logo text

Chapter twenty

"Girl, bilisan mo! "
"Start na ng game nila."
" Kailangan nating makakuha ng spot sa unahan, beh."
Ilang beses ng umikot ang mata ko dahil sa mga nakakarinding tili ng mga kababaihan sa paligid ko.
Ano bang meron at para silang uod na binubudburan ng asin?
Napakandang bungad sa magandang ako!
Babae rin naman ako pero hindi naman ako "OA" kung makapag-react. Kung sana ang paborito kong artista ang pinagkakaguluhan nila ay makikisigaw rin ako. Hindi lang sigaw, handa pa akong makipagtulakan sa kanila.
Silly me!
Anyways,  kagagaling ko pa lang sa press offie, inaasikaso ko ang mga new members and of course dahil sa event next week ay on- action ang mga journalists.
I already informed my bandmates na kinailangan ako sa club ko and ganun din pala sila. We're equally packed with loads so, the practice will resume after lunch.
Ang dami kong responsibilities sa life. Sign of maturity na ba ito?
Back to the topic, marami akong nakakasabay or should I say, maraming nagtatakbuhan, halos lahat babae at bakla papuntang....
Court?
"Watch me play baby."
Pumasok agad sa isip ko ang message ni Jasper kanina and that confirmed my guess.
Okay? May laro sila at hindi naman siguro required na manood ako.
"Lez!" The three girls were approaching.
Or not.
I boredly stop at hinintay silang lumapit sa akin.
"Manuod tayo ng match ng boys," gigil na wika ni Allanah and  guess what?
Nandito na kami ngayon, nakikipagsiksikan sa hindi birong dami ng studyante, at hindi ko alam kung paanong napapayag nila ako.
Muntik pang makakuha ng kaaway ang kasama ko dahil sa mga nakakasalamuha naming pinaglihi sa sama ng loob.
"Ang arte, muka namang pato."
Hindi ko mapigilang sumang-ayon sa sinabi ni Stella. Nakakaloka! Naiiling lang ako sa mga pangyayari sa paligid ko.
Finally after 100 years, narito na kami sa harapan!
Nagsisimula na ang laro. Agad na nahanap ng mata ko ang kumakaway na si Jasper.
And? Jade.
Isang napakatamis na ngiti ang ginawad sa akin ng huli. Sa akin nakatuon ang mata niya, maski ang katawan niya pala ay nakaharap sa akin. He's getting agressive and I don't know if it's a bad or good thing.
Wait?
Did my heart just leaped? I'm really doomed!
Ilang siko at kurot ang ininda ng tagiliran ko dahil roon. Pinilit kong iwinaksi ang nararamdaman ko at pininta ang seryosong mukha.
I am really not interested with sports, especially boy's games. I dunno, but I prefer guys who spend their time reading books or indulging to music, in short the "nerdy" type but not all nerds fit to my taste.
I prefer guys who can solve mathematical problems with the complex formulas or those who can write literary texts such as poems, essays and stories.
Yes, my taste is weird but it's one of the things that I can be proud of.
Sports aren't that bad but it is not just running in my veins. Hikain ako eh!
Speaking of sports, naalala ko ang katangahang nagawa ko, just few days ago. Hindi ko maiwasang mapalatak kapag pumapasok ang tagpong iyon sa isip ko.
So here's the tea:
I recieved a message from unknown, not literally mysterious pero hindi ko siya kilala. I didn't even my to do stalking and just did a reckless move.
I was given the question like this—
"Hey! do you ever get to be my playmate?"
I was like a walking question mark once I read the message —are you some sort of prankster? I even thought that this sender is hitting on me. I am so dumb not to realize what she means, and with that, I abruptly reply.
And it goes like this—
"Sorry but I'm into sports. Maybe you're getting the wrong person miss."
Confident pa ako doon sa naging sagot ko and minutes after, I read another message from her, para akong binuhusan ng malamig na tubig. I'm so thankful that I fight the urge to add an explanation about how I dislike sports on my reply. Dahil kung hindi ay isa akong malaking kahihiyan.
Siya pala ay isa sa mga childhood playmate ko and she's not pertaining to any sports but to our childhood memories.
I really shrieks in shame. That was so silly of me!
"Ang galing ni Jasper! "
"Oh my god! he's looking at us."
"Ang gwapo mo!"
Napabalik ako sa wisyo nang magsitilian at mag- hestirya ang mga katabi ko only to found out that two figures are approaching towards us.
The famous, Jasper David and Jade Reyes are walking on our direction and I kinda understand their reactions because these guys are really amazing.
And gorgeous!
I awkwardly smile ng lumapit sila at tumigil sa mismong harap ko.
"Hi, Lez."
"Baby, how's my moves? Are you inlove already?" Sabay pa nilang turing ngunit tumawa lang ako. The kind of laugh that is totally awkward.
Here they are again! With their words and actions! Sino ba naman ako diba? Pero hindi man ako anak ng isang mafia boss ay maganda naman ako!
Lalo pa akong napakamot sa batok nang sa mismong harap ko ay nagpahid sila ng pawis at inisang lagok ang tubig.
They are so extra!
Tapos na ba ang game? Yun lang? Ni hindi ako nakapanood ng maayos dahil kung ano-ano ang naiisip ko.
Akala ko ba hindi ako interesado. I'm not into sports right?
I mean, you know ang bilis naman matapos. Hindi pa nga umiinit ang pwetan ko dito sa upuan. Ang tanging napansin ko lang ay ang pagpapansin ng dalawang 'to sa buong game.
Ganda ka beh?
Deserve ng ganda ko ang dalawang lalaking ito.
Napatayo ako nang magsialisan na isa-isa ang mga nanood and now five pair of eyes were staring at me.
"A warm hug will do baby, come on," nang-aasar nanaman na turing ni Jasper na ngayon ay walang-hiyang humubad at nagpalit ng damit sa harapan ko.
At syempre, ikinatuwa iyon ng tatlong bruha at lahat ng babae sa paligid namin. Para nanaman silang kiti-kiti.
Napaiwas na lang ako ng tingin at nasalubong ang kay Jade, na ngayon ay may seryosong mukha.
There's really something with his stares. I still can't figure it out.
Napalunok ako at nagbaba ng tingin.
" Can we talk?" Doon ako muling napaangat tingin. Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha niya bagkus ay naging seryoso pa ito.
Anong problem niya?
Binalingan ko ang apat na ngayon ay nakatingin na rin sa akin wearing those teasing smiles. Inirapan ko nalang sila at tumayo na.
"Okay," sagot ko.
Sumunod ako sa kaniya. He sound too serious, nauna siyang maglakad at hindi man lang ako hinintay.
Not the usual Jade that I know.
The Jade that I know is too shy to even stay behind me or to walk in front of me.
Tumigil ako ng umupo siya sa bakanteng upuan sa labas ng court. Taas ang isang kilay, mataray akong humalikpkip at umupo malayo sa kaniya.
Kung mainit ang ulo niya huwag niya akong idadamay!
Naiinis ako sa hindi ko malamang dahilan. Ano bang ipinaglalaban ko?
Pero ang mas nakakainis ay kung bakit siya galit sa akin. Wala naman akong ginagawang masama.
"I'm jealous," dire-diretso niyang sabi na nakapagpatahimik sa isip ko.
Umawang ang bibig ko at ilang beses na binalingan siya ng tingin.
"A--no"?
Tama ba ang narinig ko?
Shit!
"Kailangan ko pa bang ulitin Lez, para malaman mo?"
Pinagsisihan kong nagtanong pa ako dahil ngayon ay hindi ko na matagalan ang titig niya.
All I see is a pained expression. Walang bahid ng pagloloko o pagkahiya. Matapang niya akong tinititigan. Parang nabaliktad kami ngayon.
My heart eratically beat, na maski ang kamay ko ay nanginig sa kaba. Suddenly, I found myself being affected with the raw sadness that was evident on his eyes.
Parang tinutusok ang puso ko sa katotohanang nagseselos at nasasaktan siya.
"Look, I don't have the right to be, pero hindi ko maiwasan, mababaliw ako. I know na hindi na nakapagtatakang makuha mo ang attention ng iba because damn! You are so attractive and that thought is already a pain in the ass. The fact that, others look at you with admiration and how a "good" friend creates an endearment for you, parang gusto kong manapak. Lez, hindi ko na alam," mahaba niyang litanya. Parang naagawan ng candy ang mukha niya.
Tuluyang bumagsak ang aking balikat nang marinig ng dalawa kong tenga ang mga binitiwan niyang salita. I am also shooked with the words he used. Jealousy can really change a person. He's really not his usual self.
Hindi na magkamayaw ang puso ko sa pagkabog, sumabay na din ang lahat ng paru-paro sa aking tiyan at tuluyang nayanig ang sistema ko.
Here I am, sitting beside the guy, who repeatedly confess his feelings for me, nakayuko at pinipigilang umiyak.
His heart is talking this time and I am so freaking nervous.
I don't know what to do, what to say.
Hindi ko alam kung sa paulit-ulit niya bang pag-amin ng nararamdaman niya ay minsan ng alam ko na ang gagawin at sasabihin ko.
"Para na akong sirang plaka, paulit-ulit at nakakarindi pero hangga't wala akong naririnig mula sayo, hindi ako magsasawang sabihin at iparamdam sayo ang hindi mamatay-matay na pagmamahal ko sayo, Lez."
With that, he softly leave a kiss on my forehead and leave.
Love? Is it really love Jade?
Ilang minuto akong natuod sa kinauupuan ko at wala akong ideya kung paano aayusin ang sarili ko sa mga oras na iyon.
I am smiling for God sake! My heart is rejoicing, even the insects in my tummies gone wild and God knows how my heart leap miles with that confession from Jade Reyes! But there's always doubt at the back pf my mind.
Hindi ko alam kung paanong nagawa kong tumayo at tahakin ang daang binaybaybay ng aking paa kung ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko.
Naka set-up na ang mga instrumento nang dumating ako. Ako nalang ang hinihintay at wala sa pwesto. Ngumiti ako ng tipid at dali-daling binaba ang bag at tumayo na sa dapat na posisyon.
Abot-abot ang kaba ko sa tuwing magkakasalubong ang tingin namin ni Jade. Hindi ko mawari kung anong tumatakbo sa isip niya.
Minsan pa kaming umulit dahil nawawala ako sa timing kapag naapektuhan na ako ng mga tingin niya.
Halos kurutin ko na ang sarili ng ilang beses kong linabanan ang titig niya, hanggang matapos ang kanta and we both know how I defensively look away at the end.
Nang matapos ang practice ay ilang nanunuring tingin ang pumapaso sa akin dahil sa inasta ko. Wala akong ibang ginawa kundi umiwas ng tingin.
"May sakit ka baby?"
"You look tensed and out of focus?"
"You okay?" Maski ang aroganteng si Asher ay nagtanong sa akin. Inabutan pa ako nito ng tubig, the moment na sumalampak ako sa upuan.
Nasulyapan ko pa ang titig na iginagawad sa akin ng isa. Hawak niya rin ang isang bottled water.
Hindi ko naman kailangan ang tubig kaya wala akong tinanggap na tubig ni kanino.
Hindi ako mapakali, para akong sinasakal, gayung wala naman talagang dapat na ikabahala. Something's bothering my lil' hear and that realization is turning my world upside down.
...
"Sorry kanina, nabigla ata kita. But, I am not sorry na sinabi ko ang laman ng puso ko, Lez."
"I'm still into you."
"I still love you."
Paulit-ulit na rumehistro sa utak ko ang naging salita ni Jade bago ko pasukin ang gate ng bahay.
Tulala akong nahiga sa aking kama, hindi ko maipaliwanag ang nagiging reaction ko sa nangyaring pag-amin.
I've been into that very situation several times pero sa tuwing nangyayari ulit, ay parang laging bago sa pakiramdam at isang tao lang ang nagdudulot ng lahat ng iyon.
Sumibol ang pangamba, saya, kilig at takot sa akin nang masagot ko ang sariling mga katanungan.
Am I ready?
Is this the right time?
Kasi ako, alam ko sa sarili kong deserve niya ang pagkakataon na maari kong ibigay.
Halos sabunutan ko na ang sarili ko ng tumungtong ang alas-onse ng gabi, ay hindi pa rin matahimik ang isip ko.
Samu't-saring sitwasyon ang pumapasok dito, naiiwan akong tulala, tumatawa at napapasabak sa unan.
What are you doing to me, Jade?
Hindi naging malinaw sa akin ang naging dahilan ng pagkakatulog ko.
Ang tanging alam ko ay hindi malilimutan ang araw na ito.
All I know is nagsasaya ang puso ko at ang bawat kalamnan ng katawan ko!
And if it can be called weird, then let me be, just for now.
Just this time.

Komento sa Aklat (168)

  • avatar
    Carin Sarino

    nice

    06/06/2024

      0
  • avatar
    LogatchoMarryrose

    it's this poly? I wanna know if this is polymonari hehe😊

    16/04/2024

      0
  • avatar
    Jeandel

    wowww

    01/02/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata