logo text

Special Chapter - Celebrate Again

Akisha POV
Ilang araw na ang lumipas simula nung araw ng birthday ko at pati yung nangyari nung araw na yun. Sa totoo lang hanggang ngayon ay di ko pa rin makalimutan ang nangyari nun at ang itsura ni Zack ng mabaril siya, masaya ako dahil ligtas na siya ngayon.
Nandito ako ngayon sa kwarto ko at naisipan kong bumaba na.
"Good morning" Bati ni Zack sa akin pag baba ko.
"Ano namang ginagawa mo dito?? Nasan sila mom and dad??" Tanong ko sa kaniya.
"Wala sila tito at tita, may pinuntahan sila" Sagot niya sa akin
"At tiyaka nandito ako dahil may pupuntahan tayo" Sabi niya pa sa akin.
"Saan naman??" Tanong ko sa kaniya.
"Secret, surprise ko na yun sayo" Sagot niya sa akin.
"Tsk bahala ka, hindi ako sasama sayo" Sabi ko sa kaniya.
"Hindi pwede kailangan mong sumama" Sabi niya sa akin.
"Eh ayaw ko ngang sumama, bakit ka namimiliy ka" Sabi ko sa kaniya.
"Pero para sayo yun, kaya sa ayaw at sa gusto mo sasama ka sa akin" Sabi niya sa akin.
"Sige na, maghanda ka na, pagkatapos mo aalis tayo" Dagdag pa niya at naglakad na papaalis sa harap ko.
"Tsk bakit ba ang kulit niya??" Sabi ko sa sarili ko at umakyat na para maghanda dahil wala na rin naman akong magagawa kundi sumama sa kaniya.
———
Tahimik lang kaming dalawa habang nagd-drive siya, hindi ko alam kung saan talaga kami pupunta, dahil qng sabi niya surprise daw yun, kaya di pwedeng sabihin, "Ano naman kaya ang surprise na yun??" Tanong ko sa sarili ko.
"Nandito na tayo" Sabi niya sa akin, kaya naman nilibot ko ang paningin ko kung saan kami pumunta.
"Ipikit mo ang mga mata mo" Sabi niya sa akin.
"Bakit naman??" Tanong ko sa kaniya.
"Basta, ipikit mo na lang" Sagot niya sa akin, kaya naman ipinikit ko na lang ang mata ko.
"Wag na wag mong bubuksan ang mata mo hangga't di ko sinasabi, ok" Sabi niya sa akin.
"Ok" Sabi ko sa kaniya. Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.
"Kailangan mo ba talagang hawakan ang kamay ko??" Tanong ko sa kaniya
"Syempre, para maalalalyan kita habang nakapikit ka" Sagot niya sa akin
"Tsk ok" Sabi ko sa kaniya at hinayaan na lang siya. Naglakad lang kami papunta sa kung saan habang nakapikit ako, hindi ko alam kung saan ba talaga niya ako dadalhin at kailan ko pang pumikit. Maya maya pa ay nararamdaman kong huminto na kami.
"Pwede mo ng buksan ang mata mo" Sabi niya sa akin, kaya naman unti unti kong binuksan ang mata ko, at pagka bukas ko ay nagulat ako sa nakita ko. Nakita ko sila mom and dad, pati ang mga magulang ni Zack at pati na rin sila Mich at Kian.
"Happy Birthday!!" Sabi nilang lahat sa akin.
"Anong ibig sabihin nito?? Tapos na ang birthday ko diba??" Tanong ko sa kanila.
"Tapos na nga ang birthday mo, pero icecelebrate ulit natin" Sagot sa akin ni mom.
"Hindi ka ba masaya??" Tanong sa akin ni mom.
"Syempre po masaya, sobrang saya ko nga po eh" Sagot ko kay mom at niyakap silang dalawa ni dad. Nagsimula na kaming icelebrate ulit ang birthday ko, kahit kami kami lang ang nag cecelebrate ulit ngayon ng birthday ko ay masaya pa rin dahil kasama ko sila.
"Mom" Tawag ko kay mom.
"Bakit anak??" Tanong sa akin ni mom.
"Maraming salamat po" Sabi ko kay mom.
"Wag ka sa akin magpasalamat anak, kay Zack ka magpasalamat" Sabi sa akin ni mom, napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi ni mom.
"Po?? Bakit naman po??" Tanong ko kay mom.
"Ang totoo niyan si Zack ang nakaisip lahat ng ito siya ang nagsabi sa amin na icelebrate ulit ang birthday mo, siya rin ang naghanda lahat ng kailangan dito" Sagot sa akin.
"Totoo po ba yan??" Tanong ko kay mom.
"Oo, totoo iyon anak" Sagot sa akin ni mom, napatingin naman ako kay Zack na ngayon ay nakangiti. Maya maya pa ay naisipan kong puntahan siya.
"Zack" Tawag ko kay Zack.
"Bakit Akisha??" Tanong niya sa akin.
"May gusto lang akong sabihin sayo" Sagot ko sa kaniya.
"Ano naman yun??" Tanong niya sa akin.
"Gusto ko sanang... magpasalamat sayo" Sabi ko sa kaniya.
"Bakit ka naman nagpapasalamat sa akin??" Tanong niya sa akin.
"Nalaman ko kasing ikaw pala ang nakaisip lahat ng ito, kaya gusto kong magpasalamat sayo" Sagot ko sa kaniya.
"Wala yun, masaya akong makitang masaya ka dahil sa ginawa ko" Sabi niya sa akin sabay ngiti, napangiti naman din ako dahil sa sinabi niya.
———
Tapos na ang celebration at umuwi na rin sila mom and dad at ang mga magulang ni Zack may gagawin din kasi sila, ganon din sila Mich at Kian kaya kami na lang ni Zack ang natira dito, uuwi na din sana ako ng bigla akong tawagin ni Zack.
"Akisha" Tawag sa akin ni Zack.
"Bakit Zack??" Tanong ko sa kaniya.
"Uuwi ka na ba??" Tanong niya sa akin
"Oo" Sagot ko sa kaniya.
"Pwede bang wag ka munang umuwi??" Tanong niya sa akin.
"Bakit naman??" Tanong ko sa kaniya.
"Sumama ka muna sa akin" Sagot niya sa akin.
"Saan na naman tayo pupunta??" Tanong ko sa kaniya.
"Kung ayaw mo, wag na lang, ayos lang nam—" Napatigil siya sa pagsasalita ng magsalita ako.
"Sige na, sasama na ako" Sabi ko sa kaniya nakita ko namang napangiti siya. Sumakay na ako sa kotse niya at umalis na kami.
———
"Bakit tayo nandito??" Tanong ko sa kaniya, pumunta kasi kami sa isang pasyalan marami ring tao ang nandito at namamasyal.
"Mamasyal" Sagot niya sa akin.
"Tara mag ikot ikot tayo sa lugar" Sabi niya at hinawakan ang kamay ko at naglakad, wala naman akong nagawa kundi sundan siya dahil hawak niya ang kamay ko.
Maya maya pa habang nag iikot kami ay bigla siyang huminto at humarap sa akin.
"Bakit??" Tanong ko sa kaniya.
"May gusto sana akong ibigay sayo" Sagot niya sa akin.
"Ano naman yun??" Tanong ko sa kaniya.
"Ito" Sagot niya sabay pakita ng isang kwintas na may nakalagay na pangalan ko.
"Kwintas?? Yan ang gusto mong ibigay sa akin??" Tanong ko sa kaniya.
"Oo, dapat kanina ko pa ito ibibigay sayo, kaso nahihiya ako" Sagot niya sa akin, napangiti naman ako dahil sa ginawa niya.
"Nagustuhan mo ba??" Tanong niya sa akin, tumango naman ako sa kaniya bilang sagot.
"Gusto mo bang isuot ko sayo??" Tanong niya sa akin.
"Sige" Sagot ko sa kaniya, at isinuot niya na sa akin ang kwintas.
"Bagay ba sa akin??" Tanong ko sa kaniya.
"Oo, bagay na bagay sayo" Sagot niya sa akin.
"Thank you" Sabi ko at bigla ko siyang niyakap, nakita ko namang nagulat siya sa ginawa ko at pati ako ay nagulat dahil sa ginawa ko, hindi ko alam kung bakit ko siya niyakap, kaya agad akong humiwalay sa kaniya.
"Sorry, hindi ko sinasadya" Sabi ko sa kaniya.
"Ok lang" Sabi niya at mukhang hanggang ngayon ay gulat pa rin siya.
"Zack ayos ka lang??" Tanong ko sa kaniya.
"Oo ayos lang ako" Sagot niya sa akin.
"Wag ka sana mag isip ng kung ano ano dahil lang niyakap kita" Sabi ko sa kaniya.
"Wala naman akong iniisip" Sabi niya sa akin.
"Ok" Sabi ko sa kaniya.
************

Komento sa Aklat (248)

  • avatar
    SumawangMark Alvin Vidal

    goood jub

    07/08

      0
  • avatar
    Thea Mallari

    nice

    21/07

      0
  • avatar
    Dhexter Bryan Gonzales Cabrera

    Niceeee

    23/03

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata