Homepage/A Promise of Forever (A Promise of Love Book 2)/
Chapter 10
Chapter 10
Nagsisimula ng magbulungan ang iba pang mga mamimili sa paligid namin, pero hindi ko na lang sila inintindi. Ngunit nang mapansin kong naglalakad ang isa sa mga staff ng boutique na 'to papalapit sa 'min ay pilit kong pinakalma ang sarili ko.
"Is there anything wrong here, Ma'am?" nakangiti at magalang niyang tanong, bago pinaglipat-lipat ang tingin sa 'ming dalawa.
Chloe looked so hesitant to answer the question. So I just did. "Oh. Nothing. It's just that, I over reacted to what she has told me earlier. Pasensya na sa abala." I forced a smile to convince her.
Napalingon naman siya kay Chloe na para bang kinukumpirma ang sinabi ko. Agad naman 'tong tumango.
"Yes. She's right."
"Okay, Ma'am. If there is any problem, just please let us know."
Tinanguan lang namin siya.
Nang sa wakas ay iwan na kami ng staff ay bahagya kong napaatras nang makita ko ang akmang paglapit sa 'kin ni Chloe. Sa isang iglap ay tila tinangay ng hangin ang inipon kong pagtitimpi kanina.
"Don't you dare go near me. Dahil paniguradong hindi mo magugustuhan kapag gumawa ako ng mas malaking eksena." I glared at her.
Agad naman niya kong sinunod, kaya napataas na lang ang kilay ko. Walang bahid ng pagmamataas o pagmamatapang ang mukha niya. Sa totoo lang ay napakaamo ng mukha niya ngayon, na kung hindi mo lang talaga siya lubos na kilala ay paniguradong malilinlang ka.
"Shane, please, let's talk. I have to tell you something important," she pleaded.
Natigilan ako at napaisip. A part of me wants to listen to what she is going to say. But I was hesitating at the same time, because I know that there is a possibility that she'll just feed me with her lies.
"What if I didn't want to? Alam mo Chloe, kung anuman ang nangyari sa nakaraan tapos na 'yon, eh. Hindi na maibabalik ng kung anumang sasabihin mo ang mga nawala at lalong hindi na no'n magagawa pang ibalik sa rati ang lahat. Masyadong malaki ang sira na naidulot mo, na inabot pa ng ilang taon bago 'yon unti-unting naayos. So please, tahimik at masaya na ang buhay ko ngayon. Wag mo naman na sanang paguluhin pa ulit."
I didn't wait for her response and turned my back immediately. Ramdam ko na sumunod si Aileen sa 'kin na kanina pa tahimik na nagmamasid at alam kong naguguluhan sa mga nangyayari.
I was walking mindlessly when I felt something or should I say someone bumped on me. That made me stop.
Napaluhod ako at agad na dinaluhan ang batang nabangga ko na ngayon ay nakaupo na sa sahig.
"Oh! I'm so sorry little boy. Nasaktan ka ba?" Aalalayan ko na sana siyang tumayo nang mapansin kong napatingin siya sa bandang likod ko.
"Mommy!" malakas niyang sigaw na halos magpabingi sa 'kin.
But it's not because of his loud voice. But because of that one word that came out of his mouth.
It made me still on my spot. Hindi ko pa man din nakikita kung sino ang tinawag niya ay alam kong si Chloe 'yon dahil sa biglang pagtambol ng puso ko.
Namalayan ko na lang na nagmamadali siyang lumampas sa pwesto ko at agad na niyakap ang batang nasa harap ko.
"You okay, Drake?" Marahan namang tumango ang bata sa kanya.
"Yes, Mommy. I'm a big boy now so there's nothing for you to worry about." Iniangat pa niya ang kanang braso para ipakita kunwari ang muscle niya. "See, Mommy." He pouted and I found it so adorable.
Parang may humaplos sa puso ko habang hindi pa rin naaalis ang tingin ko sa inosenteng bata na kaharap ko ngayon.
He looked at me, then to Aileen whose in a state of shock right now. "Tita Aileen!" he called her out. Agad siyang lumapit kay Aileen at yumakap sa beywang nito.
Napangiti ako nang mapait. Oo nga naman. Aileen is Lance's secretary. Of course she knew his family. Kaya hindi ko siya masisisi kung bakit naguguluhan siya sa nasaksihan niya kanina.
But that made me wonder, bakit wala man lang siyang ginawa? I mean, I am fighting her boss' wife, but why did she go after me and stayed on my side instead?
"Mommy! I'm hungry na. Let's eat already."
Napakurap ako at napatingin muli sa inosenteng bata na nasa harap ko ngayon nang marinig ang matinis niyang boses. Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko, pero pilit na pinipigilan ko ang tuluyang pagtulo nito.
Before Chloe could even react, a familiar voice filled my ears.
"Thank God you're there, Drake! I was looking— S-Shane?"
Hindi ko na kailangan pang tumingala para malaman kung sino ang bagong dating. Dahil marinig ko pa lang ang boses niya ay alam ko na agad na siya 'yon. Sa paglipas ng maraming taon ay nananatili pa ring pamilyar sa pandinig ko ang boses na 'yon.
Dali-dali akong tumayo mula sa pagkakaluhod at wala sa sariling tumakbo paalis. Hindi ko na pinansin ang sabay-sabay nilang pagtawag at ang nakakaawang tingin ng bawat makakasalubong ko sa 'kin. All I want right now is to escape. To get away from them.
Hindi ko alam kung paano ko pa nagawang makarating sa condo na tinutuluyan ko ng ligtas. Medyo nanginginig kasi ang mga kamay ko kanina habang nagmamaneho.
Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa unit ko ay agad akong dumiretso sa kwarto at pasalampak na humiga sa kama. Doon na tuluyang bumagsak ang mga luha na kanina ko pa pilit na pinipigilan.
Nang makita ko ang anak nila kanina ay halo-halo ang naramdaman kong emosyon.
Galit. Inggit. Pangungulila.
Galit. Kung hindi kasi dahil sa batang 'yon ay hindi aalis si Lance at pipiliing sumama sa kanila.
Inggit. Dahil kumpleto at masasabi kong isa silang larawan ng masayang pamilya. Na dapat sana ay ako ang nagtatamasa. Na dapat sana ay ako ang nasa lugar ni Chloe.
Pangungulila. Dahil bigla kong naalala ang anak ko. Ang anak sana namin. Kung nabuhay lang sana siya ay paniguradong pareho lang ang edad nila at gano'n na siya kalaki. Mayroon din sanang tumatawag sa 'kin ng 'Mommy'.
Higit sa lahat, kung hindi naman dahil kay Chloe ay sana buo kami. Sana ay hindi na kinailangan pang may mawala. Mas masaya sana ko ngayon. Masaya sana kami ng naging pamilya ko ngayon. Sana ay hindi napuno ng galit ang puso ko. Sana ay hindi ako nahihirapan magtiwala hanggang ngayon.
So there's no way that I can forgive her. Them. Never will I.
Nagpatuloy lang sa paglandas ang mga luha ko habang nakapikit at mahigpit na nakayakap sa unan ko. Na para bang ang anak ko ang niyayakap ko.
Hanggang sa unti-unti ko ng naramdaman ang pagod at tuluyan akong nakatulog.
-----
Lance's POV
"What's the matter, Mom and Dad? Whose that girl in the mall a while ago? Did you know her? Is she your friend?" sunod-sunod na tanong ni Drake habang busy siya sa paglalaro ng kanyang tablet sa backseat.
Nagkatinginan kami ni Chloe.
"I'll explain," I mouthed at her and she just nodded.
"Yes. We know her. Because she used to be our classmate way back high school," pagsagot ko sa tanong niya para matigil na. Kanina pa kasi niya kami kinukulit at sa totoo lang ay ayaw na nga sana namin pang pag-usapan ni Chloe si Shane habang nandiyan si Drake.
Though we do really need to talk. Kanina ko pa siya gustong tanungin pero pinigilan ko lang ang sarili ko. I don't want Drake to be involved with this. Kahit alam kong hindi na maiiwasan pa 'yon. He's a brilliant child, but still he's too young to understand the answers to his questions.
"Oh. Okay."
I sighed in relief when he finally stops throwing us questions.
Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa apartment na tinutuluyan nila. Pagkahinto ko pa lang ng sasakyan sa tapat nito ay mabilis na humalik sa pisngi ko si Drake.
"Bye, Dad," inaantok niyang sabi bago mabilis na bumaba ng kotse.
Napailing at napangiti na lang ako.
"Hey Drake, watch out. Be careful honey," tatawa-tawang saway ni Chloe sa kanya.
Nginitian lang siya ni Drake bago 'to humikab at dali-daling sinalubong ng katulong nila pagkapasok sa apartment.
Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko ay unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi ko at seryosong humarap kay Chloe. "We need to talk."
She sighed heavily. "Yeah. I know."
My jaw clenched. "Sinabihan na kitang mag-ingat na wag niyang makita, 'di ba?" Napahigpit ang hawak ko sa manibela.
Nilingon niya ko. "Sorry. Hindi naman sadya ang naging pagkikita namin kanina. Believe me, I was shocked too."
I blew a loud breath. "Fine. Nangyari na, eh. But did you tell her?" seryoso kong tanong sa kanya.
Direkta kong nakatingin sa kanyang mga mata habang naghihintay ng sagot niya. Mas humigpit din ang pagkakahawak ko sa manibela. Because if she already did, I need to explain Shane everything as soon as possible.
But I'm still hoping that Chloe managed to shut her mouth. Just like what I told her.
She bit her lower lip and bowed her head. It seems like she's contemplating her thoughts. "Actually, not yet. I was about to tell her, but she doesn't want to listen."
Malalim akong napabuntong hininga at do'n ko lang napansin na halos pigil pala ang paghinga ko kanina. "Mabuti naman kung gano'n. Sa susunod ay wag mo ng tangkain na kausapin pa siya tungkol sa bagay na 'yon. Leave it all to me. Ako na ang bahalang magsabi sa kanya ng mga dapat niyang malaman. At hindi pa rin naman ngayon ang tamang pagkakataon para sa bagay na 'yon," walang buhay kong sabi sa kanya.
"I'm so sorry, Lance. I just wanted to help. Isa pa ay malaki rin naman ang kinalaman ko sa bagay na 'yon. Kasalanan ko kung anuman ang nangyari sa inyo. Kaya gusto ko rin sanang makagawa ng paraan para maging okay na kayong dalawa. Kahit do'n man lang ay makabawi ako sa mga nagawa kong pagkakamali." Her voice is a little bit shaky and it looks like she's about to cry any moment.
"I know. Pero hayaan mong ako ang gumawa ng paraan. Mas gusto kong sa 'kin niya mismo malaman ang lahat."
She nodded. "Thank you, Lance. Dahil sa kabila ng lahat ng mga ginawa ko sa inyong dalawa ay nanatili ka pa rin sa tabi ko. Sa tabi namin ni Drake."
Napaiwas ako ng tingin. "It's nothing.
I'm actually doing this for Drake's sake. I cared for him, Chloe."
"I know and I'm really thankful because you do care for him." I heard she sighed. "Pasok na ko. Ingat ka sa pagmamaneho."
Hindi na ko umimik pa. Ang sunod ko na lang na narinig ay ang pagbukas at pagsara ng pinto.
With that, I started the engine of my car and drove off.
Tumigil ako sa condo na tinutuluyan ko. Pagka-park ko ng kotse ko ay mabilis akong lumabas at naglakad papasok sa mataas na building.
Nang mapahinto ako sa tapat ng unit ko ay bigla kong napatingin sa katabing pintuan. I looked over the whole area and when I noticed that no one is around, I walked towards it and slid my spare key at the door knob. I should be thankful to the one who gave this to me.
Dahan-dahan ko 'tong pinihit pabukas at sinara nang makapasok. Nagsimula na kong maglakad ng tahimik at unang bumungad sa 'king paningin ang sala.
But she's not there.
At a slow pace, I stride towards the kitchen area. But there's no still sign of her.
Napatingin ako sa pinto ng kwarto niya na bahagyang nakaawang. She must be there. Kaya naman ay dahan-dahan akong lumapit dito at tahimik na tinulak pabukas ang pinto.
Then there I saw her. She's sleeping so peacefully while hugging a pillow. I know that what I'm doing is too risky. But I'm willing to take all the risk just to see and be near her.
Nagsimula kong humakbang palapit sa kanya. Nang makalapit ay bahagya kong lumuhod sa gilid ng kama at inipit sa likod ng tainga niya ang mangilan-ngilan niyang buhok na tumatabing sa kanyang napakagandang mukha.
God. I really missed this woman. I missed everything about her.
Nang matitigan ko siya ng husto ay gusto kong suntukin ang sarili ko nang mapansin na tila galing siya sa pag-iyak.
It's been years and I'm still hurting her. And I hate myself for being so useless.
I know that she's still mad at me as well, but I will do everything just to get her back. Alam kong nasasaktan siya sa tuwing nakikita ako, pero kailangan kong gawin 'yon at siguraduhin na walang ibang lalaki ang makakapasok sa puso niya.
Most especially Dylan.
I leaned in and planted a soft and gentle kiss on her forehead.
"Kaunting panahon na lang, Shane. Kaunting panahon na lang at magkakasama at magiging masaya na tayo ulit. Just give me one more chance for me to finally fulfill all of my promises to you," I whispered, then left.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (39)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
speechless
26/06/2025
0ang ganda
05/04/2025
0nice e
03/12/2024
0Tingnan Lahat