Chapter 17

Chapter 17
"Is this really necessary, Ma?"
I looked up at her from the mirror in front of me. Kasalukuyan akong inaayusan ng tinawagan niyang hair stylist, dahil katatapos lang akong lagyan ng make-up ng kaibigan niyang make-up artist.
Nandito ako ngayon sa mansyon dahil mas maigi raw na rito ako ayusan kaysa sa unit ko.
Like, seriously? For all I know it's just a socialite party that I'm attending to! Paniguradong magyayabangan lang ang lahat ng mga dadalo ro'n para ibida ang kanya-kanya nilang negosyo.
Napatayo siya at malapad na ngumiti. "Of course, sweetie. This is your first time to attend such event. Kaya kailangan nating paghandaan maigi."
Hindi na lang ako muling umimik pa. Dahil paniguradong hahaba na naman ang usapan.
Pero sa totoo lang, kahit papaano ay gusto ko rin naman ang kinalabasan ng pag-aayos na ginawa sa 'kin. Habang nakatitig kasi ako sa harap ng salamin, pakiramdam ko ay ibang tao ang nakikita ko mula ro'n.
May mahika ata ang kamay ng mga nag-aasikaso sa 'kin ngayon. Unlike me, wala kong katalent-talent sa pag-aayos sa sarili ko.
Nang matapos na sila sa buhok ko ay iginiya naman ako ni Mama patayo at palapit sa gilid ng kama, bago iniabot ang dress na binili ko no'ng nakaraan. Dahan-dahan ay pinagtulungan namin 'tong isinuot sa 'kin.
Pagkatapos no'n ay inilapag naman niya sa harap ko ang isang pares ng kulay black na stiletto. Sunod naman niyang ibinigay ang maskara na kasabay kong binili ng dress ko. Nang ayos na ang lahat ay tumayo ako sa harap ng full lenght mirror na nandito sa loob ng kwarto para pasadahan ng tingin ang kabuuan ko.
"God! Your stunning, hija!" namamanghang sabi ni Mama. Nakatayo siya ngayon sa likod ko, habang nakatakip ang dalawang kamay sa kanyang bibig.
Hindi agad ako nakaimik dahil kahit ako ay tuluyan ng hindi nakilala ang sarili ko.
Goodness! I am sure as hell that no one will recognize that I am Shane Chrystelle Sandoval, daughter of the CEO of Sandoval's Land Company. Most especially with my mask on.
Well, aside from Dylan of course. Dahil kasama ko siyang bumili ng suot ko ngayon.
I turned around and looked at the woman who made this thing possible.
"Thanks for the help, Ma." I smiled and hugged her.
"No big deal. Basta ikaw, anak." Mahina niyang tinapik-tapik ang likod ko bago kami napahiwalay sa isa't isa.
Sakto namang tumunog ang phone ko na nakalagay sa ibabaw ng tukador. Agad ko 'tong kinuha at ng makita na si Dylan ang tumatawag ay mabilis ko 'tong sinagot.
"Hey."
"Hey. You ready? I'm on my way now. I'll fetch you."
I shook my head. "No need. Dala ko naman ang kotse ko."
"But—"
"No buts. Magkita na lang tayo ro'n. Bye!" Hindi ko na siya hinintay na makapagsalita pa at agad ko ng pinatay ang tawag.
Nakangiting nilingon ko si Mama at tinanguan, bago niya ko iginiya hanggang sa labas ng mansyon.
"I'll go ahead, Ma. Pakisabi na lang po kina Papa at Clark."
"Sige, anak. Mag-iingat ka. Hope you enjoy the party. Which I'm sure you will." She winked and I don't know if it's just me or there was really a glint of mischievousness that crossed her eyes.
I just shrugged the thought away as we gave each other a peck on the cheeks and bid our goodbyes. Pagkatapos ay dumiretso na ko sa nakaparada kong kotse at sumakay, bago mabilis na pinaharurot 'to paalis.
Pero bago pa man ako tuluyang makalayo ay napasulyap ako sa side mirror at napakunot noo na lang ako nang makita si Mama na nakangisi, habang tumatalon-talon pa na parang tuwang-tuwa siya.
"Ano na naman kayang nangyari kay Mama?" I muttered under my breath, then shook my head. "Inaatake na naman ata ng ka-weirduhan."
Natawa na lang ako nang sagutin ko rin ang sariling tanong.
A few minutes later, I already reached my destination and just looking for a space where I can park my car. Medyo natagalan din ako bago nakakita ng bakanteng espasyo nang dahil sa dami ng mga nakaparadang kotse rito.
Nang maayos ko na ang pagkaka-park ng kotse ko ay muli kong sinulyapan ang sarili sa rear mirror. Inayos ko ang pagkakalagay ng maskara ko, bago kinuha ang purse sa passenger seat at tuluyang lumabas. Taas noo akong naglakad patungo sa entrance ng Shance Hotel. Pero bago pa man ako tuluyang makarating do'n ay may biglang humarang sa daraanan ko.
"Hi there, beautiful."
Natawa na lang ako ng bahagya pang yumuko si Dylan. Even with his mask on, just by hearing his voice, I already knew that it's him.
"Hi there, handsome." Nakangiti naman siyang tumabi sa 'kin at iniumang ang kanyang braso. Agad ko namang inihawak ang kamay ko ro'n, bago kami nagpatuloy sa paglalakad.
"Damn, woman. If I didn't know what you are wearing today, I'll never recognize that it's you," he whispered behind my ear. "Your smokin' hot, by the way," he added.
That made me chuckle. "You and your sweet mouth."
"Oh, honey. You have no idea how sweet my mouth is." He smirked and I just rolled my eyes at him.
Umandar na naman ang pagiging mahangin ng lalaking 'to.
As soon as we reached the entrance, a staff asked for our invitations and we gladly obliged.
Then from the moment my feet touched the grand hall, I can't help but to feel awe at the place.
This party is meant for business tycoons and socialites. Kaya hindi na nakakapagtaka na pabonggahan ng suot ang mga nandito.
And for a first timer like me, my outfit is definitely not out of place. Sa totoo lang ay maraming kalalakihan nga ang napapalingon sa direksyon ko, dahilan para ilipat ni Dylan ang braso at mahigpit na ipinalibot sa beywang ko. I can even hear them whisper, wondering who the hell I am.
Oh, well. Bahala sila manghula.
"Shit! I already knew that this thing will happen. Dapat talaga ay hindi kita pinayagang bilhin ang damit na 'yan."
Natawa na lang ako at nailing. "Relax. Hanggang tingin lang naman ang mga 'yan. Wala naman silang ibang magagawa."
As I roamed my eyes all over the place, my eyes caught a familiar pair. Lalo pa at hindi nila suot ang kanya-kanyang maskara nila. Napangisi na lang ako nang makita na parang nagtatalo na naman sila.
"Hey. Doon tayo kina Ralph." Dali-dali kong hinila si Dylan na tila natulala sa nakita habang nakakunot ang noo.
"Wait. What is Ralph doing here? And who is the girl that he's with?"
I gave Dylan a sideway glance and giggled. "Ralph is on a date. With Lance's secretary."
Nanlalaki ang mga mata na nilingon ako ni Dylan. "Lance's secretary? And why is she here anyway?"
I shrugged. "Boss niya si Lance. Sa pagkakaalam ko ay inobliga siya nitong papuntahin at magsama ng date."
Lalong lumalim ang gatla sa noo niya. "Are you close with her?"
"Yes."
Marahan kong tinapik sa balikat si Ralph ng makalapit kami sa kanila. "Hey."
Napatigil sila ni Aileen sa pagbabangayan at parehong gulat na napalingon sa direksyon namin.
"Yes? How can I help you?" kunot noong tanong ni Ralph ng lingunin niya kami.
I rolled my eyes. But I can't help to smirk as well. Kahit ang mismong best friend ko ay hindi man lang ako nakilala.
"Duh. I'm Shane." Iminuwestra ko ang kanang kamay kay Dylan na nakakunot pa rin ang noo. "And this is Dylan. You dumbass."
Nanlaki naman ang mga mata niya. Gano'n din si Aileen.
"Shane? Dylan? Goodness! I didn't recognize the two of you." Napailing siya, habang pinapasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "You looked like a girl best. Hindi ako sanay."
I crossed my arms. "Anong ibig mong sabihin? Na madalas mukha kong lalaki?" Pinandilatan ko siya ng mata.
Humagalpak naman ng tawa ang walanghiya. That caught the attention of others. Pero hindi na lang namin sila pinansin.
"No. It's not that. Hindi lang ako sanay na nakaayos ka ng sobra." Tumayo siya at namulsa, habang may sinusupil na ngiti sa mga labi. "What are the two of you doing here anyway?"
Napasimangot naman ako nang bigla kong maalala kung bakit ako nandito. "Pinapunta ako ni Papa bilang representative ng kumpanya." Tinuro ko naman si Dylan. "Gano'n din siya."
Tinaasan niya ko ng kilay. "At ni hindi mo man lang nabanggit sa 'kin?"
I shrugged. "Well, it's because I want to surprise you."
Napangiti naman siya. "I'm indeed surprised." Lumapit siya at masuyo akong niyakap. "Dito na kayo umupo." He motioned his hand on the vacant chair across their's when he pulled away from the hug.
"Okay." Ipinaghila ko ni Dylan ng upuan at inalalayan ako sa siko.
"Thanks."
"Don't mention it."
Pagkaupo namin ay sakto namang nahagip ng paningin ko si Lance na naglalakad patungo sa podium na nasa gitna ng hall. Kahit nakasuot siya ng maskara ay alam kong siya 'yon nang dahil na rin sa tindig, pangangatawan at ayos ng buhok niya.
Nang makatayo siya sa harap ay nakangiting inilibot niya ang tingin sa paligid.
Then his eyes stopped to my direction and met mine. Agad akong nag-iwas ng tingin nang maalala ang naging pagkikita namin sa restaurant no'ng nakaraang linggo.
Dahil sa pagkabigla ko no'n ay agad na nahalata ko ni Dylan. Kaya nang makita niyang nando'n din sina Lance ay agad niya kong niyaya na umalis para lumipat ng kakainan.
But I insist to stay. Wala naman akong ginagawang masama kaya bakit ako aalis?
The night thankfully went well. Hanggang sa matapos kaming kumain ay ni hindi na ko sumulyap pa sa kanila.
Not when they're complete as a family.
Suddenly, my heart tightened inside my chest. Wala sa loob na napahawak ako sa parteng 'yon ng dibdib ko.
Keep calm, my heart!

Komento sa Aklat (39)

  • avatar
    PascuaMaryjane

    speechless

    26/06/2025

      0
  • avatar
    Belle Singson

    ang ganda

    05/04/2025

      0
  • avatar
    SoteroWhiteangel

    nice e

    03/12/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata