurot ang kaniyang motor.
Paulit-ulit akong napakurap. What was that?
Did he just kiss my fucking forehead? Asher Salvador kiss me. Gosh!!!
Paulit-ulit kong pinaypayan ang mukha ko dahil ramdam ko ang pag-iinit nito. Napakapit rin ako sa may gate namin dahil pakiramdam ko ay nawalan ako ng lakas.
That guy!
Nang mahimasmasan ako mula sa pagkakabigla ay pumasok na ako ng bahay at ang nakakabaliw na katahimikan ang sumalubong sa akin.
The moment that I laid on my bed, darkness invade my system. With all the happy thoughts I drown in my sleep.
...
Hinihiling ko na sana panaginip na lang lahat ng nangyayari sa akin. Na sa paggising ko ay maayos na ang lahat, wala na ang mabigat na pakiramdam, ang sakit at kalungkutan.
Dumaan ang isang linggo na hindi ko nakita si Jade, ilang beses kong kinapalan ang mukha ko para tanungin ang mga kaibigan niya kung may alam kung bakit hindi na ito pumapasok pero wala rin silang alam at minsan ay wala akong nakukuhang matinong sagot.
"Mag-aasawa na ata iyon, bakit mo ba hinahanap?"
Kung sana ay nakikipag-biruan ako ay malakas na sapak na ang inabot nitong kupal na ito sa akin. Naturingan pa siyang bestfriend, wala man lang pakisama.
Blangko ang mukha ko nang balingan niya ako ng tingin kaya nabura ang nanloloko niyang ngiti saka napakamot sa batok.
"Hindi ko din kasi alam eh, pero nung huli naming pag-uusap ay may nasabi siyang nag-kaproblema raw sila," paliwanag nito bago nagpaalam na aalis na.
Laglag ang balikat ko na bumalik sa tambayan namin. It's been weeks, what happened to him? I'm starting to get worried and think of the worst possible scenario.
May cellphone naman siya. Kahit tawag man lang o text hindi niya magawa? Kahit bilang kaibigan na lang o kaya ka-banda?
Ilang ulit ko na ring kinulit ang mga kasama ko sa pagtatanong kung may alam sila pero wala rin akong nakuhang matinong sagot.
Hinilot ko ang sintido ko dahil mas lalo lamang sumasakit ang ulo ko sa kakaisip. This is so frustrating!
Asan ka na ba Jade?
Ano bang nangyari sa'yo?
Sinubukan ko na ring kontakin ang kaniyang numero pero hindi ito sumasagot. Hindi rin ito active sa social media kaya kahit tinatadtad ko na ito ng mensahe ay wala pa rin. Wala akong natanggap na kahit tuldok o kahit iseen niya man lang ang sangkatutak kong mensahe.
Ilang minuto rin akong nanatili sa tambayan bago sinipat ang oras para lang malaman na uwian nanaman.
Matamlay na tinungo ko ang pinto at tinahak ang daan papuntang gate. Para akong walang buhay na naglalakad.
Ganoon ang eksena ko sa sa mga sumunod na linggo hanggang hindi na ako nagulat na wala akong nadadatnang Jade sa tambayan o kung saan mang pwede niyang puntahan. Nasanay na ako na wala ang presensya niya.
I'm used with the pain, the worry and the sadness. Siguro hindi naman talaga ako tumigil na umasa, pinipilit ko na lang ang sarili kong masanay na wala siya.
Pero may isa pang natitirang paraan para malaman ko kung ano talaga ang nangyari sa kaniya.
Malamig ang kamay ko habang naglalakad, paulit-ulit ko ding binigkas sa isip ko ang mga sasabihin ko.
Mas dumagdag ang kaba ko nang mabungaran ko ang pinto, huminga ako ng malalim bago sumilip sa bintana.
"Excuse me."
Humarap sa akin ang isang binabae na maarte akong hinagod ng tingin. Lumabas siya ng pinto at muli akong sinipat bago tinaasan ng kilay.
Sunod-sunod akong napalunok. Hindi gulo ang pinunta ko rito. I don't want to be in a hospital again.
"Nandito ba si Ninia?" kabado kong tanong bago ngumiti ng pilit.
Nginiwian lamang ako nito dahil nakita siguro ang peke kong ngiti. But how can I gave her a genuine smile if she had that growling aura?
"Wala si Ninia," maarte ulit nitong tugon.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko na naguguluhan. Halos halungkatin ko na ang student record niya at nakumpirma ko na rin na kabilang siya sa section na 'to. Anong wala? Absent?
Pumasok sa loob ang bakla at isang babae ang humarap sa akin ngayon.
"Hi, pasensya ka na sa baklang iyon," nahihiya niyang sabi at ginawaran ako ng tipid na ngiti.
"Ayos lang," kalmado kong tugon.
"Oo nga pala, hindi na kasi pumapasok si Ninia eh, simula pa noong nakaraang lunes."
Kumunot ang noo ko at nagsimula nanamang umahon ang pinaghalong kaba, takot at sakit sa dibdib ko.
Wala sa sarili akong tumango bago nagpaalam na aalis na. Hindi ko na narinig pa ang ibang sinabi ng babae dahil tumalikod na ako at naglakad papalayo.
Wala si Jade at wala si Ninia? Bigla kong naalala ang naging biro ni Charles.
Totoo ba?
Pinilit kong iwinaksi ang mga senaryong naglalaro sa isipan ko.
Imposible!
Para akong timang na kinakausap ang sarili ko habang nakahiga sa aking kama. Paulit-ulit akong nag-isip hanggang naging luha ang lahat ng iyon.
Naninikip ang dibdib ko at masyadong mabigat sa pakiramdam.
Ang daya naman ng tadhana.
Akala ko ba pwede na? Pwede na kami kasi pareho na kami ng nararamdaman?
Akala ko magiging masaya na kami pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan namin.
Bakit ganito?
Bakit sumuko siya agad?
Iniwan niya ako ng walang paalam.
Hindi niya na ba ako mahal? O mas tamang sabihin na hindi niya na ako mahal.
You're being unfair, Jade. Kung kailan nahulog na ako, kung kailan tinutupad ko na ang hiling mo, kung kailangan handa na ako saka ka naman sumuko.
Masakit, sobrang sakit.
It hurts like hell!
And I have to endure it, alone.

Komento sa Aklat (168)

  • avatar
    Carin Sarino

    nice

    06/06/2024

      0
  • avatar
    LogatchoMarryrose

    it's this poly? I wanna know if this is polymonari hehe😊

    16/04/2024

      0
  • avatar
    Jeandel

    wowww

    01/02/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata