Isang kamay ang humawak naman sa aking kaliwa kaya naman nalingon rin ako agad sa aking kaliwa. Markus' attentive and defensive disposition is obvious. Napaatras tulyo si Noah at napabitaw sa akin. "No, he's my friend. It's alright," agad kong isinatinig. Mariin ang tingin niya kay Noah. Binalingan niya rin ako ng tingin bago unti-unting umatras, pero hindi nakatakas sa akin ang paninitig niya kay Noah kahit na nakalayo na siya. I hissed and put my palm on my ankle. Hindi naman ito nagkasugat pero ramdam ko ang kirot rito. "Are you okay? Bakit kasi ang tanga mo?" Nanglisik ang mga mata ko habang tinitingala ko siya. He scratched his brow. "Iyong bato yung tinatanong ko." I hissed. Inabot niya ang kaniyang kamay, tinanggap ko iyon pero padabog kong binitiwang nang makatayo na. "May asungot kasing naligaw rito kahit hindi naman dapat," sambit ko sa mapait na tinig. Nandito na naman kasi siya sa university namin. He chuckled cockily. I raised a brow. "Iyong bato ang tinutukoy ko." Inulit ko ang sinabi niya. Sumabog ang tawa niya. Umirap ako dahil walang nakakatawa. "Saan ka ba pupunta? Madilim rito." Nagpatuloy ako sa paglalakad. Kaya ko naman pero ramdam ko ang kaunting kirot bawat pwersa na gagawin. "Sa parking, uuwi na ako," sagot ko. Hindi siya nagsalita. Mahabang katahimikan ang naghari sa amin. "And that man? I supposed one of your securities?" Kahit hindi ko lingunin ang tinutukoy niya ay alam ko na. Tumango ako. "Hindi mo tinapos ang programme?" tanong niya. Di ko alam kung bakit sinasabayan niya pa rin ako sa paglalakad. "Hindi na. Wala rin akong planong magtagal." Pagkikibit balikat ko. "Talaga? E bakit mukhang badtrip ka?"
My steps halted. Pairap ko siyang hinarap. I crossed my arms on my chest while he stood there cockily. "Narinig kitang pabulong-bulong sa sarili mo kanina na para bang may hindi ka nagustuhan sa nakita mo roon." Bagot ko siyang tinignan. "Meron nga." "Mind spilling it?" "Ang tsismoso mo no?" He smirked. "Hindi ba pwedeng concern lang ang 'friend' mo?" I chuckled without any humor. Talagang dinidiin niya pa ang pagtatanggol ko sa kaniya kanina kay Markus. "Fine." I sighed heavily. "Some girl out there is claiming my fiance as hers." Hindi man lang nagbago ang ekspresyon niya naang sabihin ko iyon. Tinuro ko ang dibdib niya habang kunot ang noo ko. "Hindi ka rin ba niniwalang engaged ako?" His eyes wandered for a while as if he's thinking of something. "Alam ba ng fiance mo na engaged siya sayo?" Inosente niyang tanong. Mabilis kong hinampas ang dib-dib niya at natawa agad siya. He held my wrist to stop me. "Shh, wag kang ganyan. People might think we're couple having some lovers quarrel here." Biro niya pa. I crossed my arms again and pouted. Tila lalo yata siyang natawa sa reaksyon ko. Humupa rin ang tawa niya bago nagseryoso. "You can't blame that person. Are there even any people who knows you two are engaged?" Nakinig lang ako sa kaniya. "No one?" he confirmed. I shook my head while pouting. "Ikaw lang." He seemed a bit amused. "Who says I'm believing you." Hahampasin ko sana ulit ang dib-dib niya dahil sa pagbibiro na naman niya, ngunit pinigilan niya ako sa pamamagitang ng paghawak sa pulso ko. Dahil hihilain ko sana ang sarili ko ay nahila niya ako pabagsak sa kaniyang dib-dib dahil mas malakas siya. I was a bit startled. Napatitig ako sa mukha niya dahil sa lapit nito sa akin. "Isa pang pananakit mo..." pagbabanta niya. I smirked and cocked my head. "Sige nga? Anong gagawin mo?" I don't know if I'm just hallucinating or my eyes just can't see properly in the dark, but I saw how his eyes went down swiftly to my lips up to my eyes again. That made me uncomfortable for some reasons. Hindi siya sumagot. Instead, isang mahinang pag-ismid ang ginawa niya bago niya ako binitiwan. I fixed myself and sighed heavily. What was that? "Hindi ka pwedeng mainis sa kung sino mang umaangkin sa fiance mo, iyon ay kung mayroon nga." He continued talking as if nothing happened. Baka nga ako lang iyong may napuna. "Mayroon nga!" I whined. He laughed and said, "Fine!" Habang nakataas pa ang dalawnag kamay na tila sumusuko. "As I was saying, instead of being irritated to that woman, then why not inform people first that you two are really engaged, right?" Nanguso ako habang nakatitig sa kaniya. Hindi ako makapaniwalang may punto ang sinasabi ng isang kulokoy na ito. Kung kaya't nang makauwi ay iyon lamang ang laman ng isip ko. I sat on my bed, still wearing my uniform. Nahagip ng mata ko ang cellphone kong wala pa ring paramdam ni Erato. I sighed heavily and massaged my foot. Medyo masakit pa rin dahil sa katangahang ginawa ko kanina. Tahimik ako habang inuumpisahang i-sort out lahat ng mga iniisip ko naang biglang nagbukas ang pinto at niluwa nun ay walang iba kundi ang tanging lalaking kayang guluhin ang isip ko. "Erato, you're here?" The signature look of him was the first thing I noticed. Magkasalubong ang mga makakapal na kilay kahit na hindi naman galit, iyon bang tila palagi na lamang mayroong kinaiinisan. He's wearing a black slacks and a white button down shirt, ngunit tatlo lamang ang butones nito at ang tatlo na iyon ay nakabukas pa. Ang gwapo ng fiance ko! He shut the door quietly before going into my direction. I pouted and opened my arms so he could give me what I've been wanting to do. Sinandal ko ang ulo ko sa kaniyang tiyan habang siya ay hinaplos nang marahan ang aking ulo. All I could do was shut my eyes, feeling the calmness that I didn't know I needed. Lahat ng kaguluhan sa aking isip ay nawala. Lahat ng inis at pait sa akin ay natabunan ng sarap na dulot ng presensya niya. "I missed you," I whispered. Umatras siya at dinungaw ako. Tiningala ko siya. He crouched to reach for my face, I thought he would aim for my lips but I was wrong. Isang dampi muna sa aking noo ang ginawad niya. Halos magwala ang zoo sa aking tiyan. Parang nakalutang ako sa ere habang inuunti-unti niyang halikan ang aking ilong paba sa aking labi. Fvck! Ano ba itong droga na hatid niya sa akin at talagang high na high ako? "I missed you too," he whispered back before he brushed a soft feathery kiss on my lips. I gasped feeling discontented with just that. Mapungay ang mga mata kong tinitigan siya habang unti-unting lumuluhod sa harap ko para magtagpo ang lebel naming dalawa. "How's your day?" I asked. "Busy," simpleng sagot niya habang ingat na ingat na tinatanggal ang aking sapatos at medyas. "Alam ba ni Dad na nandito ka sa kwarto ko?" His lips protruded and shook his head once. "No." I grinned and reached for his soft hair. "Erato," "Hmm?" He asked while massaging the ankle that I'm massaging a while ago. Hindi ko alam kung bakit may kung anong hatid na sakit sa aking puso ang ginagawa niyang ito. Ni hindi ko nga sinabi sa kaniya ang tungkol roon pero alam niya agad kung ano ang gagawin. Just by a short period of time seeing me grunting, alam na niya agad iyon? Oh, Erato, could I even love you more? "Let's tell them," ani ko, sa maliit na tinig. His hands stopped massaging my foot. Nagbago ang ekspresyon niya at bigla akong kinabahan roon. His eyes met my hopeful eyes. I smiled lightly and caressed his cheeks. "It's time. Let's tell them we're engaged." He stared at my eyes for God knows how long. I'm expecting him to grin and say yes just like he always do but all he did was reached for my hands on his face. Nawala ang ngiti ko at bumagsak ang mga mata ko sa kamay kong inalis niya sa kaniyang mukha. I saw how his adams moved up and down and how his eyes fidget as if he's looking for the right words to say. Unti-unti kong naramdaman ang lamig sa aking tiyan at ang pamamanhid ng sistema. "I don't think it's the right time to tell them, Jade," he uttered.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
pa update author 😊
06/07/2025
0thanks
08/04/2022
0Tingnan Lahat