Emergency

"Fuck, I badly need this." 
I chuckled hearing Olivia. I glanced at her at the mirror and saw her sulking face. Nakabalik na sila mula sa nagyeyelo nilang bakasayon. Niyaya ko agad siyang mag mall dahil marami rin akong appointments for pampering stuffs. 
Mula ng magkita kami ay wala na siyang naging bukambibig kundi ang pagkabagot niya sa bakasyon nilang iyon. 
"I'm so glad I had the best vacation, Olivia." I smirked and close my eyes. Kasalukuyang nakababad ang buhok ko sa treatment. 
Hindi siya sumagot sa akin at nilingon ako ng may mapanghusgang mga mata. Great, now she's interested. 
"Right. It's the best vacation that you wouldn't even bother to tell me anything."
Dumilat akong muli. Ngumuso ako at tumingin sa kaniya. Tinignan ko ang babaeng nasa likuran niya at nag aayos ng kaniyang buhok. May nakikinig man o wala, sigurado akong wala rin akong balak sabihin iyon sa kaniya. 
"So you'll really not gonna say anything?" she narrowed her eyes. Sa salamin kami nag uusap. 
"Say what?" painosente kong tanong. 
"That you and Erato are together in your villa?" 
My eyes widened a fraction. Hindi ko inaasahang alam niya iyon, pero hindi na rin nakapagtataka kung paanong nalaman niya. 
"Tss. See?" Ismid niya. 
I sighed and raised a brow. "Yes. You're right, and I'm sure you know who's with us." 
Gusto kong magpaka inosente at magaling ako roon. But now in front of Olivia. 
"Kuya Jax and his friends." she stated. I nodded. I pursed my lips after and she just looked at me suspiciously, tila binabasa pa ang nasa isip ko. 
"See? Everything's just normal." I shrugged. 
"You're being silent knowing that you've been with Erato and THAT is not normal." she smirked. 
I glanced at her, nahuli niya ako ng kaunti sa sinabi niya, but I kept my straight face. She just smirked at me and shook her head lightly. 
Mabuti na lang ay iyon na ang huling pagkakataon na pinag usapan namin iyon. Hindi ko na rin kasi alam ang palusot na gagawin ko sa kaniya. Ano namang ike-kwento ko? Na na-finger ako ni Erato sa bakasyon na iyon? Jesus.
Pagkatapos ng iba pa naming appointment ay nag shop na lamang kami. Olivia's for sure splurging like crazy, doon niya siguro ibinuhos ang frustration niya sa buong bakasyon nila ni tita. Samantalang ako ay ilang pieces lang ang nabili, kaya ng nakaramdam ng pagod ay nagpahinga na lamang ako sa bench habang naghihintay na matapos si Olivia na mag shop. 
I sighed and massaged my foot a bit. Na bored ako, so ang cellphone ko na lamang ang pinagdiskitahan ko habang naghihintay. Parang panaginip kong binabalikan ang mga nangyari sa pagitan namin ni Erato. 
That vacation was a legit dream for me, sayang at bumalik na rin kami agad. Simula kasi ng bumalik na kami rito sa Cavite ay naging normal na muli ang lahat. He seldom visits the house, at kung bumisita man siya ay hindi ko rin maabutan. He seemed busy, hindi ko rin alam kung bakit tila tuwing pupunta siya sa amin ay lagi silang may pinag uusapan ni dad at kuya Jax. 
Though, we text sometimes. 
I bit my lip and read our last conversation. Kagabi pa iyon, pinag uusapan namin ang isang movie na tinatanong ko sa kaniya. 
Me:
But the guy is a bit hot though. He's just bad. 
Erato:
Are we still talking about the movie or the guy now? 
Parang kiniliti ang tiyan ko ng basahin ang mensahe naming iyon. I was just asking him about this movie and he told me that he didn't like it because the leading man is a sadist and abusing girls. 
Me:
The movie. Haha
Erato:
Sleep now. It's late.
"Huy!" 
"Huh?" 
Mabilis kong binaba ang cellphone ko at inangat ang tingin kay Olivia na mukhang kanina pa akong tinatawag. Her forehead furrowed and she tried to look at the screen of my phone but  hid it immediately. 
Tinignan niya ang kilos ko. 
"What? You're done?" sambit ko na tila walang nangyari. 
She narrowed her eyes, nanlalamig nag pisngi ko sa maari niyang sabihin. 
"Is this good or this one?" 
Tanong niya hawak ang dalawang crop top. Tinuro ko ang kulay itim at ngumiti sa kaniya. She raised an eyebrow and turned her back on me and continued shopping. 
I sighed and giggled inside my head, buti na lang at hindi na siya nagtanong pa. I read our messages again. 
Me:
How about you?
Erato:
Still digesting. 
Me:
What? You just ate?
I touched my lips to hide my smile while scrolling for more messages. 
Erato:
Cases, Jade. 
I laughed lightly, nasapo ko ang noo ko. Ang mga sumunod na mensahe ay ang pagpapaalam ko sa kaniya na matutulog na ako. Maaga pa ng mga oras na iyon, kahit gusto kong makausap pa siya ay ayaw ko namang ma istorbo pa siya sa pag aaral niya. 
Yes. Summer and he's still studying. Mangha pa rin ako sa kaniya, lately ko lang rin talaga nalaman na may interes pala talaga siyang mag aral. Pinagtataka ko lang dahil bakit tila ang dami niya paring panahon, hindi ko tuloy nahahalata kung nag aaral pa ba siya o hindi. 
Nagtipa ako para sa bagong mensahe.
Me:
Busy?
Pinatay ko na rin ulit iyon pagkatapos ng maikling salita. Alam ko naman kasing hindi siya agad magre-reply. Alam ko lang dahil umaabot ng ilang oras minsan ang mga reply niya sa akin. Either may ginagawa siya o talagang hindi niya lang gusto magreply agad. 
Nagitla ako ng mag vibrate and cellphone ko. And to my surprise, I saw his name in there. I slid the screen and read his message. 
Erato:
No.
Malalim na paghinga ang ginawa ko. It's just a two god damn letters, why do I feel like floating or something? Ganito na ba katindi ang epekto niya sa akin? 
Me:
I'm in the mall with Olivia. 'bout you?
Hinintay ko pa talaga ang pagrereply niya roon, nahihiya na tila pinapahaba pa ang usapan. But damn! He replied right away. 
Erato:
Terraza. Nagkayayaan. 
I gasped. He's out? Tinitigan ko si Olivia na bahagyang tumitingin tingin pa rin sa direksyon ko kada ilang minuto. 
I pursed my lips typing new message. 
Me:
Can I go? 
My cheeks heated after sending the message. Shocks! For sure hindi siya papayag. I'm just trying my luck. Nasa kabilang mall lang sila, ilang araw ko rin siyang hindi nakita kaya sinusubukan ko lang. Besides, baka kasama niya pa si kuya Jax. 
The phone vibrated after a minute.
Erato: 
You want to?
Parang nanlamig ang tiyan ko sa mensahe niya. I even refreshed the messages to see if he really did sent the right message. Pumapayag ba siya? 
Hindi ko tuloy alam ang ititipa ko. Ang tagal kong nag isip hanggang sa may panibago na naman siyang mensahe. 
Erato:
We'll hop in Tagaytay later, gagabihin ka. Hahanapin ka ng daddy mo. 
Bumagsak tuloy ang balikat ko. Abot kamay ko na e! 

Komento sa Aklat (2)

  • avatar
    Rowena Pawilan Navarro

    pa update author 😊

    06/07/2025

      0
  • avatar
    Noeh Sameran

    thanks

    08/04/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata