Homepage/A Promise of Forever (A Promise of Love Book 2)/
Chapter 13
Chapter 13
I parked my car, then get my things. Kauuwi ko lang galing sa tripping ng isa ko pang kliyente. And I'm glad that she already like and took the third house that we visited. May benta na naman ako sa wakas.
I was about to step out when my phone rang. I hurriedly took it out of my handbag, then answered it without even looking at the screen.
"Hello?" Tuluyan na kong lumabas at sinara ang pinto ng kotse ko.
"Thank God you finally answered! You have been avoiding my calls and texts since the other day!"
Natigilan ako nang marinig ang pamilyar niyang boses. Saglit kong inilayo sa tainga ko ang phone ko para kumpirmahin na siya nga ang tumawag.
I let out a deep sighed. I'll make sure to check who is the caller next time.
"Ralph."
"Yes, I am. Mabuti naman at kilala mo pa ko," sarkastiko niyang sabi. "Why the hell are you avoiding me, anyway? Mayroon na rin ba kong ginawa sa 'yo na hindi ko alam?"
I rolled my eyes as I made my way inside. "It's not that. Pero wala ka na kasing ibang tinanong kung hindi ano na ba ang nangyari sa 'min ni Dylan at kung bakit hindi ko siya natuloy na kausapin no'ng nakaraan. Na ilang beses ko na rin namang sinagot na sasabihin at kakausapin ko rin naman siya kapag handa na ko."
He didn't respond. I thought he already ended the call, but when I checked the screen again, he's still on the line.
"Hey. You still there?" I asked as I patiently wait for the elevator door to open up.
He sighed. "Yeah. Fine. But please talk to him as soon as you can. Dahil no'ng nakaraan pa niya ko kinukulit para magpatulong na makausap ka o kausapin man lang kita. Isa pa, ngayon ka lang din naman naging ganyan sa kanya. Kaya malamang na hindi talaga 'yon mapakali. So, you better explain to him everything so he can understand." He sounded so frustrated and confused at the same time.
Napaismid na lang ako. Sakto namang bumukas na ang elevator at pumasok ako ro'n saka pinindot ang 10th floor.
If Ralph only knew what I saw. Pero mas pinili ko na wag munang banggitin sa kanya ang nangyari kung bakit hindi ko natuloy na kausapin si Dylan no'ng isang araw.
Because I need to talk to Dylan first before I tell my best friend about that matter. "Of course. Don't worry, I'll talk to him soon. For real this time," I assured him.
"Good. Para matahimik na rin naman ang mundo ko. Ako ang naiipit sa inyong dalawa, eh."
Natawa na lang ako nang dahil sa sinabi niya.
"One more thing. May kasalanan ka pa nga pala sa 'kin. That Aileen girl is irritating the hell out of me. Pumayag na nga kong maging date niya sa kung anumang party na pupuntahan niya. Pagkatapos ay may hiningi pang pabor na para bang close kami. Saan ka naman nakakita ng gano'n?" Iritado ang boses niya at tila anumang oras ay bigla na lang siyang magwawala.
I bit my lower lip to suppress a laugh as soon as the door opened and I started to walk towards my unit. "I'm really interested to know about this favor thingy. But I need to go already. Just tell me once we meet. Bye."
Hindi ko na siya hinintay na makapagsalita pa at agad ko ng pinutol ang tawag dahil paniguradong puro reklamo at pangsisisi lang ang sasabihin niya sa 'kin.
Napailing na lang ako. Now I'm really curious about that favor Aileen asked of him. Maybe I can ask her myself.
Nang marating ko ang tapat ng unit ko ay muli akong napaisip sa kung paano ko ba kakausapin si Dylan, nang bigla na lang akong may narinig na nagsalita mula sa likod ko.
"Chrystelle."
That voice made me stilled. Slowly, I looked behind.
Then there I saw Dylan standing a few meters away from me.
Bahagya pa kong nagulat. Gano'n na ba ko kalutang na hindi ko man lang napansin na nandito siya?
Hindi ako umimik at nanatili lang na nakatitig sa kanya. Then there I noticed that he looked so stressed. His hair is so messy, his eyes were bloodshot and there were dark circles under it as if he doesn't have a good sleep at all.
I wanted to go near him and tell him that everything is now okay. But I stop myself. Because I know that there was still a wall in between the two of us.
"Chrystelle, please talk to me. Tell me what I did wrong for you to act like that and avoid me. God. You're killing me, woman." His voice was pleading that made my heart soften.
A bit.
I sighed. I didn't plan to confront him this way. But maybe now is the right time for the two of us talk. Tutal ay nandito na rin naman siya.
"I saw you with Chloe."
His eyes widened. He opened his mouth maybe to say something, but I immediately cut him off. "The two of you kissed," diretso kong sabi sa kanya at di na nagpaligoy-ligoy pa.
He suddenly looked tense and pale. "Y-You saw us? H-How? I mean... where?" His voice was a little bit shaky.
Pilit kong hinuhuli ng tingin ang mga mata niya. Pero naging mailap ang mga 'to.
"Yes. In front of the condominium building where you live. I was about to talk to you that day. Kaya kita pinuntahan. Then there I saw you with her. Gulong-gulo ako ng mga panahon na 'yon. Lalo na nang makita ko kayong magkasama. That's why I decided to follow you. Pagkatapos ay tumigil kayo sa tapat ng isang apartment. Then there the two of you kissed. So, yeah. I think I have enough reasons to get mad at you." I crossed my arms and looked at him intently.
Napakurap siya. Seconds later, he swallowed, then looked up and ran his fingers through his hair. He looked so frustrated, confused and irritated.
"I have an explanation about that. Can we please get inside first? Then, I'll tell you the whole story."
I just nodded, then opened the door. I felt him followed and he was also the one who shut the door close.
Dumiretso ako sa sofa at naupo. Habang siya naman ay nananatili lang na nakatayo sa harap ko.
"Explain. I'll listen," seryoso kong sabi ng hindi inaalis ang tingin ko sa kanya. Para kasi siyang hindi mapakali.
Hindi ito ang Dylan na kilala ko. He's always composed and confident. Hindi ganito.
Magsasalita na sana siya ng biglang kumunot ang noo niya. "Wait. You are already avoiding me before that incident happened. Ang sabi mo pa nga ay balak mo na kong kausapin no'ng araw na 'yon. What's the first issue then?" naguguluhan niyang tanong.
That hit me. I almost forgot about that thing.
Tumikhim ako at pinagkrus ang mga binti ko. "Actually, that night of the reunion party, I saw you too. A girl kissed you at the parking lot. At nainis ako dahil no'ng tinanong kita kinabukasan kung saan ka nagpunta at kung sino ang kasama mo ay nagsinungaling ka sa 'kin. You know Dylan, maiintindihan ko naman kung may iba ka ng gusto—"
"Hell, no! Wala kong ibang gusto at wala kong ibang magugustuhan kung hindi ikaw lang!"
Halos mapatalon ako sa gulat nang dahil sa lakas ng pagkakasigaw niya. Mukhang nabigla rin siya sa nagawa dahil nanlalaki ang mga mata niyang napatitig sa 'kin.
He sighed and came near me. Pagkatapos ay dahan-dahan siyang umupo para magpantay ang mga mukha namin.
"I am sorry. I didn't mean to shout at you."
Napatango na lang ako dahil hindi pa rin ako makaniwala sa nangyari.
Napabuntong hininga ulit siya, bago ginagap ang kamay ko at tumingin ng diretso sa mga mata ko. Pero pakiramdam ko ay kahit nakatingin na siya ng diretso sa 'kin ay tila may nakatago pa ring ibang emosyon sa likod ng titig niyang 'yon.
"Actually, I was also shocked when Chloe contacted me that night of the party. Ang sabi niya, kung hindi raw ako lalabas para kausapin siya ay manggugulo siya sa party at sasaktan ka niya. At para pigilan mangyari ang bagay na 'yon ay pumayag na lang ako sa gusto niya. You have been through a lot, Chrystelle. Ayoko ng maramdaman mo ulit ang sakit na naranasan mo no'n kapag nagkita kayo ulit."
Malamlam ang mga mata niyang nakatingin sa 'kin. Halata rin sa mukha niya na para bang nahihirapan siya.
"And about what happened last time, I saw Chloe waiting for me outside the building as I made my way out. I asked her what the hell is she doing there, but she just told me that she needs to tell me something important. I was hesitant at first, but then I agreed. Naisip kong wala naman sigurong mawawala kung pakikinggan ko ang anumang sasabihin niya. At baka kasi kapag di ko 'yon ginawa ay ikaw naman ang guluhin niya." He looked up as if he is trying to remember what happened.
"Pero hindi siya pumayag na ro'n na lang kami mag-usap. She insisted to go somewhere else because she have something to show me too. Nagtataka na ko no'n dahil wala naman akong maisip na ideya kung bakit bigla-bigla na lang siyang magpapakita, pagkatapos ay may sasabihin at ipapakita na kung ano pero pumayag na rin ako para matapos na lang ang pangungulit niya sa 'kin. I know her. At alam kong hindi niya ko titigilan hanggang sa hindi ko siya napagbibigyan sa gusto niyang mangyari."
Nanatili akong walang imik. Pilit na pinoproseso ng utak ko ang mg sinabi niya.
"Kaya naman kami napahinto no'n ay dahil may nahulog daw siyang gamit at hindi niya makita. Particularly, a box of ring. So I decided to stop the car to help her find it. Pero sa tingin ko ay nakita ka na niya ng mga panahon na 'yon at sinadya talaga niya ang nangyari dahil napansin ko na nasa kinauupuan lang naman pala niya ang hinahanap niya, na kung tutuusin ay ang dali lang naman makita."
Napakunot noo ako. Sinadya ni Chloe na makita ko sila? But why?
And a box of ring? Does Lance give it to her? Did he just propose to her?
Parang may kung anong kirot akong naramdaman sa puso ko nang dahil sa isipin na 'yon. Oo nga at alam ko na silang dalawa na ang magkasama at mayroon pang anak. At naisip ko na rin ang posibilidad na baka mag-asawa na sila.
Pero ngayon, ibig bang sabihin ay hindi pa sila kasal at papunta pa lang do'n?
Hindi ko alam kung bakit para kong nabuhayan ng loob at nakaramdam ng kasiyahan sa isipin na 'yon.
Natigilan naman ako nang dahil sa naisip. I shouldn't feel it. Damn it!
"Shane, you alright?"
Gulat na napatingin ako kay Dylan.
"Yes. Just go on."
Gusto ko sanang magtanong, pero hinayaan ko na lang siya na magpatuloy.
Huminga muna siya ng malalim bago muling nagsalita. "Habang nasa daan kami ay ilang beses ko rin siyang tinanong kung saan ba talaga kami pupunta at kung ano ba ang sasabihin niya. Pero palagi na lang niyang sinasabi na basta at sundin ko lang daw 'yong direksyon na sinabi niya. I also noticed that she keeps on glancing in the side mirror. Akala ko naman ay wala lang ang ginagawa niya. Pero ngayon ko lang din naisip na siguro ay tinitingnan niya kung nakasunod ka sa 'mi na ginawa mo nga."
I nodded.
"Hanggang sa tumigil kami sa tapat ng isang apartment. Bumaba na kami ro'n at tinanong ko ulit siya kung ano ba talaga ang ginagawa namin sa lugar na 'yon. Pero imbis na sumagot ay nagulat na lang din ako nang bigla na lang niya kong hinalikan! Believe me, I didn't expect that. And if you really saw what happened, you might notice that I didn't even respond to her kiss. Nagulat lang ako sa simula kaya hindi agad ako nakapag-react. But when I finally came back to my senses, I quickly pushed her away."
Nagmamakaawa na ang mga mata niyang nakatingin sa 'kin at mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa mga kamay ko.
But jaw dropped as he slowly kneeled down in front of me.
"Please, Shane. I'm really sorry. Pero maniwala ka sa 'kin. It was all planned by her. Dahil ng makarating na kami sa lugar na 'yon ay sinabi niya sa 'kin na gagawin daw niya ang lahat para magkasira tayong dalawa. Na hindi raw pwede na maging tayo at maging masaya at 'yon naman ang hindi ko maintindihan. Ngayon ko lang na-realize na sinet-up niya ko para magalit ka sa 'kin. Hindi ko talaga alam kung bakit niya ginawa 'yon. But please don't let her ruin the two of us."
Parang may humaplos sa puso ko nang makita ang nagmamakaawa niyang mga mata na nakatunghay sa 'kin. Begging for me to trust and believe in him again.
Nang dahil sa mga nalaman ko ay tuluyan ng nawala ang inis na nararamdaman ko sa kanya nitong mga nakaraang araw.
But I don't know why I still doubt him. Naniniwala naman ako sa mga sinabi niya, pero pakiramdam ko ay parang may hindi pa siya sinasabi sa 'kin. There was still a missing information.
Nasagot nga niya ang mga bagay na gumugulo sa isip ko. Pero ng dahil din sa mga sinabi niya ay mas lalo lang nadagdagan ang mga katanungan ko.
First, why would Chloe do such thing? Because as far as I can remember, it's Lance that she's obsessed with. She already got him and have a child with him. So why bother to come back just not let me and Dylan to be together and happy? Most especially, what would she gain by doing that?
Second, does Lance knew about her doings? Because if they're really together right now, I'm pretty sure that he will not allow her to do such thing. I can just feel it.
Third, how did Chloe know that I was there? I know that it was not just a coincidence when she create a scene and stop right exactly in front of me.
But if she really planned all of it, then I must say that she did that with the help of someone.
Fourth, who was that someone that is helping her? And why are they doing all of this just now? And what for?
Is it Lance? No. It's impossible! But who?
That crazy bitch never fails to make me go nuts!
Humugot ako ng malalim na hininga at dahan-dahang pinakawalan 'yon. Pinisil ko ang kamay niyang nakahawak sa 'kin.
"Okay. You're forgiven. And I'm sorry too." I smiled, then hug him and tap his back.
"Thank you," he whispered.
Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko habang nakayakap ako sa kanya.
I'm really sorry, Dylan. Napatawad na kita pero hindi pa kita lubos na mapagkakatiwalaan sa ngayon.
Dahil malakas ang pakiramdam ko na mayroon ka pang itinatago sa 'kin. Hindi ka naman guguluhin ni Chloe ng walang dahilan at ng dahil lang sa 'kin, eh. At 'yon ang kailangan kong alamin sa lalong madaling panahon.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (39)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
speechless
26/06/2025
0ang ganda
05/04/2025
0nice e
03/12/2024
0Tingnan Lahat