logo text

Special Chapter - His Birthday

Akisha POV
"Akisha" Tawag sa akin ni mom.
"Bakit mom??" Tanong ko kay mom.
"Inibitahan tayo nila Katherine and Cesar para sa gagawing birthday celebration para kay Zack" Sagot sa akin ni mom.
"Kayo na lang po ang pumunta ni dad mom, hindi po ako pupunta" Sabi ko kay mom.
"Bakit di ka pupunta??" Tanong sa akin ni mom.
"May gagawin pa po kasi ako mom, kaya di ako makakapunta" Sabi ko kay mom, ang totoo niyan wala naman talaga akong gagawin, ayaw ko lang talagang pumunta, naalala ko kasi yung araw na birthday din ni Zack at ginawan ko siya ng cake pero tinapon lang niya sa mukha ko, pinaghirapan ko pa naman ang cake na yun pero ganun lang ang ginawa niya, dapat kasi di na lang ako nag effort na gawan siya alam ko namang di rin niya tatanggapin.
"Sige, sasabihin na lang namin na di ka makakapunta" Sabi ni mom sa akin.
"Ok po" Sabi ko kay mom.
———
Nandito ako ngayon sa company ng pumasok ang secretary kong si Nica.
"Ano yun??" Tanong ko sa kaniya.
"Ma'am nasa labas po si Sir Zack, nagpupumilit po siyang pumasok" Sagot niya sa akin.
"Sige, papasukin mo siya" Sabi ko sa kaniya.
"Ok po ma'am" Sabi niya at lumabas na, maya maya ay pumasok na si Zack.
"Anong kailangan mo??" Tanong ko sa kaniya.
"Wala naman" Sagot niya sa akin.
"Eh bakit ka nandito??" Masungit na tanong ko sa kaniya.
"Gusto lang kitang makita" Sagot niya sa akin.
"Pwes ako di kita gustong makita" Sabi ko sa kaniya.
"Grabe ka naman, di ba pwedeng maging mabait ka naman sa akin kahit ngayong araw lang" Sabi niya sa akin.
"At bakit naman??" Tanong ko sa kaniya.
"Nakalimutan mo na ba, birthday ko kaya ngayon" Sagot niya sa akin.
"Wala akong pake kung birthday mo" Sabi ko sa kaniya na ikinalungkit niya maya maya pa ay nagsalita ulit siya.
"Mabuti pa sumama ka na lang sa akin" Sabi niya at ngumiti siya sa akin.
"Ba't naman ako sasama sayo??" Tanong ko sa kaniya pero di siya sumagot at hinatak na lang ako paalis.
"Teka Zack!! Saan ba tayo pupunta??" Tanong ko sa kaniya.
"Pupunta tayo sa birthday celebration ko" Sagot niya sa akin.
"Ayaw ko sumama, kaya bitawan mo ko" Sabi ko sa kaniya.
"Hindi pwedeng hindi ka sumama" Sabi niya sa akin.
"Sinabi ko na kay mom na hindi ako pupunta" Sabi ko sa kaniya.
"Ano naman?? Pwede ka pa rin namang pumunta, kaya sa ayaw at sa gusto mo pupunta ka" Sabi niya sa akin.
"Zack!!!" Sabi ko sa kaniya ng nagpupumiglas.
"Sumakay ka na" Sabi niya sa akin ng makarating kami sa kotse niya.
"Ayaw ko" Sabi ko sa kaniya.
"Sumakay ka na Akisha" Sabi niya ulit sa akin.
"Sinabi ko na, ayaw ko nga!!" Sabi ko sa kaniya.
"Hindi kita titigilan hangga't di ka sumasakay" Sabi niya sa akin.
"Fine!!" Sabi ko at sumakay na ng kotse niya dahil sa no choice na rin ako.
"Sasakay ka rin pala eh" Sabi niya at sabay ngumiti.
"Ewan ko sayo" Sabi ko sa kaniya. Sumakay na rin siya at pinaandar na ang kotse.
———
"Nandito na tayo" Sabi niya sa akin ng makarating kami sa bahay nila pero hindi ako bumaba.
"Akisha, bumaba ka na" Sabi niya kaya bumaba na ako.
"Tara na" Sabi niya kaya naglakad na kami papasok.
"Akisha?!" Gulat na sabi ni mom ng makita ako.
"Hi mom" Sabi ko kay mom.
"Akala ko ba hindi ka makapupunta dahil may gagawin ka pa??" Tanong niya sa akin.
"Ahh ano po kasi—" Di ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang magsalita si Zack.
"Tapos niya na po ang gagawin niya tita, kaya sumama na siya sa akin papunta dito" Sagot ni Zack kay mom.
"Ah ganon ba" Sabi ni mom.
"O-opo ganon nga po ang nangyari" Sabi ko kay mom.
"Mabuti naman. Tara na, kanina pa nila hinihintay si Zack" Sabi ni mom.
"Ok po" Sagot namin ni Zack.
"Nga pala ijo, Happy birthday sayo" Bati ni mom kay Zack.
"Maraming salamat po tita" Sabi ni Zack kay mom at naglakad na kami papunta kina tita Katherine.
"Oh Zack buti naman at dumating ka na, alam mo bang kanina ka pa namin hinihintay" Sabi ni tita Katherine kay Zack.
"I'm sorry mom, may pinuntahan pa kasi akong importante" Sabi ni Zack kay tita Katherine.
"Ano naman iyon??" Tanong ni tita kay Zack.
"Isang importanteng tao na hindi pwedeng mawala sa araw na to" Sagot ni Zack sabay tingin sa akin kaya naman umiwas ako ng tingin sa kaniya.
"I hate him!!" Sabi ko sa isip ko.
"Mukha ngang importante ang taong iyon sayo" Sabi ni tita at agad na tumingin sa akin kaya ngumiti na lang ako sa kaniya ng pilit
———
Nandito ako sa garden nila Zack nakaupo at nagpapahangin, sobrang dami kasi ng tao sa loob.
"Anong ginagawa mo dito??" Nagulat ako ng biglang magsalita si Zack sa likod ko.
"Nagpapahangin lang" Sagot ko sa kaniya at napansin ko namang tumabi siya sa akin.
"Ikaw anong ginagawa mo dito??" Tanong ko sa kaniya.
"Sinundan ka" Sagot niya sa akin.
"Tskk bumalik ka na lang sa loob, baka hanapin ka nila tita" Sabi ko sa kaniya.
"Hindi yun, sinabi ko na sa kanila na pupunta ako dito sa garden" Sabi niya sa akin.
"Oh saan ka pupunta??" Tanong niya ng tumayo ako.
"Babalik na ako sa loob" Sagot ko sa kaniya.
"Pero kakapunta mo lang, kaya mabuting dito ka muna" Sabi niya sa akin.
"Ok" Sabi ko at umupo ulit.
"Bakit parang bumait ka ata sa akin ngayon??" Tanong niya sa akin.
"Anong bumait?? Wala lang talaga ako sa mood makipag away sayo ngayon" Sagot ko sa kaniya.
"Ahh, ok" Sabi niya sa akin. Ilang saglit pa ay tahimik lang kami at walang umimik sa amin dalawa at maya maya pa ay nagsalita na siya.
"Akisha" Tawag niya sa akin.
"Bakit??" Tanong ko sa kaniya.
"Pwede bang... gawan mo ako ng cake??" Tanong niya sa akin na ikinagulat ko at dahilan para hindi ako makapagsalita agad.
"Kahit bukas, o kaya sa susunod na bukas pa, o kaya kahit kailan, gusto ko sanang gawan mo ako ng cake" Sabi niya sa akin.
"A-ayaw ko, hindi kita gagawan ng cake, kahit kailan" Sagot ko sa kaniya.
"Akisha please, gusto kong gawan mo ko ng cake, katulad nung ginawan mo ko ng cake noong birth—" Hindi niya na natapos an sasabihin niya ng bigla akong nagsalita.
"Pwede ba Zack!! Tumigil ka na!! Kalimutan mo na ang nangyari noon, nagsisi akong ginawan pa kita ng cake noon" Sabi ko sa kaniya.
"I'm so sorry" Sabi niya sa akin.
"Alam mo ba nung araw na yun, sobrang saya ko dahil ginawan kita ng cake para sa birthday mo, akala ko matutuwa ka dahil dun, pero mali ako, nagkamali akong ginawan pa kita ng cake dahil nasayang lang naman yun dahil tinapon mo lang sa mukha ko, yung saya ko nung araw na yun nawala at napalitan lang ng lungkot dahil sa ginawa mo" Sabi ko sa kaniya.
"I'm sorry, nagsisisi akong ginawa ko ang bagay na yun sayo" Sabi niya sa akin.
"Wala ng magagawa ang sorry mo Zack nangyari na yun at isa pa matagal na rin yun kaya mas maganda kung kalimutan mo na lang yun" Sabi ko sa kaniya at umalis na.
"Oh Akisha ayos ka lang ba??" Tanong sa akin ni mom ng makita niya ako.
"Opo ayos lang ako" Sagot ko kay mom.
"Ahh mom, uuwi na po ako" Sabi ko kay mom.
"Bakit may nangyari ba??" Tanong sa akin ni mom.
"Ah w-wala naman po, gusto ko lang na magpahinga na sa bahay" Sabi ko kay mom.
"Ok" Sabi ni mom.
"Teka pano ka pala uuwi, may kotse ka bang dala??" Tanong sa akin ni mom.
"Wala po, pero magtataxi na lang po ako pauwi" Sagot ko kay mom.
"Ok, take care" Sabi ni mom, tumango na lang ako at umalis na.
———
Pagkadating ko sa bahay ay agad akong pumunta sa kwarto ko at humiga, habang nakahiga ako ay naalala ko ang nangyari noong binigyan ko si Zack ng cake.
*Flashback
"Happy Birthday Zack!!!" Nakangiting bati ko sa kaniya sabay pakita ng binake kong cake.
"What's that!!" Cold na tanong nito.
"Cake gawa ko alam ko kasing birthday mo ngayon eh kaya naisipan kong ipagbake ka ng cake" Masayang sagot ko.
"Ah ok" cold na sagot nito at sabay kuha ang cake na dala ko kaya naman napangiti ako.
"Mabuti naman at tinang-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla niyang tinapon sa mukha ko ang cake na gawa ko .
*End Of Flashback
Napaluha na lang ako ng maalala ko ang lahat ng yun "Hayst bakit ko pa ba inaalala yun, dapat kalimutan ko na ang masakit na nangyaring yun" Sabi ko sa sarili ko at ipinikit na ang mga mata ko para makatulog.
———
Nagd-drive ako ngayon papuntang company, hininto ko ang kotse ko ng mag red light at habang hinihintay kong mag green light ay inilibot ko muna ang paningin ko ng may makita akong nagtitinda ng mga cake dahil dun ay may bigla akong naalala.
*Flashback
"Pwede bang... gawan mo ako ng cake??" Tanong niya sa akin na ikinagulat ko at dahilan para hindi ako makapagsalita agad.
"Kahit bukas, o kaya sa susunod na bukas pa, o kaya kahit kailan, gusto ko sanang gawan mo ako ng cake" Sabi niya sa akin.
*End Of Flashback
"Tskk kahit kailan hindi ko na siya gagawan ng cake" Sabi ko sa sarili ko at maya maya pa ay nag green light na kaya pinaandar ko na ang kotse ko.
———
Zack POV
"Akisha" Tawag ko kay Akisha pagdating niya sa office niya.
"Anong ginagawa mo dito??" Tanong niya sa akin.
"Ibibigay ko lang sayo itong mga documents" Sagot ko sa kaniya at ibinigay na ang mga documents na hawak ko.
"Kung wala ka ng ibibigay umalis ka na" Sabi niya sa akin.
"Pwede bang mag stay muna ako dito sa office mo kahit saglit??" Tanong ko sa kaniya.
"Hindi pwede" Sagot niya sa akin.
"Bakit naman??" Tanong ko sa kaniya.
"Pwede bang wag kang maraming tanong umalis ka na lang" Inis na sabi niya sa akin.
"Galit ka ba dahil sa nangyari kagabi??" Tanong ko sa kaniya.
"Hindi ako galit, kaya kalimutan mo na ang nangyari kagabi" Sagot niya sa akin.
"Kung hindi ka galit, bakit ganyan ka sa akin??" Tanong ko sa kaniya.
"Ano ba Zack!! Hindi ka ba talaga titigil, hindi nga ako galit, at isa pa lagi naman akong ganyan sayo kaya wag ka ng magtaka" Inis na sagot niya sa akin.
"I'm sorry, yung sinabi ko sayo kagabi kalimutan mo na lang, hindi kita pipilitin kung ayaw mo kong gawan ng cake, kaya sana wag ka ng magalit" Sabi ko sa kaniya.
"Bakit ba ang kulit mo?? Hindi nga ako galit" Sabi niya sa akin.
"Ok, hindi na nga" Sabi ko sa kaniya.
"Sige, aalis na ako" Sabi ko sa kaniya at umalis na.
**********

Komento sa Aklat (248)

  • avatar
    SumawangMark Alvin Vidal

    goood jub

    07/08

      0
  • avatar
    Thea Mallari

    nice

    21/07

      0
  • avatar
    Dhexter Bryan Gonzales Cabrera

    Niceeee

    23/03

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata