Homepage/A Promise of Forever (A Promise of Love Book 2)/
Chapter 26
Chapter 26
Shane Chrystelle's POV
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Napakurap ako nang bumungad sa 'kin ang madilim na paligid.
Napakunot noo ako. Nagpalinga-linga ko sa paligid pero puro kadiliman lang ang nakikita ko. Tanging ang maliit na ilaw lang na nakasabit sa bandang uluhan ko ang nagsisilbing liwanang sa kinauupuan ko.
Pilit kong inalala ang mga nangyari. I gasped when I remembered that I was with Dylan and when he put a hanky on my nose, then I passed out.
"No..." nanginginig ang boses ko nang mapagtanto ko ang nangyari.
I was about to stand up when I felt that both of my foot and hands are tied up.
Sunod-sunod akong napailing, habang unti-unting namamalisbis ang mga luha sa pisngi ko.
Si Dylan ba ang may gawa nito? Pero bakit naman niya gagawin 'to? Ano ba ang naging kasalanan ko sa kanya?
At kung mayroon man ay sapat ba ang kung anumang nagawa ko para gawin niya sa 'kin 'to?
I was about to shout when the door in front of me opened. Iniluwa no'n ang taong isa sa mga pinagkatiwalaan ko ng ilang taon.
"Dylan," I whispered his name as he stride slowly towards me. "Why?" I asked out when he stopped a few meters away from me.
Kahit anong isip ang gawin ko ay wala kong maalala na rason sa kung bakit ba niya ginagawa ang bagay na 'to.
Ramdam ko ang namumuong pawis sa noo ko. At nahihirapan din akong huminga dahil ni wala man lang bintana o maliit na siwang sa lugar na kinaroroonan ko ngayon.
I flinched the moment his hand touches my skin. I looked away, then repeat my question. "Why are you doing this? May nagawa ba kong masama sa 'yo?" Pilit kong pinatatag ang boses ko.
He heaved a deep sigh as he walked to my side and kneeled his left leg.
"None."
Naguguluhang napatitig ako sa kanya. "Then why? I deserve a damn explanation!"
His jaw clenched as he looked deep into my eyes. "You know what, all of this shit will not happen if Lance didn't interfere in your life in the first place."
Kumunot ang noo ko nang dahil sa sinabi niya. "What do you mean?"
"You want to hear a story?" He chuckled.
Wala sa loob na napatango ako. Malakas ang kutob ko na may kinalaman ang kung ano mang ikukuwento niya sa mga nangyayari ngayon.
Halos hindi ako kumurap habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin.
He looked up as if he is trying to remember something. "Once upon a time, there was a boy who's always the second choice, an option and the second best. All his life he is competing, trying to be the number one and be the best. But still, he always ended up as a shadow. An extra."
Napatungo ako at hindi nakaligtas sa paningin ko ang biglang pagkuyom ng kamao niya. Bakas sa boses niya ang sakit. Hindi ako umimik at hinayaan lang siya na magsalita.
"Then the boy fell in love with this certain girl. The moment his eyes landed on that pretty girl, his world suddenly stops and everything around him muted, that the only thing he can hear is the fast beating of his heart. They were both on their freshman year that time."
Napakurap ako at ramdam ko ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko. Wala naman siyang binabanggit na pangalan pero may ideya na ko sa kung sino ba ang tinutukoy niya.
He paused that made me look at him. He then took a chair and put it in front of me. His eyes held a lot of emotions that I can't put a name as it met mine.
Then he continued. "He was about to make a move. But everything had fucked up. Dahil napansin niya na iisa lang ang babaeng nagugustuhan nila ng pinsan niya. Kaya naman ay ipinagsawalang bahala muna niya ang nararamdaman ng mga panahon na 'yon, dahil iniisip niya na lilipas din naman 'yon. But it didn't. Because, as the day passed by, that unknown emotion inside of him grew bigger."
I bit my lower lip. Halos pigil ko rin ang hininga habang matapang na sinasalubong ang matiim niyang titig.
"Then one day, he was contemplating his thoughts when his cousin told him and promised that he will give way. Dahil do'n ay nadagdagan ang lakas ng loob niya. Akala niya ay ayos na, eh. Planado na niya ang lahat. He planned to confess his feelings to her when they reached their senior year. Pero nagulat na lang siya dahil naunahan na siya ng pinsan niya. He confronted his cousin about that and all that he can say is sorry. How absurd is that?" Mapakla siyang tumawa nang biglang dumilim ang mukha niya at naging matalim ang mga mata.
Napalunok ako. If looks could kill, then I am already buried six feet below the ground.
"Pero hindi lang do'n natapos ang hindi magandang pangyayari sa buhay niya. After he confronted his cousin, he overheard his cousin's parents talking over something that made his world upside down. Pakiramdam niya ay mayroong bomba na biglang sumabog sa harap niya. He found out that he is not actually part of the family. He is fucking adopted! Pagkatapos ilang araw lang magmula ng malaman niya ang tungkol sa bagay na 'yon at lumabas siya mula sa pinapasukang eskuwelahan ay may isang estranghero na biglang lumapit sa kanya. Halos hindi niya maintindihan ang nararamdaman nang magpakilala 'to sa kanya bilang tunay niyang ama."
My jaw dropped. No! It can't be...
"H-He is adopted?" nanginginig ang boses na tanong ko sa kanya.
Tumango siya. "Yeah. His biological father told him that he was kidnapped by the family that he grow up with. 'Yon ay sa kadahilanang gusto umano ng mga 'to na maghiganti sa ama niya, dahil sa pagtulong nito sa isa pang pamilya para makuha ang ari-arian at kumpanya nila. Pinalabas nila na patay na ang bata sa totoong ama nito. But his father later found out that his one and only son is actually kicking and alive."
Hindi ko napigilan ang sunod-sunod na pagpatak ng luha mula sa mga mata ko. I didn't know that. I didn't know that the boy has been through a lot.
Nagtagis ang bagang niya. "He also learned that his father is actually planning something towards that family. He wanted revenge. At dahil sa patong-patong na sama ng loob, pagkabigo at sa kagustuhang maagaw ang babaeng pinakamamahal ay napagdesisyunan niyang makipagtulungan sa ama niya ng hindi nalalaman ng kinamulatan niyang pamilya. Dahil sa kagagawan niya ay mas lalong naghirap ang kinilala niyang pamilya dahil bawat impormasyon na may kinalaman sa mga 'to na kailangan ng ama niya ay naibibigay niya."
He stood up and grinned evilly. Sa isang iglap ay biglang nag-iba ang aura niya at ramdam ko ang pagtaas ng mga balahibo ko dahil sa magkahalong takot, kaba at pagkalito.
"Sa lahat ng naranasan nila ay ibang tao ang inisip nilang may kagagawan no'n sa kanila. Because, you know, there is this other girl, who is crazy in love with his so called cousin." He shook his head.
"Little did they know, that girl is just a front to hide his and his father's charade." He shrugged. "Well, that other girl loves the boy's cousin so much so she agreed on the plan. Ang hindi alam ng other girl, ang lahat ng yaman na mayroon sila ng pamilya niya ay hindi kanila dahil..."
He leaned in closer to me and my breathing hitched when his face is already an inch away from me. "Gusto mo bang malaman kung bakit?" His voice sounded innocent, but I knew better.
"Bakit?" mahina kong tanong bago napalunok.
He lifted my chin and made me look into his eyes. "Dahil lahat ng yaman, ari-arian, at maging ang kumpanya na hawak nila ay hindi talaga sa kanila. Ang lahat ng 'yon ay pagmamay-ari ng pamilyang kinalakihan no'ng lalaking naghihiganti. Nagawa lang naman nilang kamkamin ang lahat dahil sa tulong ng tunay na ama ng lalaking 'yon. Kaya malaki rin ang utang na loob ng pamilya no'ng other girl sa kanila."
He freed my chin, then stood straight as he shoved his hand inside his pocket. "Isn't it an amazing story?"
Ilang minuto ng tapos magkuwento si Dylan, pero nakatanga pa rin ako sa kawalan. Tila paulit-ulit ko pa ring naririnig ang lahat ng sinabi niya at may isang bagay akong napagtanto.
Hindi makapaniwalang tiningala ko siya. "That other girl... she is not the reason why everything bad happened to the boy's cousin, to its family and love one?" mahinang tanong ko sa kanya.
He grinned. "Yeah."
Naikuyom ko ang kamao mula sa pagkakatali nito sa likod ng upuan. "Ibig sabihin ang lalaking 'yon at ang tunay niyang ama ang may kagagawan ng lahat mula pa sa simula?"
"Definitely."
Tumawa ako nang mapakla. "Masaya ka naman ba sa ginawa mo? Naging number one ka ba? Naging the best ka ba? Pinili ka ba ng babaeng mahal mo?"
He was taken aback. "W-What?"
Napailing na lang ako. "Kung hindi ka niya nagawang piliin dati, sa tingin mo ba ay magagawa ka pa niyang piliin ngayon?"
Napatiim bagang siya at nanlilisik ang mga mata niyang tumingin sa 'kin. He took a step closer and gripped both of my shoulders tightly. Bahagya kong napangiwi nang dahil sa sakit na naramdaman.
"You are mine! Understand? Marami na kong hirap na pinagdaanan para lang makuha ka! At hindi ko hahayaan na mabalewala ang lahat ng 'yon! Hindi ko naman sana gagawin ang lahat ng 'yon kung pinaubaya ka na lang ni Lance sa 'kin, eh." Malakas niyang hinampas ang upuan na kinauupuan ko.
"Kahit ikaw na lang sana. Pero hindi, eh! Lahat na lang inangkin niya! Siya ang pinaka sa lahat! Tapos pati ba naman ikaw mapupunta sa kanya? No! I won't let him be happy! Not a chance and not anymore! Damn it!"
Halos matumba ang kinauupuan ko nang padaskol niya kong binitiwan. I look up at him and smirk. Kung kanina ay nababalot ako ng takot, ngayon ay wala kong ibang maramdaman kung hindi galit. At hindi ko hahayaan na makita niyang apektado ako sa mga sinabi niya.
"Now I know why Mr. Saavedra trusted you so much when it comes to his company. That's because you are his son. And that's also the reason why when I offered you a job in our company, you declined." Walang buhay akong tumawa. "Silly me. But no worries, once I get the chance to get out of here, I will make sure that you and your father will pay. Big time."
Dumagundong ang malakas niyang halakhak sa bawat sulok ng silid na kinaroroonan ko. Pinunasan pa niya ang gilid ng mata ng may kumawalang luha mula ro'n nang dahil sa sobrang pagtawa niya.
He took out his phone inside his pocket and dialed something, before he pressed it to his ear. He did all those without breaking our stares.
"Oh. Hi, Dad. Yes, she is now with me." He paused for some seconds. "Yeah. Ready the chopper and then our private plane. We will leave the country tomorrow morning." He paused again before he grinned. "Thanks."
Pinatay na niya ang tawag. Napasinghap naman ako nang dahil sa narinig.
No! I can't leave!
"Ngayon tingnan natin kung magagawa mo pang makatakas. Dahil sisiguraduhin ko na hinding-hindi na kayo magkikita ni Lance at hindi ka na nila mahahanap pa." His voice was so cold. He then turned his back and walked out.
Nang marinig ang pagsara ng pinto ay kumawala ang kanina ko pa pinipigilang mga luha.
"No..." sunod-sunod akong umiling, habang nagpapalinga-linga sa paligid.
"Hindi ako pwedeng umalis. Hindi..."
Napahagulgol na lang ako habang iniisip ang mga susunod na mangyayari. It pained me that I may not have a chance to be with Lance anymore.
Ni hindi ko man lang magagawang humingi ng tawad sa kanya. Ngayon ko lang napagtanto ang lahat ng mga paalala niya tungkol kay Dylan. Ngayon ako nagsisisi na hindi ko siya binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag.
All this time, he did everything to protect me. And all I did was to be mad at him and blame all the fault on him.
Mariin kong ipinikit ang mga mata at piping humiling.
Lord, please help us.
Lance, please save me.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (39)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
speechless
26/06/2025
0ang ganda
05/04/2025
0nice e
03/12/2024
0Tingnan Lahat