Chapter 28

Chapter 28
My eyes were still closed when I woke up. My forehead creased when I felt that the rope tied around my hands and feet loosen. Suddenly, I felt at ease.
But my eyes flew open when someone carried me.
"Dylan!"
Biglang tinambol ng kaba ang dibdib ko nang mapagtantong buhat-buhat niya ko at mabilis ang kanyang mga hakbang.
Shit! Are we leaving now?
Mabilis kong isinalag ang braso ko para humarang sa mga mata ko nang tumama ang sikat ng araw sa mukha ko.
"Where the hell are you taking me?" Gusto kong pumiglas mula sa pagkakahawak niya pero wala na kong lakas.
Hindi siya umimik. Dire-diretso na tinungo lang niya ang nakaparadang sasakyan ng may pagmamadali na tila ba mayroong humahabol sa kanya. Nang mailagay niya ko sa loob nito ay malakas na isinara niya ang pinto at mabilis na umikot sa driver's seat, bago dali-daling sumakay.
"Oh my God!" Mabilis kong isinuot ang seatbelt ko ng bigla niyang pinasibad ang sasakyan paalis. Sobrang bilis ng ginawa niyang pagpapatakbo at pansin ko na panay ang silip niya sa side mirror.
"What the hell Dylan! Slow down!" mahigpit na napakapit na lang ako sa gilid ng pinto ng mas lalo pa niyang pinatakbo ng mabilis ang sasakyan.
Binuksan niya ang bintana sa puwesto niya. Pagkatapos ay kinuha niya ang phone niya na nasa dashboard at mabilis na itinapon 'yon sa labas.
Napapantastikuhang napatitig ako sa kanya. "Ano bang ginagawa mo? At saan mo ba ko dadalhin?"
"Bakit?"
Napakunot noo ako sa tanong niya. "What?"
"Ginawa ko naman ang lahat para mapansin mo! Lahat-lahat para ako naman ang magmukhang mabuti sa paningin mo! I even hired someone to scare you that night, then I will save you. So that you can see that it's always been me who's always there to protect you! Pero bakit? Bakit si Lance pa rin hanggang ngayon?"
Natigilan ako nang dahil sa sinabi niya. Iisang pangyayari lang ang biglang pumasok sa isip ko.
"Ibig sabihin, 'yong taong nagtangkang g-gumahasa sa 'kin no'n ay k-kagagawan mo?" My lips were trembling as I recall that memory.
Hindi siya umimik. Biglang binalot ng galit ang puso ko nang dahil sa nalaman. I can't believe that I entrusted myself to a devil!
I was about to shout at him when I glanced in front and saw a ten-wheeler truck heading our way.
"Watch out!"
Napapikit na lang ako nang mabilis niyang kinabig ang manibela, dahilan para tumama ang ulo ko sa bintana.
Nang medyo mahimasmasan ay nanggagalaiting nilingon ko siya. I glared at him, then punched his arm.
"How dare you! Kung magpapakamatay ka ay wag mo akong idamay! Gago ka! Pakawalan mo ko! Ibaba mo—"
Kung hindi ako nakasuot ng seatbelt, malamang ay sumubsob na ko sa dashboard nang bigla naman niyang inihinto ang kotse sa gitna ng kalsada.
"What the—"
Napatigil ako sa pagsasalita nang sa pag-angat ko ng tingin ay nakita ko ang lalaking kahit ilang taon na ang lumipas ay patuloy pa rin na itinitibok ng puso ko.
"Lance," I breathed out his name and I somehow felt relieved just by the sight of him.
Ang ngiting unti-unting kumawala sa mga labi ko ay mabilis na nawala nang buksan ni Dylan ang mini-compartment at may inilabas na baril mula ro'n.
My eyes widened and I gasped in horror. "Dylan—"
Mabilis siyang lumabas at umikot sa pwesto ko, bago binuksan ang pinto. Mahigpit na hinawakan niya ko sa braso at hinila palabas.
Inilibot ko ng tingin ang paligid. Hindi ko alam kung nasaang lugar kami at tanging mga nagtataasan na puno lang ang makikita.
Kinaladkad niya ko patungo sa harap ng kotse at pilit na itinayo. Pakiramdam ko ay biglang tumigil sa pagtibok ang puso ko at nanginig ang kalamnan ko nang maramdaman ang malamig na metal sa leeg ko.
"One wrong move, then everything will end here, Lance."
Napakuyom ng kamao si Lance, habang nakatayo ilang metro lang ang layo sa puwesto sa 'min. Sa likod niya ay nakatigil din ang kotse niya at nakaharang sa daan. Nagtatagis ang kanyang bagang at akmang hahakbang siya papalapit sa 'min ng iumang naman ni Dylan ang baril sa kanya.
"No!" I shout at Dylan. "Please don't," nagmamakaawang sabi ko sa kanya.
Akmang hahakbang ulit palapit si Lance ng sunod-sunod akong umiling.
"No, Lance! Stay there! He will kill you damn it!"
Gusto kong sumigaw. Gusto kong magwala. I felt frustrated, but all I can do is to stand here while watching the two of them, afraid of their next moves.
Pakiramdam ko ay naging slow motion ang lahat nang dahan-dahan siyang tumingin sa 'kin. Our eyes met and for the first time since we see each other again, I believe and trust the love that's visible in his eyes.
Biglang bumalik sa alaala ko ang mga nangyari ng muli kaming magkita. All this time, he wants nothing but to keep me safe. To be protected. Ilang beses niya kong binalaan tungkol kay Dylan. Pero hindi ako nakinig. Because I thought, I knew Dylan better. Na hindi hamak na mas mapapagkatiwalaan ko 'to kaysa sa kanya.
Little did I know that the cause of all this shit is none other than Dylan. Sa nakalipas na anim na taon, ni minsan ay hindi ko siya pinagdudahan.
Pero ngayon ay punong-puno ng pagsisisi ang puso ko. I became a close minded person that I didn't want to hear any explanation from the guy I love. Masyado akong nagpakain sa sakit na nararamdaman ko. Kung sa simula pa lang ay hinayaan ko na siyang ipaliwanag sa 'kin ang lahat ay hindi na sana kami umabot pa sa ganito.
"Dylan, pakawalan mo si Shane." Madilim ang mukha ni Lance na ngayon ay nakatingin na kay Dylan.
Dylan laughed. "Pakawalan? Nah. Minsan ko na siyang pinakawalan sa 'yo. And I won't repeat the same mistake now that she's already mine." Nanlisik ang kanyang mga mata at bahagya kong napangiwi nang humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko.
"Alam mo, pabibo ka rin, eh. All my life, palagi na lang, buti pa si Lance ganito, ganyan. Ang galing ni Lance, ang gwapo ni Lance, ang bait ni Lance, ang talino ni Lance, ang talented ni Lance! Fuck shit! Puro na lang ikaw! Ikaw na lang ang palaging nakikita! At ako?" Itinuro niya ang sarili.
"Palagi na lang akong pangalawa sa 'yo! Para kong anino mo! Kung hindi pa nila malalaman na pinsan mo ako— na hindi naman totoo— ay hindi pa nila ko mapapansin. Pero okay lang. Sabi ko sa sarili ko, okay lang 'yan Dylan." Mapait siyang ngumiti.
"Then high school year came and I saw Chrystelle. Ako ang unang nakakita at nakapansin sa kanya. Kahit hindi niya ko napapansin, patuloy ko lang siyang tinatanaw mula sa malayo. Little did I know that I will fall for her every single day that passed by. Kaya sabi ko sa sarili ko no'n, balang araw, mapupunta rin sa 'kin ang babaeng 'to. Kahit siya na lang ang magkaroon ako ay magiging okay na ko." He shook his head.
"Okay na sana, eh. Pagkatapos ay malalaman ko may gusto ka rin sa kanya. Aminado ako na bigla kong kinabahan no'n. Kahit sa totoo lang ay plano ko na sanang kalimutan na rin ang nararamdaman ko para kay Chrystelle no'n. Pero ang sabi mo kasi ay okay lang kahit sa 'kin na siya. Kaya nabuhayan ako ng pag-asa at naniwala ako sa 'yo. Sa isang iglap, lahat ng inis na nararamdaman ko para sa 'yo ay nawala kahit papaano. Akala ko kasi totoo na, eh. Akala ko pagkakataon ko na. Pero anong ginawa mo? Nagmagaling at sumingit ka na naman?"
Napaigtad ako sa lakas ng boses niya. Punong-puno 'to ng magkahalong sakit, galit at lungkot.
Napatungo ako at namalayan ko na lang ang sunod-sunod na pagdaloy ng luha ko. I can't believe that because of me, their already broken relationship became more damaged.
"I'm sorry."
Kinagat ko ang ibabang labi nang marinig ang mahinang boses ni Lance.
"I really am. Hindi ko naman alam na gano'n na pala ang nararamdaman mo no'n. You should have told me. Baka—"
"Sorry?" Pagak na tumawa si Dylan. "Well, sorry to say too, but it's been long overdue."
Nahigit ko ang hininga nang bigla kong narinig ang malakas na tunog ng baril at ang pagkabasag ng kung ano. Pakiramdam ko ay tumigil ang lahat sa paligid dahil do'n. My lips parted and my eyes wide opened when I looked up.
The smiling face of Lance welcomed me. He's remained standing as if nothing happened, mindless of the shattered windshield of his car.
He even mouthed I love you. His eyes were full of love as it held mine.
I smiled sadly at him. "I love you, too," sabi ko sa mahinang boses. Pero sapat na para marinig niya.
Ramdam ko na natigilan si Dylan sa tabi ko. Habang nanlaki naman ang mga mata ni Lance na para bang hindi makapaniwala sa narinig.
"Y-You love me t-too?"
Kung wala lang kami sa ganitong sitwasyon, malamang ay kanina pa ko tumatawa nang dahil sa gulat na ekspresyon ng mukha niya.
I nod at him. "Yes. I do and always will."
Parang may sarili kaming mundo habang magkahinang ang mga mata naming dalawa. Pero agad na naputol 'yon nang sumigaw si Dylan.
"That's it! Enough!" Nanlilisik ang mga mata ni Dylan na tumingin sa 'kin. "Kung hindi ka lang din naman mapupunta sa 'kin ay mas lalong hindi ka rin mapupunta sakanya dahil papatayin ko na siya!"
Akmang kakalabitin na niya ang gatilyo ng mabilis akong humarang sa harap niya. Napapikit ako nang maramdaman ang pagtama ng kung ano sa balikat ko. Pero bago pa man ako tuluyang mabuwal sa kalsada ay may mga brasong mabilis na pumulupot sa beywang ko.
I heard another gunshot, then another gunshot echoed in the air before everything went blank.

Komento sa Aklat (39)

  • avatar
    PascuaMaryjane

    speechless

    26/06/2025

      0
  • avatar
    Belle Singson

    ang ganda

    05/04/2025

      0
  • avatar
    SoteroWhiteangel

    nice e

    03/12/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata