logo text

Chapter thirty-three

Sa bawat pagbukas ng mata ko ay hinihiling kong sana Lunes na ulit. Nakakatawa man na isipin pero parang gusto ko nang hilahin ang paglipas ng oras.
Nababaliw na ba ako?
Hindi gaya ng nakagawian ko na kinaiinisan ko ang bilis ng oras at tinatamad akong pumasok pero kakaiba ang araw na ito dahil halos minu-minuto kong tingnan ang oras.
Kulang na lang ay pabalik-balik akong maglakad at maramdaman na para akong matatae at masusuka. Daig ko pa ang magsasabi sa magulang na nabuntis ako ng maaga.
Bigla kong kinaltok ang lamesa dahil sa mga naiisip ko. Jusko! Huwag naman sana.
Lord! Nagbibiro lang po ako.
Para akong sirang plaka dahil naging paulit-ulit ang ginagawa ko---ang pagtingin sa orasan, sa cellphone, nagbabakasakaling may matanggap na mensahe galing sa kaniya, maging ang pagtulog, sa pag-asang sa pagbukas ng mata ko ay makikita ko na siya at makakausap.
Pero sadyang matagal kapag hinihintay. Parang pakiramdam ko ay katumbas ng isang oras ang isang segundo sa bagal nito. Masiyado na ring mugto ang mata ko dahil sa pag-iyak. Walang katapusang pag-iyak. Wala na akong mapag-buntungan ng sakit na nararamdaman ko.
Pero hindi ko rin naman alam kung paano ko sasabihin at paano mag-oopen up sa ibang tao.
Imbes na malungkot ako dahil parang walang gusto na alamin ang buong pagkatao ko ay nalungkot ako sa mga katanungang nagsimula nanaman na pumasok sa isip ko.
Bakit ganun kabilis magbago ang damdamin niya?
Naalala ko pa ang mga binitawan niyang salita nang gabing iyon.
Tandaan mong mahal na mahal kita.Kahit panahon man ang lumipas ay hindi iyon magbabago.Sana sa panibagong pagkakataon na ibibigay sa atin ng tadhana ay pareho na tayo ng nararamdaman.
Umismid ako. Nalasahan ko ang pait ng sarili kong pagtawa.
People and their ability to break promises!
Mahal niya ako pero naghanap siya agad ng iba?
Hindi magbabago? Pero gabi lang naman ang lumipas, nakalimot na siya agad.
Bakit nagkatotoo ang panaginip ko? Bakit parang ang malas ko nanaman? Pagkatapos ng saya para akong nilugmok sa hindi maipaliwanag na sakit.
Paano niya ako natitiis ngayon? Kung dati halos ako na ang mundo niya.
The tables have turned huh?
At ang malas ko dahil kung kailan binibigyan ko na siya ng pagkakataon pati na rin ay sarili ko ay biglang umihip palayo ang hangin.
Ang bilis!
Ang bilis akong tinangay at itinapon sa kawalan at parang inabanduna.
Hindi man lang ako nakapaghanda. Sana sinabi niya man lang na—
"Lez ayoko na sa'yo."
"Maghahanap na lang ako ng iba. Yung madaling paamuhin."
O kaya naman...
"Pagod na ako sa'yo."
'Di ba? Sana may pasabi man lang para naihanda ko ang puso ko para sa sakit. Warning kumbaga.
Unfair!
Pakiwari ko ay mababaliw na ako sa kakaisip kung bakit kailangang mangyari ang bagay na iyon. Alam ko namang ang hirap kong intindihin at pakisamahan pero mahal niya naman ako 'diba?
Gusto kong tawanan ang sarili ko dahil may kakayahan pala akong maniwala sa lintik na pagmamahal na 'yan.
Laking pasalamat ko na lang at wala ulit akong kasama sa mga araw na ito. Umuwi sila mama sa probinsya namin at hindi ako sumama dahil may pasok pa. Hindi nila ako matuturingang baliw sa mga pinaggagawa ko.
Walang magtatanong kung bakit ako ganito at wala ring bubulyaw sa akin. Pero para rin naman akong mababaliw sa katahimikan.
Hindi ko na alam kung saan ako lulugar.
Tulala ako sa kisame, paulit-ulit na naging ganoon ang tagpo ko, hindi na ako nag-abala na ayusin pa ang sarili ko. Ni hindi ko nagawang bumangon at gawin ang mga nakagawian kong gawain.
I'm a complete mess!
Naramdaman ko ang pag-vibrate ng aking cellphone na nakapatong sa aking tiyan. Parang biglang nabuhay ang dugo ko sa katawam at pumintig ng malakas ang puso ko na parang lalabas na ito.
Mabilis pa sa alas-kuwatro na tiningnan ko ito at para akong nanalo sa lotto ng makatanggap ng mensahe galing kay Asher.
1 message received
Ash
Gonna visit you, with the boys.
Napabangon ako bigla at tinakbo ang CR. Dali-dali akong naligo at nagbihis, inayos ko din ang kwarto ko bago lumabas.
Biglang nagkaroon ng buhay ang bawat himaymay ko sa katawan.
Ramdam ko nanaman ang panlalamig ng kamay ko at ang hindi maturing na pagtibok ng puso ko. But I'm very happy and excited.
This is it!
I badly need to talk to him, I want an explanation. I have so many questions to be answered.
Mas nagrambulan ang tiyan ko ng marinig ang busina sa labas. Huminga ako ng malalim at pilit na kinakalma ang sarili ko.
Para akong tanga dahil tinakbo ko agad ang pintuan pero bago ko pa marating ang gate ay naglakad ako ng mabagal at sinipat ko muna ang sarili ko.
Pinilit kong kumalma pero mas lalo lamang akong kinabahan. Kailangan kong huminga!
Pagbukas ko ng gate ay ngumiti ako ng kay lapad at agad na hinanap ng mata ko si Jade pero para akong binuhusan ng malamig na tubig nang wala akong nakita.
Pakiramdam ko ay bumagsak ang puso ko papuntang tiyan at hindi na ako makahinga.
"Pasok kayo," kabado kong saad at iginiya sila papasok. Mabilis akong nag-iwas ng tingin dahil ramdam ko ang mapanuri nilang titig.
Ilang segundo ang hinintay ko bago isinara ang pinto sa pagbabakasakaling darating siya.
Baka may binili lang siya o kaya may emergency bigla? Darating naman siya 'diba?
He can't be absent to this group meet-up.
At kung oo ang daya niya naman!
"You don't look okay," boses iyon ni Kaius.
Sinimangutan ko lamang siya at naglakad na kami papasok. Ramdam ko na anumang oras ay tutulo ang luha ko. But I forced myself to sound and look okay.
Diretso agad  sila sa sofa at kanya-kanya ng pwesto. Samantalang nanatili lamang akong nakatayo sa harapan nila. Naka-krus ang braso na sinalubong ko ang mga tingin nila.
"You look terrible, ba-..Lez," mas lalong lumukot ang mukha ko sa sinabi ni Jasper. I know but what can I do?
I honestly missed them. Their weird personality, mood shifts and god-knows-what endearment.
"Bakit kayo nandito?" pag-susungit ko. I have no other choice but to look fierce not weak in front of them.
Tinaasan nila ako ng kilay pero hindi ako nagpatalo, linagay ko ang braso ko sa bewang at ginaya ang ekspresyon nila.
Para akong nanay nila na nagngingitngit sa galit dahil napakapasaway nila.
"We're not welcome here?" sarkastikong sabi ni Asher. The badass one again.
Nag-make face lamang ako at padabog na umupo. Pinahaba ko ang nguso ko at hindi sila pinansin.
"What happened to your face?" tanong muli ni Jasper habang sinisipat ng mabuti ang bawat sulok ng mukha ko.
"Wala," matamlay kong sagot.
Tumayo muli ako ng maalalang may inihanda pala akong pagkain. Yes! I've got time to prepare.
I really move that fast, you know? Adrenaline rush.
Ilinapag ko ito sa lamesa at inutusan silang kumain na.
"Honestly, napadaan lang kami rito, to check on you, ofcourse," pagsasalita ni Asher sa gitna ng pag-nguya niya. And of course to eat.
Tumango lang ako at sumimangot. Ni hindi ko magawang matuwa dahil nasarapan sila sa pagkain na hinanda ko. Kating-kati na akong itanong kung bakit hindi nila kasama si Jade pero hindi ko magawa dahil ayokong tapunan ng maraming tanong.
Can I just ask in peace?
Normal lang naman na magtanong ako dahil kasama siya sa grupo namin and the mere fact that he's missing is already questionable.
But what's stopping me from asking? Maybe it's my pride.
Kinalimutan niya na ba ako?
Uminit nanaman muli ang sulok ng mata ko kaya tumayo ako. I need to calm down or else it would be chaos. Pasimple akong napapalingon sa pinto sa pag-asang susulpot siya roon.
"Where are you going?" malamig na tanong ni Kaius.
Nagpaalam akong pupunta sa CR. Hindi ko na pinansinang pagsunod nila ng tingin sa akin.
Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin and I look really devastated. Pinigilan kong tumulo kahit patak ng luha ko dahil alam kong magtutuloy-tuloy iyon kapag nasimulan.
I tried so hard putting a smile in my face. Inayos ko ang sarili ko bago lumabas ng pinto.
"Anak ng-
Sumikdo ng todo ang dibdib ko ng maabutan ang prenteng nakasandal sa pinto na si Asher. What is he doing here?
"May balak ka bang patayin ako?" hindi ko mapigilang bulyaw sa kaniya.
"May namamatay ba sa gulat?" pang-iinis niya. Here he goes again.
Napaikot ang mata ko at gustong-gusto ko siyang batukan pero pinigilan ko ang sarili ko. Parang biglang napalitan ng inis ang pagdadrama ko.
Aalis na ako. Bahala siya diyan, mag-isa!
"Let's talk."
Jusko! Ayan na naman ang let's talk, let's talk niya eh. Kinakabahan nanaman ako ng todo.
The last time he throw those words everything smells trouble for me.
No, never again!
"What do you want?" kunyaring matapang ako pero sa loob-loob ko ay mamatay-matay na ako sa kaba.
Tinitigan niya ako ng mariin at basta na lang akong hinila palabas. Walang katapusan na hilahan.
"Teka?"
Nasa labas na rin ang dalawa, naghihintay. Tinapunan ko sila ng nagtatanong na tingin. Planado ba nila ito?
"We're going, thanks for the snacks Lez," bored na sabi ni Jasper na hindi man lang tumingin sa akin dahil busy sa cellphone niya.
"So I am, bye," tipid na paalam ng isa.
Kumaway na lang ako sa dalawa at binigyan ng pilit na ngiti dahil sa mariin nilang titig bago umalis ang sasakyan.
Binawi ko ang kamay ko na hawak-hawak parin ni Asher, sinamaan ko siya ng tingin.
"Go, change your clothes," utos niya sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay. At saan naman kami pupunta? Ang kapal naman ng apog niya.
"5 minutes, Lez," naiinip niyang tugon.
He's too confident that I will easily submit to him and his words. Just wow!
Naiinis man ay pumasok na ako sa loob. Sinadya kong bagalan ang pag-aayos ko at napapuslit ako ng tawa ng marinig ang sunod-sunod niyang pagbusina.
Manigas ka jan!
Simpleng faded jeans, t-shirt at rubber shoes lang ang suot ko. Tutal hindi ko naman alam ang pupuntahan namin. Basta, bahala siya. Ginusto niya 'to.
Ngayon ko lang din napansin na may sarili pala siyang motor kaya wala akong choice kundi ang umangkas sa kaniya.
"Sa tingin mo ba ay makakasakay ka kung titigan mo lang ako?" sabi niya nang titigan ko lang ang motor niya.
Assuming ang mokong!
"Hindi ikaw ang tinitingnan ko!"sigaw ko sa kaniya.
Hindi parin ako gumalaw sa kinatatayuan ko kaya padabog siyang bumaba at bigla na lang akong binuhat. Pilit akong nagpupumiglas sa hawak niya.
"Sige gumalaw ka at nang mahulog ka," frustrated niyang sabi. Wala akong nagawa kundi umayos ng pwesto at manahimik na lang.
Napatili ako ng inilapag niya ako sa upuan ng motor at dinaklot ko ang damit niya sa takot na malaglag ako.
I am afraid of heights and his vehicle is high enough to weaken my knees and trigger my fear. Kung alam ko lang na ito ang sasakyan namin ay umayaw na sana agad ako.
Sinimulan niya ng paandarin ito at kumapit ako sa kaniya nang mabuti. Sobrang higpit.
"Can you loosen your grip, your nails are disgusting woman," pagrereklamo niya.
Hindi ko siya pinakinggan dahil masyado akong kinakabahan. Wala akong pakialam kung manuot ang kuko ko sa laman niya.
"Dito kasi ang hawak mo," sabi niya at iginiya ang kamay ko sa kaniyang bewang.
Kusa namang gumalaw ang isa kong kamay payakap sa kaniya sa takot na mahulog ako.
Pero parang mas okay na mahulog ako sa motor kaysa naman sa kanya.
"Move a little closer," utos niya.
At huli na nang mapagtanto kong ang awkward ng posisyon namin dahil pinaharurot niya na ang motor.
Wala akong ibang ginawa kundi ang tumili sa tuwing napakabilis ng pagpapatakbo niya. Balak niya nanaman akong patayi sa takot.
Kapag nagkakaroon ako ng lakas na loob na bumitaw saglit ay talagang pinapaulanan ko siya ng suntok sa balikat pero tinatawanan niya lang ako.
Para akong nabunutan ng tinik ng marating namin ang destinasyon na hindi ako pamilyar kung saan, para akong binawian ng dugo dahil sa walang-hiyang 'to.
Tatawa-tawa pa siyang nilahad ang kamay para alalayan ako. Syempre tatangapin ko, alangan naman mag-inarte ako at mahulog diba?
"Youre so loud," pagmamaktol niya.
Iginala ko ang paningin ko at napaawang ang bibig ko dahil sa ganda ng tanawin. Hindi ko na pinakinggan ang mga reklamo niya dahil tuluyan na akong namangha sa ganda ng paligid ko.
Nang manahimik si Asher ay liningon ko siya. Nakangiti niya akong pinagmamasdan. Parang pakiramdam ko ay binalot ng mainit na pakiramdam ang puso ko.
Napangiti ako dahil kahit papaano ay naiibsan ang kalungkutan na nararamdaman ko.
Right now, I'm being thankful for this guy's existence.
He always got my back in times like this, and when I am healed enough I promised to do the same.
Babawi ako.
Thank you, Asher.

Komento sa Aklat (168)

  • avatar
    Carin Sarino

    nice

    06/06/2024

      0
  • avatar
    LogatchoMarryrose

    it's this poly? I wanna know if this is polymonari hehe😊

    16/04/2024

      0
  • avatar
    Jeandel

    wowww

    01/02/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata