Homepage/Can't Get Over With It/
CHAPTER 26
Chapter 26
“ANO NA NAMAN ba itong, Chandria?” Tanong ni Denver.
Nginisian ko ito. “Sumabay ka na lang. Ngayong pinapayagan kitang makialam pipigalan mo ko?” Sabi ko rito.
Kinuha nito ang envelope na naglalaman ng misyon na gagawin namin. Nakangisi lamang ako habang si Denver ay tinitignan ang laman ng envelope.
“Bakit ka may ganito, Chandria Santilles?!” Sigaw ni Denver ang nangingibabaw sa loob ng kotse.
Alam ko naman na ganito ang magiging reaksyon niya pero no choice na siya. Nandiyan na yan eh hindi na pwedeng ibalik.
“What? I want a more exciting training ground. Tsaka next week pa naman iyan.” Balewala kong sabi.
Suminghap ito at napahilamos sa mukha."Chandria! Ano bang pumapasok sa isip mo?! Hindi ka ba nag iisip?" Frustrated na ang mukha niya at hindi ko alam kung matutuwa ako o maaawa.
“Hindi ka nabuhay ulit para lang gawin mo yan! Isipin mo ang isinakripisyo ng magulang mo para sa buhay mo!” Nawala ang ngisi ko dahil sa sinabi niya.
Mabilis kong dinamba ito kahit na nasa likod ako. Sinamaan ko ito ng tingin at inilapit ang mukha sa kanya.
“Wag na wag mong babanggitin ang magulang ko. Dahil hindi ako ang may kasalanan! Sila! Ang sindikatong hinuhuli niyo! Ginawa kayo para makahuli ng kriminal at sindikato pero hindi niyo nagawang iligtas kami pareho?” Nanggagalaiting sabi ko rito.
Nakita kong mabilis na nag iba ang ekspresyon niya dahil sa sinabi ko. Kung kanina ay puro inis lang ang nasa mukha niya ngayon ay puro kalungkutan at pagsisisi. Natigilan ako saglit dahil sa ipinakita niyang ekspresyon pero hindi ako nagpatinag at ilang minuto pa siyang tinitigan ng masama.
Umalis na ako sa pagkakadagan sa kanya nang marinig ko ang tikhim ni Licorice na nasa tabi lamang namin.
“Drive now. We will start again my training today at shooting ground.” Malamig kong sabi.
Habang pauwi ay hindi ko maiwasang isipin ang mga sinabi ni Licorice at Denver. Hindi pa ako handang makinig sa mga paliwanag niya dahil sobrang gulo pa rin ng isip ko. Sa sinabi naman ni Denver ay alam kong may isinakripisyo ang mga magulang ko pero ayoko sa ginawa nilang pagsasakripisyo. Hindi nila kailangang mamatay pero pinatay sila ng mga sindikatong iyon kaya nararapat lamang na mamatay din ang puno’t dulo ng trahedyang iyon.
Oo, minsan naiisip ko na wag ng gawin ang planong nasa isip ko pero mas nangingibabaw sakin ang skait at galit sa taong pumatay sa magulang ko. Hindi sapat na ilagay lang siya sa kulungan dahil mas nararapat ang unti unti niyang maramdaman na mamamatay na siya. Ayokong diretsong patayin siya dahil mas maigi kung unti unti niyang maramdaman kung paano mamatay tulad ng ginaw aniya sa mga magulang ko.
I want to play fair, but they don’t accept fair consequences. That’s why I’m here playing games with those syndicates. Hindi ko kailangan makipaglaro ng patas dahil kung hindi nila kayang gawin skain yun. Bakit ko sila bibigyan ng patas na laro kung sila ay hindi rin naman patas?
Nawaksi ang mga iniisp ko nang tumigil ang sasakyan sa harap ng bahay namin. Mabilis kong binuksan ang pinto saka pumasok sa loob ng walang lingon lingon.
Pumunta ako ng kwarto saka nagpalit ng damit na pang training ulit. Ituturo sakin ngayon ang pagbaril kahit naman marunong na ako ay kailangan ko pa ng mas magandang training at alam ko sa sarili ko na kailangan ko talaga nito lalo pa at may misyon gagawin next week.
“On to the shooting ground. Follow me.” Malamig na sabi ko.
“Hindi ka pwedeng humawak ng baril sa ganyang lagay mo, Chandria.” Sabi ni Denver.
“What do you think of me? Hindi nakakahawak ng baril? Hindi ako ignorante sa lahat ng bagay kaya huwag mo kong turuan lalo na at puro kasinungalingan iyang lumalabas sa bibig mo.” Sabi ko saka binuksan ang pinto papunta sa kwarto ng mga magulang ko.
I just discovered that there is an underground training course below this house when I opened the flash drive that I had when I opened the vault. Noong una ay nag aalalangan pa kong buksan ang flash drive pero dahil kailangan ko ng impormasyon ay nagawa kong buksan at nandoon nga ang mga impormasyon tungkol sa mga mission nila noon.
Maiyak iyak pa ako habang binabasa ang mga mission reports nila dahil hindi ko alam na ganun pala ang ginagawa nila.
“Saan mo to nalaman, Chandria?” Tanong ni Denver. Alam komg alam niya kung saan kami pupunta ngayon dahil ganoon din siguro sa bahay nila.
“Somewhere that you don’t know.”
He scowled at my answer and didn’t bother to ask me again.
I pressed something on the bookshelf. Mabilis na bumukas ito at doon ay makikita ang hagdan pababa pa sa isang pintuan na matatanaw lamang mula rito sa itaas. I’ve been training by myself every night ever since na nalaman ko na may ganitong training ground sa bahay.
I assembled the guns like a pro when we get here on the training ground. Sila naman ay nakatingin lang sa paligid.
“Did you already used this Chandria without us?” Tanong ni Denver habang nakatingin sa isang dummy na may shooting target sa dibdib nito.
“Yeah.” Tamad na sabi ko.
“Talaga bang nag iisip ka, Chandria?!” Sabi nito sakin.
“Kapag ba tinutok ko sayo tong hawak kong baril dahil napaka ingay mo, nag iisip na ba ako nun?” Nakangisi kong sabi rito.
Napapailing na lang siya sakin habang nanlalaki ang mata niyang nakatingin sakin. Doon ay nakita ko na naman ang mga ayaw kong makita sa mga mata niya habang nakatingin sakin. Parang gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko dahil sa sakit at pait na nakikita ko sa mga mata niya.
“Hindi na kita kilala, Chandria. Hindi na ikaw yung babaeng- wala na siya sayo. Hindi ikaw yan.” Naiiling na sabi nito sakin saka lumabas ng silid.
Mapait na napangiti ako. “Hindi ko rin naman na kilala ang sarili ko.” Bulong ko sa sarili ko.
Nakatitig lang ako sa kawalan habang malayo ang iniisip nang may nagharang ng isang puting tela sa harapan ko.
“Punasan mo yan dahil sa kanya ko lang gagawin yon. Kaya gawin mong mag isa yan.” Sabi ni Licorice habang hindi nakatingin sakin kahit na inaabot sakin ang panyo.
Napatawa na lang ako sa ginawa niya. Kinuha ko ang panyo at pinunasan ko ang luha kong hindi ko namamalayan na umaagos na pala.
Pilit kong pinapakalma ang sarilli ngunit hindi ko magawa. Mukhang napansin rin iyon ni Licorice dahil sa pagbuntong hininga niya.
“Next week ka na lang mag training sa guns dahil kung ganyan ang kalagayan mo hindi mo magagawa ng maayos ang training mo.” Sabi nito saka niya ako hinila paakyat.
Nang makarating kami sa harap ng kwarto ko ay hinawakan niya ako sa balikat at pinakatitigan.
“Relax yourself and your mind. You need a break. That’s the only thing that I can advise to you. Wag mong gayahin ang mga ginawa ko sa nakaraan na pinag sisisihan ko hanggang ngayon.” He said and patted my head before he walks to his room.
Pumasok ako sa kwarto at nagbabad sa bath tub. Tama siya. I need a break from all the things that happened these past weeks. Masyado kong pinapairal ang galit ko at hindi ko na naiisip kung sino ang maaapektuhan nito.
Napabuntong hininga ako nang maisip ko ang okasyon bukas. Pasko. Sa nagdaang taon palagi akong nasa ibang bansa. Ang natira ko namang taon sa pag aaral ay online na dahil marami akong kailangan gawin tulad na lang ng pamamahala sa company na iniwan sakin ng mga magulang ko.
Nang maghapunan ay walang nagsasalita sa hapag kainan. Hindi tulad dati na kinukulit ako lagi ni Denver at Licorice naman ay nangingiti at napapailing na lang kapag nagbabarahan kami o nagsasagutan. Maayos naman na ang pakikitungo ko kay Denver pero may pader pa ring nakalagay sa pagitan namin.
Nagdaan ang hapunan na walang nagsasalita samin hanggang sa kinaumagahan ay magsalita si Denver habang nag aalmusal kami.
“Mom, invited both of you to the house to celebrate Christmas.” He said. I just nodded to acknowledge his invitation.
Kilala na rin nila Tita si Licorice nang magpunta sila ni Tito dito nang mag tatlong araw na siya dito at nagustuhan nila si Licorice dahil mabait ito at magalang kung minsan ay malambing rin at nakikipagkulitan sa kanila. Hindi ko nga aakalain na ganoon siya sa ibang tao dahil kahit samin ay hindi niya pinapakita ang ganoong anyo niya.
Nang matapos ang agahan ay nagpunta ako mag isa sa training room dahil si Licorice ay may pupuntahan siya at alam ko naman na kung sino ang pupuntahan niya.
Habang nagsusuot ako ng gloves ay biglang nagbukas ang pinto at iniluwa noon si Denver na may kausap sa telepono na agad naman niya akong nakita kaya mabilis na lumabas ulit siya. Napabuntong hininga na lang ako saka ipinagpatuloy ang pagsusuot ng boxing gloves.
Tinapik tapik ko ang punching bag saka ako nagsimulang suntukin ito. Suntok lamang ako ng suntok hanggang sa napapapaiyak na lang ako sa di malamang dahilan.
“Suko ka na?!” Sabi ko sabay suntok ng malakas sa punching bag.
“Bakit?! Dahil hindi mo na ako kilala?! Pwes ako rin! Suko na ako sa sarili ko.” sabi ko saka sinuntok pa ng isang beses ang punching bag na nanghihina.
Nanghihinang napaupo na lamang ako saka humagugol. Malakas ang loob kong magwala rito dahil alam klong walang makakakita sakin at walang makakarinig sakin.
Hindi ko na alam ang gagawin ko sa sarili ko. Bakit kailangan ko pang maging ganito? Hindi maganda na ganito ako para sa planong binuo ko. Pero anong maggawa ko kung ganito ako? Mahina. Nagtatatgo sa galit at maskara upang hindi makita ang kahinaan ko.
Nandoon lamang ako maghapon. Kumatok ang isang kasambahay para pakainin ako ng tanghalian pero hindi ko ito pinansin dahil alam kong makakasabay ko mag isa si Denver.
Sumapit ang Christmas eve at nakarating na kaming tatlo sa bahay nila Tita Dani. Wala pa rin ako sa huwisyo pero pinilit kong ipakita na okay lang ako.
“Oh. Chandria nandito na pala kayo. Halina kayo sa living room andun ang Tito mo kasama si Jace.” Napangiti naman ako nang marinig ko ang pangalan ni Jace kaya dali dali akong nagpunta sa living room at doon nakita ko si Jace na humahagikhik na nilalaro ni Tito.
Napatingin naman ito sakin kaya mabilis na bumaba sa couch ito at tumakbo sakin.
“Tita! Namiss po kita!” Sabi nito skain saka ako pinugpog ng halik sa mukha.
“Buti pa si Jace nakakahalik na Denver. Ikaw ba?” Rinig kong sabi ni Licorice sa likod ko.
“Kung alam mo lang.” Makahulugang sbabi nito kaya namumula ang mukha kong nakangiwi sa batang karga ko.
Naging masaya ako habang nag cecelebrate ng pasko dahil kay Jace ay nawala sa isip ko ang mga problema na dapat iniisip ko. Ngunit nang matapos ang celebration ay natulog na Jace dahil bata pa siya. Si Jace ay anak ni Kuya Jackson ang Kuya ni Denver.
Nakahiga ako sa kama ng isa sa mga guest room nila. Nagpaalam akong matutulog na ngunit hindi ko man lang magawang ipikit ang mga mata ko dahil sa sobrang gulo ng isip ko.
Napabuntong hininga ako at napagpasyahang magpunta sa puntod nila mama at papa. I need them right now. Nang makababa ako ay rinig ko ang mga tawanan ng kalalakihan na nag iinuman sa garden sa malapit sa pool.
Hindi ko aakalain na may makakasulubong pa ako pababa at si Kuya Jackson pa.
“Saan ka pupunta, Chandria?” Tanong sakin ni Kuya Jackson.
“Ah may pupuntahan lang ako. Saglit lang naman.” Sabi ko habang hindi tumitingin sa mga mata niya. Napansin kong nakakunot ang noo nito sakin.
“It’s okay, kahit hindi mo sabihin sakin basta mag iingat ka ha?” Sabi nito habang nakangiti sakin. Tumango lamang ako rito dahil sa gulat na nalaman niya pang nagsisinungaling pa ako. Tinapik ako nito sa balikat bago siya tuluyang umakyat.
Ako naman ay nagpatuloy kung saan ako pupunta.
“Tama pa ba tong ginagawa ko, ma? Nasasaktan na yung mga taong nakapaligid sakin. Lalo na siya. Wala naman siyang ginawa kundi intindihin ako pero ginaganon ko lang siya. Pinagsasalitaan ko ng kung ano ano. Tama pa ba ‘to, ma?” umiiyak na sabi ko sa harap ng puntod nila mama at papa.
“Bakit naman kasi ang aga niyong umalis? Dapat sinama niyo na lang ako. Dapat hindi niyo ko hinayaan na mag isa rito kasi mababaliw ako kapag ganito. Hindi ko na alam ang gagawin ko. May plano na ako para sa mga sindikatong pumatay sa inyo pero sa tuwing nakikita ko yung mga sakit at pagsisisi sa mga mata ni Clark parang gusto ko ng huwag tumuloy sa mga plano ko, lalo na kapag napagsasalitaan ko siya. Ma, bigyan niyo naman ako ng sign. Kung itutuloy ko pa tong plano ko o ang mahalin ko na lang si Clark at wag ng isipin ang mga sindikatong pumatay sa inyo? Nababaliw na ako kakaisip kung anong gagaiwn ko.” Iyak lamang ako nang iyak sa harap ng puntod nila mama at papa hanggang sa makaramdam ako ng mga bisig na yumayakap sakin kaya mas lalo akong napaiyak dahil isang tao lamang kayag pabilisin ang tibok ng puso ko kahit na wala pa man siyang ginagawa.
-End Of Chapter-I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (93)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
highly recommend!! ♡
21/04/2022
0igif uu pl
20/07
0rThank you for taking the time to read my novel. This story was written with a lot of effort, imagination, and heart. Every chapter carries a piece of my thoughts and creativity, and I’m grateful that you chose to be part of this journey. I hope this novel makes you smile, feel inspired, and connect with the characters in some way. Whether you’re here for the adventure, the emotions, or simply to pass the time, I hope the story leaves a meaningful memory in your heart. Remember that life, just l
14/06
0Tingnan Lahat