Homepage/Tired Of Chasing You/
Special Chapter - Mich And Kian POV
Mich POV
Tapos na ako sa trabaho ko kaya naisipan kong mamasayal muna saglit. Habang namamasyal ako ay biglang akong nakabangga.
"Aray!!" Sabi ng nakabangga ko.
"Sorry, di ko sinasadya, ayos ka lang ba??" Tanong ko dito.
"Oo ayos lang ako" Sagot nito sa akin, nagulat ako ng makita ko kung sino ito.
"Kian?!" Sabi ko, tumingin naman ito sa akin.
"Mich?!" Sabi nito sa akin.
"Ako nga, ikaw pala ang nakabangga ko, sorry ah" Sabi ko sa kaniya.
"Ayos lang yun. Teka ano palang ginagawa mo dito??" Tanong niya sa akin.
"Ah...namamasyal lang ako" Sagot ko sa kaniya.
"Ahh" Sabi niya.
"Ikaw anong ginagawa mo dito??" Tanong ko sa kaniya.
"Namamasyal lang din" Sagot niya sa akin.
"Gusto mo sabay na lang tayo mamasayal??" Tanong niya sa akin.
"Ah...sige, tutal parehas lang naman tayo" Sagot ko sa kaniya at namasyal na kami ng sabay.
"Mich" Tawag niya sa akin.
"Bakit??" Tanong ko sa kaniya.
"Matagal na ba kayong magkaibigan ni Akisha??" Tanong sa akin ni Kian.
"Oo matagal na, simula pagkabata magkaibigan na kami ni Akisha, sabay na rin kaming lumaking dalawa" Sagot ko sa kaniya.
"Ganun ba, ibig sabihin pala kilalang kilala niyo na na ang isa't isa" Sabi niya sa akin.
"Oo" Sabi ko sa kaniya.
"Ikaw, paano pala kayo nagkakilala ni Akisha??" Tanong ko sa kaniya.
"Hindi pa ba nasasabi sayo ni Akisha kung paano kami nagkakilala??" Tanong niya sa akin.
"Hindi pa, hindi ko rin naman kasi natatanong sa kaniya" Sagot ko kay Kian.
"Sige, sasabihin ko sayo" Sabi niya sa akin.
Kian POV
*Flashback
"AHHHHH tulong!!!" Rinig kong sigaw ng isang babae, kaya naman agad kong pinuntahan kung saan nagmumula ang sigaw. At nakita ko ang isang babaeng tinututukan ng kutsilyo sa leeg ng isang magnanakaw
"Subukan mong sumigaw ulit at hindi ako magdadalawang isip na patayin ka, ibigay mo na lang ang pera mo sa akin ng tahimik kung ayaw mong mamatay" Sabi nung magnanakaw sa babae
"Hoy bitawan mo ang babaeng yan!!" Sigaw ko sa magnanakaw
"At sino ka naman??" Tanong sa akin nung magmanakaw
"Wala ka na kung sino ako, bitawan mo na lang siya" Sabi ko sa magnanakaw
"Lumayo ka kung ayaw mong mamatay itong babaeng to" Sabi niya at nilagay ang kamay niya sa leeg ng babae at sa akin tinutok ang kutsilyo
"Tu-tulungan mo ako" Sabi nung babae sa akin
"Ibaba mo ang kutsilyong yan" Sabi ko sa kaniya, pero hindi siya nakinig kaya naman naisipan kong sipain na lang ang kutsilyo. Pagkasipa ko sa kutsilyo ay tumilapon ito kung saan
"Ngayon wala ka ng hawak, bitawan mo na yang babae!!" Sigaw ko sa kaniya at agad nitong tinulak ang babae sa akin
"AHH" Sigaw ng babae at agad na tumakbo ng mabilis yung magnanakaw
"Ayos ka lang ba??" Tanong ko dun sa babae
"O-oo" Sagot nito sa akin at agad na tumayo
"Thank you, kung hindi ka dumating baka kung ano pa ang nangyari sa akin" Sabi nito sa akinakin
"Wala yun"
"Pwede bang malaman kung anong pangalan mo??" Tanong sa akin nung babae
"Kian, Kian ang pangalan ko, ikaw anong pangalan mo??" Tanong ko sa babae
"Ako si Akisha" Sagot nung babae
*End of Flashback
Kinuwento ko kay Mich lahat ng nangyari kung paano kami nagkakilala ni Akisha.
"Kung ganon nagkakilala pala kayo ni Akisha dahil tinulungan mo siya sa isang magnanakaw" Sabi sa akin ni Mich.
"Oo" Sabi ko sa kaniya.
"Ang bait mo naman pala" Sabi niya sa akin.
"Bakit naman??" Tanong niya sa akin.
"Dahil tinulungan mo si Akisha sa magnanakaw, kahit na alam mong mapanganib dahil may dalang kutsilyo yung magnanakaw" Sagot niya sa akin.
"Tama lang naman na tulungan natin ang tao sa oras ng pangangailangan" Sabi ko sa kaniya.
"Tama ka" Sabi niya sa akin.
———
"Ahh..Kian, uuwi na ako, anong oras na rin kasi" Sabi ko kay Kian.
"Ihatid na kita" Sabi niya sa akin.
"Wag na, baka maabala pa kita" Sabi ko sa kaniya.
"Ayos lang naman, hayaan mo na akong ihatid ka" Sabi ni Kian sa akin, kaya naman wala na akong nagawa kundi pumauag na lang. Sumakay na ako sa kotse na inihatid na niya ako sa bahay ko.
———
"Ito na ba ang bahay mo??" Tanong niya sa akin pagkadating namin sa bahay ko.
"Oo, gusto mo bang pumasok??" Tanong ko sa kaniya.
"Hindi na, next time na lang siguro. Sige aalis na ako" Sabi niya sa akin.
"Sige, mag iingat ka, thank you sa paghatid sa akin at pagsabay sa akin mamasyal" Sabi ko sa kaniya habang nakangiti.
"Wala yun, next time mamasyal ulit tayo" Sabi niya sa akin.
"Sige ba" Sabi ko kay Kian.
"Sige, bye" Sabi niya sa akin at kumaway bago sumakay sa kotse niya.
"Bye" Sabi ko sa kaniya habang kumakaway at umalis na siya. Pagkaalis niya ay agad na akong pumasok sa bahay ko.
———
2 years later
Dalawang taon na ang nakalipas, naging close kami ni Kian at madalas na mamasayal kung saan saan, masaya siyang kasama, lagi niya akong pinapasaya.
Papauwi na sana ako ng biglang tumawag sa akin si Kian kaya naman agad ko itong sinagot.
[Hello Mich] Sabi ni Kian pagkasagot ko.
"Hello Kian, bakit ka napatawag??" Tanong ko.
[Pwede ba tayong magkita??] Tanong niya sa akin.
"Sige, saan tayo magkikita??" Tanong ko kay Kian.
[Naaalala mo pa ba lugar kung saan na una tayong namasyal??] Tanong niya sa akin, nag isip naman ako saglit, at naalala ko naman ang lugar kung saan nabangga ko siya at sabay kaming namasyal.
"Oo, naaalala ko" Sagot ko sa kaniya.
[Kung ganon, dun tayo sa lugar na yun magkita] Sabi niya sa akin.
"Sige" Sabi ko.
[Sige, hihintayin kita, bye] Sabi ni Kian.
"Bye" Sabi ko at ibinaba na ang tawag at agad na pumunta sa lugar na una naming pinasyalan.
———
Kian POV
"Kian" Rinig kong tawag sa akin kaya naman agad akong lumingon at nakita ko si Mich na kakarating lang.
"Mich" Sabi ko at lumapit sa kaniya.
"Mabuti naman at dumating ka, akala ko kaso di ka na pupunta" Dagdag ko pa.
"Sorry, matraffic kasi kaya natagalan ako, sorry talaga" Sabi ni Mich.
"Ayos lang" Sabi ko sa kaniya.
"Bakit pala gusto mong makipagkita sa akin ngayon?? Mamamasyal ba ulit tayo dito??" Tanong niya sa akin.
"Oo mamasyal tayo ulit dito, pero ang totoong dahilan kung bakit kita pinapunta dito ay dahil may importante akong sasabihin sayo" Sagot ko sa kaniya. Ang totoo niyan aamin ako sa kaniya ngayon tungkol sa nararamdaman ko, hindi ko namalayan na sa madalas naming pagsasama at pamamasyal ay unti unti na akong nahulog sa kaniya.
"Ano naman yun??" Tanong niya sa akin.
"Mamaya ko na sasabihin, mamasyal na lang muna ulit tayo dito" Sagot ko sa kaniya. Mamaya ko na sasabihin dahil kinakabahan ako at natatakot, natatakot ako na baka hindi rin parehas ang nararamdaman namin katulad ng nangyari sa amin ni Akisha. Hinihiling ko lang na sana ay parehas kami ng nararamdaman, kapag nangyari iyon ay magiging sobrang saya ko.
"Bakit mamaya pa, pwede naman ngayon" Sabi niya sa akin.
"Ano kasi..." Kinakabahang sabi ko.
"Ano ba kasi yun?? Sabihin mo na" Sabi niya sa akin.
"Sige na nga, ngayon ko na lang sasabihin" Sabi ko sa kaniya, wala na rin akong choice dahil mapilit siya.
Mich POV
"Mich..." Sabi ni Kian, kinakabahan ako sa kung ano ba ang gusto niyang sabihin.
"Gusto kita" Diretsong sabi niya na ikinagulat ko.
"A-akala ko ba si Akisha ang gusto mo??" Tanong ko sa kaniya. Aaminin ko na sa katagalang magkasama kami at mas lalo ko siyang nakilala ay unti unting nahulog din ako sa kaniya, pero alam kong si Akisha ang gusto niya yun nga lang hindi sila parehas ng nararamdaman.
"Tama ka si Akisha nga ang gusto ko, pero noon yun at ngayon hindi na, dahil ikaw na ang gusto ko ngayon" Sagot niya sa akin.
"Totoo ba yan, hindi mo ako niloloko??" Tanong ko sa kaniya.
"Oo, totoong gusto kita" Sagot niya sa akin.
"Kaya tatanungin kita, pareho ba tayo ng nararamdaman?? Gusto mo rin ba ako??" Tanong niya sa akin, tinignan ko naman siya bago ako sumagot.
"Oo, gusto din kita" Sagot ko sa kaniya, hindi naman siya makapaniwala sa sagot ko.
"Totoo, gusto mo din ako??" Tanong niya sa akin, tumango naman ako sa kaniya bilang sagot, at bigla niya akong niyakap.
"Di ako makapaniwalang, gusto mo din ako, sobrang saya ko" Sabi niya sa akin habang nakayakap.
Kian POV
"Ibig sabihin ba nito, tayo na??" Tanong ko kay Mich.
"Oo" Sagot niya sa akin.
"Talaga??" Masayang tanong ko sa kaniya.
"Oo nga" Sagot niya sa akin.
Napakasaya ko at naging girlfriend ko na siya, akala ko talaga hindi kami parehas ng nararamdaman pero mali ako dahil parehas pala kami ng nararamdaman.
"I love you Mich" Sabi ko sa kaniya.
"I love you too Kian" Sabi din niya sa akin.
———
3 years later
"Oh Akisha, ready ka na ba??" Tanong ko kay Akisha, ngayon kasi ang araw ng kasal niya at ni Zack.
"Oo" Sagot niya sa akin
"Di ako makapaniwalang ikakasal ka na Akisha" Sabi ko sa kaniya.
"Ako din, pero hindi naman ito ang first time na ikinasal ako dahil ikinasal na kami ni Zack noon" Sabi niya.
"Oo nga, pero ikinasal kayo noon dahil sa arranged marriage, pero ngayon ikakasal na kayo dahil mahal niyo ang isa't isa" Sabi ko.
"Tama ka" Sabi niya.
"Btw, kayo ni Kian anong balak niyo??" Tanong niya sa akin na ikinagulat ko.
"Anong balak ang sinasabi mo??" Tanong ko sa kaniya.
"Ang ibig kong sabihin wala pa ba kayong balak magpakasal??" Tanong niya sa akin, nag isip naman ako.
"Wala pa kaming balak" Sagot ko sa kaniya.
"Eh kailan pa??" Tanong niya sa akin.
"Ewan, hindi pa nga siya nagpro-propose sa akin" Sagot ko sa kaniya. Hindi ko alam kung kailan ba balak ni Kian na mag propose sa akin 3 years na rin naman nung naging kami, marami na rin kaming napagsamahang dalawa.
"Just wait, sure akong magpro-propose din yun sayo" Sabi sa akin ni Akisha
"Ok" Sabi ko.
"Tara na, baka naghihintay na sila sa atin sa simbahan" Sabi ko pa.
———
"Mabuhay ang bagong kasal!!" Sigaw ng dad ni Zack pagkatapos ng kasal.
"Masaya ako para sa inyo anak" Sabi ng mom and dad ni Akisha sa kaniya.
"Wag mo sanang sasaktan ang anak namin ijo" Sabi ng dad and mom ni Akisha kay Zack.
"Wag po kayo mag alala tito at tita, aalagaan at mamahalin ko po ang anak niyo at hindi ko po siya sasaktan" Sabi naman ni Zack.
"Mabuti naman, at isa pa pala ijo wag mo na kaming tawaging tito at tita, tawagin mo na lang kaming dad and mom dahil ngayong araw iisa na ang pamilya natin" Sabi ng dad ni Akisha.
"Ok po dad" Sabi ni Zack sa dad ni Akisha.
Maya maya pa ay nagulat kami ng biglang lumapit si Kian sa akin at biglang lumuhod at may inilabas na singsing.
"Mich, Will you marry me??" Tanong ni Kian sa akin, hindi naman agad ako nakapagsalita dahil sa gulat. Hindi ko akalaing ngayon siya magpro propose sa akin, pagkatapos ng kasal nila Zack at Akisha.
"Yess" Sagot ko at isinuot na ni Kian ang singsing sa kamay ko at niyakap ako.
"Congrats!!" Sabi sa amin ni Zack at Akisha at ng iba pang mga bisita.
"Hindi ko na pala kailangang ihagis ang bulaklak dahil may susunod ng ikakasal sa akin" Sabi ni Akisha sa akin kaya napatawa ako at ibinigay niya sa akin ang bulaklak.
"Sabi ko naman sayo magpro-propose din yan" Bulong sa akin ni Akisha.
"Oo na" Sabi ko sa kaniya. Masaya ako at nag propose na sa akin ngayon si Kian. Madami ng nangyari at masaya ako dahil masaya na rin ngayon ang lahat.
**********I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (248)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
goood jub
07/08
0nice
21/07
0Niceeee
23/03
0Tingnan Lahat