Homepage/Tired Of Chasing You/
THE NEW BEGINING
Tired Of Chasing You -
“The New Beginning”
Akisha POV
"Zaki!!" Gising ko sa anak ko. 18 years na rin ang nakakalipas at ngayon ay may anak na kami ni Zack. Ang pangalan niya ay Zaki, at 17 years old na siya. Ginigising ko siya ngayon dahil may pasok pa siya at kailangan niya ng maghanda, dahil kung hindi ay mala-late siya.
"Oo na po, tatayo na," sabi niya habang kinukusot ang mata niya.
"Bilisan mo at baka malate ka na." Lumabas na ako sa kwarto niya at pumunta sa kusina para tingnan ang niluluto ko.
"Ang bango naman ng niluluto ng asawa ko," sabi ni Zack at niyakap niya ako mula sa likod ko.
"Ehem!!Ehem!! Pwede ba mom, dad itigil niyo na yan," masungit na sabi ni Zaki ng makita niya kami ng dad niya.
Kumalas naman si Zack sa pagkakayakap sa akin at agad na hinarap ang anak namin. "Bakit Zaki, naiinggit ka ba sa amin ng mommy mo??"
"Bakit naman po ako maiinggit??" kunot noong tanong niya.
"Dahil wala kang lovelife," pang aasar ni Zack.
"Di ko naman po kailangan ng lovelife dad," masungit na sabi ni Zaki.
"Talaga?? Eh bakit kasi ayaw mong sagutin na lang si Mian??" tanong ni Zack.
Inihain ko na sa kanila ang niluto ko para makakain na sila. "Yun?? Ayaw ko nga po dun, napakakulit kaya nun. Gusto ko nga pong tigilan na niya ako ehh, kaso ayaw tumigis," inis na sagot ni Zaki sabay subo ng pagkain.
"Sagutin mo na lang kasi. Mabait naman na bata si Mian ahh at alam kong pinalaki yun ng mabuti nila Mich at Kian. Kaya bakit ayaw mo??" mahabang sabi ko kay Zaki.
"Basta po ayaw ko sa kaniya. Wala naman po siya kumpara kay Stella." Kumunot naman ang noo ko dahil dun.
"Stella?? Sinong Stella??" Kunot noong tanong ko kay Zaki.
"Si Stella po yung kaklase naming bagong transfer," sagot niya sa akin.
"Ahhh"
"Alam niyo po mom and dad napaka ganda po nun ni Stella at napakatalino pa," ani pa ni Zaki.
"Talaga?? Maganda't matalino rin naman si Mian ah," sabi ko naman habang nakatingin sa kaniya.
"Oo nga po pero mas higit naman po sa kaniya si Stella. At isa pa po napaka bait rin po ng mga magulang ni Stella," mahabang ani niya.
"Nakilala mo na ang mga magulang niya??" Sabay na tanong namin ni Zack.
"Opo. Sila Mrs. Sheena at Mr. Anthony Alvarez." Nabilaukan naman ako dahil sa gulat sa sinabi ni Zaki.
"Mom ayos lang po ba kayo??"
"Ayos ka lang ba Akisha??"
Nag aalalang tanong nila Zaki at Zack sa akin.
"O-oo Ayos lang ako. A-anong sabi mo Zaki?? Pwede ng pakiulit??" tanong ko kay Zaki.
"Ano po dun??" nagtatakang tanong niya.
"Yung pangalan ng mga magulang ni Stella," sagot ko dahil naka nagkakamali lang ako ng narinig sa sinabi niya.
"Si Mrs. Sheena po at Mr. Anthony Alvarez," pag uulit niya. Hindi nga ako nagkakamali dahil tama nga ang aking narinig. Agad akong napatingin Kay Zack na nagulat rin.
"Bakit po pala pinaulit niyo?? May problema po ba??"
"Ahh wala. 'Di ko kasi narinig kanina kaya pinaulit ko sayo," sagot ko. Baka naman ibang Sheena ang mom ni Stella, hindi lang naman siya ang Sheena sa mundo.
"Alam mo Zaki, mas ok pa rin naman si Mian kesa jan sa Stella na sinasabi mo," pag iiba ng usapan ni Zack.
"Pero dad ayaw ko pa rin sa kaniya." Kunot noong sabi ni Zaki.
"Bahala ka. Sure akong magsisisi ka kapag talagang tumigil yun," sabi pa ni Zack. Napasimangot naman si Zaki.
"Bakit naman po ako magsisisi?? Matutuwa pa nga po ako kung talagang titigil na ang babaeng yun," ani pa niya. Napatingin na lang ako kay Zack at sabay kaming napailing sa sinabi ng anak namin.
———
Zaki POV
Naglalakad ako papasok sa room ng bigla akong harangan ng babaeng kinaiinisan ko, sino pa nga ba?? Kundi si Mian lang naman.
"Hi Zaki!!"
"Pwede bang huwag kang humarang sa dinaraanan ko??" masungit na sabi ko sa kaniya.
"Ohh ang aga aga ang sungit mo," sabi niya naman. Walang emosyon ko naman siyang tinignan.
"Alam mo Mian, umalis ka na lang jan sa daanan," cold na sabi ko.
"Ayaw ko nga," pang iinis niya sa akin.
"Ano ba Mian!! Alam mo sobrang nakakainis ka na!!" sigaw ko sa kaniya. Halata namang nagulat siya dahil dun.
"S-sorry," sabi niya at agad na napayuko.
"Alam mo kung nagso-sorry ka sa akin. Tumigil ka na lang para hindi na ako laging naiinis sayo at hindi laging nasisira ang araw ko!! Lagi mo na lang akong ginugulo!!" Sigaw ko sa kaniya, bahagya namang nalungkot ang mukha niya dahil sa mga sinabi ko.
"S-sorry talaga. Hindi ko naman sinasadya, gusto ko lang naman ng atensiyon mo," sabi niya at nakita ko pang may tumulong luha mula sa mata niya pero agad niya irony pinunasan pagkatapos ay agad na tumakbo papaalis.
"Bro sobra ka naman ata. Bakit kailangan mo pa siyang sigawan??" biglang sabi sa akin ni Kevin at napailing bago siya pumasok sa room.
Pakiramdam ko ay naistatwa ako pagkatapos ko makita has lumuha si Mian. Simula pagkabata kasi ay never ko pang nakitang umiyak si Mian. Kilala ko siya bilang isang matapang na babae. Kaya ngayon ay hindi ako makapaniwalang nakita ko siyang umiyak sa harapan ko. Hindi ko akalaing magagawa ko siyang paiyakin. Siguro nga ay talagang napasobra na ako.
Mian POV
Nandito ako ngayon sa rooftop ng school namin, nakaupo habang patagong umiiyak. Sobrang nasaktan talaga ako sa mga sinabi sa akin ni Zaki. Maya maya pa ay bigla akong may narinig na mga yapak kaya agad kong pinunasan ang luha ko at tumayo.
"J-Jake??" ani ko ng makitang si Jake pala ang paparating kanina. Hindi naman siya nagsalita at nakatitig lang sa akin.
"Ayos ka lang ba??" biglaang tanong niya kaya naman nagtaka ako.
"H-ha?? S-syempre naman. Bakit naman hindi??" sagot ko sabay pekeng ngumiti.
"Huwag mo ng itago. Alam kong umiiyak ka." Bigla namang nawala ang ngiti ko ng marinig ang sinabi niya.
"P-pano mo nalaman??" tanong ko ng hindi tumitingin sa kaniya.
"Nakita kita. At isa pa alam kong kapag malungkot ka pumupunta ka dito sa rooftop para patagong umiyak." Napayuko naman ako dahil sa sinabi niya.
"Bakit ba nagtatago ka??" tanong niya.
Malungkot naman akong ngumiti. "Ayaw kong makita nila akong umiiyak," sabi ko.
"Mian..." Napatingin ako sa kaniya ng bigla niyang hawakan ang magkabila kong balikat.
"Tigilan mo na siya. Wag mo ng saktan ang sarili mo. Kung patuloy mo siyang hahabulin, patuloy ka lang ding masasaktan. Kaya please.. please lang tigilan mo na siya l." Bakas sa boses niya ang pagmamakaawa, agad niya naman akong niyakap.
"Siguro nga tama ka. Kailangan ko na siyang tigilan, at kailangan ko na ring kalimutan ang nararamdaman ko para sa kaniya" Sabi ko sa isip ko at agad pumatak ang mga luha ko at napayakap rin sa kaniya.
**********
A/N: "Tired Of Chasing You" will having a sequel!! The sequel is about the love story of Zaki(Akisha and Zack Son) And Mian(Mich and Kian Daughter) at pamamagatang "Forget My Feelings For You". Soon ay ipupublish ko na rin ito but i don't know kung kailan.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (248)
Share
Tapusin
Mga rekomendasyon para sa iyo
goood jub
07/08
0nice
21/07
0Niceeee
23/03
0Tingnan Lahat